MEGAN
"I told you, Hexyl. Kailangan natin i-meet si Esther Yang. Gusto kita ipakilala sa kanya."
Andito nga pala ako sa dining room kasama ko sina Mom at Hexyl habang kumakain kami ngayon. Panay pilit ni Mom na sumama si Hexyl sa blind date niya.
Napapailing na lang ako ngayon dahil malalagot talaga si Hexyl kay Quinn kapag nalaman na naman nito na nakikipagdate si Hexyl sa iba. Mawawala na naman tiwala ni Quinn sa kanya.
Kawawang Hexyl.
Habang busy sila na nagtatalo, heto ako tapos na kumain kaya napatayo ako para umalis na papuntang grocery.
Napatigil ako sa pagkilos ko at napatingin sila sa akin.
Why they are looking me like that?
Para silang first time nakakita na nakatayo na tao. Ano ako bata na first time tumayo?
"What?" walang gana kong tanong sa kanila.
Umalis na ako sa aking upuan habang curious ako sa mga inaakto nila.
"It's your first time na tumayo ka habang kumakain kami. Where are you going?" amaze na sabi at tanong ni Hexyl.
Ayon naman pala. Yes! First time ko nga tumayo habang nag-uusap sila. Kadalasan kasi kahit may lakad ako, hinihintay ko pa rin sila matapos kumain kahit late na ako sa trabaho. I just want them to feel na mas importante sila kaysa sa trabaho. Kailangan din namin ng bonding sa isa't isa kahit sa dining room lang.
"Tss. It isn't a big deal, Hex." inirapan ko si Hexyl at napalingon ako kay Mom na nakangiti sa akin, "Mom. I'm going to supermarket. Need ko mag-grocery." pagpapalam ko
"Wait for us. Sasamahan kita, anak." nginitian ako ng Mom pagkatapos niya ito sabihin sa akin.
Umiling ako sa kanya, "No. I can't handle it. Don't worry, Mom I know how to cook na." sabi ko sa kanya.
Narinig kong si Hexyl na humagalpak na tawa pagkatapos ko sabihin 'yon.
"Ikaw, Meg? Maruno kang magluto? Sigurado ka?" asar niyang sabi at lalo itong tumawa.
Pero ako, nakabusangot ako ngayon habang tinitingnan ko siya na patuloy pa rin kakatawa.
Tss. Minamaliit niya talaga cooking skills ko.
"Hey, Son! Why are you laughing?" nagtatakang tanong ni Mom kay Hexyl.
Buti na lang natahimik din ito kakatawa.
Alam ko naman kung bakit niya ako pinagtatawanan dahil hindi talaga ako marunong magluto pero may gana pa akong mag-grocery ngayon. Pakialam niya ba? Buhay pag-ibig niya hindi 'ko pinapakialaman. Pero sa pagluto ko, tamang judge niya lang ako.
Aba! Hindi pwede 'yon!
"Puro preservatives lang niluluto n'yan. Paki-turuan magluto ng healthy foods si Megan, Mom." sabi niya at kitang kita ko na gusto ito tumawa.
"At least marunong magluto." pagmamayabang na sabi ko.
Ngunit pinagmamasdan ko pa rin siya na nagpipigil ito ng kanyang pagtawa.
"Try mo magluto ng salad, ulam and etc. Just watch some video sa youtube, anak. I know you can learn from it." seryosong payo ni Mom sa akin.
Ngumiti ako kay Mom at tumango ako bilang pag-sang-ayon sa kanyang sinabi. Lumingon ako kay Hexyl na patuloy pa rin ito sa pagpipigil ng tawa sa akin.
Ayaw mo talaga tumigil, Hexyl?
"Esther Yang pala ha?" mapang-asar kong sabi sa kanya at napapigil siya sa pagtawa niya.
Pero biglang nag-iba ang kanyang expression niya sa akin. Kanina lang tawa siya ng tawa ngayon, tiningnan niya ako ng masama. Na mukhang nagbabanta sa akin na huwag kong sabihin kay Quinn.
Napapailing na lang ako sa kanya dahil alam ko kung paano gumanti sa kanya, "Please, Megan. I'm beg-" ngunit hindi ko na lang siya pinakinggan.
Bahala siya magmakaawa sa akin. Kapag talaga nalaman o nagtanong sa akin si Quinn ako talaga magsasabi sa kanya. Minamaliit mo pa ako ha?
Bilis talaga ng karma.
Gusto ko na rin magpaalam dahil marami pa akong gagawin sa condo kaya nagbeso na ako kay Mom, "I need to go, Mom. Take care." pagpapaalam ko sa kanya.
"Meg!" patalikod na sana ako ngunit napalingon ako sa pagtawag ni Mom sa akin.
"You also need a bodyguard. Ipapahiram ko muna si Gio sa'yo tutal hindi naman ako lalabas ngayon." sabi ni Mom sa akin at bumuntong hininga na lang ako.
Hindi na ako sikat para magkaroon ng bodyguard. I can handle with myself saka imposible na sikat pa rin ako ngayon. Nabalitaan nga nila na naging CEO na ako ng EyeRed.
Syempre! Wala na sumusuporta sa akin dahil sinukuan ko pangarap ko.
"Hindi na kailangan." walang-gana kong sabi sa kanya.
"Nabalitaan ko kay Quinn na special guest ka ni BLACK sa kanyang concert. Alam kong maraming dudumog ng mga fans mo sa'yo kapag nakita ka nila lalo na't nasa public place ka. Gusto ko lang maging safe ka, anak." concern ni Mom sa akin.
Tss. Nalaman pa ni Mom.
Wala rin naman ako magagawa kundi sumunod dahil iyon naman ang kagustuhan ni Mom sa akin. Naiintindihan ko naman ang kanyang gusto sabihin sa akin pero para sa akin kaya ko naman na walang bodyguard.
I am not too popular right now just like those days na solo artists pa ako.
"Do I have a choice?" natatawang tanong ko sa kanya.
I don't know kung sarcastic ang dating nang pagkasabi ko kay Mom pero I really mean it.
I really mean it. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako masaya ngayon.
"Megan? Is there any problem?" nagtatakang tanong ni Mom sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya 'yon.
Ngumiti na lang ako at umiling sa kanya para ipakita ako na wala akong problema sa kanya kahit mayroon.
"Where's Gio?" pag-iiba kong usapan kaya nagtanong ako ng ganito kay Mom.
"I am going to call him. Maghintay ka na lang sa sala, anak." tugon nito at tumango ako.
Kawawang Megan.
***
"Ayos lang po ba kayo, Ma'm Megan?" sabi ng aking bodyguard na kasama ko ngayon.
Andito na kami sa entrance ng mall at hindi ko akalaing ang dami talagang tao ngayon kaya napahinto ako.
"Ganito ba karami ang tao sa mall?" tanong ko sa kanya at tumango ito.
"Yes, Ma'm. Sunday po kasi ngayon eh. Marami po talaga tao dito sa mall dahil Family Day ng mga tao ngayon. Bilisan na lang po natin." sabi ni Gio sa akin.
May gana pa 'tong utusan ako na bilisan ko. Siya ba maggrocery ngayon? Tss.
Sinamaan ko na lang tingin ko sa kanya at nag-umpisa na kaming pumasok ng mall.
Pagkapasok namin sa loob ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Buti na lang nakashades ako na itim at all black outfit ako ngayon. Naka-sweatshirt, pants at shoes na itim ako. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at habang marami ako nakasalubong sa akin na patuloy pa rin nakatingin sa akin.
Naiilang ako ngayon. Just don't mind them, Megan.
Habang naglalakad ako, marami akong naririnig mula sa kaliwa't kanan ko. I just want them to say 'hi' pero iba ang pakay ko dito sa mall.
"Look! Si Megan ba 'yon?"
"Anong ginagawa niya dito?"
"Pa-autograph tayo, beshie!"
"Artista pa rin ba siya?"
"Oo! Special Guest nga 'yan sa concert ng bebe ko!"
Napayuko na lang ako at binilisan ko ang aking paglalakad para makapunta na agad sa grocery. Napalingon ako sandali sa aking paligid na ang daming nagliliwanag na flash ng mga camera sa harapan ko.
Andito ang mga reporters. Sila ang dapat iwasan ko ngayon kaysa sa mga fans ko.
Tumingin ako kay Gio at bigla siyang tumingin sa akin, "Are you ready?" tumango siya at tumakbo kami papuntang grocery.
***
Ngayon hingal na hingal kami ng aking bodyguard na si Gio. Buti na lang nakapasok kami ng grocery at hindi na pinapasok ang mga reporters na sumusunod sa amin kanina.
Nag-umpisa na kong maglibot ng dapat kong ibili katulad ng cup noodles, hotdog, nuggets, chicken para i-fried ko at marami pang iba. Kaso ngayon ay problemado ako dahil hindi ko mahanap ang mga noodles. Kanina pa ako naglalakad at hanap ng hanap dito sa lob ng grocery. Nasaan na kayo 'yon?
Itatanong ko na lang sa aking bodyguard baka sakaling alam niya.
"Gio, nasaan ang mga noodles dito?" tanong ko habang tumitingin ito sa paligid at lumingon siya sa akin.
Ngunit naghihintay siya ng sasabihin ko. Mukha ngang hindi narinig ang aking sinabi kaya ayoko na ulitin ang tanong ko sa kanya.
Ayokong magsayang ng laway sa-
Nabigla ako dahil may nakabunggo sa aking braso. Napalingon agad ako kung sino man nakabunggo sa akin.
Si Scarlet? Anong ginagawa niya dito?
Namukhaan ko siya agad dahil lumingon siya sandali pagkatapos nagkabungguan kami.
Sa pagmumukha ni Scarlet ay sobrang kabisado ko na kung ano itsura niya dahil madalas ko siyang nakikita at nakasalubong sa hallway.
Mukhang kakausapin ako nito at magtatanong kung bakit ako andito. Kabisadong-kabisado ko na itatanong niya. Pagkatapos, pipilitin niya ako sumama sa kanya. Alam ko na galawang fangirl ni Scarlet sa akin.
"Sorry po." mabilis niyang sabi ngunit hindi siya tumingin sa akin kung sino man binangga niya.
Nagpatuloy na itong naglakad at nakipagdaldalan sa kanyang kasamang babae.
"Aba! Gano'n lang 'yon?" hindi ko napigilan ang inis ko kaya nasabi ko ito ng malakas.
Lalo akong nainis noong hindi niya ako pinansin. Kaya napalingon ako kay Gio na nagtataka siya dahil bigla na lang ako nagsalita.
Baka pagkamalan pa akong baliw. Inirapan ko na lang sa kanya.
Imbes na hahanapin ko kung nasaan nakalagay ang mga noodles, susundan ko 'tong si Scarlet.
Oo, susundan ko siya. Para makita niya na ang idolo niya na dinedma niya lang. Pagkatapos ko siyang i-comfort noong nakaraang araw sa cr dahil binigyan ko siya ng chance para makasali sa pesteng survival show na 'yon, Hindi man lang niya ako tingnan kung sino nabangga niya.
Look. I'm Megan. Fan niya ako.
Bakit hindi ko ramdam?
Nagkamali ata ako sa pagkakakilanlan ko sa kanya. Nag-expect ako na papansin niya ako.
Wait!
What the f***! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?
Ghad! Why do I even care about her? It doesn't mean na hindi niya ako napansin ay wala na ako para sa kanya.
Baka nga wala siyang pakialam kung sino nabunggo niya.
Stupido, Megan. Hindi kayo close.
"Are you okay, Ma'm?"
Nagising ang diwa ko dahil sa tanong ni Gio. Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paghahanap ng noodles.
***
"Ma'm, kanina pa tayo naglilibot pero wala ka pang kinukuhang item." rinig kong reklamo ni Gio sa likuran ko.
"Nagrereklamo ka?" masungit kong tanong sa kanya.
"Napupuna ko lang po." mahinaong sabi niya sa akin.
Bodyguard ko nga siya, siya pa may gana pang magreklamo sa akin.
Napa-iling na lang ako sa kanyang pagrereklamo habang paikot-ikot kami sa mga grocery dahil hindi ko mahanap ang noodles.
Ngayon, andito kami ngayon sa mga chocolates. Mukhang mapapabili ako ng hindi ko kailangan.
Balak kong bumili ng hershey's na cookies 'n cream dahil favorite ko talaga 'yon. Sobrang cravings ko ngayon ang mga chocolates lo na't dark chocolate.
Buti na lang bigla kong nakita ang label ng hershey's sa pinaka-gitna ng lalagyan kaya dali-dali akong pumunta para kumuha doon.
Pagkarating ko, agad ko itong kinuha kahit nakatingin ako sa ibang mga chocolates. Naghahanap pa kasi ako ng dark chocolates para bilhin ko rin.
Ngunit may pumipigil sa pagkuha ko. Nagtataka ako kung bakit hindi ko makuha. Ramdam kong may humahatak ang hawak kong hershey's.
Ano ba 'tong chocolate na 'to. Ang hirap makuha.
Napatingin ako sa hawak ko. Nabigla ako na may isang kamay na pumipigil kaya pala hindi ko ito makuha-kuha.
"What the f***!" inis kong sabi sa kanya.
Napatingin ako kung sino 'man may balak kunin ito.
"Miss Megan?!"
Hindi ko inaasahang siya pa kaagaw ko sa chocolate na hawak ko.
Tss. Scarlet.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!