Jack's Pov
Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Para akong biglang sinilaban na hindi ko mawari.
For the first time in twenty long years of my existense after the awakening in the lab. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng init sa katawan.
I mean, ngayon ko lang naramdaman na mainit ang katawan ko. Ang paghinga ko.
Mainit ako.
And it feels like, nagising ako mula sa mahabang pagkakahimbing.
Ang ginawa namin ni Natsu kanina siguro ang dahilan.
Nung una ay parang balewala lang sakin ang ginagawa namin but later on was different.
Nakaramdam ako ng sakit na parang pinupunit ang ari ko nang pasukin nya ang mundo ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na dumadaloy sa katawan ko.
It feels like....
My body was melted by Natsu's touch.
I can feel anything now. I can feel the pain in my sex. I can feel the tiredness dahil sa ginawa namin.
I can feel my heart beats faster.
I can feel the heat flowing in my veins without waking the wargon.
Does it mean that I'm a human again??
Sandali akong natigilan at napatingin sa natutulog na lalaki sa tabi ko.
He was peacefully sleeping in my water bed covering his body with my blanket.
I leaned towards him and stare his beautiful face.
"What did you do to me Natsu?"
I held his hand and place it in my cheeks to feel his warmness.
This is new. This is all new.
I can feel him. And I can feel some heat growing inside my body.
Bumangon ako at naglakad papunta sa banyo. I look at the mirror to see myself.
My eyes were glowing. My purple eyes were glowing and my cheeks were red. My lips is redish.
My body were slowly becoming redish.
Kinuha ko ang blade na nasa tabi at marahan kong hiniwa ang aking finger tip.
I saw my blood. It was redish with touch of purple. The wargon blood.
I smell it but I don't feel any pain.
Napamulat ako at muling tiningnan ang aking dugo.
This is odd.
Wargon blood was powerful and everytime I see them makes me weak. But now it was reversed.
I can stare and smell it without affecting my brain.
I close my eyes and taste my blood.
Naramdaman ko ang pagsigid ng kakaibang lakas sa mga ugat ko. Mas malakas at mas makapangyarihan.
And when I open my eyes I saw her.
Her normal black eyes and black hair. Her sweet smile and her tiny voice calling the man she loves. Her face covering with the strand of her smooth hair.
She was happy. She was pretty. And she was innocent.
The girl I used to be.... twenty years ago.
--
Zero's Pov
Nagising ako nang maamoy ang masarap na pagkain na dumaan sa aking ilong.
Gumalaw ako at nagbago ng posisyon.
Hmmm..five minutes.
Muli akong naidlip ngunit talagang malakas ang hatak sakin ng masarap na pagkain na waring nasa malapit ko lang.
Biglang kumalam ang tiyan ko kasabay ng mahinang pagtawa ng pamilyar na boses sa harap ko.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata para lang magulat nang mabungaran ko si Jack na nakatitig sakin at nakangiti.
Shit! Bakit sya nandito sa kwarto ko?
Ilang sandali pa kaming nakatingin lang sa isa't isa. At parang may kung anong nagflash sa utak ko kasabay ang mumunting alaala na hindi ko alam kung panaginip ba o totoo.
Ang bawat detalye ng naganap na pagiging isa namin ni Jack.
Nanlaki ang mga mata ko sa naalala.
"Good morning sleepyhead." Bati niya na parang walang nangyari.
Teka, hindi kaya panaginip ko lang ang lahat??
Mabilis kong tiningnan ang sarili ko kung nakahubad ba ako ngunit nakasuot ako ng damit ko na syang suot ko rin kahapon nung hinatid ko sya rito.
"Breakfast is ready." Aniyang tumayo at naglakad papuntang mini table sa tabi ng kama.
Alanganin akong bumangon at muntik pa akong mahulog dahil water bed pala ang hinihigaan ko.
"Come on Natsu, join me here." Ani Jack na sumulyap sakin.
"Ahmm, d-dito ba ako natulog?" Pagkuway tanong ko sa kanya.
She looked at me.
"You woke up in my bed with the same clothes you wore yesterday. So, what do you think?" Nakangising sagot nya.
Pilosopa talaga.
She prepare our meal at nilagyan nya din ako ng pagkain sa plate ko.
Tiningnan ko syang kumilos. Parang wala namang kakaiba sa kanya. Normal parin syang kumilos.
Pero malinaw sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ako nakainom o lasing kagabi kaya imposibleng nanaginip lang ako.
"Jack.."
"Hmm..?"
Napalunok ako sa paraan ng pagsagot nya.
Shit! Bakit parang pangbedrooom voice ang pagsagot nya.
"Ahmm..d-did something h-happened last night?" Lakas loob na tanong ko.
Kinakabahan ako na ewan sa magiging sagot nya.
Natigilan siya saka ibinigay sakin ang pagkain ko.
She look at me with frowning forehead.
"Why? What do you remember?" She asked as if trying to confirm something too.
Bumuntong hininga ako saka tumingin sa kanya.
"I...I don't know if that's true but I think w-we did something last night. I mean...did we really did that?" Hirap na sabi ko.
"Get straight to the point Natsu. What do you wanted to say?" Medyo seryosong tanong niya.
Napalabi ako bago sumagot.
"Okay, d-did we had sex last night?" Pakiramdam ko ay namula ako sa tanong kong iyon.
She gaped as if she was surprised.
She looked at me like she can't believe that I'm here in front of her.
"D-did we?" Ulit ko sa kanya.
"You remembered." Halos pabulong na wika niya na waring mas kinakausap nya ang sarili nya.
Pero anong sinabi nya? I remembered? Of course I can remember. Hindi naman ako lasing kagabi at first time yun nangyari sa buhay ko kaya paano kong makakalimutan.
"Jack...I-!"
"Finish your food." Aniyang mas naging seryoso.
Takang napatingin nalang ako sa kanya.
Hindi na sya nagsalita pa. Nagsimula syang kumain ngunit agad ding natigilan nang mapansing hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
She heaved a sigh and looked at me.
"Yes." Aniya.
Napakunot noo ako sa sinabi nya.
Anong ibig nyang sabihin?
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin.
"W-we did..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Bahagya siyang napangisi.
"Yes Natsu. We had sex last night." Balewalang turan niya.
Napanganga ako sa sinabi niya.
Bakit parang ang dali lang para sa kanya na sabihin ang ganong klaseng bagay.
"Don't worry. Pananagutan naman kita eh." Aniyang bahagya pang natawa.
"This isn't funny Jack. We just had sex last night and it's a big deal to me." Medyo iritableng sabi ko.
Big deal talaga sakin yun dahil bukod sa first time ko yun, nangako ako sa sarili kong ang babaeng pakakasalan ko lang ang sisipingan ko. Pero mukhang nasira na ng pangako kong yun.
"Really? Why? Because it's your first time?"
"Yes of course. Why? Aren't you?" Nakaismid na tanong ko.
Pero kung hindi nya yun first time, bakit ang sikip nya at saka naramdaman kong parang may napunit na bagay sa kanya nung pumasok ako.
"It was." Aniyang umiwas ng tingin.
Pakiramdam ko ay nagliwanag ang paligid ko sa sinabi nya.
Bakit parang pakiramdam ko ay natutuwa akong malaman na ako rin ang una nya.
Napayuko ako para itago ang ngiting hindi ko napigilang kumawala sa labi ko.
I'm her first and she was my first too. Shit! Why do I feel so happy about that despite the fact that I'm not a virgin anymore.
Shit! I feel so gay but I can't help it to smile.
"Finish your food at may pasok pa tayo." Napatingin naman ako sa kanya.
Oo nga pala. May pasok pa kami. Ngunit natigilan din ako nang mapagtanto na hindi ako nakauwi kagabi.
Shit! Siguradong lagot na naman ako kay Erhis at Edward nito.
"Don't worry, I talked to your sister last night and I told her that we had a project and you couldn't go home."
Maang na napatingin ako sa kanya.
She just shrugged her shoulder and continue her food.
Napailing nalang ako saka napangiti. For some reason ay nawala ang lahat ng inis at asar ko sa kanya hindi dahil sa may nangyari samin but because I find her funny and cute. May sense of humor and unpredictable.
Matapos naming kumain ay sabay kaming lumabas ng kanyang kwarto.
Naabutan namin sina Shane at Tanda na kumakain ng almusal at halos sabay pa silang napalingon samin.
"Hey love birds!" Halos sabay din nilang bati samin. Nag init ang mukha ko sa klase ng tingin nila samin ngunit parang balewala lang iyon kay Jack.
"Good morning!" Bati naman sa kanila ni Jack.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Tanda.
"Yes. We gonna go. Natsu needs to change his clothes first." Ani Jack.
"Ow, okay. Sunod nalang ako." Ani Shane na malapad ang pagkakangiti na para bang nakalimutan na niya ang sinabi nya kahapon na lumayo ako kay Jack.
"Mauna na kami." Paalam ko naman sa kanila.
Tumango lang sila saka nagkatinginan.
I know what they're thinking.
We used my car again dahil naiwan ni Jack ang motor nya sa school kahapon.
Masyado pa namang maaga kaya siguradong wala pang estudyante sa school. Good thing that I have a spare of clothes in my locker.
"Natsu.."
"Yes?"
"I don't want to see you with Miss Sison starting today."
Napatingin ako sa kanya.
Oo nga pala at sila ang nanalo sa laro kahapon. But Heart is my...my..
Natigilan ako.
Ano ko nga ba si Heart?
"She's not your girlfriend. But I know there's something between the two of you. I don't like her being with you." Seryosong wika niya.
"I can't promise you that Jack. Heart is my childhood friend and yes, there is something between us na kami lang ang nagkakaintindihan."
"Okay, atleast limit the time that you spending with her. She's not good for you."
"Jack, I know we had a deal but Heart is different. She's special to me. And I promised her that I won't leave her no matter what."
"Do you love her?" Tila may pait sa tinig na tanong niya.
"Yes. She's the only girl I love ever since." Sagot ko at bahagyang sumulyap sa kanya ngunit agad syang nag iwas ng tingin.
Totoo naman yun eh. Mahal ko si Heart at sya lang ang minahal ko mula noon.
Wala na akong narinig na kahit ano sa kanya hanggang sa makarating kami sa school.
"I still don't want to see you near her or being with her. I don't care if you love her or if you promised something stupid to her. I won the game and we had a deal. If you wanted to see her, don't ever let me know." Napatingin ako sa kanya.
Sinasabi nya ba na palihim lang akong makikipagkita kay Heart?
"Besides, I told you that I want to court you. If I saw you being with her, I'm gonna punish you in every way I can."
Napamaang ako sa sinabi nya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Jack, I am Ezequil Zeroin Montero at ako ang tinitingala ng lahat sa school tapos parurusahan mo lang dahil nakita mo kaming magkasama ni Heart? You're unbelievable!" Asik ko sa kanya.
"Kung ayaw mong makita ng iba na pinaparusahan kita, eh di wag kang magpapahuli na kasama mo sya. Madali naman akong kausap eh." Giit niya.
"I'm sorry Jack, pero hilingin mo na ang lahat wag lang ang layuan si Heart."
Tinitigan nya ako nang matagal.
"You really love her that much?" Tanong niya.
"Yes." Mabilis kong sagot.
"What about her? Does she really loves you?" Natigilan ako sa tanong nya.
Hindi ako nakasagot.
"If she really loves you, she won't deny your relationship with her. Wake up Natsu, you're just wasting your time with her."
Hindi ko maiwasang mainis sa sinabi nya.
"Jack, would you please spare her from your stupid deal? Gawin mo kung ano ang gusto mo. Ligawan mo ako kung gusto mo, parusahan mo ako kung gusto mo, pero wag na wag mong pakikialaman ang relasyon ko kay Heart. Dahil kahit may nangyari na satin hindi parin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya." Inis na sabi ko sa kanya saka marahas na lumabas sa sasakyan.
--
Natsu's Pov
Nasa classroom kami ngayon. Katatapos lang ng unang subject kaya medyo magugulo na naman ang mga estudyante.
Ngunit nakatingin lang ako sa labas ng bintana at iniisip ang mga nangyari.
Isang buwan na ang nakakalipas mula nang magkasagutan kami ni Jack. At mula nang araw na yun ay di na kami nagkita pa.
Hindi ko alam kung nasaan sya. Nakikita ko naman minsan si Shane sa grounds pero mag isa lang sya. Ayoko naman syang tanungin kung nasaan si Jack dahil inuunahan ako ng kaba.
Paano kung iniisip na nila na isa akong gago dahil matapos na may mangyari samin ni Jack ay hindi ko na sya kinausap pa.
Pero kung susumahin ay ang bilis lang ng mga pangyayari. Parang kahapon lang nang makilala ko si Jack. Naasar pa ako sa unang beses na nakita ko sya dahil sobrang astig nya. Nag palitan pa kami ng mapang asar na mga salita hanggang sa masipa nya ako tapos ginamot din agad. Tinuruan nya akong magmotor na hindi ko naman natutunan tapos pinahiram nya nalang ako para sa laban ko kay Draco.
Tapos pinahiya nya ako, tapos inasar ko sya, tapos nakipagpustahan sya sakin, tapos nanalo sya at may nangyari saming dalawa. Tapos...tapos...
Napahilamos ako sa mukha ko.
Tapos ngayon...parang balik na naman kami sa dati.
Sya kasi eh. Masyado nya akong kinokontrol at pati si Heart dinadamay nya.
Masyado syang bossy at daig pa si madam kung manduhan ako.
Ni hindi pa nga nya tinutuloy ang panliligaw nya. Sabi nya liligawan nya ako. Pero nasaan na sya?
Medyo nag aalala din naman ako sa kanya dahil kahit mukhang malakas at astig sya ay babae parin sya. At saka kung sakin nga big deal ang nangyari samin sa kanya pa kaya?
Pero anong gagawin ko? Hindi sya nagpapakita sakin at isa pa, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Pero 'langya naman oh! Namimis ko yata sya.
No! I should not miss her. Hindi pwede. Si Heart lang ang mahal ko.
Pero kahit paulit ulit kong sabihin sa utak ko na hindi ko sya namimis ay mas lalo ko lang nararamdaman ang pagkamiss ko sa devil na yun.
Hayst! Ano ba kasing ginawa nya sakin at ganoon nalang ang kagustuhan kong makita sya..?
Geez, fine! I missed her!
"Ang hirap namang sisirin nyang iniisip mo dre. Ang lalim eh!" Napaangat ako ng tingin nang marinig si Cody.
Kinuha niya ang upuan sa harap ko at umupo ng nakaharap sakin.
"Ilang araw ko ng napapansin na tahimik ka, may problema ba?" Seryoso namang tanong ni Drew na umupo sa tabi ko.
Napabuntong hininga ako saka sila tiningnan.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila na binabagabag ako ng kunsensya o pag aalala dahil sa nangyari samin ni Jack. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na hindi na ako virgin. Ang alam kasi nila nilalaan ko ang sarili ko para sa Heart ko.
"Dude, kung tungkol yan kay Angel. Maiintindihan namin, alam naman namin na sya lang ang dahilan kung bakit ka natatahimik dyan eh." Ani Cody.
Napayuko ako at pinagsalikop ang aking mga palad habang nakapatong sa magkabilang armchair ang aking siko.
"Nag-away ba kayo?" Tanong naman ni Drew.
"Naku, sa klase pa lang ng mukha nito siguradong nagkatampuhan na naman sila ni Angel. Palagi naman silang ganan eh pero bukas makalawa eh magbabati narin yan sila." Ani Dy.
Bahagya akong napatawa sa sinabi nya.
Ganun nga kami ni Heart, kapag nagtatampuhan ay agad ding nagbabati pero hindi naman sya ang dahilan ng pagiging tahimik ko ngayon eh. At saka isa pa, halong dalawang beses ko nalang yatang nakikita si Heart mula nung sinabihan sya ni Jack na layuan ako. Siguro seneryoso nya yun.
At ewan ko ba kung bakit masyado yata akong affected sa sagutan namin ni Jack.
At inaamin ko na ngayon ko lang narealized na masasakit pala ang mga salitang binitiwan ko sa kanya.
At sa ginawa ko sa kanya. Nagmukha lang akong jerk na matapos siyang galawin ay basta ko nalang syang iniwan.
"Dude, ano ba talaga ang problema? Kung simpleng tampuhan nyo lang ni Angel yan ay malamang na naikwento mo na samin. Kaya posibleng iba yang problema mo ngayon." Ani Drew na lalo pa yatang naging seryoso.
Muli akong napabuntong hininga saka tumingin sa kanilang dalawa.
Sasabihin ko na. Kaibigan ko naman sila kaya mas okay nga siguro kung e-open ko sa kanila.
"Dude, wag kayong mabibigla-!"
"Oh shit! Nakaiskor kana kay Angel?" Agad na singit ni Cody na kung hindi lang maingay ang mga kaklase namin ay tiyak na narinig na nila ang sinabi nya.
"Gago hindi!" Asik ko naman sa kanya.
"Ah! Sorry dre naexcite lang. Hehe!" Kamot sa ulong katwiran nya.
"So, what is it?" Si Drew.
"I..I'm not a virgin anymore and it's not with Heart." Mahinang sabi ko.
Ilang sandali silang hindi nakaimik at waring naghihintay pa ng sasabihin ko.
"Narinig nyo ba ako? I said I've been diverginized."
Tahimik parin silang nakatingin lang sakin ngunit muntik na akong mahulog sa upuan ko sa sigaw nilang dalawa.
"WHAT THE FUCK DUDE!!"
Biglang tumahimik ang room namin dahil lahat ng classmate namin ay napatingin sa kinaroroonan namin.
Wari namang natauhan din ang dalawang kumag sa naging reaction nila at waring nahiya lalo na si Drew dahil bihira naman syang sumigaw ng ganun.
At dahil nakaagaw na kami ng pansin ay minabuti nalang naming lumabas sa room at nagtungo sa outpost na madalas naming tambayan.
"T*angina ka dre, ulitin mo nga ang sinabi mo?" Akala mo tatay ko na turan ni Cody.
"Dude? How? I thought you're preserving yourself just for Angel and now you're telling us that it's not her who have been diverginized you? Then who is it? Have you been drunk when you did that?" Sunod sunod namang tanong ni Drew.
Hindi pa man ako nakakasagot ay sumabat na si Cody.
"H'wag mong sabihing napikot ka ng isa sa mga easy to get dyan? Saan nyo ginawa? Bakit hindi namin alam? Bakit hindi mo sinabi? Totoo ba talaga yan? Baka naman ginogood time mo lang kami? Alam ba ni Angel yan? Ano ng-!"
"Shut the fuck up dude! I will explain okay?" Putol ko natatarantang boses ni Cody.
Tumigil naman sya at matamang tumingin sakin ganun din si Drew.
Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"It's true. I broke my promised to myself that I will only give myself to Heart someday." Panimula ko. "Hindi ko rin alam kung bakit ko hinayaan na mangyari yun dahil nang mga oras na yun matino ang isip ko at sadyang hindi ko lang makayanan ang bugso ng damdamin ko at ang init na nararamdaman ko." Dagdag ko.
Tahimik lang sila.
"I know it sounds gay, dahil para akong dalagang bukid na nadiligan sa unang pagkakataon at sasabihin ko sa inyo na big deal yun sakin. Pero..."
Hindi sila umimik bagkus ay hinintay lang nila ang sasabihin ko.
"...pagkatapos ng nangyaring yun hindi ko na sya nakita pa. It's been a month since we did that. At palagay ko kasalanan ko kung bakit hindi na sya nagpapakita sakin dahil sinabihan ko sya na si Heart ang mahal ko at kahit na may nangyari na samin ay hindi parin magbabago ang nararamdaman ko kay Heart."
Napanganga sila sa sinabi ko.
"Wow. That was really a jerk style dude! Ang gago mo pare!" May halong inis na singhal sakin ni Cody.
"I know." Tipid kong sagot at tinanggap ang sinabi nya. Totoo naman eh. Gago ko talaga.
"But atleast you tried to find her did you?" Ani Drew.
Marahan akong umiling iling.
Napasuntok sa sariling palad si Cody at napahawak naman sa noo nya si Drew.
I know. I screwed up.
"Dude, I know that you love Angel. Pero ang gumamit ka ng ibang babae para maibsan ang init na nararamdaman mo sa kanya ay para mo naring tinapos ang kung anong meron kayo ni Angel." Seryosong saad ni Drew.
"Dahil sa tingin mo ba? Makakaya nyang tanggapin na nakuha ka na ng iba gayung simula't sapol ay alam nyang hinihintay mo sya." Dagdag nya pa.
T*angina. Lalo naman akong kinukunsensya ng kumag na 'to eh.
"At hindi lang yun dre. Masakit sa side ng babaeng ginamit mo ang ginawa mo. At kung ako ang kuya nun malamang ngayon palang bugbog sarado kana sakin." Galit na sabat naman ni Dy.
Naiintindihan ko sya dahil meron syang kapatid na babae na mahal na mahal nya.
May kapatid din naman akong babae at kung ano ang nararamdaman ni Cody ngayon ay tiyak na sya ring mararamdaman ko kapag kay Erhis nangyari ang ganitong bagay.
Lalo tuloy akong nag alala kay Jack. Kamusta na kaya sya? Masyado ko ba syang nasaktan sa ginawa ko?
Pero kasi, parang balewala lang naman sa kanya ang nangyari samin eh. Mas naging OA pa nga ang reaksyon ko nang malaman kong totoo ang nangyari samin.
But still. Mali parin ako. Babae sya at mahalaga sa kanila ang kanilang dangal tapos basta ko nalang yun kinuha sa kanya.
I should make it up to her.
Pero anong gagawin ko?
"Dude, hindi naman sa tinatakwil kita, pero pakiusap. Hanapin mo ang babaeng nasaktan mo at humingi ka ng tawad sa kanya. I know we're bad boys sometimes pero hindi sa ganitong paraan. Ano nalang ang iisipin ng mga fellow students natin at paano ka nila gagalangin kung malalaman nila ang ginawa mong-!"
"Oo na. Kung magsalita ka parang ang sama sama ko ah! Hindi lang naman sya ang nawalan! Ako din! Nawalan din ako ng dignidad." Sabat ko kay Cody na daig pa si dean kung sermunan ako.
"Eh nagsasabi lang naman ako ng-!"
"Oo na! Get's ko na. May naisip na akong plano kung papano sya makakausap okay?"
"Talaga? Pano?" Biglang excited nyang tanong.
Bipolar ampota!
"Basta. Pero kailangan ko ng tulong nyo."
"Sure!" Sabay na sagot naman nila.
"Okay, una. Drew, tanungin mo si Shane kung nasaan si Jack. Simplehan mo lang ng pagtatanong na tipong hindi nya mahahalata na hinahanap mo sya."
"What? Bakit ko hahanapin si Jack? At bakit hindi nalang ikaw ang magtanong sa babaeng yun?" Agad na reklamo nya which is odd.
"Akala ko ba tutulungan nyo ako?"
Napaismid naman sya.
"Fine! Pero bakit kailangan mo pang malaman kung nasaan si Jack? Hindi ba pwedeng tayo nalang ng kumilos dahil sarili nating problema 'to?" Giit ni Drew.
"Dude, akala ko ba okay na? Basta kailangan ko mahanap si Jack dahil kung wala sya palpak ang plano ko okay?" Saad ko.
Marahas naman syang napabuntong hininga.
"Okay fine."
"Okay, second. Dy, Tawagan mo sina Renz at magpatulong kang ayusin ang stage bukas. Pagkatapos ng try out ng mga basketball players. Gusto kong pagandahin nyo ang stage at lagyan ng decoration. Bahala kana kung papano nyo yun gagawin basta dapat maging sweet ang dating at dapat walang ibang makakaalam nito. Okay ba?"
"Hmm..okay sakin. Pero teka, hindi ka naman magpopropose sa babaeng yun diba?"
Binatukan ko sya.
"Gago hindi! Anong propose sinasabi mo dyan?"
"Eh teka nga muna. Sino ba yung babaeng ginamit mo?" Takang tanong ni Drew.
"Oo nga ano? Nagplano na tayo eh di pa nga natin alam kung sino pinaghahandaan natin." Segunda naman ni Cody.
Bahagya akong natawa sa kanila. Tiyak na magiging OA na naman reaksyon nila kapag sinabi ko kung sino.
"Basta, malalaman nyo rin."
"Sabihin mo na dude. Para naman alam din namin. What are friends for kung ililihim mo pa samin. Nakapagtago ka na nga ng sekreto samin eh." Giit ni Dy.
"Basta, bukas ko na sasabihin. Ang mahalaga ay magawa nyo ang pinapagawa ko at importante na mahanap ko si Jack dahil balewala ang lahat kapag wala sya. Malaking tulong kasi kapag nandun sya."
"Ano bang meron ang Jack na yun at parang tiwalang tiwala ka sa kanya? Samantalang kung itrato mo sya dati kulang nalang isumpa mo na sya." Naguguluhang tanong ni Dy.
"Wala okay? She's just a girl who always makes me mad ang annoyed but also makes me feel better at the same time kaya mas mabuting makita ko sya."
"Langya! Ang gulo mo rin eh no?" Ingos ni Cody.
Napatawa nalang ako saka inakbayan sila pareho at bumulong.
"Ngayong di na ako virgin. Sino ngayon ang supot sating tatlo?"
"Gago!/Namo Zero!" Sabay na bulalas nila at magkatulong na piningot ang teynga ko.
"Aww..aww..!"
At nauwi lang sa tawanan ang nangyari.
Be ready Jack. I'm going to surprise you.
--