webnovel

CHAPTER 4

——(THIRD PERSON'S POV)——

Nasa lapag na si Azul at pilit na natutulog, ngunit hindi ito makatulog buhat ng hindi malamang dahilan kaya napagpasyahan nitong lumabas na muna at magmunimuni upang madapuan ito ng antok.

Habang papalabas ay may naaaninag itong Isang pamilyar na babae sa labas, dahil sa mumunting liwanag ng buwan ay nakita nito kong sino ang babaeng nakatayo at nakaharap sa kanya.

"S-..."

Hindi maibigkas ng maayos ng babae ang pangalan ng babaeng nasa harapan nito dahil sa gulat. Malawak ang ngiti ng babae habang kumakaway kay Azul.

"S-s-sela-ra." Nahihirapan at utal na sambit ni Azul at unti-unti nanga itong nilamon ng luha, dahil sa ang kaibigan nitong namayapa ay nasa harap na nito mismo at nakangiti pa.

Umiiyak na naglakad si Azul papalapit sa babae ngunit akmang makalapit na ito sa babae ay...

May mga brasong humila sa kamay nito.

"What are you doing?." Mahinang bulong ng taong humila sa kanya, kaya napa-angat ito ng tingin at nakitang, si Kennyth ito ang kaibigan niya. Nang maalalang nandito si Selara ay biglang lumawak ang ngiti nito.

"Kennyth si S-selara nandito! Buhay siya!." Nakangiting sambit ni Azul sabay turo sa likuran nito, ngunit napakunot nanaman ang noo nito sa pagtataka, kaya nagtaka rin si Azul sa inasta nito, kaya lumingon ito muli sa likoran at napansing napakatahimik ng lugar ni bakas ng kaibigan ay wala, kaya nawindang ito sa takot.

"N-nandito l-lang si Selara ah, kumakaway panga sa akin!." Nanginginig na paliwanag nito sa binata.

"I see, you're just hallucinating things, come to your sense's Azul, dead can't be alive again,! What you saw is not real!." Mahabang sambit ng binata sabay yugyog sa dalaga.

"W-what? But I am telling the truth!. I saw her." Pagpupumilit nitong sambit.

"Whatever you saw is not real!. I think you just saw a doupleganger, or what!." Sambit nito.

"Azul you should sleep now! Lumabas lamang ako nang mapansing lumabas ka kaya sinundan kita, dahil baka may mangyaring hindi maganda sayo lalo't gabi na, so please magpahinga kana." Mahabang saad ng binata at nauna ng maglakad papasuk sa bahay.

Ngunit parang nabingi lamang si Azul, at walang maintindihan sa sinabi ng binata dahil sa gulat at pagkabalisa, totoong nakita talaga nito ang kaibigan kanina, ngunit may punto rin ang binata na baka Doupleganger lamang ito, na nagbabalat-kayo upang paglaroan ito. Nababaliw na ito sa mga nangyayari.

Nang makapasok na ang binata sa bahay ay sumunod na rin ito habang lutang parin ang utak sa mga nangyayaring kababalaghan.

Pag-pasok ay napagpasyahan na nitong matulog dahil nakaramdam na ito ng antok.

——(MORNING)——

Isa-isang nagising ang apat, at kanya-kanya ring ligpit ng pinagtutulogan.

"Maghahanap lang ako ng panggatong!." Paalam ni Warren, tinanguan naman ng tatlo. Nang maka-alis na ang binata ay hinanda na nila ang iilang noodles na dala-dala nila, at naghintay sa binata upang makapagluto na.

(FAST FORWARD)

Natapos na silang kumain kaya napagdesisyonan nilang galugarin ang buong kabahayan, at nagbabakasakaling may makitang mapapakinabangan.

Habang palakad-lakad at palinga-linga sa paligid ay pinapasok nila ang iilang bahay na nadadaanan ngunit walang natagpuang mga magagamit na bagay, pwera nalang sa mga sira-sirang gamit pang kusina.

Habang naglalakad ay napunta sila sa isa sa pinakamalaking bahay rito, o ang pinakamalaki sa lahat, kahit na malaki ito ay napakaluma narin nito tingnan at sira-sira na ang dingding maging ang pinto ay wasak narin.

Napagpasyahan ng apat na pasokin ang bahay na ito, nang makapasok ay madumi at may iilang baging sa paligid ang bumongad sa kanila. Nililibot nila ang bawat sulok ng naturang bahay hanggang sa umabot sila sa pinakahuling pinto, nang akmang bubuksan ito ni Warren ay tila'y nakasarado ito sa loob.

"Lock ata to ah!." Anas ng binata at pilit binubuksan ito. Bigla namang sinipa ng kilakas-lakas ng isa pang binata ang pinto kaya nasira ito agad.

"Grabe ka bro!, muntik muna akong matamaan roon ah." Reklamo naman ni Warren habang nakasimangot, ngunit hindi ito pinansin ng binata at pumasok na sa loob, ganon rin ang ginawa ng iba pa.

Pag-pasok nila sa loob ay isang napakalansang amoy ang kumiliti sa kanilang ilong, napakabaho.

"What the! Bakit apakabaho rito!." Anas ni Ashlire habang tinatakpan ang ilong nito ganon rin ang ginawa ng iba.

Nilapitan naman ni Kennyth ang kamang nasa harap nila at napansing tila'y basa ito. Ng hawakan niya ang maitim na likido sa kama ay napakalagkit nito at napakalansa parang isang pinaghalong dugo ng tao at hayop, napakasakit sa ilong ang baho.

"This is a blood! I'm sure of it." Anas naman ng binatang si Kennyth habang pinahid nito ang kamay na may likido sa pader malapit sa kama. Habang nandidiri naman ang tatlo.

"Yuckk, bakit may ganyan rito!!." Nandidiring anas ni Ashlire at napa-atras sa baho.

"It's weird! This village is long been abandoned, pero bakit basa parin ang dugong ito?." Nagtatakang anas naman ni Azul. Napatango naman ang tatlo sa pagtataka, tama siya bakit malagkit parin ang dugo?.

"Yeah, napakaweird talaga, don't tell me!." Nanlalaki ang mata nitong anas.

"There is something happening right now!, were not alone." Sambit ni Kennyth at lumabas na rin, sumunod naman si Ashlire. Nang nakalabas ang binata ay biglang napansin ni Azul ang kakaibang pagngisi ng binata at agad ring nawala, kaya napakunot ang noo nito sa pagtataka. Ngunit sumunod rin.

Paglabas nila ay napansin ng dalawa ang biglang pagbunot ni Azul ng damo sa gilid, sunod-sunod nitong binunot ang mga damo hanggang sa wala nang damo sa gilid, at dun nila napansin ang parang isang buto, sinipa naman ito ni Azul papunta sa harapan ng dalawa, at tama nga, isa itong buto ng tao, Isang bungo!.

"Wahhh!." Mahinang sigaw ni Ashlire sa gulat.

"Bakit mo sinipa iyan papunta sa amin!!." Dimakapaniwalang anas ni Ashlire.

"Hindi lang basta nagpatayan ang mga tao rito! May massacre na nangyari noong araw ng pagsilang ng demonyo!." Malamig na anas ni Azul. Dahil roon ay biglang binunot naman ni Kennyth ang iilang baging sa gilid at nakita ang iilang buto na parang kamay.

Kaya bigla nalamang nakaramdam ng panlalamig ang dalawa, ang ibig bang sabihin nito ay.... Pinapalibutan sila ngayun ng mga buto ng tao?.

"We're doom!." Mahinang sambit ni Azul.

"Az-----" Akmang magsasalita pa sana si Ashlire ng.....

"Waaaahhhhhhhh!." Malakas na sigaw ng kung sino sa loob, kaya napalingon sila sa bahay at biglang naalala ang kaibigang naiwan sa loob, kaya nanlalaki ang kanilang mata sa gulat at mabilis na tumakbo papunta sa loob, nagkanda-dapa-dapa ang tatlo sa pagmamadaling makapasok, nang makapasok sila sa kwarto kong saan naiwan ang kaibigan ay napansin nila itong nasa kama...

NAKAHIGA!.

"W-warren! Bakit nandiyan ka!." Utal na tawag ni Ashlire sa kaibigang nakahiga sa kama. Nauna namang lumapit si Ashlire sa binata, nang makita nito ang binata ay biglang nangantog ang paa nito at napasalampak sa sahig sa gulat at takot.

"W-w-warren." Nanlalaking mata nitong anas kabang napatulala sa gulat.

Agad namang lumapit ang dalawa, nang makita ang mukha ng kaibigan ay napamaang ang dalawa sa nasaksihan, habang ang binata ay napamura sa pagkakagulat. Si Azul naman napaluhod sa pagkakagulat at takot.

Dilat na dilat ang mga mata ng binata habang nakanganga ang bunganga, at nakahiga sa kama, habang ang kamay at paa maging ang leeg ay nababalotan ng maitim na likido.

Nilapitan naman ni Kennyth ang Kaibigan at akmang ititikom ang bibig nito at isasara ang pagkakadilat ng mata ay pinigilan ito agad ni Azul, at umiling.

"Don't!." Mariing anas ni Azul habang Unti-unti naring nagsituluan ang mga luha.

"Nawalan nanaman tayo ng isa pang kaibigan." Nanginginig na anas ni Ashlire. Walang tunog na humihikbi lamang si Azul habang nagpipigil ng luha ang binata.

"W-we s-should go." Mahinang aya ni Azul at tumayo na sa pagkakasalampak ngunit nanginginig parin ang tuhod nito.

"We should properly bury him!." Mahinang anas ni Ashlire habang nakatingin sa bangkay ng binata.

"I'm afraid we can't! Hindi natin siya pwedeng hawakan!." Mahinang paliwanag ni Azul.

"Why not?." Ashlire.

"We should take caution, we don't know what will happen to us, kapag kukunin natin si Warren riyan sa kama!." Mahinahong paliwanag uli nito.

"I sense that we should not remove Warren in that bed, so Ash let's go, we should leave in this house." Mahinang sambit ni Kennyth at pinatayo ang dalagang tila'y walang balak tumayo buhat ng panginginig.

———(SOMEONE'S POV)———

Nandidilim kong tinitingnan ang binatang ito! Marami na siyang nalalaman.

Kong sana hindi ka nakikialam, at hindi nagdala ng kaibigan sa bundok na ito para lamang gawing pa'in dahil sa kuryusidad ay walang mawawala, kailangan na talaga kitang iligpit, kasama nang babaeng iyon.

Sumusubra na ang pagiging mausisa ninyo!.

——(KEYRIEA'S POV)——

Nang makarating kami sa bahay ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha namin sa sakit. Si Warren nanaman ang sinunod. Pagkatapos niya sino naman kaya sa amin ang isusunod?.

"Ayoko na!." Malakas na iyak ni Ashlire at napahagulgul na lamang.

Habang napabaling na lamang sa ibang dereksyon ang atensyon ko, hindi ko kayang panoorin ang pagkawasak ni Ashlire, napakasakit!.

Lumingon naman ako kay Kennyth na tahimik lamang sa tabi at malalim ang iniisip, pansin ko ring hindi ito mapakali, dahil maya't-maya ay napapalinga-linga ito, gusto ko mang lapitan ito ay, pinagpaliban ko nalamang at napayuko.

HINDI KONA ALAM ANG DAPAT KONG GAGAWIN, pano kong ako ang susunod? Pano kami makakaligtas sa kamay ng mga demonyong iyon?.

Napasabunot nalamang ako ng sarili dahil sa patong-patong na frustrations.

"We should leave!." Mahinang anas ni Kennyth ng makalapit sa akin. Kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Habang nababakas sa mukha ko ang pagtataka.

"H-how?." Basag na boses kong sambit. Napalunok naman ito bigla at pansin ko rin ang bahagyang pamamawis nito sa noo, at biglang paglinga-linga sa piligid.

"Malapit na sila, maraming mga mata ang nakatingin!." Mahina nitong anas habang napalingon kay Ashlire na hindi parin nagkamayaw ang pag-iyak, naiintindihan ko ito dalawa na sa amin ang nawala, kaya wasak na wasak na ito sa looban.

"Paano tayo makakalabas?" Madiin kong tanong, can't he see na parang mas lumalawak ang bundok?. Tila'y ayaw kaming paalisin.

"I don't know, but we should find solutions as soon as possible!." Mahina nitong anas. HAHA solutions? There is no solutions anymore!, ramdam ko narin ang mga mababangis na mata sa paligid, nakakapanindig balahibo ang mga presensya!.

"Guyz pahinga na muna tayo!." Basag na boses na anas ni Ashlire ng makalapit sa amin, ramdam ko ang matinding pagod sa boses nito, habang namamaga na ang mata sa kakaiyak, siya talaga ang softhearted sa amin.

Tumingin naman ako kay Kennyth, pinapahiwatig ko rito kong ano ang dapat naming gawin. Napabuntong hininga na lamang ito at tumango, kaya bumaling ulit ako kay Ashlire at niyakap ito ng mahigpit kaya napaiyak ulit ito at tumugon sa yakap ko.

"Yeah you should rest Ash. You need it most." Mahina kong bulong at hinila ito papunta sa pwesto kong saan ito natutulog.

Walang imik itong sumunod, kalaunan ay tahimik nanga itong nakatulog.

"I think we should also rest, bukas na tayo aaalis sa bayan na ito!." Sambit nito at napa-upo sa lapag at napahilot sa sintido nito, ramdam ko narin ang frustrations nito.

"Makakaalis paba tayo ng buhay rito haha?." Pagak kong anas at napatawa nalamang ng mahina, napa-upo na rin ako sa lapag, makakaalis panga ba kami?.

"We don't know, but we should try!." Saad nito.

"Diba ikaw ang nagsuggest na magexplore tayo rito Kennyth!." Madiin kong anas.

"Y-yeah." Utal nitong sambit.

"Are you happy now? Don't tell me you don't know things, such as this?." Anas ko rito at madilim itong tiningnan.

"Y-yeah ako nga ang nagsuggest but I didn't know na ganito pala ang mangyayari!." Mahina nitong saad, nahihimigan rito ang pagsisisi. Pagsisisi? Huli na siya, dalawa na ang nawala!.

"Hindi alam? Sana inalam mo! Tingnan mo ang nangyayari sa atin! Naghuhukay na tayo ng sarili nating libingan!." Singhal ko rito.

"I k-know." Mahina nitong sambit.

"Yes you should know!." Nanghihina konang anas. What did I just said? Naninisi naba talaga ako? Pero wala akong choice siya ang pasimuno nito eh.

"Look, I'm sorry I didn't know this will happen." Nagsimula nanga itong maiyak sa harapan ko, kaya napatanga nalamang ako.

"Sorry can't revive them." Malamig kong anas. At napatayo na lamang sa inis. I don't understand myself anymore. Binubuntong kona sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko!.

"Lalabas na muna ako, ako na ang kukuha ng mga panggatong! Bantayan mo nalamang si Ashlire!." Mahinahon kong anas at tumayo na, at nagsimulang maglakad papalayo. Napabuntong hininga nalamang ako.

Habang naglalakad ay pumupulot rin ako nang iilang kahoy ng mga puno sa gilid, medyo napalayo nako sa kabahayan dahil sa pagkakalutang kaya, bumalik nako sa bahay habang dala-dala ang mga panggatong na napulot.

Habang papabalik ay napabaling sa isang maliit na bahay ang atensyon ko kaya tinitigan ko ito ng mabuti hanggang sa biglang may sumulpot na babae sa harapan ng bahay kaya napa-atras ako sa gulat at panlalaki ng mata sa matinding takot.

Malawak ang ngiti nito at nakakakilabot ang mga mata nitong nakatitig sa akin, mapaglarong itong ngumiti at kumaway sa akin kaya napatakbo nalamang ako sa takot, naduduwag nako sa mga nangyayari, gusto ko mang magpakatatag ngunit lagi lamang akong nawawasak.

Nang makarating ako sa bahay ay humingos nako sa pagod, grabe apakalayo na pala nang napuntahan ko.

"What happened Azul? Bakit natakbo ka?." Biglang tanong ni Ashlire na nasa gilid kona pala.

Mahina naman akong napabuntong hininga at umiling, tiningnan ko ito ng nakangiti, ipinapahiwatig ko rito na ok lang ako at, pumasok nanga sa loob.

Nadatnan ko sa loob si Kennyth na tahimik na nakaupo sa gilid. Tumikhim naman ako bilang pag-aagaw pansin sa kanya. Kaya napalingon ito sa kinaroroonan ko at tumayo na.

"I'll prepare our food." Tipid nitong sambit at kinuha ang dala-dala kong kahoy at naglakad na papalabas. Habang nakatingin lamang ako sa bawat galaw nito. Bumuntong hininga nanaman ako at sumunod rito, habang pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Ashlire, siguro dahil sa malamig na pakikitungo namin sa isa't-isa.

"What happened guyz, it seems so odd! Is there something happen between you two?." Nagtatakang anas ni Ashlire habang nakapamewang sa harapan namin, umiling naman ako rito bilang tugon, ganon rin si Kennyth.

"Wala, huwag mo na kaming pagaabalahan Ash." Mahinahong sambit ni Kennyth, tumango naman ako rito bilang pagsang-ayon.

"Ganon ba? Sige." Disappointed nitong sambit at naupo sa damuhan. At pinapanood ang mga galaw namin.

(FAST FORWARD)

Nang matapos kaming kumain ay biglang nagpaalam si Kennyth na maglalakad-lakad raw ito muna, tinanong naman namin kong bakit, pero nagdahilan lamang ito na gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin kaya pinayagan na namin.

Nakaupo kami ngayon ni Ashlire sa ilalim ng malaking puno na nasa gilid lamang nang bahay, walang ni isa sa amin ang balak na umimik, ramdam kong mas nagiging malamig ang atmospera namin.

Nagbubunot nalamang ako ng mga dahon ng damo sa gilid dahil sa buryo, nang biglang narinig kong tumikhim itong kasama ko kaya nagtataka ko itong binalingan.

"I want to ask you something Azul." Mahina nitong sambit, kaya nagtataka ko naman itong tinitigan.

"What?." Anas ko.

"What if someone betrays you, what will you do? If that someone was forced to betray you, so that someone could save the life of that someone's loved ones.?." Napakagulong tanong nito, kaya napataas nalamang ako ng kilay sa tanong nito.

"What? What exactly did you mean?." Anas ko rito habang nagtataka, napabuntong hininga na lamang ito.

"No one could leave in this mountain Azul! Except that someone!." Malungkot nitong anas at napasandal nalamang sa katawan ng puno.

"Huh!!."

"Hys never mind, papasok na muna ako sa loob." Paalam nito at umalis na, tinanguan ko nalamang ito at pinagpatuloy ang pagmuni-muni habang hinihintay si Kennyth.

---(SOMEONE'S POV)---

Nakamasid lamang ako sa likoran ng puno habang nakatingin sa dalagang ito, masyado nang sagabal ang isang to sa plano ko, kailangan kona itong iligpit. Ngunit mas mainam na unahin ang pinakamahina sakanila ang babaeng blonde na iyon(Ashlire).

Nang mapansin ko itong nakayuko at napakalalim ng iniisip ay, agad akong pumunta sa loob ng bahay at nakitang natutulog ang babaeng ito. Napangisi naman ako.

"Paalam!." Malademonyo kong anas.

____________

"Gusto ko mang magpakatatag ngunit lagi lamang akong nawawasak." - Keyriea Azul Harrier

次の章へ