Medyo natakot siya sa sinabi nito kaya madali siyang napaatras.
Napasinghap siya ng gumalaw ang pader na nasa likod niya na siyang ikinabagsak niya sa lupa.
"Sino yan?"
Nabigla siya ng marinig ang boses ni Will.
"Will andito ako." Saad niya.
"Paano ka napunta dito? Diba ang sabi ko doon ka lang sa sala. Bakit ba ang hirap mong makaintinding bulag ka." Galit na tugon nito sabay hila sa kaniya patayo.
Agad niyang hinila ang kaniyang braso dito at galit na nagsalita.
"Porket ba bulag ako may karapatan ka nang pagsalitaan ako ng masama. Wala kang karapatan para husgahan ako alam kung pabigat ako. Puwede mo akong iwan nalang dito kaya ko naman." May halong sakit na sagot niya.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang trato ni Will sa kaniya.
Naiiyak man ay pinigilan niya iyon at naglakad na lamang palayo dito.
"I'm sorry I was just mad at you for not remembering me and then I heard you ran away with a random guy." May himig na pagtatampo at diin nito sa huling salita.
"Anong?" Nalito siya sa sinabi nito.
"Andito pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap eh." Saad ni Mang Kanor.
"Saan na po ulit yung sinasabi niyong kwarto?" Tanong ni Will kay Mang Kanor.
"Nasa kabila." Saad ng matanda sabay giya sa kanila palabas ng nasuring kwarto.
Gustuhin man niyang magtanong ay alam niyang wala itong balak na sagutin siya.
"Lahat ng gamit ng dating heneral ay andito parin ang tanging wala dito ay ang gamit ng kaniyang pumanaw na anak." Pagpapaliwanag nito.
"Ho? Pumanaw?" Biglang bulalas niya sa gulat.
"Matagal nang naninilbihan ang aking mga ninuno sa pamilya Davis. Ayon sa kanila isang malaking mysteryo ang pagkamatay ng bunsong anak ng Heneral. Marami ang nagsasabi na nabaliw daw ito sa pag-iwan ng dating nobyo. Meron ding haka-haka na susumpain daw kung sino man magbigkas sa pangalan nito. Sapagkat puno ito ng galit at paghihinagpis ng ito ay namatay." Mahabang sagot ni Mang Kanor.
"Sobrang nakakatakot naman po kung ganun ano ho ba ang pangalan ng bunsong anak nung dating heneral?" Tanong ni Will.
"Ay nako matagal na iyon isa pa matagal na sana kaming nasumpa kung iyon garud ay totoo. Si Margareth Davis lagi siyang tinatawag ng heneral na Margaretha pagkat mahal na mahal nito ang bunsong anak. Kawawa talaga nagkasakit ng malubha ang heneral sa patuloy na paghahanap sa susi ata na habilin ni senyora Margareth." Saad ni Mang Kanor habang nag-iisip ng mabuti.
"A-ano po ba ang meron sa susing iyon?" Tanong niya dito.
"Hindi ko alam iha ayon sa iba kayamanan daw, meron ding nagsasabi na napakaimportanteng bagay daw ang itinago nito." Sagot ni Mang Kanor.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Mang Kanor sa bawat kwarto at tungkol sa mga Davis.
Napahinto si Marga sa isang pamilyar na amoy.
Kasing bango din iyon ng kaniyang kwarto.
It was a perfume made from a flower called Lily of the Valley.
(Chloé Eau de Parfum Spray)
"Kaninong kwarto po ito." Saad niya.
"Iha walang kwarto diyan pader iyang inaamoy mo." Sagot nito na ikinagulat niya.
"Ho? Sigurado po kayo?" Tanong niya dito.
"Its just a wall." Saad ni Will sabay hila sa kaniya palayo sa nasabing lugar.
Nang matapos nilang suriin ang buong lugar ay nagpaalam na sila sa matanda.
"Dadaan ako sa bayan may bibilhin lang ako dito ka nalang sa sasakyan." Saad nito.
"Wag kang aalis." Dagdag nito sabay sarado ng pinto.
"Napakaantipatiko talaga ng lalaking iyon." Bulalas niya.
Nagmumuni na lamang siya ng may biglang may kumatok sa pinto.
Narinig niya ang boses ng isang bata na tumatawag sa kaniya.
"Ate tulungan mo po ako iyong lola ko po." Saad ng bata.
Nagdadalawang-isip man ay mas kinain siya ng awa kaya binuksan niya ang pinto.
"Saan banda?" Tanong niya sa bata.
"Dito po ate dali." Saad nito habang hila-hila siya bigla itong bumitaw at narinig niya ang pagtakbo nito sa unahan.
"Sandali lang-" napatigil siya ng marinig ang paharurot na sasakyan patungo sa kaniya.
Naramdaman niya ang biglang paghila ng kung sino sa kaniya.
Hingal na hingal ito at sobrang lakas din ng kabog ng dibdib nito.
Naaninag siya sa liwanag ng ibuka ang kaniyang mga mata.
"Buti nalang at nahila kita agad, paano kaba napunta dito at nakapantulog kapang lumabas kanina kapa tinitingnan ng buong bayan Margaretha." Naiiritang saad ni William sa kaniya.
Biglang nag-sink sa utak niya ang pangyayari at mabilis itong tinulak.
Kinusot niya ng paulit-ulit ang kaniyang mata ngunit hindi ito nagkakamali sa nakikita.
Si William iyon ang estrangherong nakilala niya kagabi.
Nagpalinga-linga siya sa paligid nakikita niya ang mga babaeng nagtitinda. Mga lalaking naghahakot ng mga sako-sako at mga kalesang dumadaan sa Carcar Circle.
"Nasa bayan ako tapos ngayon nasa bayan ako ulit ngunit sa dating bayan." Bulalas niya na parang wala sa sarili.
Agad na lumapit sa kaniya si William at hinubad ang suot nitong coat at inilibot sa kaniya.
Tiningnan niya lamang ito ni halos salita ay walang lumalabas sa kaniyang bibig.
Idinampi nito ang kamay sa kaniyang noo at napabuntong hininga na para bang nagbabantay ito ng isang napakakulit na aso.
"Sobrang taas pa ng lagnat mo ihahatid na kita sa inyo." Bumaba ang tono nito at iginiya siya sa dalawang lalaki na nakatalikod.
"Akin ito Francisco wag ka ng sumutsot mayaman ka naman iyan na lamang ang kunin mo." Saad ng lalaking nakasuot ng lumang denim short na hanggang tuhod at t-shirt na kupas na pinaresan ng tsinelas sa paa.
"Masyado kang mapanlinlang Aldrino kung hindi ka lang mukhang basahan sigurado akong makikilala ka ng mga tao dito. Ang kapitan ng barkong galyeon ay sobrang napakadungis at napakakuripot!" Saad ng isang lalaki na nakasuot ng isang tuxedo sa tanghaling tirik.
Nagpangap na umubo si William na ikinakuha ng attention ng dalawa.
"William ikaw pala at sino naman iyang dala mong binibini?" Nakangiting lokong saad ni Aldrin.
"Maghunosdili ka Francis sabagkat nobya ko ang iyong kausap." May babala sa tinig ni Will.
"Mukha kana ngang basahan nagagawa mo pang mambabae ibang klase talaga ang isang Valencia." Sarkastikong saad ni Francis.
"Ako nga pala si Francis Valencia at siya naman si Kapitan Aldrin Martinez. Ako na ang humihingi ng tawad sa kaniyang kapangahasan." Dagdag nito.
"Wala sa akin iyon ako nga pala si Margareth Davis." Pagpapakilala niya kahit litong-lito pa siya sa pangyayari.
"Davis? Ikaw ang anak bunsong anak ng heneral tama ba ako?" Gulat na saad ni Aldrin.
Tumango na lamang siya sapagkat umeepekto na nga na may lagnat siya.
"Ikinagagalak ka naming makilala mukhang hindi mabuti ang iyong lagay sapagkat ika'y namumutla." Pansin ni Francis sabay tingin kay William.
"Ihahatid ko muna si Margareth sa kanila maiwan ko muna kayong dalawa." Paalam nito sa dalawang kaibigan.
Bago pa sila makaalis ay napansin niya ang kakaibang ngiti ni Francis.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni William.
"W-wala." Saad nalang niya.
Pagkarating nila sa bahay ay bumungad ang galit na mukha ng kaniyang ama.
"Bakit kasama mo ang anak ko hindi ko pa pinapayagan ang inyong pag-iisang dibdib. Ganito ba ang asal na ipapakita mo sa akin Alcazar!" Galit na saad nito habang nakatingin sa kaniya.
Hindi umimik si William at lumuhod sa isang tuhod sa harap ng heneral.
"Ama nagkakamali po kayo tinulungan lamang ako ni William kanina sapagkat ako'y nagising na lamang sa bayan." Saad niya dito.
Nagdududa man ay tumigil ito ng marinig siyang umubo.
"Paano ka naman napunta sa bayan at ganyan ang iyong suot." Saad nito.
Hindi pa rin ito kumbinsado sa paliwanag niya.
Nagdadalawang isip siya sumagot ngunit bago paman makapagsalita ay narinig nila ang boses ni Francis.
"Magandang hapon heneral Davis kasama po namin si William sa bayan. Sapagkat kami ay nag-uusap sa pararating na pyesta ng San Fernan. Nakita ko na naglalakad na wala sa sarili si Margareth at mukha itong may sakit. Buti na lamang at mabilis itong nalapitan ni William at dinala pauwi dito. Mas makabubuti kung ipatingin niyo na muna ang anak niyo sa doktor." Saad ni Francis.
Matapos siyang matingnan ng doktor ay sinulatan siya nito ng gamot at pinayohang magpahinga.
"Kumusta po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ng Heneral.
"Mabuti na lamang at agad niyo akong tinawag naagapan ko agad ang lagnat nito bago pa lumala. Huwag kayong mag-alala nasa mabuting lagay na ang iyong anak." Paliwag ng doktor.
Sinamahan ng heneral ang doktor palabas naiwan na lamang siya sa kwarto.
"Paano ako napunta sa lugar na ito kanina lang kasama ko pa si Will." Wala sa sariling saad niya.
Masyado na siyang nagtataka sa pangyayari na wari'y totoong nangyayari ang lahat at hindi isang panaginip lang.
Biglang nanlaki ang kaniyang mata ng maalala ang susing kwentas na nakita niya.
Agad niyang kinapa iyon sa kaniyang leeg ngunit wala iyon.
"Lagot na naiwala ko pa ata sa bayan kailangan kung balikan iyon!" Sigaw niya sa isip.
Bumukas ang kaniyang pinto at pumasok ang kaniyang ama na puno ng pag-aalala.
"Kumusta na ang iyong pakiramdam Margaretha?" Tanong nito.
"Maayos naman po medyo nahihilo lamang." Sagot niya.
Bumuntong hininga ito at naging seryuso ang mukha.