webnovel

Chapter 14: Promises

×××

Maglalakad na sana ako para umalis ng pigilan ni Xian ang kamay ko.

"Stay"

Utos nito sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya. Nang tignan ko siya nasa ibang dereksyon naman ang ulo nito.

Napa buntong hininga naman din ako at hinarap ko siya.

Magsisimula na iyong klase tapos may papigil-pigil pa siyang nalalaman. 

S-sermunan ko na sana ng unahan ba naman ako nitong si Xian na magsalita, dahilan ng ikinatigil ko pa ng marinig ko ang sinabi niya.

"Totoo bang... Aalis ka ulit"

Hindi makatingin na sambit ni Xian.

Pag nagsasalita siya hindi ko alam kong tanong ba talaga iyon o hindi. Dahil sa kan'yang busis na walang buhay hindi ko alam ang sasabihin ko sa kan'ya. Sasagot ba ako o mananatiling tahimik.

"Alam ko at alam mo na sinabi iyon ni Farra kanina. So, totoong aalis ka talaga?"

Sa pagkakataon na iyon no'ng mag tama ang mga mata namin sa isa't-isa. Nakita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya. 

Napa urong ako bigla 'tsaka mabilis na hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Napa iwas ako ng tingin.

"Oo, iyon naman kasi talaga iyong ginagawa namin ng pamilya ko. Anong bago do'n?"

Sabi ko sa kan'ya. Alam naman niya siguro iyon dahil no'ng bata pa kami umalis din kami ng pamilya ko dahil sa trabaho ni Daddy.

Napa buntong hininga siya at malungkot na iniwas ang tingin nito sa akin.

"Kaya nga eh, anong magagawa ko kung aalis ka ulit. Maiiwan na naman ako?"

Naka kunot na noong sambit nito sa akin. Nabigla naman din ako sa sinabi niya.

Ramdam ko iyong lungkot niya ngayon na kinaiwas ko ng tingin sa kan'ya.

Nagkaka ilangan na kami ritong dalawa pero nando'n parin iyong salita na gusto naming sabihin sa isa't-isa.

"Kailan ka ba aalis"

Walang emotion na sambit niya sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko.

"This year, pagka graduate natin ng senior year aalis kami"

Sagot ko sa kan'ya. Hindi na siya nagsalita pa at tumalikod ito sa akin.

"Babalik ka naman din, 'di ba?"

Sabi niya sa akin. Pinagmasdan ko lang iyong likuran niya. 

"Oo naman"

Sagot ko sa kan'ya.

"Kung gano'n promise me..."

Putol niya sa sasabihin niya at humarap sa akin. Naglakad ito palapit sa akin at tinignan ako sa mga mata. Nakayuko ang ulo niya para tignan ang mga mata ko, ako naman nakatingala para tignan siya.

"That the time you'll comeback, Promise Me... Na...na ako lang"

Nahihirapang sabi niya habang namumula ang tenga na hindi maka tingin sa akin.

Ako naman bumilis ang tibok ng puso na hindi makapaniwalang sasabihin niya iyon sa akin.

Sasagot pa sana ako kaya lang umalis na agad siya at mabilis na naglakad papasok ng building kung saan nando'n iyong classroom namin.

Napatanga ako dahil sa ginawa niya at napangiwi nalang dahil sa kabastusan niya. Tinalikuran ba naman daw niya ako bigla. Magsasalita pa nga ako eh.

Napa buntong hininga na lamang ako at naglakad na rin para pumasok ng building.

Ang dami kong tanong sa kan'ya kaya lang nilayasan niya ako. Siguro nahihiya iyon sa sinabi niya sa akin. Hindi niya kasi ugaling magsalita ng mga gano'n. Kaya gulat na gulat talaga ako kanina sa kan'ya na nakakapagsalita siya ng gano'n sa harapan ko.

At ang lakas ng loob niyang magalit kay Farra kanina ng sabihan ako ng pangit eh iyon din naman ang tawag niya sa akin.

Napasimangot na lamang ako. Hanggang sa makapasok ng classroom.

Naabutan ko iyong mga kaklase kong nag c-chismisan ng kung ano-ano. Hudyat na walang guro para sa unang klase namin sa umagang ito.

Hinanap agad ng mga mata ko si Dwayne. Nang malibot ko lahat ng sulok ng room na'to nagtaka akong wala siya.

Nasaan kaya ang lalaking iyon?'

Tanong ng isip ko pero bigla rin naman akong nakahanap ng sagot ng biglang lumabas ang sagot sa utak ko.

'Pumunta siguro iyon kay Farra'

Napa kagat tuloy ako ng koko. Alam na kaya ni Dwayne ang ginawa ni Xian?

Mabilis akong naglakad papunta sa desk ko at umupo sa upuan.

Nagulat akong lumapit si Xian sa akin habang nasa labas ng bintana naka baling ang tingin.

"Pangit"

Sambit niya sa malamig na busis parang bulong lang niya na sinabi iyon pero maririnig ko pa naman kahit papaano.

Kumunot ang noo ko sa inis. Ano 'to lokohan! Kanina okay kami kasi hindi niya ko binubully tapos ngayon ito siya balik sa gawi kung saan bully na naman ako sa kan'ya.

Tinignan niya ako at napakunot noo sa pagtataka.

"Bakit ang sama mo makatingin?!"

Kalmado pero galit na sabi nito sa akin. Sumimangot naman din ako.

"Anong trip mo ha! Binubully mo na naman ako!"

Inis kong sabi sa kan'ya. Umiwas siya ng tingin at ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana.

"Pangit ka naman talaga"

Sambit niya sa akin na sobrang kinainis ko. Bakit ako naiinis?

Dahil gusto ko siya at gusto niya rin ako. At may issue doon dahil tinawag niya akong pangit na totoo naman. Pero kahit na! 

Gusto niya ako eh dapat may masabi siyang maganda. Hindi naman basihan ang mukha para tawaging maganda ang isang tao kasi nasa ugali iyon! 

Maganda nga ang hitsura pero pangit naman ang ugali. Hindi ko nilalahat pero may gano'n talagang babaeng maganda na masama ang ugali. At meron din namang pangit na nagmamaganda. Kaya sa panahon ngayon hindi na alam ng mga tao kung saan gagamitin ang tamang salitang maganda sa isang nilalang.

"Ano naman ngayon kung pangit ako eh may gusto ka naman sa'kin"

Sabi ko. Natigilan naman din siya at biglang pinamulahan ng tinga na iniwas agad ang tingin sa akin.

Buti nalang maingay iyong room at busy sa pag ku-k'wentuhan iyong mga kaklase namin kaya walang nakarinig sa mga sinabi ko.

Nang matapos ko iyong sabihin sa kan'ya hindi na muling naimik pa si Xian at umayos nalang ng upo para iob-ob ang ulo nito sa desk. Kasi kanina nakaupo siya sa desk habang naka tingin sa labas ng bintana. Ang p'westo ni Xian nasa unahan ko lang na bali nakatalikod na ito sa akin. Pero hindi niya iyon upuan nakikiupo lang dahil babae iyong may ari no'n na busy rin makipag kwentuhan sa ibang kaklase namin.

Akala ko nga matutulog na siya eh! Pero nagkamali lang pala ako ng may sinabi siya. Habang gano'n parin ang p'westo ng katawan nito.

"Pangit... Ibig sabihin maganda ka"

Na kinatigil ng mundo ko ng marinig iyon.

次の章へ