webnovel

Kabanata 4: Unexpected engagement

Nang ibuka niya ang kaniyang mata ngayon lamang niya napansin na sobrang lapit na pala ng kanilang mga mukha.

Napansin niya ang di mawari'ng expression nito na tila nanigas na.

Muntikan na niyang makalimutan na iba ang cultura ng panahong iyon.

Magalang at napakaconserbatibo ng mga tao noong unang panahon.

"P-pasesensya na sa aking kapangahasan." Nahihiyang saad niya at agad tumayo palayo dito.

Bumangon naman ito at wari'y wala sa sarili habang nakatingin sa dalawang kamay.

Sumeryoso ang mukha nito bago magsalita.

"Patawarin mo ako sa aking paghawak sa iyong bewang. Huwag kang mangamba sapagkat ako'y handa na ikaw ay pakasalan. Ako nga pala si William Alcazar maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Seryusong saad nito sa kaniya habang hawak ang kaniyang kamay at ito'y hinalikan.

Tila nawala ang pilyong katangian nito ramdam niya ang sinceredad sa bawat salita na binigkas nito.

"Ano?! Hindi maaari kasalanan ko ang lahat naiintindihan ko ang nangyari. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan ngayon pa lamang ang una nating pagkikita." Nagpapanic na saad niya dito sabay hila sa kaniyang kamay.

Nagtaka ito sa pinagsasabi niya at agad siyang hinila papasok sa loob.

"Teka saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya.

Ngunit hindi man lang siya sinagot nito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniyang pulsohan at unti-unti nitong pinaghawak ang kanilang kamay.

Biglang kumabog ang kaniyang dibdib sa ginawa nito na ikinagulat niya. Napatingin siya sa nakatalikod na estranghero at nagpadala kung saan man siya dalhin nito.

"Bahala na si Batman." Sa isip niya.

Dumaan sila sa likod na pinto at napansin niya ang gulat na pagtingin ng mga tao sa paligid.

Nasilayan niya ang ang kaniyang papa kasama na ang ibang bisita na mukhang malalaking tao sa kanilang bayan.

Nakaramdam siya ng kaba ng napahinto ang mga ito at napatingin sa kanilang gawi.

Biglang nag-iba ang expression ng kaniyang ama tila hindi ito natutuwa ng sila ay unti-unting nakalapit dito.

Tumahimik ang paligid at aksidenteng nabitawan ni Ginang Esmeralda ang kaniyang basong dala.

"Ano ang ibig sabihin nito bakit hawak mo ang kamay ng bunso kung anak na si Margaretha." Matigas at madiin na saad ng kaniyang Papa.

Humigpit ang paghawak ni William sa kaniyang kamay ngunit agad nito iyong binitawan.

Napasinghap ang mga tao sa paligid ng bigla itong lumuhod sa harap ng Heneral.

"Humihingi ako ng paumanhin sa aking pag-asal Heneral Davis ngunit nais ko po sanang kunin ang kamay ng inyong anak na si Margareth Davis bilang aking kabiyak. Tatangapin ko lahat ng parusa na inyong ihahatol sa aking kapangahasan." Sincerong saad nito.

Napatakip siya sa kaniyang bibig sa gulat ng biglang dumilim ang paligid.

"Marga! Gising Manang tawagin niyo po yung doktor!" Rinig niyang sigaw ni Diego.

"A-anong nangyayari?" Tanong niya.

"Iha buting nalang at okay ka kanina kapa namin ginigising ngunit hindi ka nagigising." Nag-aaalalang saad ni Manang Elma.

Napansin niya ang mabilis na pagbitiw ni Diego sa kaniya.

"Po? Anong oras na po ba?" Tanong niya sa matanda.

"Halos isang araw kanang tulog nagtaka na ako ng hindi ka padin nagigising pagka't tanghali na yaon." Sagot nito.

"Andito na po yung doktor." Saad ng katulong sa labas.

Maraming tinanong ang doktor sa kaniya pagkatapos ay umalis ito kasama si Diego.

"Iha sigurado kabang okay ka lang? Walang masakit sayo?" Tanong ng matanda.

"Opo okay lang naman ako manang muntik ko na pong makalimutan. Ano po ang sabi ng kakilala niyo sayang at hindi ako nakaalis kanina." Saad niya.

"Oo nga pala si Will ay kanina pa naghihintay sa iyo siya yung nakapansin sa kalagayan mo." Saad nito.

"Will?" Takang tanong niya sa sarili.

Parang pamilyar sa kaniya iyon ngunit binalewala na lamang.

Naalala niya ang panaginip niya kanina parang totoo talaga at muntik na siyang maniwala.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at mga yabag ng sapatos na katunog ng kaniyang dibdib ang galaw nito.

"Sorry for the interruption but manang Elma told me that you are also heading to the same spot." Saad nito.

Muntikan na siyang mabilaukan sa tubig na iniinom ng marinig ang accent nito.

Kagayang-kagaya ng nasa kaniyang panaginip ang tono ng pananalita nito.

Mukha nga lang napipilitan at wala sa mood ang lalaking nasa gilid niya.

Tatanongin niya sana ito ng biglang makarinig siya ng matinis na boses.

"Insan!!!!!!" Sigaw ni Kakay na kakadating lang.

"Kakay?" Gulat na saad niya.

"Insan narinig ko yung balita kumusta ka-" Napatigil ito ng magsalita ang matanda.

"Nako Kakay wag mo munang gambalain sapagkat aalis pa ang pinsan mo. May lakad sila ni Will pupunta silang baryo mamaya mo na yan bulabugin." Saad ng matanda.

Alam kasi nito kung gaano kakulit si Kakay.

"Aba itong gwapong nilalang ba ang kasama mo? Nako insan ha ang galing mo mamili ng lahi bet na bet. Ako na ang mag-aayos sayo ikaw kuya labas ka muna." Saad ni Kakay sa binata.

Hindi niya alam kung ano ang expression na pinapakita ng mga ito.

Nagpaalam na rin ang matanda sapagkat marami pa itong aasikasuhin.

Narinig niya ang patakbong lakad ni Kakay at nagsimula ng maghagis ng lagim.

Pagkatapos niyang maligo ay pinalitan siya ng damit ni Kakay.

"Insan ang gwapo naman ng nobyo mo ang swerte-swerte mo naman." Saad nito habang sinusuklayan ang mahaba niyang buhok.

"Hindi ko naman nobyo ang lalaking yun hindi ko nga kilala eh." Sagot naman niya.

"Ay nako bihagin mo agad sa iyong ganda ng mapasaiyo sayang yung genes!" Pagbibiro nito sa kaniya.

"Loka-loka ka talaga baka may nobya na iyon nuh yung mukhang yun pa kaya." Bulalas niya.

"Edi bawian mo." Natatawang saad nito.

"Baliw. Anong mapapala niya sa isang bulag?" Sagot niya dito na ikinahinto nito.

Bigla siyang niyakap nito. "Alam ko na hindi madali ang pinagdaanan mo ng umalis ka dito. Tapos ito pa yung naranasan mo sa kamay ng malupit mong nobyo. Wag ka na ulit umalis insan dito ka nalang pangako hindi na ako magiging makulit." Naiiyak na saad nito.

Isa ito sa pinakamalapit niyang pinsan at nagkasakit pa nga ito ng umalis siya ng bahay.

"Pangako hindi na ako aalis." Tugon niya dito.

"Parang bagay sa buhok mo ang kulot insan ibahin natin yung hairstyle mo." Saad nito sa kaniya.

"S-sige." Nauutal na sagot niya.

Pagkatapos ay iginiya siya nito pababa ng hagdan rinig niya ang pagsinghap ng matanda.

"Marga ang ganda-ganda mo naman." Puri ng matanda sa kaniya.

"Hindi naman po wala nga akong alam kung ano ang mukha ko ngayon." Malungkot na saad niya.

Narinig niya ang biglang pagbasag ng baso sa gilid.

"Pasensya na madulas." Sagot ni Will.

Narinig niya ang paghagikik ni Kakay sabay bulong sa kaniya.

"Insan galingan mo ha." Bulong nito.

"Loka-loka." Natatawang bulong niya dito.

"Humawak ka nalang sa braso ko." Saad ni Will sa kaniya.

Naramdaman niya ang siko nito na agad niyang hinawakan.

"Mag-iingat kayo." Saad ng matanda.

"Sige po manang aalis na kami." Magalang na sagot ni Will..

Tinulungan siya nitong makasakay sa kotse at ng matapos ay pinaandar na yung makina.

Buong byahe siyang hindi iniimik nito at ganun lang din ang ginawa niya.

Hindi niya alam kung ano ang itsura ni Will ngunit ayon sa mga katulong at ni Kakay. Mukha daw itong isang napakagwapong anghel na nahulog sa earth.

"Andito na tayo." Saad nito ng huminto ang sasakyan.

Hinawakan nito ang kaning kamay ngunit agad niya itong tinabig.

"Alam kung ayaw mo akong kasama itigil mo na ang pagpapanggap." Saad niya at bumaba ng kotse.

"Marunong ka rin naman palang makiramdam." Sarkastikong saad nito.

"Bulag lang ako pero hindi ako manhid kung ayaw mo sakin puwede mo akong iwan dito." Sagot niya sabay lakad gamit ang kaniyang walking stick.

Narinig niya ang frustrated na buntong hininga nito at malakas na pagsara sa sasakyan.

Malakas siyang hinawakan nito sa kaniyang palapulsohan at kinaladkad sa kung saan.

"Ano ba-" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito.

"Hinahanap ko po si Mang Kanor." Saad nito.

"Ako si Kanor ano ang iyong kailangan?" Tanong nito.

"Ako po ito si Willance Alcazar ako po ang bagong may-ari ng lugar na ito." Saad ng lalaki.

"Bagong may-ari?" Sa isip niya.

"Saktong-sakto iho napalinis ko na ang buong bahay at gaya ng sabi mo hindi ko ginalaw lahat ng gamit." Saad ng matandang nag-ngangalang Kanor.

"Maraming salamat po kung ganun." Saad nito at hinila ako.

Sumunod na lamang siya kay Will alam niyang nasa loob na siya ng bahay.

Sapagkat naaamoy niya ang antiqung kahoy at pati narin ang malakas na tunog ng kanilang pagtapak.

Bigla siyang inupo nito sa kung saan at nagpaalam na may titingnan lang.

Ayaw niya sanang umalis ito sapagkat natatakot siya ngunit baka sabihan na siya nito ng pabigat.

Nakarinig siya ng biglang pagulong ng isang bagay sa kaaniyang paanan.

"Sino yan?" Agad niyang sabi sapagkat siya'y nataranta.

"Bago ka lamang ba dito?" Saad ng isang babae.

Muntikan na siyang mahulog sa upuan ng magsalita ito. Gulat na gulat siya sa presensya nito na sa tingin niya ay nasa gilid niya lamang.

"P-po?" Nauutal na saad niya.

"Mag-iingat ka sapagkat ang nakaraan ay muling uulit sa kasalukuyan." Paalala nito sa kaniya.

次の章へ