SCARLET
Andito ako ngayon sa loob ng comfort room sa Starbox Coffee Shop. Malapit sa condo namin ng Queen of Hearts.
Pinilit lang ako ni Ms. Lea na pumunta dito dahil ibibigay ko dapat ang schedule sa amin ni Ms. Megan. Buti na lang pinasama si Zoe sa akin. Atleast, siya kakausap kay Ms. Megan about sa schedule niya. Basta ako, tatahimik lang ako sa tabi ni Zoe.
Pero sa totoo, hindi sa pagiging ayaw ko siyang makita, iniiwasan ko talaga siya dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap sa kanya.
Kaya heto ako ngayon, sobrang weirdo ko umakto.
Una, nakita ako ni Ms. Megan na iniwasan ko siya ng tingin noong pumunta sila ni Ms. Quinn sa practice room namin.
Pangalawa, ito ang pinakamalala, pinipilit ko si Ms. Quinn na siya na lang kumuha ng schedule ngunit ayaw niya pumayag.
So, heto ako si tanga biglang bumungad si Ms. Megan sa aking harapan. Ayon sa kanya, pag-uusapan daw namin ang magiging schedule niya sa loob ng office niya.
Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili dahil nahihiya akong harapin siya.
Pinasabi ko na nga lang kay Ms. Quinn na 'sorry' sa kanya at napa-kwento na rin ako tungkol sa pagiging fangirl ko kay Ms. Megan noong nakasalubong ko si Ms. Quinn.
Sinabi ko talaga kay Ms. Quinn na idolo ko siya. Ginulo nga ni Ms. Quinn ang buhok ko at natawa ito sa akin.
Ngunit hindi ko akalain sa mga sa tinanong niya naayos lang ba raw sa akin kahit pinapakita ni Ms. Megan ang pagka-strict at pagka-sungit niya sa akin.
Alam niyo ba ang sagot ko?
Kaya ko naman tiisin ang pagkasungit niya dahil tinatrato niya ako bilang artists. Alam ko naman sa sarili ko na hindi siya gano'n klaseng tao sa mga fans niya.
Mas kasalungat nga ito tumuring sa mga fans niya na katulad ko rin. Pinaka-first-time kong makita na ngumiti siya sa akin noong nagkaroon ng fan meeting with Ms. Megan. Hindi siya ganito kasungit at palagi ito naka-pokerface tuwing nakikita ko siya ngayon.
Nagpa-autograph talaga ako sa kanya noong araw na nagkaroon ng fan meeting at nagpasalamat siya sa akin. Mayroon pa nga kaming litrato pagkatapos ko magpa-autograph.
Nakakamiss lang.
Kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagsusungit. Kaya balewala sa akin ang pagkasungit niya dahil alam ko sa sarili ko na hindi biro maging CEO ng EyeRed lalo na't pinakasikat ito na malaking entertainment company dito sa bansa.
At saka ako talaga yung tipong kukulitin ka hanggang ma-bwiset sa akin.
Kaya alam na alam ni Aubrey ang pagiging makulit ko dahil lagi siyang naiinis sa akin kapag ginagawa ko sa kanya 'yon. Pero hindi ko na talaga kayang iwasan pagiging makulit dahil ganito na talaga ako. Kinalakihan ko na talaga, 'to.
Ngunit kailangan ko rin bawasan ang pagiging makulit ko pagdating kay Ms. Megan. Hindi pala biro na kulitin ko si Ms. Megan.
Ngayon, napapailing na lang ako dahil naalala ko na naman ang nangyari ngayong araw na hindi ka-nais nais.
Alam niyo bang narinig niya ang aking sinabi na ayaw ko talaga pumunta para kunin ang schedule niya? Hindi ko inaasahan na kausap pala ni Ms. Lea si Ms. Megan.
Akala ko nga mga kaibigan niya lang, e.
Akala ko lang pala.
Kaya ngayon, nandito ako ngayon sa comfort room. Hindi dahil umiwas pero parang gano'n na nga.
Hinayaan ko na lang si Zoe na kausapin si Ms. Megan para matapos na ang lahat. Basta mabigay na ni Ms. Megan ang kanyang schedule kay Zoe.
Ngayon habang naghuhugas ako, biglang nagbukas ang pinto kaya napatingin ako.
Mukhang mid-30's itong nagcr kaya nagpanggap akong naghuhugas ng kamay ngayon.
Ngunit ang pakay ko lang dito sa cr ay tumambay lang. At saka hintayin ko lang matapos ang pag-uusap ni Ms. Megan at Zoe.
Lalo na't hinihintay kong umalis si Ms. Megan para makalabas na ako dito.
Sapat na rin sa akin na makita ko siya kahit todo iwas ako sa kanya.
Hindi naman sa pagiging tanga, mukha talaga akong timang sa pinaggagawa ko. Inaamin ko naman 'yon.
Bigla akong napatingin sa salamin sa mismong repleksyon nito sa pinto.
Kitang-kita ko ang dahan-dahan pagbukas ng pinto. Hinintay ko rin kung sino ang nagbukas ng pinto.
Panic mode ang braincells ko!
Umiwas ako ng tingin agad dahil nakita ko agad ang suot ni Ms. Megan pagkatapos ito pumasok sa loob ng comfort room.
Oo. Si Ms. Megan nakita ko.
Sinara ko na ang gripo at dumeretso na ako sa cubicle ngunit nakaramdam ako ng hila sa aking braso.
Napaharap ako sa paghila niya sa akin kaya nabigla ako sa kanyang ginawa.
Napansin ko na kumunot ang kanyang noo at pinalitan ito ng pagtaas ng kaliwang kilay niya sa akin.
Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya lang maibuka ang kanyang bibig.
Tumingin siya sa occupied na cubicle. Ngayon, alam kong hinihintay niya na lumabas ang babae.
Ngunit nanatili pa rin nakahawak siya sa aking braso at pinagmamasdan pa rin niya ang pinto.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito umakto?
Kailangan pa talaga may paghawak ng braso sa akin? Hindi sa pagrereklamo pero hindi ko lang maintindihan.
Mga ilang minuto nakalipas biglang narinig ko ang pagbubukas ng pinto.
Bigla akong hinili ni Ms. Megan papasok sa pinakadulo ng cubicle at sinarado niya kaunti ang pinto.
Napasandal ako sa pader habang tinitingnan ni Ms. Megan kung nakalabas na ang babae sa cubicle.
Napatingin ako sa kanyang kaliwang kamay sa pader at lumapit siya sa akin ngunit hindi niya ako tiningnan.
Mukha siya busy sa ginagawa niya, hindi niya alam na ganito ang posisyon na magkaharap kaming dalawa.
Kumalma ka, Scarlet!
Nanlaki ang aking mata dahil lalo niyang nilapit sa akin ang kanyang tenga. Nakatingin siya sa bandang kanan habang sinisilip niya sa nakauwang na pinto sa labas. Kulang na lang mapapasandal na lang siya sa aking harapan dahil nahihirapan ito sumilip.
"An-"
Hindi natapos ang aking sasabihin dahil bigla siya tumingin sa akin at tinakpan niya ang labi ko para tumahimik ako.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nanatili pa rin kaming nakatingin sa isa't isa.
Napatingin ako sa kanyang labi niya na pakiramdam ko sobrang lambot nito.
Naiba ang kanyang ekspresyon sa akin at mukhang umamo ang kanyang mukha.
Napakurap ako ng ilang beses na lalo niya nilapit ang mukha niya sa akin. Lalo lang hindi ako makahinga ng maayos dahil pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.
Napansin kong tinanggal niya ang pagtakip ng kamay niya sa aking labi.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ngayon, lumipat ang kanyang tingin sa aking labi.
Teka lang. Hahalikan ba niya ako?
Wait lang! Hindi ako makahinga masyado dahil ang lapit talaga ng mukha niya lalo na't nakatingin siya sa labi ko.
Mukha talagang hahalikan niya ako! Hindi ako nagbibiro talaga! Nakatingin talaga siya!
Pero bakit sa lahat ng tao sa mundo, bakitngayon ko naranasan ang ganitong pakiramdam?
Yung pakiramdam na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Ngunit bakit pa sa kanya?
Lalo na't parehas pa kaming babae.
Kinikilabutan ako sa pinag-iisip ko. Masyado na akong nag-iisip ng ano-ano.
Imposible na magkakagusto ako sa kanya.
Gusto ko siya bilang fan niya pero hindi sa ganitong sitwasyon.
Siguro nga tumitibok mabilis ang aking puso dahil sa kaba.
Oo! Kaba lang 'to! Sobrang imposible.
Umiwas ako ng tingin at umiwas din siya ng tingin sa akin.
Bumalik siya sa pagsilip sa pinto at tuluyang umalis siya sa cubicle.
Iniwan niya ako mag-isa dito ngayon.
Nakahinga ako ng maluwag noong umalis na siya sa cubicle.
Juicecolored! Yung puso ko!
"Lumabas ka na dyan."
Nagising ang diwa ko dahil narinig ko ang kanyang boses.
Nagsimula na akong kabahan at wala akong choice kundi sumunod sa kanya.
Kaya lumabas na ako, at bumungad si Ms. Megan na nakatingin sa akin ng seryoso.
"J-just f-forget everything na nangyari kanina."
Narinig ko itong nautal kahit nakatingin pa rin sa aking seryoso.
Wow! Hindi ko pa rin akalaing nautal siya talaga. Mukhang first time ko ito natuklasan dahil palagi ito straightforward magsalita na masungit ito.
Sinasabi niya kalimutan ko ang nangyari kanina?
Ano ba nangyari kanina?
Napakurap ako dahil hindi ko talaga gets ang nangyari kanina.
Napaisip ako kung ano ba nangyari kanina. Wala naman nangyar—
"Ahh! 'Yon ba nangyari sa cubicle? Oo! Dapat ngang kalimutan 'yon." sabi ko habang tumatawa ako ng peke pagkatapos ko itong sabihin sa kanya.
Napansin kong tinaasan niya ako ng kilay at nakaramdam ako ng pitik sa aking noo.
Nabigla ako sa kanya kaya nagtaka ako kung bakit niya ako pinitik ng gano'n lang.
Oo! Dapat ngang kalimutan 'yon. Hindi naman importante 'yon.
Hindi talaga.
Hindi.
Arghh! Lalo ko lang iniisip ang nangyari kanina. Hindi na siya maalis sa aking utak. Nakakainis!
Pakiramdam ko nag-iinit ang aking mukha ngayon at napayuko ko na lang ako ng hiya sa nangyari kanina.
"Tss. Stupid." rinig kong inis niya sabi sa akin.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin, "Tinutukoy ko ang paghila ko sa'yo sa cubicle."
Napapikit ako ng mariin dahil akala ko talaga ang kanyang tinutukoy. Natawa na lang ako ng peke habang umiiling ito sa akin.
Masyadong assuming, Scarlet!
"Listen to me." nabigla ako sa pagkasabi niya, "Hindi ko na 'to uulitin pa kaya makinig ka."
Tumango ako sa kanya at kita kong may gusto siyang sabihin sa akin. Napansin ko sa kanya na nilagay niya ang kamay niya sa kanyang magkabilaang bulsa.
"A-ano..."
Nagulat ako sa pag-utal niya at mukhang hirap na hirap ito sabihin ang gusto niyang sabihin sa akin.
Ano nangyayari kay Ms. Megan? Bakit siya patuloy na-uutal?
"A-ano.. kasi.." nauutal pa rin siya habang inaayos niya ang kanyang buhok.
Natawa na lang ako dahil hindi niya masabi ang kanyang sasabihin.
"Ano po ba gusto niyong sabihin sa akin?" natatawang tanong ko sa kanya.
Narinig kong klinaro niya ang kanyang boses, "I j-just want to say sorry to you." mahinang seryosong sabi niya.
Nagtaka ako kung bakit siya nagsosorry sa akin. Wala rin sa kanyang itsura na magsosorry ito sa akin. Sa pagkakakilala ko sa kanya sa personal, alam kong ma-pride si Ms. Megan kaya hindi niya magagawa ito.
Pero nagkakamali nga ako.
"P-pasensya na k-kung masyado akong naging O.A noong pinagalitan kita sa fire exit. Nadala lang ako sa emosyon."
Kita kong nag-iba ang kanyang ekspresyon. Umamo ang kanyang mukha. Naalala ko ganito rin ang nangyari sa amin ni Ms. Megan sa cubicle.
Kaya pakiramdam ko sincere siya sa pag-sorry sa akin at nagdahilan ako para ngumiti ako sa kanya. Nagulat siya sa akin dahil napangiti ako.
Siguro napangiti ako dahil may pakialam pala siya akin. Sa una talaga, dinibdib ko ang kanyang sinabi pero napagtanto ko na hindi siya gano'n kapusong bato para magawa niya 'yon sa akin.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!