webnovel

Chapter 52

Natapos ang buong araw na iyon na halos lahat sila ay abala sa paghahanda. Palubog na rin araw nang makabalik na si Milo sa tribo. Hatak-hatak ng binata sa isang kamay nito ang isang baboy ramong walang malay.

"Mukhang naging maganda ang lakad mo ah," puna ni Simon nang salubungin niya si Milo. Napakamot naman sa ulo si Milo.

"Nagkataon lang na nakasalubong ko ito habang pababa na ako sa bundok. Siyanga pala, may pangitaing inilahad sa akin ang diwata ng buwan patungkol sa isla ng mga anggitay." saad ni Milo nang matali na ang baboy sa malaking puno na malapit sa kubo ni Apo Sela.

"Pangitain, anong pangitain?" bulaslas ni Liway, bahagyang napakunot ang noo nito.

"Malabo, pero may nakikita akong kaguluhan at mga nilalang na nakaitim. Nagtitipon sila sa puso ng kagubatan at unti-unti nilang nilalamon ang lahat ng esensya ng buhay na kanilang nakukuha mula roon. Naiipon ito sa isang sisidlang hugis tao." wika ni Milo na animo'y hindi rin sigurado sa kaniyang sinasabi. Para bang galing lamang iyon sa isang malabong panaginip.

"Ibig sabihin, may makakalaban tayo sa gubat. Nasa pusod sila, kaya kailangan nating mag-ingat." Sambit naman ni Simon.

"Tama, malaking tulong ang babalang iyan mula sa diwata." Dagdag naman ni Liway at napatingin kay Maya. Nagkatanguan naman sila pareho at may kung anong ibinulong sa isa't-isa.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagligpit na sila ng kanilangmga gamit bago tuluyang magpahinga. Kinatay naman ni Gustavo ang baboy ramong nahuli ni Milo at niluto naman ito ng mga Mayarinan. Ang iba at pinatuyo nila gamit ang apoy at usok na nagmumula sa hinukay nilang lupa na animo'y ginawang lutuan.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nasa labas na sila at naghihintay ng basbas mula kay Apo Selaa para sa kanilang paglalakbay. Ang pagtungo nila sa isla ng mg anggitay ay isang misyong walang kasiguruhan.

Matapos maibigay ng matanda ang kaniyang basbas at mabilis na silang naglakad patungo sa sentro ng Isla Mayarinan, kung saan angmadalas na pahingahan at pasayalan ng diwatang si Bulan. Doon ay nagsagawa ng ritwal si Liway sa harap ng tore ng diwata. ayon sa dalaga, mas ligtas silang makakarating kung doon sila gagawa ng ritwal dahil ang lugar na iyon at punong-puno ng esensya ng diwata.

Sa pagtatapos ng ritwal ay doon nila nasilayan ang dahan-dahang pagbubukas ng isang lagusan na kulay asul. Nagliliwanag ito, kasabay ang pabadya-baydang pag-ikot ng malamig na hangin.

"Hintayin nating maging banayad ang hangin bago tayo pumasok." wika ni Liway.

"Wala na ba kaming gagawin?" tanong naman ni Simon.

"Wala, ihanda niyo lang ang sarili niyo dahil hindi kaaya-aya ang pakiramdam sa loob, lalo kapag ito ang unang beses mong gumamit ng lagusan." makahulugang saad ni Liway habang napapangiti.

Naatahimik naman sila at hindi na nagtanong pa, bigla kasi silang nakaramdam ng kilabot nang makita ang ngiti ni Liway. Si Gustavo naman ay tila ba umiiwas ng tingin sa kanila.

Nang tuluyan nang maging banayad ang hangin sa lagusan ay paisa-isa na silang pumasok sa lagusan. Ganoon na lamang ang pagkabigla nila nang tila mabilis silang hinigop ng lagusan. Pakiramdam nila ay hinigop din ang kanilang mga kaluluwa at umikot nang husto ang kanilang mundo.

Halos bumaliktad ang sikamura ni Milo sa nararamdamang pagkahilo. Mas masahol pa ito sa isang duyang pinaikot-ikot hanggang sa masuka ka.

Lagapak sila sa lupa nang tuluyan silang iluwa ng lagusan at ang tanging nakatayo sa kanila ay si Liway at Gustavo.

"Nakakatuwa ka naman Manong, dahil nagawa mong makatayo sa paglabas natin sa lagusan. Sabagay, pangalawang beses mo na pala ito." bahagya pang natatawa si Liway habang pinagmamasdan ang grupo nila Milo na halos gumapang na sa lupa, dahil sa epekto ng lagusan sa katawan nila.

Mayamaya pa ay nakabawi na din sila ng lakas at sabay-sabay na nilang ikinubli ang kanilang mga presensya upang hindi maalerto ang kanilang mga kalaban. Kapansin pansin ang iilang mga patay na puno sa gubat at halos wala ka na ring makikitang damo roon. Tuyo at matigas na rin ang lupa na animo'y hindi na nadadaanan ng ulan. Kapansin-pansin na rin ang mga tipak-tipak na lupa roon, simbolo na namamat*y na ang kalikasan sa islang iyon.

Sinubukang ipatong ni Milo ang kaniyang kamay sa lupa, isang halaman ang tumubo mula roon ngunit nang tanggalin niya ang kaniyang kamay ay kaagaran din itong natuyo at namat*y.

"Hindi kailanman mabubuhay ang mga halaman sa lupang ito hangga't patuloy itong kinakain ng masasamang nilalang na iyon. Maibabalik ko lang ito kapag nagapi na natin sila." malungkot na wika ni Milo at bahagyang iniikot ang tingin sa naghihingalong kalikasan.

Maging ang ba ay nabalot din ng kalungkutan habang pinagmamasdan ang kanilang kapaligiran.

"Hindi lamang rito, minsan na rin akong nakapunta sa mundo ng mga tao, Nakita kong nagkakaroon na ng pagbabago at ang pagbabagong ito ay may dalawang talim na siyang magiging dahilan ng pagkawasak ng ekwilibriyo lang mundo." Saad naman ni Liway.

"Nabanggit na rin ito sa amin ni ina, habang umiikot ang araw at panahon, nagbabago rin ang mundo, nagiging mas matalino ang mga tao at ang iba ay mas naghahangad pa ng mas mainam na pagbabago na siyang magpapadali ng pang-araw-araw nilang gawain sa buhay, ngunit kakambal din nito ang pagsira nila sa kalikasan." Saad naman ni Maya at napatango si Liway.

"Tama ka, marahil ay isa rin iyon sa dahilan kung bakit maging ang Ilawud ay naaapektuhan na rin. Bagama't nasa ibang dimensyon ang kinaroroonan ng Ilawud ay konektado pa rin ito sa totoong mundo." sang-ayon ni Liway.

"Hindi na natin maiiwasan ang pagbabagong iyon, ang sabi ni ina, hangga't may mga taong natitirang nagpapahalaga rito ay hindi ito tuluyang mawawasak. Manalig na lamang tao sa Maylikha dahil siya ang higit na nakakaalam kung kailan niya babawiin ang kaniyang mga likha." dagdag pa ni Simon.

Nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay pababa sa sentro ng gubat. Habang papalapit ay mas nagiging alerto sila sa kanilang paligid. Bahagya na rin silang nakakaamoy ng hindi kaaya-ayang amoy sa hangin.

"Napakakapal na ng polusyon sa lugar na ito, hindi ko na alam kung ano ang naaamoy ko. Parang pinaghalong dumi ng hayop at kung ano pang malalansang amoy." sambit ni Milo habang nagtatakip ng ilong. Simula nang makuha niya ang kakayahan ng mga tagubaybay ay naging mas matalas na rin ang pang-amoy niya. Pakiramdam tuloy niya ay maging ang isipan niya ay nagugulo dahil sa amoy.

Nang medyo makalapit na sila sa pusod ng kagubatan ay naghanap muna sila ng lugar na maaari nilang mapagkublian. Subalit dahil sa dami nang mga nagkalat na mga tagasubaybay ng mga kalaban ay madali silang natunugan ng mga ito.

Wala pa silang kamuwang-muwang noon na isang ibon na ang nagmamatyag sa kanila, kung hindi pa ito napuna ni Gustavo ay hindi pa nila mapagatatanto na isa itong espiya.

Mabilis itong pinana ni Liway ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat nila nang magliparan ang iba pang mga ibon na may nanlilisik na mga mata. Doon nila napagtanto na kanina pa pala sila napapalibutan ng mga tagamasid ng kalaban.

Naalerto ang grupo at mabilis na inihanda ang kanilang mga sandata. Samo't-saring huni ang kanilang mga naririnig na tila ba umiikot sa buong paligid.

"Mukhang alam na ng kalaban ang ating pag-iral. Humanda na kayo, mas maigi nga ito dahil hindi na nayin kailangan pang hagilapin sila." Nakangising wika ni Maya.

Maging si Gustavo ay tila ba sinisilaban ang kaluluwa sa sobrang pagkasabik sa laban. Ito ang unang beses na makikipaglaban siya simula nang bihagin siya ng kaniyang mga ka angkan.

次の章へ