SCARLET
"Thea, may tanong ako."
"Ano?"
"Bakit gano'n, Thea. Kung tatangalin mo ang 'A' sa prutas, bakit pruts pa rin?"
Bigla akong natawa sa tanong ni Zoe. Akala ko sobrang seryoso itatanong niya kay Thea pero hindi pala.
"Alam mo kasi, Zoe. Hindi ko rin alam. Para kasing ex mo lang 'yan, kahit tanggalin mo yung 'e', mahal mo pa rin siya." natawa ako at napailing na lang sa kanilang dalawa.
Nakita kong binatukan ni Zoe si Thea, "Aray!" rinig kong reklamo ni Thea.
"Anong connect do'n, Thea? Sagutin mo 'ko?!"
Pagpasensyahan niyo na. May saltik to sa utak sina The at Zoe.
"Ayoko nga. Choosy ako para sagutin kita." .sagot ni Thea at nakita kong sinamaan ng tingin ni Zoe si Thea.
Habang naglolokohan silang dalawa, 'yong ibang member nananatiling tulog pa sa kanilang kwarto. Kaming tatlo lang andito sa sala habang nakikinig ng kanta ng mga song list ni Miss Megan sa Spotify.
Andito nga pala kami sa pinaka-dorm namin ng Queen of Hearts.
Buti na lang nagkaroon na kami ng dorm dahil sobra akong nahihirapan magcommute palagi kapag ako'y umuuwi sa bahay galing Eyered.
Para na rin hindi ako dalawin ng pamilya ni Francis. Lalo na't ang kanyang pinsan na si Gio.
Si Gio kasi ang naging daan nang naging magkarelasyon kaming dalawa ni Francis. Ngunit siya rin ang dahilan kung bakit ko nalaman ang rason kung bakit niya ako iniwan.
Maiba ko lang ang topic. Ngayon, tamang chill lang kami dito tutal mamaya pa kami pupunta ng hapon sa EyeRed.
Ilang weeks na ang lumipas medyo busy kami sa performance namin para sa debut.
Kahit wala pang exact date kung kailan kami magd-debut, kailan pa rin magpractice at pagandahin ang aming performance.
Hindi ko na nga nakikita si Miss Megan o kahit man makasalubong ko lang sa loob ng EyeRed.
Gusto ko lang makita ang aking idolo.
Ano na kaya nangyari sa kanya?
Ilang weeks na rin ang lumipas noong huli ko siyang nakausap.
Naalala ko pinakahuli naming pagkikita ay nasa labas kami ng entrance ng EyeRed at kinausap ko pa yung paltos niya.
Nakakalungkot dahil hindi ko pa siya nakikita pero wala rin naman akong magagawa.
Sapat na sa akin na nakita at nakausap ko siya. Napaka-swerte ko nga na kinain niya yung brownies na gawa ko para sa kanya at hinatid niya pa ako sa aking bahay.
Kahit hindi ko alam kung labag sa kanyang loob o hindi.
Atleast nga nasabi ko na fan niya ako kahit kinapalan ko na ang aking mukha para sabihin 'yon.
Masaya ako kapag naalala ko ang mga pangyayaring 'yon.
Sana maulit pa.
Kung hihiling lang ako ngayon na pwedeng matupad ay gusto ko maging kaibigan si Miss Megan.
Alam ko naman na sobrang imposible talaga dahil hindi nga siya kumakausap ng hindi niya ka-close.
Baka dedmahin lang ako kapag kakausapin ko siya.
Madalas napaka-taray niya sa akin. Siguro mataray talaga siya sa akin dahil doon sa pangyayari sa elevator na hindi ko sinasadyang nasungitan ko siya.
Siguro nakatatak na sa kanyang isipan ang pangyayaring 'yon kaya siguro masungit siya sa akin.
Hindi ko nman talaga sinasadya talaga 'yon. Buti na lang bumawi ako sa kanya sa pamamagitan ng brownies na paborito niya.
Bigla akong may nag-doorbell at dali-dali akong tumayo at pumunta sa pinto.
"Tingnan mo nga Scarlet kung sino 'yon." utos sa akin ni Zoe at sinunod ko naman ang utos niya.
Tiningnan ko sa aming door viewer kung sino ang nag-doorbell at napatingin ako kina Thea at Zoe.
"Si Manager!" bulong ko sa kanila.
"Gisingin na natin sila. Bilis!" bulong na sabi Thea sa amin.
Dumeretso na sila sa kwarto para gisingin yung mga ka-member ko.
"Buksan niyo 'to. Rinig ko kanina ang boses ni Zoe malapit sa may pinto." rinig kong sigaw ni Manager sa labas.
"Dali! Dali! Bilisin niyo na." bulong kong sabi sa kanila.
Narinig kong nagkakaguluhan na sila sa may kwarto at ilang segundo lang lumabas na silang lahat.
Kitang-kita kong sa mga mata nila na bagong gising sila. At pumwesto sila sa sala na nagkukunwaring may ginagawa sila.
"Mga muta niyo, alisin niyo." bulong ni Thea sa kanila.
Nag-umpisa silang alisin ang muta sa gilid ng kanilang mata.
"Ako na magbubukas, Scarlet. Pumwesto ka na do'n." bulong na utos sa akin ni Zoe.
Tumango ako at katabi ko ngayon si Thea habang nagkukumpulan kami dito sa sala.
"Ano kaya sasabihin ni Leon sa atin?" bulong na tanong niya sa amin.
Nakita ko na binuksan na ni Zoe ang pinto at bigla siyang napaatras. At wala pang isang segundo nagpakita ang aming leon na manager na nangangalang Ms. Lea.
Napansin namin na maraming dala si Ms. Lea na grocery. Mukhang pakiramdam kong sa amin 'yong grocery.
Kaya dali-dali 'kong tinulungan si Ms. Lea at kinalabit ko sina Miya at Camille habang nag-uusap sila para tulungan si Ms. Lea. Tumango at ngumiti sila sa akin.
Siyempre! Kailangan namin maging mabait sa harapan ni Ms. Lea baka kasi magtransform na naman siya pagiging leon niya katulad noong pinagalitan kami dahil sa palpak naming performance kay Ms. Megan.
Mabait naman si Ms. Lea kapag wala naman kaming ginagawang mali sa performance namin.
Naiintindihan naman namin na nagagalit siya minsan kapag hindi niya nagugustuhan ang aming performance at may nakikita siyang mali sa ugali namin.
Sobrang strict niya sa amin pero may kabaitan naman natitira sa katawan ni Ms. Lea.
"Oh ano? Kamusta kayo dito?" tanong ni Ms. Lea sa amin habang dinadala namin yung grocery sa gilid lang.
"Ayos lang naman kami dito, Ms. Lea." ngiting sabi ko sa kanya, "Sa amin po ba 'tong grocery na dinala niyo po?" tanong ko kay Ms. Lea.
"Assumera ka talaga, Scarlet." natatawang asar sa akin ni Zoe.
"Hindi sa inyo 'yan! Makikilagay lang ako!" sigaw ni Ms Lea at nabigla ako sa sinabi niya.
Narinig kong nagtawanan ang mga ka-miyembro ko sa akin.
Napasapo na lang ako sa aking ulo dahil sobrang nakakahiya kay Ms. Lea na nag-expect ako na sa aming Queen of Hearts itong grocery na binuhat ko.
"Chill lang po, Ms. Lea." sabay biro at tawa ni Zoe habang minamasahe ito sa balikat ni Ms. Lea.
Sinamaan siya ng tingin ni Ms. Lea na akmang hahawakan niya sana ang braso ni Ms. Lea ngunit pumiglas ito. Kaya napahinto ito sa pagmamasahe.
Napansin kong napatingin siya sa akin, "Bumili ka ng kape ko. Mocha Latte ang flavor." utos niyang habang kumukuha siya ng pera sa kanyang wallet, "Heto, Scarlet. Ikaw na bahala sa sukli kung ano gusto mong bilhin." inabot niya sa akin ang limang daang piso at kinuha ko agad.
"Malaking size ha?" sabi ni Ms. Lea sa akin.
Tumango ako sabay ngiti sa kanya, "Sige po." magalang kong tugon kay Ms. Lea.
Binelatan ko si Zoe at nagsisimula na siyang mag-makaawa sa tabi ni Ms. Lea, "Ako na lang kaya bibili ng kape, Ms. Lea. Sige na." pamimilitni Zoe kay manager.
"Magtigil ka, Zoe. Sinasabi ko sa'yo." masungit niyang sabi kay Zoe.
Nakabusangot si Zoe habang nakatinginsa akin ng masama.
Natawa na lang ako sa kanya at nagsimula na akong umalis sa condo.
***
Ngayon, nasa elevator na ako bigla itong tumigil sa 17 floor.
Nakatingin ako sa pinto ng elevator na ngayo'y bumubukas ito.
Ilang sandali lang , bigla kong natanaw sa aking paningin si Ms. Megan sa labas ng elevator.
Hindi ko inaasahang makita siya ngayon araw lalo na't dito sa building na'to.
Napangiti ako habang tumitingin sa kanya. Ngunit napatigil si Ms. Megan at nakatitig sa akin.
Umiwas siya ng tingin at pumasok dito sa elevator. Hinintay niyang sumara ang pinto ng elevator.
Ngayon, magkatabi kami ngayon ni Ms. Megan.
Ang saya sa pakiramdam kapag katabi mo 'yong idol mo. 'Yong idolo kong hinahangaan, na ngayo'y magkatabi na kami.
Pero bakit siya andito sa building namin?
"Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong sa akin ni Ms. Megan.
Pasalita na sana ako para itanong sa kanya kung bakit andito siya sa building namin ngunit hindi ko inaasahang itatanong sa akin ni Ms. Megan.
"Hindi po. Dito na po kami nakatir--" hindi natuloy ang aking paliwanag sa kanya.
"Sinusundan mo nga ako." inis na sabi sa akin ni Ms. Megan at lumayo ito sa akin.
Napailing na lang ako dahil akala niya na sinusundan ko siya pero hindi naman totoo.
Sadyang kapalaran lang ang dahilan kung bakit tayo nagkita sa elevator.
"Nakatira na po kami dito sa building lahat ng miyembro ng Queen of Hearts. Last 2 weeks pa po." magalang na paliwanag ko sa kanya habang nakatingin kami sa isa't isa.
Seryosong nakatingin siya sa akin at umiwas siya ng tingin.
May mali ba ako sa mukha ko?
Kinapa ko ang aking mukha at kinuha ko ang aking phone ko para tingnan sa camera ang aking itsura.
Maayos naman mukha ko ah. Maganda pa rin ako.
Cheret!
Napatingin na lang ako sa pinto ng elevator habang nakita kong pababa ito sa Ground floor.
Biglang tumunog ang elevator na hudyat na nasa ground floor na kami.
Hinintay ko muna lumabas si Ms. Megan ngunit hindi siya kumikibo. Nanatili pa rin siyang nakatayo at nakatingin sa labas.
"Hindi ka po ba lalabas?" tanong ko sa kanya at napalingon siya sa akin.
"Sinusundan mo talaga ako. Now I know na stalker kita." sinamaan ako ng tingin sa kanya pagkatapos niyang sabihin ito.
Ha? Stalker?
Ayos lang sa akin na tawagin niyang fan ako kaya pwede niya i-conclude na sinusundan ko siya.
Pero hindi naman pwede sa akin na tawagin niya akong stalker.
Hindi makatarungan 'yon sa akin.
"Alam niyo po, Miss Megan. Idolo po kita pero hindi naman po ako yung tipong nagkakandarapa na sundan ka po. Tapos, itatawag niyo po sa akin na stalker ako?" natatawang sabi ko kay Ms. Megan.
Humarap siya sa akin at bigla akong nagulat dahil napaatras ako dahil masyadong malapit ang distansya namin dalawa.
"Ayon nga ang problema, e. Kung hindi ka stalker, ano ka?" hamon niyang tanong sa akin habang hinihintay niya ang aking sagot.
"Isang tunay na fan niyo po. Masaya na po akong nakasabay kita sa elevator." nakangiting sabi ko at umalis ako sa harapan niya, "Sadyang tadhana lang po kung bakit tayo nagkita."
Pumunta ako sa kanan ko para pumwesto at nagulat ako na nasarahan kami ng elevator at patuloy itong umaakyat.
Mayayari ako kay Ms. Lea nito. Hindi ko pa nabibili ang kanyang kape na inutos niya.
Kailangan kong bumaba sa ground floor at pinindot ko ang Ground Floor button pero hindi ito naging epektibo.
Narinig kong tumawa si Ms. Megan at napalingon ako sa kanya kung bakit ito tumatawa ng malakas.
Ngunit nag-iba ang expression niya no'ng nagtama ang aming tingin sa isa't isa.
"Tadhana? Isang kalokohan." habang umiiling ito sa akin.
Humarap ito sa elevator na akmang may balak itong lumabas ngunit napagtanto niya na nasaraduhan kami.
Napabuntong hininga na lang siya hintayin na bumaba itong elevator.
Hindi ba siya naniniwala sa tadhana?
O sadyang hindi lang siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko?
Imposible naman. Siguro.
"Hindi ka po siguro naniniwala sa Tadhana." seryoso sabi ko sa kanya at napatingin ako sa kanya.
"Tama po ba ako?"
Nagtama ang aming mata ngunit...
Narinig kong ang tunog ng elevator at napalingon ako pero nagulat ako.
Hindi ko inaasahang makita sila na nakaabangang ang ka-miyembro ko at si Ms. Lea sa labas ng elevator.
Ngayon, sila'y nakatingin sa aming dalawa ni Ms. Megan.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!