MEGAN
"Who's that girl?"
Nagulat ako sa tanong ni Diego sa akin kaya napatingin ako sa kanya ngunit ilang sandali lang napatingin na lang ako sa bintana.
Gabi na pala.
Gusto kong sumandal at umidlip muna.
Kaya ngayon, pinikit ko muna ang aking mata.
"She's nobody." na walang ganang pagsagot ko sa kanya.
"Tinawag ka sa pangalan mo. Hindi ba kayo magkakilala sa lagay na 'yon?" tanong ni Diego sabay rinig kong tumawa sa akin.
Ano ba 'tong si Diego! May pagkakataon na nga akong magpahinga kahit dito sa sasakyan niya, hindi pa ako pinagpapahinga kahit sandali lang. Naiirita na ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy pa rin akong nakapikit.
"Megan, huwag masyadong ibuhos lahat sa pagtratrabaho ang lakas mo. Baka magkasakit ka sa lagay na 'yan." paninimulang sermon niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at sinuntok ko siya sa kanyang braso ngunit mahina lang habang nakapikit ako.
Ayoko sa lahat kapag gusto ko ng katahimikan, iistorbohin niya ako sa mga sinasabi niya.
"Alright, Megan." rinig kong tumawa siya, "Hindi na. Magpahinga ka muna at gigisingin na lang kita kapag andoon na tayo."
Nag-ok sign ako sa aking kamay at nagsimula na akong umidlip dahil ramdam ko ang pagod ko ngayon.
***
Ramdam kong may nagyuyugyog sa akin at napamulat ako.
Naalala ko nga pala na kakain kaming dalawa ni Diego kaya napansin kong pagkatapos niya akong gisingin ay bumaba na siya para alalayin niya akong makalabas sa kotse niya.
Inayos ko ang aking sarili at napansin kong binuksan ni Diego ang pinto. Inalalayan niya ako bumaba sa kanyang kotse gamit na paghawak niya sa aking kamay.
Pagkatapos niyang alalayin niya ako, binitawan ko agad ang kanyang kamay baka mabigyan pa lalo ng meaning kung hahawakan ko siya ng matagal.
Wala rin naman akong katiting na nararamdaman kahit magkahawak ang aming kamay maliban sa pagiging awkward ko baka akalain niya gusto ko rin siya.
Kapal niya kung mag-aasume siyang may gusto ako sa kanya.
Andito kami sa isang restaurant ngunit napapansin kong puro nakikita kong couple ang kumakain dito at nagd-date kaya hinawakan ko sa braso si Diego para pigilan ito kausapin ang manager na nasa entrance ng restaurant.
"Why, Megan?" pagtatakang tanong niya sa akin at humarap ito sa akin.
"We're not couple, Di. At saka puro couple nasa loob." sabi ko sa kanya, "Tingnan mo oh?" ngumuso ako sa mga couple na kumakain sa loob dahil kitang-kita ko sa salamin dahil naka-transparent ito. Kitang-kita sa loob.
Tumingin siya sa tinuturo ko at bumaling sa akin, "I know. Alam ko naman na friendly date lang 'to. Halika ka na." pagyayang sabi niya at hinila na niya ako sa papuntang loob.
Pagkarating namin sa loob, dumeretso kami sa pinaka-corner dahil alam ni Diego na paborito ko ang spot ang pinakasulok.
Ayoko kasi na nasa gitna kaming dalawa ng kumakain baka agaw pansin kami dito sa restaurant na 'to. Ayoko pa naman may pumapansin sa akin sa lugar na ito kaya dito pinili ni Diego.
Pagkatapos, inalalayan niya akong umupo. Umupo na rin siya at nagtaas siya ng kamay para maka-order na kami.
Habang tumitingin kami ng menu, " Gusto ko kumain ng heavy meal." share kong sabi dahil may nakita akong tofu sisig with rice.
"Are you sure, Megan? Gabi na kaya. Light meals na lang." suhestiyon ni Diego pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ba kakain, Diego?" masamang tingin ko sa kanya at biglang tumawa ito sa akin, "Hindi diba?" mapanghamon kong tanong sa kanya.
Tiningnan niya ako at nagpeace sign ito sa akin, "Arasseo! Arasseo! Eat what you want, Megan." masayang sabi niya sa akin.
May gana pa 'tong magkorean palibhasa pamilya nito puro koreano.
Hindi ko maintindihan pinagsasabi niya nagiging alien 'to minsan kapag kasama ko siyang kumakain.
Tapos may 'arasso' pa siyang sinasabi sa akin.
Baka pinagmumura na niya ako ng hindi ko alam.
"What's your order, sir and ma'm?" napatingin ako sa akin ang waiter na may hawak itong ballpen at paper para ilista ang order namin.
"I want tofu sisig and rice. Softdrinks na rin. At saka 1 slice of cake and 1 order of buko pandan. 'Yon lang." seryosong sabi ko sa waiter at napatingin ako kay Diego na nakatulala sa akin.
Tiniklop ko na ang menu baka mag-order pa ako ng pagkain.
"Sir.. sa inyo po?" rinig kong tinatanong siya ng waiter at napasandal ako sa upuan.
Tumingin ako kay Diego, "Pork Chop Marsala and 1/2 rice. Water lang ako." sabi niya sa waiter st ngumiti ito.
"Anything else, ma'm and sir?" tanong sa amin ng waiter.
Umiling ako at nakita ni Diego ang pag-iling ako, "We're already fine."sabi niya.
"Wait for 20-30 minutes for your order, Ma'm and Sir. If you have additional order, you can approach me. I'm Marc by the way." sabi ng waiter at tumango lang ako.
Binigyan namin siya ng matamis na ngiti.
Nakita ko rin nagbow siya sa amin, "Enjoy your meal, Sir and Ma'm." at tuluyang umalis na siya.
"Mukhang mabubusog ka ngayon, Meg." puna niya sa akin.
"Wala akong kain ng lunch kanina dahil sa pagiging pasaway ni Clown." inis kong sabi sa kanya.
"Balita nga si Clown. Naglabas ka na ba ng statement tungkol sa issue?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.
"Yes, inasikaso na ni Quinn kanina." sabi ko sa kanya.
"Kamusta na silang dalawa ni Hexyl? Nagkatuluyan na ba?" tsismosang tanong niya sa akin.
"Pinapagana mo na naman pagiging chismosa mo, Di." natawa kamjng dalawa sa sinabi ko.
"Ganoon talaga, Meg. Gusto ko pa naman silang dalawa magkatuluyan para sa isa't isa." sabi niya sa akin.
"Lahat naman tayo umaasa magkatuluyan silang dalawa." sabi ko.
"Tayo kaya?" nawala ang aking ngiti sa kanyang tanong.
Napa-iling na lang na ako dahil alam ko na kung saan papunta 'tong usapan namin dalawa.
"Huwag na nga natin pag-usapan 'yan." inis na sabi ko at napansin kong umubo si Diego na mukhang may sasabihin ito sa akin.
"Can we talk about 'us', Meg?" nabigla ako sa tanong niya at tiningnan ko lang siya.
Tungkol sa amin? Pakiramdam ko tuloy sobrang awkward na naman atmosphere naming dalawa kung mapapag-usapan 'to.
Ilang beses na rin siyang sinasabihan na kababata lang turing ko sa kanya pero nanatili pa rin nagkakagusto sa akin.
Sinasaktan niya lang sarili niya kung pupursigi niya talaga mahalin ako.
"I am fine with that." seryosong sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya sa kanyang mga mata.
Napalunok siya habang tumingin sa akin at umiwas siya sa akin.
"Ilang years na ba ako pinaparamdam sa'yo na mahal kita at seryoso ako do'n?" tanong niya sa akin.
"Matagal na." walang gana kong sagot sa kanya, "Bakit?"
"Wala bang katiting na nararamdaman na pagmamahal sa puso mo?" tanong niya sa akin na napatingin ako sa ginagawa niya.
Nakapatong ang aking kaliwang kamay sa table.
Buti na lang napansin kong gumagalaw ang kamay ni Hexyl at inalis ko agad ang aking kamay do'n.
Chansing talaga.
"Alam mo, Di. Kaibigan lang turing ko sa'yo." walang gana kong sagot at napasandal ako sa aking upuan.
Yumuko siya, "I really love you, Meg. You already know that. I am willing to give you what you want to make me mine, if you allow me to date you right now." sabi niya sa akin at nakita kong ngumiti ito ng pilit.
Biglang kunot-noo ako sa kanyang sinabi sa kanya.
Gusto ko man sabihin sa kanya lahat ng masasakit na salita sa kanya pero nanatili pa rin sa akin ang aming pagiging pagkakaibigan namin.
Ngunit kung lalala lang ito ng lalala, walang mangyayari kung hindi ko sasabihin ang mga masasakit na salita sa kanya.
Gusto ko magising siya sa katotohanan na hindi ako karapat-dapat sa kanya.
"I will never love you, Diego. Paano kung gusto ko na makahanap ka ng taong may magmamahal sa'yo ng pabalik? Kaya mo bang mabigay sa akin 'yon?" seryosong tanong ko sa kanya.
Nakikita ko sa mga kanyang mata na naluluha ito. Gustong umiyak ito pero pinipigilan niya lang.
"Hindi kita mamahalin dahil wala naman akong nararamdaman sa'yo." dagdag ko at mariin ko sabi.
"Kahit anong gawin mo Diego, masasayang lang ang lahat ng effort mo sa akin. Nagsasayang ka lang ng oras para mahalin mo ko."
"Kung iisipin mo ngayon, dito sa mundo, may isang babaeng may magmamahal sa'yo. Pero hindi ako 'yon." sabi ko sa kanya.
"Hindi magiging ako 'yon." inis at diin kong sabi sa kanya.
Napatakip na lang siya ng kamay sa kanyang mukha, "I really love you so much. Matagal na kitang minamahal pero kailan mo ko mamahalin?" tanong niya sa akin at bigla siyang tumingin na napakalungkot sa akin.
"Walang sapat na oras para mahalin kita dahil wala akong panahon para mahalin ka, Diego." sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin sa kanya.
Gusto niya i-bring up ang topic na 'to. Wala akong magagawa para saktan siya sa mga masasakit kong salita.
Pakiramdam ko, wala na ako sa mood para kumain kaming dalawa.
Ang kapal naman ng mukha ko para ipagpatuloy ko pa kumain dito, kahit ganito na ang atmosphere naming dalawa.
Kaya mas mabuti nang i-text ang aking driver na sunduin ako sa restaurant na 'to.
Nagsimula na akong i-text siya at pagkatapos, na-sent ko na ito sa kanya. Ilang minuto biglang may nagmessage sa akin at nabigla rin ako sa tunog.
"Sino 'yan?" rinig kong sabi ni Diego.
Dinedma ko lang siya habang hawak ko ang phone ko. Pero ang ginagawa ko lang ay magswipe lang sa screen na ibig sabihin nagpapanggap lang ako may ginagawa sa cellphone ko.
"Kausapin mo naman ako, Meg." nagmamakaawang sabi niya sa akin.
Dinedma ko siya at dahil wala ako magawa sa phone, naglaro na lang ako.
Mahigit 15 minutes na wala pa akong natatanggap na message sa aking driver.
Nasaan na kaya 'yon?
Biglang akong nagulat sa message sa akim ng driver ko kaya napatayo na ako.
Nabigla si Deigo sa akin at hinatak ang aking kamay pero pumiglas ako sa kanya.
Dinedma ko siya.
Kumaway ako sa isang waiter na nangangalang Marc, "Marc, paki take-out na lang ang aming order. Bigay mo na lang sa kanya." pakiusap kong sabi sa kanya.
"Sige, Ma'm." ngiting sabi ni Marc sa akin at nagsimula na siyang inaasikaso ang order naming dalawa.
Napatingin ako kay Diego na nakikita ko sa kanyang mga mata na gusto niyang magmakaawa sa akin at gustong umiyak sa harapan ko ngunit pinipigilan niya lang.
Hindi niya ako madadaan sa lagay na 'yan.
Humarap ako sa kanya at lumapit ako sa kanya.
Alam kong pinagtitinginan na kaming dalawa dito ng mga kumakain dito sa restaurant na 'to.
Ayoko talaga na nagkakaroon ng atensyon ng ibang tao sa amin.
Lalo akong nairita kaya minabilis ko na ang dapat kong sabihin kay Diego.
Napatingin ako kay Diego na gusto ako pigilan at hinaplos ko ang kanyang mukha, "Papansinin kita kung naka-move on ka na sa akin." sinampal ko ng mahina ito at iritang-irita na sabi ko sa kanya.
Napayuko na lang siya sa lahat ng mga masasakit na salita ko sa kanya.
"Tandaan mo, huwag na huwag kang magpapakita sa akin kung mahal mo pa ako."
Sana matauhan ka na, Diego.
"Tandaan mo rin na hindi kita mamahalin habang buhay."
Sana magising ka sa katotohanan na hindi kita mamahalim hangga't buhay pa 'ko.
Tuluyang umalis na ako sa kanyang harapan.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!