webnovel

Chapter 48

MEGAN

Nandito ako ngayon sa club.

Gusto ko lang mawala muna sa reyalidad kong mundo at ilabas ang sama ng loob ko sa pag-inom.

Alam kong alak lang nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon... lalo na sa mga problema ko.

Kahit ilang araw na ko hindi pumapasok sa EyeRed, alam kong hinahanap na nila ako.

Pero wala akong pakialam. As if mahahanap nila ako agad.

"Ow! Meg! You're here!" bati sa akin ang aking kaibigan na si Miggy.

He's the owner of this club at hindi ko akaling nandito siya. Marami na rin kasi itong business si Miggy kaya hindi ko rin maisip na nandito siya ngayon.

Kita kong nagtataka ito sa akin dahil ngayon lang ako nakapunta dito sa club niya.

"Don't ever call anyone. I'll kill you."pabirong pagbabanta ko sa kanya.

"Alright!" tinaas agad ang kamay niya na parang sumusuko ito, "But I am watching you. Baka bastusin ka ng mga lalaki dito. Mahirap na baka gulpihin ako ng kuya mo nang 'di oras." natatawang sabi niya.

"Kuya? Hindi ko 'yon kuya. Kahit mas matanda 'yon sa akin." sabi ko sabay upo habang may tinuturo akong alak.

Ngunit umiling si Miggy, "No for hard drinks." pagbabawal sa akin.

Pumunta ako dito sa club niya para magpakalasing, hindi maging boring dito sa club.

Hay nako, Miggy.

"Tss. Ang boring mo naman, Mig. One drink lang for that. And then, light drink na lang pagkatapos." pamimilit kong tanong sa kanya, "Call?"

Bumuntong-hininga na lang siya. As if, wala siyang choice sa pamimilit ko sa kanya.

Nilagyan niya na sa aking shot glass na gusto kong hard drink na inumin.

"Tama na 'yan. Wala nang hihirit pa." sabi niya sa akin at tumango ako sabay ngiti sa kanya.

"Yeah. Thanks."

Napabuntong-hininga na lang dahil hindi pa rin ako tinatantanan ng mga problema ko.

"Hula ko... may problema ka 'no?" tanong niya habang naglilinis ng mga wine glass.

"Tss..." ngumiti na lang ako ng peke at ininom ko na agad ang alak.

"What's wrong?" tanong ulit ni Miggy at umiling ako.

"Wala. Asikasuhin mo na mga costumers mo." tiningnan niya ako ng maiigi at huminga ito ng malalim.

Hinayaan niya na lang ako at nag-asikaso na siya.

Ako kasi yung tipong sinasarili ko lang yung problema ko. Lalo na wala rin akong balak na sabihin sa mga taong nagtatanong sa akin.

Ayoko lang maging burden sa isang taong pagsasabihan ko ng mga problema.

Ayoko na kaawaan nila ako dahil lang may problema ako.

Ayoko sa lahat ng gano'n.

Kaya siguro mas okay talaga na magkasama ko itong alak kapag may problema ako.

Dahil itong alak...

Hindi ako huhusgahan.

Hindi ako kaawaan.

Kahit inumin lang 'to, it makes me feel better.

Feeling ko may karamay ako.

Na hindi na kailangan sabihan ka na...

'Magiging okay ang lahat...'

Pero ipaparamdam sa'yo na...

'Nandito lang ako para sayo.'

Masyado kong pinapahalagahan 'tong pag-inom ko. Masyadong deep para mag-isip ako ng mga ganito.

Pero aminin natin na tuwing umiinom tayo kapag may problema tayo, nakakagaan din ito sa loob.

Hindi ba?

Darating sa point na ibubuhos ang mga ihananakit natin, ngunit masarap sa pakiramdam na nakakahinga tayo ng maluwag.

Parang may tunay kang kaibigan na pinagsasabihan mo ng problema at i-c-comfort ka pero inumin lang ito.

"Hey! Mig! Give me more." utos ko sa kanya habang busy pa siya sa pag-aasikaso sa mga customers pero tumingin naman ito pagkatapos sa akin.

"Sandali lang." sabi niya habang may kausap pala siya.

Nagulat ako na biglang naghype ang music dito sa club.

Pansin ko rin ang daming nagkakasiyahan dito. Pero ako, hindi ako masaya katulad nila.

Well, may part talaga na nakakainggit na makita sila na masaya pero ayoko talagang isipin na pilitin ko rin maging masaya katulad nila kahit may problema ako ngayon.

Kahit anong pilit natin itago yung lungkot sa sarili natin, lalabas-lalabas din 'yang lungkot na nararamdaman mo kahit nagpapanggap ka lang maging masaya.

Kaya para sa akin, okay lang na hindi ako okay...

Wala naman masama do'n.

"Hey... Do you mind if I sit here beside you?"

Nagulat ako na may nagsalita at napansin kong tumabi ito sa akin sa pwesto ko dito sa counter bar.

Lumingon naman ako.

Wow...

Bakit nandito si Kenji?

"Wh—" hindi natuloy pagtanong dahil narinig ko ang pagubo. Which is Miggy 'yon.

"Here, Meg." sabi ni Miggy na binigay sa akin ang light drinks at kita kong nagtataka kung sino katabi ko.

"Si Kenji... ano... frie—"

"Ex-boyfriend niya." kita kong inalok ni Kenji para makipaghand-shake ito at tinanggap naman ni Miggy.

"Sino siya?" tanong ni Kenji at napalingon ako sa kanya.

"He's my close friend. Miggy." tipid kong sagot sabay inom ng light drink konti.

Isang tanong lang nasa isip ko.

Kung bakit sa lahat ng mga taong kilala ko, siya ang makikita ko?

"Why are you here ba?" tanong niya sa akin.

"Tss. Makipagparty ka, gusto ko mapag-isa." pagtaboy ko sa kanya at lumapit pa siya talaga sa akin na parang close kami.

"Grabe ka naman sa akin, Megan." pagngisi niya at mukhang nakainom na ito.

"Umuwi ka na. Lasing ka na oh?"

"Hindi pa ako lasing. At saka, kasama ko mga kaibigan ko. Sinama lang nila ako."

"Okay? Hindi ko kailangan ng explanation mo."

"Baka kasi kung ano isipin mo. Baka lang naman diba?"

"Ano iisipin ko?" peke kong tawa sa kanya sabay inom ng beer.

"Na may feelings pa rin ako sa'yo hanggang ngayon."

Kumunot-noo ako at tumingin sa kanya. Umirap ako.

Tigilan niya ako. Hindi niya ako madadaan sa mga ganyan.

Bakit ko iisipin na may feelings pa rin siya sa akin na sobrang tagal na rin break-up naming dalawa?

Never ko na rin nagkaroon ng pake sa kanya.

May pake lang ako pagdating kay Scarlet... Pero sa kanya, wala na.

Speaking of Scarlet, hindi pa rin kami okay.

Hindi ko pa rin siya nakakausap.

Gusto ko man kausapin siya pero alam kong hindi niya pa rin ako hahayang mag-explain.

Hindi ko alam kung kailan pwede siya kausapin.

Ewan. Hindi ko alam.

"Hey, Meg. Ang lalim ng iniisip mo." puna ng katabi ko habang umiinom ako.

"Uminom ka na lang dyan." pagtataray ko sa kanya.

"Sungit talaga." natatawang sabi niya sa akin pero ako 'tong naiinis ngayon kasi napakulit niya.

Imbes na mag-eemote ako mag-isa dito sa bar itong si Kenji, nanggugulo naman si Kenji. Nagmomoment nga ako dito mag-isa. Nanggugulo pa siya.

"Bakit ka ba nandito?" inis kong tanong sa kanya at nagtaka siya dahil pansin niyang naiinis na ako.

"Hindi ka palainom kung wala kang problema. Alam kong may problema ka." sabi niya at napailing ako.

"Ano naman kung may problema ako?"

"Handa naman ako makinig." tiningnan ko siya na ngumiti ito sa akin, "Ako pa."

Yung mga ngiti niya, sobrang bagay sa itsura niya. Pero sa nakikita ko may nagbago na sa kanya.

Ibang Kenji 'tong katabi ko.

Hindi na siya yung Kenji na nakilala ko dati na sobrang humble at mahiyain 'yon. Nagulat nga ako na umaasenso na ang kanyang buhay noong nakipaghiwalay siya sa akin.

Naalala ko tuloy yung mga panahon na naging kami pa ni Kenji. Hindi pa ako ganitong kasungit at mataray pero nagbago ang lahat ng 'yon dahil iniwan niya ako.

Hindi ko rin siya masisisi dahil ayaw na ayaw ni Mom na mapunta ako sa lalaking hindi mayaman. Hindi naman gano'n kayaman si Kenji pero mahal na mahal namin ang isa't isa dati.

Kahit ipaglaban namin pagmamahalan namin ni Kenji, may paraan palagi si Mom para hindi kami magkatuluyan.

Ano pa ba magagawa ko?

"Bakit gano'n na lang nangyari sa atin, Kenji?" seryosong tanong ko sa kanya at uminom ako ng beer na binigay ni Miggy kanina.

"Ito ba yung problema mo ngayon?" biro niyang tanong sa akin at umiling ako.

"Hindi." tipid kong sagot at tumingin ako sa kanya ng seryoso, "Pero bakit?" tanong ko ulit sa kanya at pansin kong napainom rin siya ng beer.

"Megan... In-explain ko na ang lahat dati noong nasa Davao tayo."

"Paano kung pinaglaban kita, Kenji?"

"Pero okay lang ba sa'yo na hindi kita mabigyan katulad mong buhay? Mamahalin mo rin ba ako no'n kahit isang araw wala na tayo makain?"

"Kenji, sa totoo lang sobrang minahal kita. Minahal ko yung Kenji na nakilala ko kahit mayaman ako at mahirap ka. Hindi naman ako nagdalawang-isip na mahalin kita dati dahil sa estado ng buhay mo.Minahal kita kung sino ka."

"Megan, naiintindihan ko yung rason kung bakit ayaw sa akin ng magulang mo. Oo. mahirap kami pero kung ilalagay ko naman sa posisyon ko sa kanya, hindi rin naman ako papayag. Ayokong magdusa ang anak ko dahil sa kahirapan." sincere niyang sabi sa akin, "Pero nandito na ako, Megan. Gusto kong ibalik 'yong mga nasayang na panahon na nagkahiwalay tayo. Mayaman na ako. Hindi mo na kailangan magtrabaho pa."

Ngumisi ako, "Tapos na talaga, Kenji. Hindi na talaga pwede." sabi ko, "Wala na akong natitirang pagmamahal sa'yo." at nakita kong kumunot noo niya sa aking sinabi.

"Bakit? May iba ka na ba?" nagulat ako sa tanong niya at dineny ko rin agad.

"Hindi 'sa gano'n, Kenji." pagtanggi ko.

Ngunit kita ko sa mga mukha na hindi siya convince sa sinasabi ko, "Look, Kenji. Masyado nang masakit kung paano mo ko iniwan dahil sa pangarap mo. Pinaniwalaan ko 'yon na matagal na panahon hanggang nawala lang nararamdaman ko sa'yo. Kasi ang alam ko, wala na talagang pag-asang ibabalik pa yung atin. Ayokong manatili ako doon mag-isa, umaasang babalik ka dahil wala naman akong assurance kung babalik ka talaga. Kaya ko naman maghintay pero... mapapagod din ako. Sobrang tanga na talaga ako kung naghihintay pa ako sa wala." sabi ko sa kanya at napaiwas siya ng tingin.

"Ginawa ko ang lahat para mapatunayan ang lahat sa Mom mo." dahilan niya.

"Kenji, tama na. Huwag mo na gawing komplikado ang buhay ko. Nahihirapan na ako." sabi ko at pakiramdam ko babagsak na yung luha ko sa bigat na nararamdaman ko ngayon.

Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, laging may pumipigil para maging masaya ako.

Katulad ng nangyari sa amin ni Kenji. Involve si Mom do'n kaya iniwan ako ni Kenji.

Katulad din sa pangarap ko maging artista, naipit ako sa sitwasyon ng kapatid ko. Ayokong magaya sa sitwasyon ko kaya ako na lang nagsakripisyo bilng CEO ng EyeRed.

"Megan, okay ka lang?" pag-alalang tanong ni Kenji sa akin dahil pinipigilan ko talaga umiyak.

"Sana okay lang ako. Pero please lang Kenji. Huwag ka na dumagdag sa problema ko."

"Ano ba 'yon, Meg? Baka makatulong ako."

"Kenji... Nahihirapan na ako sa buhay ko..." hindi ko na rin mapigilan itong luha ko, "Gusto ng Mom ko na magpakasal ako pero ayoko." mariin kong sabi sa kanya.

"Liligawan kita, Meg. Ibabalik ko ang dati natin. Ako na bahala sa problema mo."

"Kenji, hindi na kita mahal. Ilang beses ko ba ipapaintindi 'to sa'yo? Huwag ka na makigulo sa problema ko. Lalo lang magiging komplikado."

"Megan, kahit konti lang... wala na bang natirang pagmamahal sa akin? Paano na problema mo? Hahayaan mo na lang mapunta ka sa iba?"

Umiling ako at kita kong nag-iba ang ekspresyon na mismong naiinis na ito, "Hindi ko alam, Kenji. Pero sana tama na. Huwag na natin pilitin sarili natin sa isang tao na hindi ka mahal." sabi ko.

Nilaklak ko na lang ang beer sa bote at medyo nag-iiba na ang paningin ko.

Hinayaan ko na lang ito. Tiningnan ko rin ang bote ng beer at ubos na ito.'

Hinanap ko si Mig. Mukhang busy pa siya ito dahil pa siya.

"Gusto mo pang beer? Hard drink? I-order kita." alok sa akin ni Kenji.

"Kahit ano. Basta hard drink."

Tumango na lang ito at ilang sandali lamang may drinks na kaming dalawa.

Alam kong malalasing ako dito pero kaya ko naman 'to. Saka nandito naman si Miggy para tulungan niya ako makauwi.

Ilang shots na kami ni Kenji... pero sa bawat inom ko nag-iiba na paningin ko...

"Bakit ang labo?" napasinok ako habang kausap ko 'tong katabi ko, "Parang kami ni..."

Nakakaantok...

"Nino?"

Gusto ko na lang matulog.

***

3rd Person POV

Napansin ni Kenji na bagsak na si Megan sa kakainom at nakatulog na ito sa table.

Tiningnan niya ito ng maigi at ginalaw-galaw si Megan. Napagtanto niya na mahimbing na ang tulog nito.

Hinayaan niya lang si Megan na parang wala lang sa kanya kung iiwan niya ito mag-isa. Wala siyang pakialam at napailing na lang habang tinitingnan niya ito.

Ilang sandali lamang nakaisip siya ng ideya.

Mukhang kinakapa ni Kenji ang mga bulsa ni Megan. May hinahanap ito at ilang sandali lamang, mukhang nahanap niya ang kanyang hinanap.

Ito ay cellphone ni Megan. Binuksan niya ito at kinuha niya ang daliri ni Megan para mabuksan ito agad.

May hinahanap siya sa contacts nito at nakita ang pangalan ni Diego.

Napangisi ito na mukhang masama ang kanyang balak, "Nandito ako para maging komplikado ang lahat, Megan." ngumisi ito at nagsimula na siyang tawagan si Diego.

Ilang segundo lumipas, biglang sinagot ito ni Diego.

"Hello, Meg! Buti na lang sinagot mo na tawag ko sa'yo."

"Pre, ex-boyfriend niya 'to. Lasing siya. Paki-sundo na lang dito."

"Anong ginawa mo kay Megan?!"

"Easy, pre! Wala akong ginawang masama sa kanya. Naka-inuman ko lang siya dito sa club."

"Siguraduhin mo lang ha? Text mo sa akin address papunta na ako. D'yan lang kayo."

At binaba ni Diego ang linya agad. Tinext niya rin agad ang address.

"Sigurado naman ako na gagawin kong komplikado ang lahat." mahina niyang sabi.

Hindi pa rin ito tapos sa pagkalkal niya sa cellphone ni Megan. Mukhang may hinahanap na naman siya sa contact niya.

Napahinto siya sa pagscroll nito.

Ngumisi ito dahil nakita niya ang pangalan ni Scarlet sa mismong contacts sa cellphone ni Megan.

Tinawagan niya ito agad.

Ilang beses na ito tinawagan ni Kenji ngunit hindi ito sumasagot.

"Sumagot ka please..." naiinip na sabi ni Kenji.

Pang-limang tawag niya na ito at ilang sandali lamang, sumagot na si Scarlet sa tawag nito.

"Ano ba?! Lubayan mo mun—"

"Hello, Scarlet. Si Kenji 'to."

"Hala! Sorry! Bakit nasayo ang cellphone ni Meg?"

"Bagsak si Megan. Lasing na lasing kasi. Pwede sunduin mo siya? Kung okay lang sayo?"

"Ano kasi... Tawagan mo na lang kapatid niya."

"Kanina ko pa tinatawagan pero hindi nasagot." pagsisinungaling niya.

"Ikaw?"

"Ako? Ano... Kasama ko kasi mga kaibigan ko dito sa club kaya hindi pwede." pagsisinungaling niya.

Ang totoo. Sinadya niya talaga pumunta sa club para makipagmeet kay Megan.

"Ah... sige. Paki-text na lang kung nasaan kayo."

"Salamat, Scar. I owe you a lot."

"Yeah... I'll be there. Wait for me. Bye."

Ngumiti na lang ito na mukhang nagtagumpay siya sa balak niya.

Binalik niya rin ang cellphone nito sa bulsa at medyo nagulat si Kenji dahil napabangon si Megan.

Napansin niyang tumingin si Megan sa baso niya na wala ng laman na alak. Lumingon ito sa kanya at napailing ito.

"Ano?! Hindi pwe—" suminok si Megan, "pwede... May alak pa sila! Tingnan mo oh!" lasing na lasing na sabi ni Megan sa kanya kahit pumupungay ang kanyang mga mata habang tinutur ang mga alak.

"Order mo ko no'n! Dali!" utos sa kanya ni Megan pero umiling ito.

Masyadong lasing na si Megan para mapapayag si Kenji. Ayaw maabutin na pinainom ni Kenji pa ng alak si Megan.

"Napakakulit mo naman... Parang katulad mo si..." napatigil si Megan pero na-curious si Kenji kung sino tinutukoy nito.

"Sino?" pagtatakang tanong ni Kenji sa kanya.

"Si..." bitin na sabi ni Megan at tumawa ito, "Ikaw." tawang-tawa itom in the end at nakatulog na naman si Megan.

"Pabitin talaga. Hindi na lang ituloy sinasabi." napailing na lang si Kenji sa kabaliwan ni Megan.

Hindi niya akalaing ganito mangyayari kay Megan kapag lasing.

***

20 minutes na rin siya naghihintay kung sino unang susundo kay Megan pero expected niya na kung sino ang mauuna.

"Is that, Megan?" tanong nitong lalaki kay Kenji na mukhang pawis na pawis ito. Halatang nagmadali ito para sunduin si Megan dahil sa suot ito ng pantulog.

"Yes." sagot nito, "Diego, right?" tanong ni Kenji at inalok ito sa paghandshake niya.

Tinanggap naman ni Diego, "Yeah. Mukhang matino ka naman na ex boyfriend niya." sabi ni Diego sa kanya at napakamot na lang si Kenji.

"Grabe ka, pre. Matino naman ako." natatawang sabi ni Kenji pero naisip niya na kailangan patagalin pagstay ni Diego.

"Saan ka ba galing?" tanong ulit ni Diego na mukhang bubuhatin na niya si Megan pero napatigil ito sa pagtanong ni Kenji.

"Galing ako sa bahay. Nagpapahinga na." sabi ni Diego at natawa rin si Kenji dahil sa suot ni Diego.

"Halata nga nagmamadali ka." natatawang sabi ni Kenji sa kanya.

"Oo nga pala! Sh*t! Nakakahiya." natatarantang sabi ni Diego, "Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa club." sabi niya.

"We need to get out of here, Kenji. Para makauwi na 'to sa bahay niya."

Tumango na si Kenji habang nakatingin siya sa isang babaeng naka-face mask na hinahanap si Megan.

Mukhang namukhaan ito agad ni Kenji dahil 'yon din ang suot ni Scarlet noong nagviral ang mga picture nila ni Megan.

"Pre, dyan ka sa kaliwa para madali lang para lumabas." suggestion ni Kenji dahil kung dadaan si Diego habang akay ito si Megan, makikita talaga ni Scarlet na may kumuha na kay Megan.

Sumunod naman si Diego at nabangga pa nga si Scarlet.

"Sh*t! I am really sorry." paumanhin sabi ni Diego pero hindi naman namukhaan ito.

Napatigil si Scarlet at napatingin siya kay Megan na lasing na lasing ito.

Kitang-kita ng dalawang mata ni Scarlet na akay nito ni Diego papalabas sa club.

Nagtago si Kenji sandali sa mga crowd sa club habang pinagmamasdan si Scarlet.

"Binggo." mahina ngunit natutuwang sabi ni Kenji.

Pansin ni Kenji na napakuyom na lang ng kamao si Scarlet at ginulo ang kanyang buhok sa inis.

"Arghh!" iritang sigaw ni Scarlet at lumabas na ito ng club.

Napangisi na lang ito si Kenji.

"Patikim pa lang 'yan."

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts