webnovel

Chapter 47

MEGAN

I feel so stress right now mismo sa work lalo na't kay Scarlet.

Hindi ko nga alam kung bakit nagkakagano'n si Scarlet kagabi. Pero hindi ko naman masisisi na magagalit siya dahil iniwan ko siya.

Kailangan talaga ako ni Quinn sa EyeRed dahil biglaang dumating ang investor na hinihintay namin. Ayoko naman ipaliban dahil sayang ang opportunity kung hindi ko ito siputin.

Baka hindi na sila bumalik if ever 'di ako makipagkita sa kanila.

Kaya iniwan ko do'n si Scarlet. And I know it's my fault.

Pero ang hindi ko maintindihan...

Bakit gano'n-gano'n na lang siya sumuko.

E, siya pa naman nagpupumilit na magwork itong relasyon namin, susuko siya agad?

Hindi naman porket pinili ko yung trabaho dahil sa investor, hindi ko na siya priority. Hindi gano'n ang gusto kong iparating sa kanya.

Parang gusto niya iparating na ako yung may mali. Na sa bandang huli pipiliin ko pa rin yung trabaho kaysa sa kanya.

It's been a years I have been workaholic. Alam nilang wala akong time para sa mga ganitong relasyon.

Ngunit first time ko lang...

Na maging masaya man lang ako sa desisyon ko na mahalin siya at ipaglaban ang pagmamahalan namin.

Ngayon ko lang naisip yung kaligayahan ko kasama siya kaysa sa kaligayan ng iba.

Pero hindi ko in-expect na ganito ang kahinatnan.

Hindi ko tanggap ganito desisyon ni Scarlet.

"Hello! Earth to Megan! Naririnig mo ba ako?!"

Bigla akong nagulat na nandito na pala si Quinn.

Inayos ko na ang mga documents na napirmahan ko at binigay sa kanya at tinanggap niya ito.

"Hindi mo talaga narinig sinasabi ko sa'yo." napalingon ako kay Quinn at nagtaka ako.

"Ano ba 'yon?" walang gana kong tanong sa kanya.

"Your Mom is here."

Natawa na lang ako ng peke sa kanya, "Hindi ako nakukuha sa joke mo, Quinn." sabi ko sa kanya at kita kong seryoso ang kanyang mukha na na-realize ko na totoo.

Napansin ko na may bumukas sa pinto ng office ko.

Mukhang hindi nga nagbibiro si Quinn, nandito siya.

Nakita ko ito umupo sa sala, "Pa-check na lang if ever may nakaligtaan ako i-pirma d'yan." bilin ko sa kanya at tumango ito at tuluyan na itong umalis sa office ko.

Natira na lang kami ni Mom kaya umupo ako sa harap niya at tiningnan ko siya na mukhang conscious sa sarili niyang buhok.

"Why are you here, Mom?" tanong ko sa kanya at habang nagppapaganda siya sa kanyang make-up.

"I am asking you a favor."

"What is it?"

"We have family dinner at 7pm with Diego's Family. Kailangan mong pumunta."

"I have many things to do, Mom."palusot ko kay Mom.

Wala akong gana pumunta sa family dinner. At alam na alam ko, pag-uusapan ulit namin ang tungkol sa marriage arrangement namin ni Diego.

Ghad! I am so tired...

Walang humpay dumadating ang mga problema sa buhay ko.

Nakakapagod. Parang gusto ko na lang pumunta ng ibang planeta.

"Ano ba pinagkaka-busy-han mo?"

"This company." walang-gana kong sagot.

"Ipasa mo muna kay Quinn lahat ng gagawin mo."

"Mom... Next time na lang. Bawi na lang ako."

"Megan Juxred... Inaasahan ka nila na pupunta ka mamaya. Please don't make them feel disappointed."

"Why? Tungkol lang ba 'to sa gusto mo kami magpakasal ni Diego?" seryoso kong tanong kay Mom at napatigil siya sa pagkilay niya.

Tiningnan niya ako ng seryoso, "Please... pagbigyan mo naman ang Mom mo." sabi niya at natawa na lang ako.

"Mom... Hindi biro na magpapakasal ako sa isang tao na kaibigan lang turing ko."

"Hindi ka ba naawa sa business ni Diego? Kailangan nila tulong ng EyeRed. Palugi na sila." kumunot-noo ako sa sinabi niya.

Umiling din ako, "Mom, please stop convincing me." seryosong sabi ako at huminga ako ng malalim, "Hindi talaga ako papayag. Kahit anong gawin mo."

Para kalmahin sarili ko dahil pakiramdam ko talaga na gusto ko na talaga sumabog pero... hindi naman 'yon ang tama.

Tumayo na lang ako at pumunta sa desk ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Kita ko sa aking peripheral vision na tumayo na si Mom, "Okay. Fine! Just attend our family dinner later. Kailangan mong pumunta mamaya." rinig kong sabi niya at hinintay ko itong umalis.

Naka-alis na rin ang Mom ko.

Napa-face palm na lang ako dahil ayoko talaga pumunta sa family dinner nila pero baka magtampo sina Tita Teresa at Tito Earl kung hindi ako sisipot.

Marami na kasi akong excuses dati kapag may ganitong pa-family dinner. Kaya pinipilit ako ng Mom para pumunta.

Well... wala rin naman akong choice kundi pumunta na lang.

Napalingon naman ako dahil may kumakatok na naman sa pinto ko. Tumingin ako saglit at si Quinn ito.

"Pasok." walang-gana kong sabi.

Pinagpatuloy ko na lang pagbabasa ng mga report.

"Meg, nakausap ko si Scarlet kanina." huminto ako sa pagbabasa at lumingon ako sa kanya.

"Ano sabi niya?" pagtataka kong tanong.

"Gusto niya daw muna mag-out-of-town..." sabi niya.

Tss... talagang iniiwasan ako ni Scarlet.

May gana talaga magpakalayo sa akin kahit hindi niya ako hinahayaang magpaliwanag.

Tapos hahayaan lang niya talaga na hindi kami makapag-ayos man lang.

No. no. no. Hindi talaga ako papayag.

Umiling ako.

"Hindi pwede." inis kong sabi.

"Are you two okay?" concern na tanong niya sa akin, "Hindi pala 'yon ang dapat kong itanong." sabi niya.

Kumunot-noo ako, "Ano?" walang-gana kong tanong sa kanya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbasa ng report.

"Break na kayo?" huminto ulit ako sa pagbabasa saglit pero nagpatuloy ulit ako.

No... we're not. Pero parang gano'n na nga.

Tutal... hindi naman talaga naging kami.

"Quinn, my brother asked me last night kung pwede kayo magdate." pag-iibang tanong ko.

"Hindi mo ako madadaanan sa mga ganyan, Megan." sabi niya, "There's something wrong sa inyong dalawa."

"Paano mo naman nasabi?" natatawang peke kong sabi sa kanya at umupo ito.

"Sinabi niya ang dahilan kung bakit gusto niya magpakalayo muna."

"Tss." nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng report, "Gawin mo na 'yong trabaho." sabi ko na lang sa kanya.

"Hindi ka ba interesado sa sinabi niya sa akin?"

"Hindi." tipid kong sabi sa kanya at tinitigan ko siya ng seryoso, " As if, kaya kong mag-explain ng side ko sa kanya."

"Bakit hindi ka pumunta do'n para suyuin siya?"

"Ako? Susuyo? Mas mabuti na lang na magtrabaho ako dito kaysa sayangin oras ko sa kanya. Hindi naman niya ako hahayaang mag-explain." iritang sabi ko.

"Now I know." nagtaka ako sa sinabi ni Quinn.

"Ha?"

"Actually, hindi ko alam na may problema kayo. Pero ang totoo talaga tumawag siya para humingi ng favor sa akin. Sinisigurado ko lang na wala kayong problema. Pero hindi ko inaasahan 'tong nalaman ko sa'yo." napakamot na lang ito sa ulo.

"Tss. Hindi ka nakakatuwa." iritang sabi ko sa kanya.

Nauto pa nga ako.

Natawa na lang siya, "Ano ba kasi nangyari?" curious niyang tanong sa akin.

"Magtrabaho ka na." sabi ko sa kanya, "May oras ka pa maki-chismis." napailing na lang ako.

Gusto ko muna matapos itong trabaho ko bago ko problemahin si Scarlet.

Nakaisip ako ng ideya para tantanan na ako ni Quinn sa pag-iinterview sa akin tungkol sa amin ni Scarlet, "Kayo? Kamusta na kayo ng kapatid kong si Hexyl?" tanong ko sa kanya.

Nagulat siya sa aking tanong, "Oo nga pala! May gagawin pa pala ako." mukhang umiiwas din siya sa tanong ko.

Hay nako! Quinn, alam ko na kung ano kahinaan mo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbasa ng report.

"Oh! Sir Diego, nandito ka pala." napalingon agad ako.

Bakit kaya siya nandito?

"Alangan naman si Hex nandito." biro ni Diego kaya natawa na lang ako.

Sinamaan ako ng tingin ni Quinn pero wala lang 'yon sa akin kaya tinawan ko na lang siya.

"Magtatrabaho na nga ako." inis na sabi ni Quinn.

"Oo baka nga magkatotoo pa." asar kong sabi sa kanya at binigyan na naman niya ako ng sama ng tingin.

Tuluyan na siyang umalis pero hetong si Diego lumapit sa akin na may dalang paper bag.

"Ano 'yan?" sabi ko habang tinitingnan ko ang paper bag na dala niya.

"Pagkain mo. Dinalhan na kita para hindi ka na bumaba para kumain don." ngiti niyang sabi sa akin.

"Busog na ako. Iuwi mo na lang 'yan." sabi ko na lang.

Actually, gutom na talaga ako. Hindi pa rin ako kumakain ng lunch dahil tinatapos ko 'tong mga papeles na 'to.

Kaso ayoko naman kainin 'tong bigay niyang pagkain baka bigyan pa niya ng

Biglang kumalam ang aking tiyan at narinig din ito ni Diego.

"Busog daw." tinabi niya rin muna ang papeles nilapag niya at nilapag niya ang tinake-out niyang pagkain sa desk ko.

Tutal gutom na talaga ako, kakain na lang ako nitong bigay ni Diego sa akin na pagkain.

"Binilhan kita ng paborito mong tokwang sisig." sabi sa akin ni Diego at ngumiti ako sa kanya.

"Salamat pala dito." sabi ko sa kanya at bigla kong naisip kung bakit siya nandito siya sa opisina ko.

"Pero bakit nandito ka?" curious kong tanong sa kanya.

"Meg, gusto ko sana humingi ng favor sa'yo. Kung okay lang sa'yo?"

"Ano?" sabi ko habang busy ako kumakain.

"Pwede ka ba pumunta mamaya sa family dinner mamaya?"

Napatigil ako sa pag-nguya ko at nagtataka ako na pati rin siya gusto niya 'ko pumunta sa family dinner mamaya.

"Masyado ba akong importante para pumunta do'n?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo naman, Meg." sagot niya sa akin na mukhang may nahahalata ako sa reaksyon niya.

Hindi ba tungkol ito sa marriage arrangement ko sa kanya, kaya sila nagpupumilit sa akin na pumunta doon?

Ilang beses ko na pina-realize kay Diego na hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya kahit man nakasalalay ang kompanya niya.

Dahil turing ko lang sa kanya magkaibigan lang. 'Yon lang kaya kong ibigay sa kanya. ero magpapakasal sa kanya?

It's a no for me.

Hindi ako papayag.

"Pupunta ako, Diego. Kahit hindi mo na kailangan pang humingi ng favor sa akin." seryosong sabi ko sa kanya, "Pero hindi ako nando'n para sa marriage arrangment natin. Alam mo naman na hinding-hindi ako papayag.Tandaan mo 'yan."

Bumuntong-hininga na lang siya pero tinitigan niya lang ako, "Meg, sana alam mo rin kalagayan ng kompanya ko." seryoso niyang sabi sa akin.

"Alam ko. Pero kung sa tingin niyo talaga na marriage arrangement lang naiisip niyong solusyon, hindi ako papayag. Huwag sana ninyo pakialaman buhay ko."

"Hahayaan mo na lang ganito kompanya namin?"

"Hahayaan mo rin bang magpakasal ako sa isang taong hindi ko naman gusto?" hamon kong tanong sa kanya.

"Megan naman. Sa papel lang naman 'to. Hindi ko naman sinasadya na magpakasal ka sa akin." dahilan niya.

"Hindi ko rin naman sinasadya na ganito desisyon ko na hindi magpakasal sa'yo." iritang sabi sa kanya.

Nawalan tuloy ako ng gana kumain, "Kung tapos ka na sa mga sasabihin mo sa akin, pwede ka na umalis." walang-gana kong sabi sa kanya.

"Megan naman..." pamimilit niya.

"Umalis ka na." mariin kong sabi sa kanya, "Hangga't hindi pa ako tumatawag na guard para pa-alisin ka dito." seryosong sabi ko sa kanya.

Pansin kong ginulo niya ang kanyang buhok dahil siguro sa inis niya.

Pansin ko rin na tuluyan na siyang umalis.

Halatang gusto niya talaga ako magpakasal sa kanya para isalba niya kompanya kaya siguro siya rin may pakana na ikalat ang mga litrato namin ni Scarlet.

Hindi mo talaga ako mapapayag, Diego.

***

Iha! Ang ganda naman nitong si Megan..." sinalubong ako ng yakap ni Tita Teresa at nakipagbeso na rin ako.

Nakaramdam ako ng hiya kasi patapos na sila kumain, ako, kakarating ko lang. Hindi ko naman kasalanan.

Hindi ko naman sinasadyang traffic madadaanan ko.

Pagkatapos, umupo na kami at hindi ko inaasahang sobrang gentleman ni Diego.

Pakitang-tao talaga 'to. Kapag hindi kasama magulang niya. Hindi rin 'to gentleman.

"Bakit ngayon ka lang?" bulong sa akin ng Mom ko.

"Pasensya na po kung late na po ako. Na-traffic po kasi ako."

"Okay lang, Megan. Naiintindihan ka namin." sabi ni Tito Earl at ngumiti ako kahit nahihiya talaga ako, "Atleast nandito ka na." natawa si Tito Earl kaya natawa na rin sila.

"Kamusta na pala ang pagiging CEO mo sa EyeRed?" kinabahan ako sa tanong ni Tita Teresa sa akin.

Ito yung kaba na yung tipo na tinawag ka ng professor mo kapag recitation pero with a twist dahil pipili siya in random sa index card.

"Okay lang po. Medyo tambak sa mga gawain." nahihiya kong sagot.

Napatingin ako saglit kay Diego habang nakayuko siya at pinaglalaruan niya ang tinidor sa plato.

Gusto ko man ibalik yung tanong ko sa kanila pero narealize ko na doon talaga pupunta sa usapan.

Ayokong-ayoko talaga pag-usapan tungkol sa marriage arrangement na 'yan.

Mahirap na baka mawalan ako ng choice.

"Actually, Me—"

"Tita, hindi po ba napangako ka po sa amin na pupunta tayo ng Paris?"

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang lumuwag pakiramdam ko no'ng iniba ni Diego ang usapan.

"Oo naman, Diego. Pwede naman natin i-discuss, if hindi na tayo busy. Masyado pang maaga para mag-enjoy." sagot ng Mom at ramdam kong pinisil niya ang aking kamay. Hinawakan niya lang ito.

"Maiba ko lang ang usapan, pwede ba natin pag-usapan tungkol sa business ninyo?"

Napapikit ako ng mariin at pumiglas ako sa pagkahawak ng kamay sa akin ni Mom.

Nakaramdam ako ng inis at sinamaan ko ng tingin si Diego. Tinaasan ko siya ng kilay para tulungan niya ako. Pagkatapos, umupo na kami at hindi ko inaasahang sobrang gentleman ni Diego.

Pakitang-tao talaga 'to. Kapag hindi kasama magulang niya. Hindi rin 'to gentleman.

"Bakit ngayon ka lang?" bulong sa akin ng Mom ko.

"Pasensya na po kung late na po ako. Na-traffic po kasi ako."

"Okay lang, Megan. Naiintindihan ka namin." sabi ni Tito Earl at ngumiti ako kahit nahihiya talaga ako, "Atleast nandito ka na." natawa si Tito Earl kaya natawa na rin sila.

"Kamusta na pala ang pagiging CEO mo sa EyeRed?" kinabahan ako sa tanong ni Tita Teresa sa akin.

Ito yung kaba na yung tipo na tinawag ka ng professor mo kapag recitation pero with a twist dahil pipili siya in random sa index card.

"Okay lang po. Medyo tambak sa mga gawain." nahihiya kong sagot.

Napatingin ako saglit kay Diego habang nakayuko siya at pinaglalaruan niya ang tinidor sa plato.

Gusto ko man ibalik yung tanong ko sa kanila pero narealize ko na doon talaga pupunta sa usapan.

Ayokong-ayoko talaga pag-usapan tungkol sa marriage arrangement na 'yan.

Mahirap na baka mawalan ako ng choice.

"Actually, Me—"

"Tita, hindi po ba napangako ka po sa amin na pupunta tayo ng Paris?"

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang lumuwag pakiramdam ko no'ng iniba ni Diego ang usapan.

"Oo naman, Diego. Pwede naman natin i-discuss, if hindi na tayo busy. Masyado pang maaga para mag-enjoy." sagot ng Mom at ramdam kong pinisil niya ang aking kamay. Hinawakan niya lang ito.

"Maiba ko lang ang usapan, pwede ba natin pag-usapan tungkol sa business ninyo?"

Napapikit ako ng mariin at pumiglas ako sa pagkahawak ng kamay sa akin ni Mom.

Nakaramdam ako ng inis at sinamaan ko ng tingin si Diego. Tinaasan ko siya ng kilay para tulungan niya ako.

Pero nakita ko siyang umiling kaya inirapan ko na lang ito.

Tutal sila naman nagplano nitong family dinner, tatapusin ko na 'tong problema ko. Mag-isa.

"Kung tatanungin niyo po ako, kung papayag ako sa marriage arrangement para ma-survive ang business niyo, hindi po talaga ako papayag." mahinahon kong sabi sa kanila at napansin nag-iba ang kanilang reaksyon sa akin.

"Hindi ka ba naaawa sa kalagayan namin?" tinaasan ako ng boses ni Tita Teresa.

Kumalma ka, Meg.

"Megan, pagbigyan mo na sila." pamimilit ni Mom sa akin at lumingon ako.

Umiling ako kahit nagtitimpi pa rin ako sa inis.

"Meg, parang awa mo na. Mahalaga sa amin ang business namin."

Parang-awa niyo na rin. Mahalaga rin sa akin ang buhay ko.

Gusto ko naman sabihin ito pero ayokong bumitaw ng salita kasi alam kong masasaktan din sila sa sasabihin ko.

Tahimik pa rin ako habang nakatingin sa kanila na mukhang hindi na maipinta ang kanilang mukha.

"Ako na bahala sa marriage arrangement nila." lumingon ako agad sa Mom ko.

"A-ano?!" tinaasan ko ito ng boses at nagulat din siya sa reaksyon ko, "Lahat na lang ba wala akong choice? Pati rin sa buhay ko?" inis kong tanong sa kanya.

"Megan, hindi kita pinalaki para sumagot ka sa akin. Mahiya ka naman nasa harapan mo sina Tita Teresa at Tito Earl mo." tinaasan din ako niya ako ng boses at mukhang naiinis na siya.

Gusto ko na talaga magbitaw ng mga masasakit na salita. Pero nanatili pa rin respeto ko sa kanila.

"Mare, kumalma ka. Kumalma kayo." awat sa amin ni Tito Earl.

Tumayo na lang ako para umalis.

"Meg, umupo ka!" sigaw sa akin ng Mom ko pero hindi ko na lang pinakinggan.

"Aalis na po ako." mahinahon kong sabi sa kanila at napansin kong tumayo si Diego para ihatid niya ako ngunit umiling ako.

"Kaya ko na mag-isa." ngumiti ako ng peke sa kanya at tuluyang umalis na ako.

Pagkalabas ko ng restaurant napakuyom ng kamao sa sobrang galit.

Lubayan niyo na ako.

Pagod na pagod na ako kung alam niyo lang...

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
次の章へ