webnovel

Chapter 13: Heartbreak

×××

Kinabukasan maaga akong naligo para pumasok ng school.

Ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko ang saya-saya ko ngayong araw. Parang ngayon may inspiration na akong pumasok ng school.

"Ma alis na po ako!"

Paalam ko kay Mama at lumabas na agad ako ng gate dala ang besekleta ko.

Hindi naman kasi kalayuan iyong school namin 'tsaka halos lahat ng mga estudyante na nag-aaral sa lugar namin naka besekleta lang.

'Wag mo maliitin ang mga bahay dito dahil magaganda sila at talagang iyong mga bahay namin dito ay napupuno ng mga halaman at bulaklak kaya nagtitingkaran ang mga kulay at mababango ang lugar namin 'tsaka malinis din.

Ninamnam ko iyong hangin na sumasalubong sa akin habang nag bebesekleta ako 'tsaka napangiti na binilisan ang pagpedal ng besekleta para makarating agad ng school.

Nang makapasok na ako agad ko ring pinark ang besekleta ko kung saan may lugar ang pag park ng mga bike ng mga estudyante. Matapos ko itong e-lock tumakbo na agad ako para umalis.

Nang makalayo-layo ako napatigil ako sa pagtakbo at biglang napatago sa likod ng puno, nang may narinig nalang akong busis na umiiyak na babae.

Nang silipin ko iyon nagulat nalang ako sa nakita.

"Bakit! Bakit siya pa. Sa lahat ng babae, bakit! Sobrang sakit Xian! Ang tagal ng pinagsamahan natin ng wala siya tapos malalaman kong siya ang gusto mo at hindi ako! Ang tagal na Xian halos simula pagkabata tayo ng dalawa ang magkasama pero bakit hindi ako! Bakit hindi ako ang nagustuhan mo! Mahal kita Xian ako nalang please!"

Pagmamakaawa ni Farra sa kan'ya sabay mabilis nitong niyakap si Xian ng mahigpit. Deretsong nakatayo lang si Xian at hindi gumagalaw na nakayuko lang habang ang mga mata nito natatakpan na ng bangs niya. Oo may bangs ang prinsepe at bagay na bagay ito sa mukha niya.

Napatakip na lamang ako ng bibig sa nakikita ko ngayong rebelasyon para tuloy akong nanunuod ng drama sa telebesyon.

Marahang inilayo ni Xian si Farra sa kan'ya ng hindi nakatingin.

"I'm sorry sinabi ko na sa'yo, siya ang mahal ko at hindi na iyon magbabago"

Para kay Farra sobrang sakit nito pakinggan pero sa akin parang lulutang na ako sa hangin sa subrang kilig ng nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwa ng marinig ko iyon kay Xian.

Alam kong ako ang gusto ni Xian dahil nabasa ko iyong essay niya kagabi. Iwan ko ba kung sinadya niya talaga iyong iwan o tinatamad lang siyang dalhin ito. Dahil sa mag partner kaming dalawa ako nalang iyong nagtago ng ginawa niya kasama nung essay'ng sinulat ko rin kahapon. Ewan ko ba sa guro namin at pinag partner-partner pa kami eh hindi naman kailangan.

Napakapit ang kamay ko sa puno habang nagtatago.

Halos mapahagolgol ng iyak si Farra habang nakahawak sa mukha niya. Si Xian naman nakatayo lang at walang ginagawa.

"Mahal kita Xian ako nalang kasi piliin mo nasa akin naman lahat eh! Mamahalin kita ng lubos"

Umiiyak parin na sabi ni Farra habang nakatakip parin iyong kamay niya sa mukha. Hindi umiimik si Xian.

Hindi ko alam pero no'ng tumagal ng isang minuto na hindi sumagot si Xian sa kan'ya biglang nainis si Farra na sinigawan na lamang nito si Xian.

"Sa pangit pa na iyon ka nagkagusto! Sino ba sa dalawa sa inyo ni Alice ang malabo ang mata! Parang ikaw ata eh, gusto mo ba ipamukha ko sa'yo kung gaano ka pangit ang babaeng iyon ha Xian! Maitim siya pangit ang balat badoy manamit, malabo ang mata sa sobrang pangit niya kinaawayan siya ng mga estudyante dito dahil Xian pang--"

Hindi na natuloy ni Farra ang sasabihin niya ng aakmang sasampalin na siya ni Xian sa galit.

Sobrang sakit no'ng dibdib ko maiiyak ako dahil sa nasabi ni Farra. Ayos lang naman kong sa iba ko iyon marinig kaibigan ko pa naman siya pero isa na siya sa taong nilalait na ako tulad ng ibang estudyante sa school.

Tinakpan ko iyong bibig ko para hindi nila ako mahuling nakikinig sa kanilang dalawa.

Nagagalit na ngayon si Xian. Pinipilit niyang hindi ito masaktan si Farra.

"Tandaan mo hindi mata ang tumitibok kundi puso. Pag nilait mo pa ulit ang babaeng mahal ko hindi ko na talaga pipigilan ang sarili kong saktan ka"

Nakakatakot na busis na sabi ni Xian. Umiyak ulit si Farra habang naka tingin sa mga mata ni Xian na nanlilisik.

Bigla niyang kinuha ang bag niya na nakasabit sa kan'yang balikat at may hinahanap. Nang makita niya ito pinakita niya ito agad kay Xian.

"Itong letrato na'to nung letrato ng pagkabata natin dapat tayo lang eh. Wala dapat dito si Alice dapat hindi na lamang siya bumalik!"

Sabi niya at biglang pinunit ang letrato kong saan ako iyong pinunit niya. Nasaktan naman din ako sa nakita.

Walang reaction si Xian at naka tingin lang ito kay Farra.

"Kahit gustuhin niyo man ang isa't-isa hindi magbabago na maghihiwalay rin kayo. Tandaan mo Xian hindi mananatili ang babaeng iyon sa tabi mo"

Sabi niya habang nakaturo ang hintuturo niya sa mukha ni Xian. Umalis si Farra ng umiiyak parin hanggang sa mag-isa nalang si Xian sa p'westong iyon.

Nang tuluyan ng umalis si Farra pinulot niya iyong kapiraso ng larawan namin kung saan ako iyong pinunit nito.

Nakatalikod si Xian sa akin habang pinagmamasdan niya iyong larawan.

Nagulat ako ng magsalita nalang siya.

"Alam kong nand'yan ka. Lumabas ka na"

Malamig niyang sabi. Hindi ko alam kung ako ba iyong sinasabihan niya malamang baka iba.

"Alice"

Tawag niya sa pangalan ko kaya napalabas ako sa pagkakatago sa likod ng puno. Edi ako nga, hindi pa kasi tinatawag pangalan ko mahirap ng magkamali no! Baka hindi ako edi mabuking pa 'ko.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

Tanong ko sa kan'ya. Lumingon ito sa akin 'tsaka tumayo para humarap.

"Naramdaman ko lang. Iyon naman talaga pag malapit ang mahal mo, bumibilis ang tibok ng puso"

Plain na pagkakasabi niya. Medyo corny pakinggan pero hindi ko maiwasang kiligin. Hindi naman masyadong corny pagdating sa kan'ya dahil bawi naman sa hitsura nito. Pang prinsepe talaga ang salita si Xian kaya nakilala ito bilang prince ng campus.

Kahit corny'ng salita makakaya ni Xian na pakiligin ang isang libong babae. Gano'n siya ka attractive kaya napaka s'werte ko at ako ang nagustuhan niya.

"Nakangiti ka?"

Sambit niya sa akin kaya napasimangot ako bigla at sinamaan siya ng tingin.

"Wala ah!"

Depensa ko at inirapan agad siya.

次の章へ