webnovel

CHAPTER XII: TONGUE TIED

Ethan POV

Pa-paanong?!... Wala na..

Lord lusawin mo na ko!!..

"H-ha!" Fudge! Wala akong masagot.. tumingin ako kay Max, tulungan niya ko dito aba!

"Yeah.." H-ha!

"Yup.. nanggaling nga ako sa kwarto ni Ethan, but it doesnt mean na may namagitan samin, its just a casual talk. Human..." Putol nito nang biglang salin ni Zayne sa baso ng alak.

"Drink.." sabay alok nito sakin..

T-teka.. teka nga.. diba nasagot naman ni Max...

"Drink It. Bastard!" Gigil nitong tono. Wala naman kaming nagawa sa nakakatakot nitong ugali na pinapakita niya samin ngayon.

Paano nagustuhan ni Max tong mokong na to? Ee mayaman na din naman si Max, Maganda, Mabait tapos eto...

Hayy... Kung sabagay baka dahil Badboy..

No choice ako kung hindi kunin yung baso at isipin na dahil hindi ko naman nasagot yung tanong niya ay kailangan kong inumin to...

Napatingin nalang ako kau sofie na tila medyo inaantok o hilo sa alak??..

I guess They leave me no Choice...

"Pck.." sabay abot ko sa kanila. Di ko alam kung kanino ko inabot, nakakasuka pala tong alak na to..

Pero bat ang daming may gustong uminom..

Tapos nakakakati pala siya ng lalamunan at katawan ah..

Mga ilang ikot pa ang lumipas ng tila di na ko mapakali sa sobrang kati ng katawan ko.. madaming lamok ba dito?.

Tila halos nakatingin naman sila sakin na parang...

"Are you okay Ethan? Kanina ka pa kamot ng kamot!" Ee sobrang kati kasi... Sabay tingin ko sa braso ko..

Sobrang pula at biglang unti unting nanlalabo ang mata ko..

Inaantok ako bigla na parang hindi ako komportable..

Bumibigat na din yung pakiramdam ko..

Hindi ko na din sila marinig at na tila unti...

Unti akong...

Nahuhu-

"Pagdating ng panahon. Hahanapin kita..."

A-ang weird ng pakiramdam ko. T-teka..

Bahagya kong minulat ang paningin ko hanggang sa isang telang puti na nakakurdon sa kahoy ang nakita ko.

Luminga linga ako sa paligid..

Nasa kwarto ba ko?

Ilang saglit pa nagbukas ang pinto.

"M-max?" Mahina kong boses nang makita ko si max. Fudge.. anong bang meron?

"G-gising kana pala" malambing niyang tono. Pumasok ito dala ang isang palanggang may tubig.

Binigyan ko naman siya nang kakaibang tingin at sinubukang tumayo pero...

Bat parang ang bigat ng pakiramdam ko?

"K-kamusta pakiramdam mo?" Tanung niya sabay lapag ng palanggana sa side table. Piniga niya ang telang andun sa palanggana at saka ito sinubukang ipunas sakin.

Kinuha naman niya yung braso ko.

"M-max..."

"A-ano bang nangyare?" Tanong ko. Wala kasi akong matandaan ee.. basta alam ko lang nagtutruth or dare lang kami.

"B-bigla ka nalang hinimatay. Bat di mo sinabi samin na allergic ka sa alcohol!..." Mangiyak ngiyak niyang tono.

"N-nagalala kami.. bigla kang kinumbulsyon" patuloy pa din niyang punas sa braso ko.

Ilang saglit pa ay bigla nalang siyang sumisinghot singhot at bigla niya kong niyakap..

"Bruhildo!" Inis niya sakin habang sisinghot singhot.. ilang saglit pa ay tila natauhan siya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sabay pitik sa...

"Aray!" Bwesit bigla nalang akong pinitik sa sintido ko..

Di ko alam sasabihin ko or gagawin ko sa kanya. bakit ba bigla siyang umiyak? Ako na nga yung pinitik tapos siya pa yung umiyak. May pagka weird din pala tong babaeng to noh!.

"pinag alala mo ko, kami. Buti nalang may anti allergy meds si carl kung hindi isusugod ka na namin talaga sa ospital. Nakakainis ka" ganun ba ka grabe?!. Pinaharap ko naman yung mukha niya at nagpunas siya ng luha niya na para bang bata. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa dahil sa itsura niya. hayy...

"okay na ko kaya wag kana mag alala. Tska allergy lang pala e. Kung di pa ko natalo di ko pa alam na allergic pala ko sa alak" natatawa kong sabi. E kasi totoo naman e. "E ano na ba nangyare sa laro?" Pag iiba ko ng topic.

"nagkaallergy ka na nga yung laro pa din iniisip mo. Napaka mo talaga" at isang pitik na naman ang ginawa niya sakin. Aba! Nakakarami na to ah.

"e nga pala a-anong oras na? Kumain na ba kayo ng hapunan?" tanung ko. Nagugutom na kasi ako e. Tumingin siya sa relo niya at pinakita niya sakin.

"1:00 a.m na" w-what? e p-paano yung practice? D-di na ko nakatulong. Hayy... problema lang talaga hatid mo charlie..

"magpahinga ka na lang. Mga 6:00 yung breakfast kaya pwede ka pa matulog ulit pero bago yun uminom ka muna ng gamot para bumaba na yung lagnat mo" agad naman niya kong hinawakan para tignan kung mainit pa ko. Kinuha din niya yung thermometer sa kili-kili ko na ngayon ko lang napansin. Pagkatapos nun ay pinainum na niya ko ng gamot at pinahiga pag katapos para daw makapagpahinga pa ko.

Nakaramdam ako ng sobrang hiya sa ginagawa niya. naging abala pa tuloy to sa kanya. "salamat... Max" sinabi ko bago siya lumabas ng pinto. Napahinto naman siya at ilang saglit lang umalis na rin siya. ang caring niya sa totoo lang tsaka sweet. Parang si Freya... Speaking of ipapaalam ko kaya? Baka mag alala lang yun, ayaw ko na siyang pag alalahanin pa. kinuha ko naman yung phone ko at marami na ding messages akong na miss. Mula kay mama tatlo dito mula sa kanya na panay paalala lang tapos dalawa naman kay Freya. Binuksan ko dahil buti naman at nag reply na siya. maghapon na din siyang hindi nagtetext.

::Kamusta kana? Sorry ngayon lang ako nakapagtext. Ingat ka palagi::

::Nabalitaan ko yung nangyari saiyo? Okay ka lang ba? Pupunta ako bukas dyan para alagaan ka. Binigay na din sakin yung favor to be part of the competition::

Nanlaki yung mata ko dahil sa balita niya. it was a shock para sakin. Im sure kukutusan ako nun pag nakita akong nakaratay sa kama mamaya. Ugh! Sino ba nagbalita sakanya nito? hayy...

Di na ko nagreply dahil mamaya lang andito na yun. umiglip na lang ako dahil di ko din maigalaw ng maayos yung paa ko dahil para akong namamanhid. Miya miya may kumatok sa pinto ko. Uhmm... paiglip na ko oh!.

"pasok" sabi ko. as the door opens nagulat ako.

"F-Freya?" ang aga naman niya dito? Anong oras palang ah! Tska paano siya nakapunta dito? Tila bumakas ang lungkot sa itsura niya ng makita ako dali dali siyang yumakap sakin. A-aah! H-hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. t-teka nga..

"p-paano ka nakapunta dito?" nawala siya sa pagkakayakap sakin. Her eyes are almost teary. Umiling iling siya bago sumagot.

"Ashley pick me up kanina. Pero teka lang ano kamusta ka? Ayos ka lang ba? May masakit ba saiyo? Ano pakiramdam mo?" tila aligaga naman niyang tanong. Dahan dahan lang sa pagtatanong aba!.

Napangiti nalang ako sa mga ginagawa niya. para siyang ewan. "oo... oo ayos lang ako" tila nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko. pakiramdam ko mas lalo akong gumaling ng makita ko siya at makita ko kung paano siya mag alala. Ang kyot..

"kung ano ano kasi nilalaklak mo e. Ayan tuloy" sabay kutos niya sakin. Aray!

"b-bakit? Alam ko ba?" tila nainis naman ata siya sa sinabi ko at isang kutos na naman yung ginawa niya. nakakarami na to ah!.

Yung isa ang hilig pumitik, eto naman mangutos.. pag ako na bobo...

Ayy bobo na nga pala ko..

Pero thankful ako kasi she was really she is now. Katulad ng mga bata pa kami. "sasagot pa kasi e" bigla naman siyang sumampa sa kama at tumabi sakin. Ano na naman trip nito?

"sige na matulog kana" napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. uhmm... yun na nga yung gagawin ko bago ka pumasok ee.

"e ikaw?" miya miya biglang may kumatok. Sabay kaming napatingin sa pinto na nakabukas na. Si President. "t-tuloy" sabi ko. nakangiti siyang lumapit samin.

Pinakita niya yung clipboard niya as it was na may nakasulat na 'are you okay now? Btw siya pala yung tinutukoy mong Freya. Kala ko kung sino' nagtaka naman ako sa sinulat niya. miya miya nagsulat ulit siya

'I mean. She's our family friend' napatingin ako sa kay freya. "di ko ba nasabi saiyo?" tinaasan ko naman siya ng kilay. Uhmm... magtataka ba ko kung nasabi niya?

"My dad works in her company as one of the OIC of the Vice president" sige ano pang pagsisiwalat ang hindi mo pa sakin sinasabi freya? Spill it.

Miya miya nagscrib si President. 'we know each other long time ago' napatango nalang ako. nag scrib ulit si President. 'its a long story' ang bilis ng kamay niya magsulat. Di kaya siya nangagawit?

But wait...

Wait ...

Wait...

Isang executive si tito? That means..

"sige na magpahinga kana. Mamaya mag iistart na tayo" sabi ni freya bumaba na siya ng kama as President smiling. Miya miya pinakita niya ulit yung clpiboard na may nakasulat na 'Is he was you talking about?' ako ba tinatanung niya o si freya?.

Tila hinila naman ni freya si president palabas na parang sobrang close nila. Nagpaalam na sakin si Freya at sinara nila yung pinto. Wow! hayy... makatulog na nga lang miya miya gigising na din naman ako.

As the alarm clocks strikes narindi ako sa ingay. Kinapa ko at nung nahawakan ko sinubukan ko ng patayin pero ilang saglit lang tumunog na naman. UGH! Paano ba to pinapatay? Inaantok pa ko e. Miya miya huminto ito.

Buti naman at...

Pero bigla ulit tong nagring. Nakakainis na tong alarm clock ah! Dinampot ko ito saka binalibag sa may pader. Nakakainis.

Buti sira na..

Pero teka...

Teka kelan ba ko nagkaroon ng alarm clock?!. FUDGE! Nasa ibang bahay nga pala ko..

Napabaligwas ako ng gising narealize ko na hindi pala sakin yung alarm clock. Takte. Nanira pa ko. agad kong dinampot at nakita kong nasira. Wala mukha pa namang mamahalin to. Sinibukan kong ilagay yung mga parte na tanggal pero wala pala kong glue.

Hayy... di naman siguro malalaman to. Hinagis ko nalang sa kama ko kasama ng katawan ko. sinubukan kong maiglip pa ng ilang minuto hanggang sa paiglip na ko ng...

KKRRRIINGG!!

Nagulat ako ng biglang nagalarm ulit tong orasan. Aba ang tibay nito ah!. Inilagay ko nalang to sa may drawer ng side table. Jan ka nararapat. Nakakairita ka aga aga e. Anong oras na ba? Tinignan ko yung cellphone ko at nasa 7:00 na. Hala! Late na ko sa practice. Kaya naman dali dali akong pumasok sa banyo hanggang sa nagulat ako...

"AAAHH!!"

"p-pasensya na! D-di ko alam na andito ka" FUDGE! Si Freya naliligo. Agad naman akong lumabas ng banyo. Wala naman akong nakita e kasi nakapagcover siya ng shower curtain. Tindi ng kaba ko sa pangyayare na yun. Ilang saglit pa lumabas na siya ng banyo na nakatapis ng tuwalya.

"a-a...ah.." bakit ba walang lumalabas sa bibig kong salita?

"p-pasensya na. E-e wala kasing heater sa kwartong binigay sakin ni ashley kaya dito na ko nakiligo muna" paliwanag niya habang parang casual lang na nakikita ko siyang nakatapis. Uhmmm... hello! Freya! Nasa kwarto kita tapos nakatapis ka? Baka naman gusto mo lang...

Baka gusto mo lang lumabas na at baka kung ano isipin ng iba. Nakoo... issue na naman to!.

"s-sige na uhmmm... maligo kana" sabi niya sakin sabay labas niya sa kwarto ko. Haroo! Juice colored Green. Aatakihin ako sa mga pinaggagawa ng babaeng yun e. Napailing nalang ako sa nangyare at pumasok na ko sa banyo.

Isasabit ko na sana yung tulwaya ko ng...

Utang na loob naman Freya ano ba to!...

Ashley POV

Its already 7:00 a.m na at tapos na din kaming kumain ng breakfast. Dumiretso na ko sa Music Hall para mag practice ng piece ko entitled Roundtable Rival by lindsay sterling. It was a fast pace music. May ilang tone din ang pinalitan ko dahil medyo nahihirapan ako dahil hindi ako sanay sa ganitong music ng violin. Di rin ako pamilyar kay Lindsay sterling after I read articles about her. She was america's got talent grand winner. Tumingin din ako ng mga music genre niya at isa na dun yung shatter me.

She was a purely violinist at may movements pa siya kaya naman kahanga hanga siya dahil ako mas more on soft melody. Kaya challenging but I will do hardship to remain as a champion. Eto din kasi yung binigay sakin ni fiora which is our team musical arranger. Kaya siya ang bahala sa music na sa tingin niya kaya namin. Halos di pa siya nagmimintis to expect from us even from me hindi din ako nagdududa sa kanya.

Iilan palang naman kami dito sa music hall kaya naman nag request ako from them na pakitignan kung ayos na yung ginagawa kong practice.

As I tap my left foot the music stir up on my head as it was the music playing and after a sparks ignite in my mind. The music automatically hits notes in my head as I feel the beat and melody of this music.

.

.

.

.

.

.

It was the most magical beat for me at the moment dahil parang pakiramdam ko gumagalaw hindi lang mga braso ko kung hindi pati yung mga paa ko as it was like im dancing like her. Feeling the rhythm in music and vibing the atmosphere like there is no one looking upon me.

Hanggang sa I open my eyes and the last note strung on my Panther. My black violin na palagi kong ginagamit pag nagpapractice ako. nakita ko naman sila na tila mga nakanganga sa nakita nila sa kin. Ano ba yung ginawa ko?

Pumalakpak na sila at panay papuri ang binigay nila sakin. I gladly take their compliment. Napatingin din ako sa may pinto kung saan isa isa na silang pumasok kung saan napahanga din daw sila.

Oww... I m so fluttered guys. Nakakaoverwhelm talaga pag sila mga kasama ko. it was nice to be on their team dahil even Im a mute. They dont see my physical flaws but they saw me as like what they are. Hindi ko na alam gagawin ko kung hindi dahil sa kanila.

Sa totoo lang naman kasi hindi talaga ako mute in born. It was after I saw Dad killed. Sa sobrang shock ko daw some part of my brain shuts at isa na dun yung speech ko. I was 5. Some of my other memories are lost after that incident kung saan pati yung dati kong bestfriend na

si...

si...

I dont recall his name talaga e pero may bagay akong binigay sa kanya pero hindi ko din alam kung ano yun. sa panaginip ko panay fragments din yung naaalala ko. I hope nalang na one day tanda pa niya ko kung magkikita kami. Isa lang ang palatandaan ko sa kanya e. He has a birth mark na hugis eight note sa kanang likod niya.

Nakita ko kasi yun nung maliliit pa kami. naliligo kami sa tabi ng ilog sa province. Bago kami lumipat dito sa cavite.

I bowed to them after. Ay! Oo nga pala nakalimutan ko. kaya naman bumalik ako sa kwarto ko. dali dali akong pumunta sa drawer ko at kinuha ko yung earpiece ko. it was my gear para mas ma filter yung broke notes pag tumutugtog ako. inayos ko na din yung sarili ko dito. As I put some light make up nakita ko sa gilid yung isang music box.

It was too familiar para sakin kaso hindi ko matandaan kung para saan to. kaya nga hindi ko maitapon tapon e. it was too sentimental. Hindi ko naman mabuksan kasi nakalock hindi ko na din matandaan kung saan ko nailagay yung susi nito. Sinubukan ko na ding ipabukas sa mga locksmith pero walang makapagbukas. One way to open lang daw is to break it into piece kaso ayaw ko nga. Baka may masira sa loob tas important message pala edi wala na diba.

Hayy... sana lang bumalik na lahat ng alaala ko. although sanay na naman ako sa ganito but iba padin kasi yung may boses ka. Kaya nga naiingit ako kay Max at sa iba pang members na buti pa sila.

I tried na magsalita din but there is no voice coming out kahit pilitin kong sumigaw. Makailang gulat na rin nila sakin pero wala pa ding boses ang lumalabas kaya hinayaan ko na. Sabi naman ng doctor kusa naman daw tong lalabas pero at the mean time tiis tiis muna.

Pinakita na rin namin to sa specialist sa ibat ibang bansa. America, Russia, Korea, Japan, Even in United Kingdom pero wala pa din. Nag iispeech theraphy din ako hanggang ngayon but unfortunately wala pa ding improvements.

Pinagmasdan ko pa ng mabuti itong Music Box dahil feeling ko ito yung nagbibigay sakin ng swerte at lakas para pagbutihan ko pa. As I looked closely ay tila isang symbol ang nakita ko. Bat ngayon ko lang to nakita? It was on the right side of the lock hole. Maliit lang siya kaya di gaanong pansinin.

It was a G clef symbol. Oww.. it symbolize the treble which is a female tone kung saan it was made for me. inikot ko din yung music box at baka may iba pang mga clue. As I turn it upside down nakita ko ang maliit na nakaukit na mga initials. Sa taas J.A.V tapos sa baba nun CHEN at sa baba naman nun is F.C.G.

Ano ibig sabihin nito? hmmm... well, saka ko na isipin nawawala ako sa focus e. Dapat pala mas inusisa ko pa noon to hindi yung ganito kung kelan napansin ko lang tsaka ako nabuhayan ng urge to find out what is the initials mean...

Charlie POV

After all the practices si Freya na yung ipapakita niyang piece. Wala sa kanyang binigay na piece actually kung baga siya yung gagawa. Mixers kasi medyo complicated. Di ako pamilyar pero everytime Freya do. Mapapaindak ka nalang.

Ganyan ang charisma na meron siya..

As the dub beat threes ang music hall turn into...

"Lets Party!!" She shout at isang nakakaindayog na mga tugtugin ang ginawa niya. para tuloy kaming nasa club. Ang ganda pa ng pagkakakulob ng music hall kaya halos kumakabog na yung dibdib ko sa lakas ng bass. Sinayaw namin yung mga pinatugtog ni Freya na sikat na mga naging Dance Challenge. Nag simula sa Teach me how to dougie hanggang sa Switch it Up.

Kitang kita samin ang saya at tuwa. Feeling ko halos lahat kami ay na eexcite na for the upcoming competition...

I hope sana walang maging problema..

次の章へ