webnovel

Chapter XI: BRIGHT

Charlie POV

"p-pwede ba muna ko rito?" h-huh?!

Di ko alam yung isasagot ko. E b-baka kung ano isipin... uhmmm...

"please?!" a-ano pa ba magagawa ko? Tumango nalang ako at pinapasok ko siya sa kwarto ko. Sinara ko at dali dali siyang sumampa sa kama. Umupo lang siya at ako naman ganun din. Nakaakap pa din siya sa unan niya. sa totoo lang ang awkward ng ganito. Ilang minuto pa rin kaming nakatahimik. Hanggang sa nag lean siya ng ulo sa balikat ko habang parehas kaming nakatingin sa t.v na hindi umaandar.

Nakaramdam ako ng parang kuryente sa katawan ko sa ginawa niya. uhmm... parang may kumikilit din sa tyan ko di ko alam kung ano pero ganitong ganito din naramdaman ko nung unang hinalikan ako ni freya... hala! Erase earase... kung ano ano bang iniisip ko? Umayos ka nga charlie. Naramdaman kong lumihis yung ulo niya na para bang tumingin siya sakin kaya naman tinignan ko siya.

Takte di ako nakatagal at nilihis ko agad yung mga mata ko. A-ano ba tong ginagawa niya? miya miya hinawakan niya yung pisngi ko na parang sinasabi niya na tignan ko siya.

Fudge cake choco bun honey syrup naman oh! Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa ginagawa niya. "m-ma... max? uhmm... a-aah!" nauutal ko ng sabi sabay pigil ko sa kanya kung ano man ang gusto niyang gawin. Utang na loob naman oh! May problema pa ko sa isa wag mo na dagdagan pa. lalake ako marupok ako sa ganitong sitwasyon oh!.

Ngumiti naman siya at bigla niya kong niyakap? A-ano bang nangyayare sa babaeng to? Miya miya binulungan niya ko "sana mas una pa kitang nakilala" a-ano ba sinasabi nito?

"uhmmm... m-max sandali-sandali lang ano ba sinasabi mo?" naghiwalay naman kami sa pagyayakapan. Ningitian niya ko at tila nakaramdam ng lungkot sa mga mata niya.

"mapagkakatiwalaan ba kita?" uhmm... tignan natin. Isa akong brown class ikaw ay scarlet class. Kayang kaya mo kong bayaran sa pagtatago ng sikreto kaya...

baka pwede naman.

"o-oo naman. A-ano ba yun?" nagbuntong hininga siya at nag simula na siyang mag kwento habang ako nakikinig lang sa kanya. it was a great conversation kung saan sa una napapaiyak pa siya pero sa huli ay naging maayos din ang lahat. Sa totoo lang nagulat ako na sinabi niyang break na sila ni Zayne after almost 3 years of relationship. Hayy... sabi na e walang forever. Kaya siya umiiyak.

Baka madamay na naman kaming mga matitino dito.

"dont worry i will keep my promise" at inabot ko yung kamay ko na parang nakikipag hand shake. Kinunutan niya ko ng noo hanggang sa nakipagkamay din siya. nagtaka siya kung ano yung ginagawa ko. Sinabi ko naman na it was the secret hand shake promise. Itinuro ko sa kanya kung saan natutuwa naman siya. in that moment I feel na nagkaroon ako ng lakas ng loob na maging casual sa mga mayayaman katulad niya.

"max tanung ko lang. Di ka ba naiilang kasi ako ganito lang tapos ikaw... nakikipagkaibigan sakin?" ngumiti naman siya at pinitik ako sa noo ko. Ang sakit ha!. Ang hilig nitong mamitik sa ulo.

"hindi bakit? Ayaw mo ba? Isang tulad ko na nga ang nakikipag kaibigan e. Tska tayo sa musers may bond na ganito kaya makakasanayan mo na din" kindat niya sakin. Tumango tango naman ako habang di niya binibitawan yung kamay ko mula pa nung nag secret hand shake. Nilalaro laro pa niya yun.

Sa totoo lang hindi ganito ang iniexpect ko sa kanya. akala ko may pagkamasungit siya. hindi naman pala. Strikto lang talaga. Ilang oras din kaming nakakapagkwentuhan at kung ano ano pa. hanggang sa di namin namalayan na its already 1:30 na.

"well, thanks for your time, kahit na ayaw nilang makinig sa mga tantrums ko buti ikaw napagtitiyagaan ako" paawa tono niya. asus bumenta na sakin yang effect na yan.

"ano ka ba?! Ikaw na ang nagsabi na we are friends na diba?!" sabi ko.

"close friend for your information" pagkorek niya sakin. Talaga? Close friends?

"close friends?" taka ko. Sure siya dun sa ganung label?

"oo naman. You know most of me in a short span of time na magkasama tayo tska ang gaan kasi agad ng loob ko saiyo. Dont get me wrong ah!" tumango tango naman ako.

"o sige na uhmm... Ms. Ngalngalin maliligo na ko at may practice pa tayo diba?" ngumiti siya habang hinampas ako ng unan.

"o sige na Mr. Ewan maligo kana bantot mo na" sabay tawa niya. aba! Babaeng to. Mapang asar din ah. Pero nagulat ako parang may biglang bumalot sa atmospir.

Bigla niya kong niyakap hanggang sa mapahiga kami. Uhmm... sa totoo lang ang awkward nito. "uhmm... m-max... a-ano a-aah!" I stutter as she was embracing me tightly and a soft whisper kiss my tingling ear.

"rakkaani" napakunot naman ako sa sinabi niya sakin. R-ra...raka? nakaraan? Anong salita ba yun? Inangat niya yung ulo niya at tinignan lang niya ko. Almost one inch lang yung layo ng ilong niya sa ilong ko. Uhmm... o-ok sobrang awkward nito

"a-uhmm... ka-kailangan ko ng m-maligo" ngumiti naman siya sabay tayo niya. tumayo na din ako at umalis na siya lumabas ng kwarto na para bang kung ano. May pagkavulgar din yung babaeng yun e. G-grabe talaga. Mukhang kailangan ko na talagang iligo ito.

After a minute gumayak na ko at nagtungo na sa music hall. Teka saan nga ba ko dumaan? Hayy... eto na naman po tayo sa pagkakaligaw ko. Hanggang sa di ko na alam kung nasaan akong parte ng bahay. Nakita ko ang isang pinto na may magandang desinyo na may nakasulat sa plated sign. 'Music are soul' may ganito ba kanina? Di ko kasi napansin e, pero malamang eto nayun kasi may nakasulat na music e.

Pinakinggan ko yung loob pero wala akong marinig na kung ano. Soundproof ba yung music hall? Hayy... ang engot ko naman.

Well, baka eto na nga yun hanggang sa binuksan ko at tila nagulat ako sa narinig ko. It was a familiar voice na halos gabi gabi kong naririnig sa isip ko. It was the exact voice. Pero kanino?

Miya miya nagulat ako sa biglang kumalabit sakin "ay! Leche plan ka" sabay tingin ko sa kanya.

"who are you peeping at?" georgia? Nanlaki ka agad yung mata ko at agad kong sinarado yung pinto.

"a-ano?" nasabi ko nalang. Nakalolita na naman siya but this time para siyang ice cream na maraming candy sa damit. Ang kulay ah! Sakit sa mata pero bagay sa kanya.

"I said. Who are you peeping at? Hmm... i smell something..."

"a-ah h-hindi ako naninilip ah! A-ano kasi naliligaw ako at h-hindi pala to yung music hall. Kung makapagjudge ah!" paliwanag ko. "by the way you look good" pang uuto ko. Para makalimutan niya. may pagkachildish kasi as I discover. Pero kyut pa din siya pero minsan nakakaasar, kaya madaling utuin. Tila natuwa naman siya sa sinabi ko at tinanung ko kung nasan yung music hall. Tinuro niya at sabay na kaming nagpunta. This time tinatandaan ko na kung saan.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami. Halos makumpleto na kami. Si president, si carl at melissa nalang yung wala. Napatingin naman ako kay Zayne at tila ba naging mainit na yung tingin niya sakin. Si ranjie naman kasama ni max sa may bandang piano at tila nagkakangitian sila nung makita ako. Hayy... baka ma issue ako niyan.

Kaya naman minabuti kong tumabi kay sofie na ngayon may hawak na lyrics ng kanta. Siya nga pala sa duet kasama si Xershie.

Nga pala kaya konti lang kami na andito at naiistress sa bahay ni president ay dahil wala kaming kasamang mga graduating students dahil sa sobrang daming ginagawa. Kaya eto salo lahat nila president, Max at Fiora.

Pero dahil may bond na tinatawag ee kahit anong bigat gumagaan. Although hindi pa talaga ko comfortable at kaclose sa iba ee papasaan pa't di ko din sila makakasundo diba?!..

And my ritual pa pala dito na kung saan after junior high ay dapat may maiwan na apprentice or else mahihirapan ang club, kung saan ganun ang ginawa ngayon ng mga seniors namin na nasa 11th grade. Di sila nagpaaudition or nag recruit ng bago, bago sila umalis kaya eto..

Kakaunti lang natira.

Miya miya ay nagbukas ang pinto at napalingon ako. Wow! para siyang anghel, ang ganda niya ah. Bumagay sa kanya ang tila dress na light blue at ang ngiti niyang nakakagaan ng loob.

"president" napabulong nalang ako.

Naupo siya katabi ni fiora kung saan nagagandahan talaga ako sa kanya ngayon. Obviously na maganda na siya but this time parang may something sa kanya na di ko maexplain e. Hayy... sa totoo lang baliw din kaming mga lalake lalo nat pag may mga ganitong dilag sa harap haha..

"okay musers listen up. Nafinalize na namin ni president kanina yung mga nasa category kaya wala ng ibahan dahil sure na dapat tayo. Alright! Here they are..." as fiora look on papers. Tila kaba naman ang naramdaman ko dahil may possibility na makaduet ko si Zayne na ano ni Max hayyy... problema to kahit na obviously wala akong dapat ikakaba pero syempre hawak ko ba ang pag iisip ng lalakeng to?! No.

Singles Category

Boys: Ethan Girls: Hazell

Duet Category

Boys: Ethan & Zayne Girls: Sofie & Ranjie

Mixed: Ethan & Max

Choir Category: N/A

Acapella: Ethan, Sofie, Hazell, Max, Keifer (originally Ethan, sofie and max)

Musical Instrument Battle

Aero Instrument

Woodwind: Zoe

Brass: Carl

Band: Fiora

String Instrument

Plucked: Zayne

Bowed: President

Chord Instrument

Piano: Georgia

Random Instruments: President

Band: Silent Gorgons

"...yung mga wala pa, back up kayo for further announcement ng committee. Nabalitaan namin kasi na magkakaroon ng surprise challenge battle para masukat ang kahandaan at professionalism ng Music Club or member nito kaya I hope to take it seriously" sabi ni fiora. Wala na namang nagreklamo or violent reaction sa paliwanag ni fiora kaya ayun pinamigay ni Xershie ang mga piece na gagamitin namin.

Para sa duet namin ni Zayne ang kanta ay Perfect by Ed Sheeran at Superman by Joe Brooks. Pamilyar ako sa parehas na kanta kaya kahit papaano ayos to. Para naman sa duet namin ni Max ang kanta ay Monster by Katie Sky at I wouldn't mind by he is we. Sakto mga alam kong kanta kaya sana maging madali lang sa part ko para di sila mahirapan sakin.

"paalala lang musers. May criteria iyon at doon mag babase ang mga judges. Hindi pa natin alam dahil baka sa Monday pa sabihin kaya ngayon palang dapat maging maayos na yung musicality natin at performance" dagdag ni fiora. Tila nakaramdam ako ng kaba kung saan di ko alam kung magagawa ko to. Hayy... sana nga.

miya miya ay kinalabit ako ni sofie at pinakita niya yung magiging kanta nila ni Xershie "a-alam mo ba tong kanta?" tinignan ko naman yung title. Napatango ako. Tell me how by MOMOS yung kanta nila. Medyo mabagal lang naman yung beat kaya alam kong kayang kaya niya yan.

Pinaturo niya sakin kung paano daw yung tono at ginawa ko naman. Hanggang sa chorus. Sa totoo lang pang babae talaga tong kanta kaya di bagay sakin.

Humiram naman ako ng gitara para ikampay sa kanya dahil si Xershie ay tila nakukuha na yung tono mag isa. Halos lahat ng musical instrument dito ay hightech kaya na engot ako sa unang gamit ng gitara. Para di makaistorbo sa ibang mga nagpapractice ng music o kanta ay may built in headphones ang halos bawat isang instrument kung saan ikaw lang makakarinig ng tugtog pag pinalug mo. Hightech diba?

Gumamit kami ng earphones para parehas naming mapakinggan. Sinubukan namin. Sa una ay hindi gaano nakukuha pa ni sofie pero alam ko kaya niya yun. Halos lahat naman ay busy sa pagsasanay at areglo ng iba. Nakikita ko si President na tila enjoy na enjoy sa naririnig niya habang nag baviolin siya.

Ilang oras pa ang lumipas ay nagtungo na kami sa dining hall para doon mag hapunan. Medyo light dinner nalang yung nakahanda kung saan more on vegetables and fruits. May karne parin pero di gaanong pinapansin kaya ako na ang nakipaglaban. Syempre ako pa ba? Ham na to oy! Aarte pa ba?.

Kahit di pasko may pa ganito haha..

After we eat dinner ay nagyaya si fiora sa living area para daw mag bonding. Dahil wala namang K.J ay nagpunta kaming lahat after they change clothes. Mga nakapantulog na ang karamihan sa babae ako hindi na ko nag palit ito na din kasi pantulog ko. Two clothes lang ako everyday masyadong aksaya ng sabon pag maraming labahin masakit din sa kamay dahil wala naman kaming washing machine. Kaya kusot kusot lang okay na.

Pinabilog kami ni fiora as she say na it was a truth game. Kung sino ang huling matapatan ng bote siya ang magpapaikot ng bote. Kung sino matapatan nun yun yung tatanungin niya tapos pag nasagot niya a shot of wine ang gagawin para sa nagpaikot pero pag hindi yung natapatan ng bottle yung iinom. Dapat pahiran nalang ng uling e para madungisan man lang yung mga mukha nilang walang bahid libag. Mga mala porselana e. Isa ko pa ding problema e di ako umiinom ng alcoholic beverages. Never in my entire life. Nakakahiya namang tumanggi kaya eto good luck sakin.

Tsaka teka nga lang?.. wala namang may legal pang uminom diba?

Bali ang katabi ko ay si President at si Xershie Naiilang ako siomai.

Unang pinaikot ni fiora ang bote as it was pointed at Xershie. Woosh! Akala ko ako e. at isang rebelasyon ang nalaman ko which is alam na rin pala ng iba. She was not *toot toot* pero di niya kinahihiya. Well we kept it a secret very well. Uminom ng isang shot si fiora as it was edging at his throat yung malt. Napapangiwi nalang tuloy ako.

Si Xershie naman ang nagpaikot as the bottle stops at Zayne. Nagtruth siya as Xershie questioning Zayne without conviction na kung saan bigla kong kinabahan takte. "Zayniee, bakit kayo nag break ni Maxinne?" parang nagulat ang lahat dahil di inaasahan ang tanong na iyon ni Xershie.

Ilang minuto munang hindi sumagot si Zayne as seconds passed. "because of jealous... and understanding" tila para bang may diin yung selos niyang sinabi. Oy! Hindi kami ah! May fre... ah... h-hindi nga pala kami hayy...

Napainom naman si Xershie as Zayne spin the bottle at tumutok iyon kay Maxinne. Woah! Tadhana nga naman oh! Tila pigil ang excitement ng paligid. Grabe. Ilang minuto pa ang lumipas bago nagtanong si Zayne na tila pinakikiramdaman niya kami.

"m-max... d-do you still l-love me?" at nagtilian yung mga girls. Shems. Bigla namang namula si Max as she look at me kahit glimpse lang. Sa totoo lang alam ko naman ang isasagot niya dahil sa kinuwento niya sakin kanina kaya...

"No" w-what? S-seryoso? Halos lahat kami kinagulat na ang bilis niyang sumagot ng walang alinlangan. Tila napakagat naman ng labi si Zayne na para bang naiinis. Kaya naman sinalinan niya ng isang tagay ang sarili at uminom. Grabe yung excitement as the bottle spins. Ilang mga tanong, katuwaan at mga hates ang lumabas na halos malasing na agad yung iba. Samantalang ako ay di pa napipili haha. Well deserve mga kaibigan.

As Carl spin the bottle at miya miya tumapat na sakin. Wala na iinom na ko nito. tila mga excited din ang narinig ko mula sa kanila. Wala kayong mapapala sakin.

"Ethan. Ngayon na break na si Max at Zayne totoo ba na nililigawan mo si Max?" medyo lasing na tono ni carl. Obviously naman yung sagot mga loko to.

"syempre hindi. We are just friends" paliwanag ko. Hindi naman kasi talaga dahil siguro ngayon kailangan ang focus ay nasa competition.

Pero nagulat ang lahat as another question heats up.

"e bakit nakita kong lumabas mula sa room mo si Max?" fudge cake!...

次の章へ