webnovel

Chapter 8- Magkapatid

Fatima's Pov

Nagpaalam si hera sakin na sandale lang daw siya umihi pero nakalipas na ang isang oras pero hindi padin siya bumabalik kaya nagtataka na ako at sinabi kay clarissa ang tungkol kay hera. Napatayo naman agad siya sa narinig at tinakbo ang kubo kung nasan kami magpapalipas ng gabi. Sinundan ko naman siya agad, nakaramdam ako ng takot sa mangyayari kay hera, kung sakali mang hindi namin siya makita sa bayan nato hindi ko na alam ang gagawin.

tumakbo ako ng mabilis maunahan lang si clarissa sa kubo , this is called speed ability, saming tatlo ako lang ang merong speed ability. pagkapasok ko sa kubo natagpuan ko lamang ang malaking bag ni hera na nakabukas at kalat naman ang mga hinubad niyang damit. Nakaramdam ako ng panganib kahit talaga ang isang yun tigas ang ulo!

Lumabas na ako ng kubo, kakarating lang ni clarissa hingal na hingal pa siya . Tinignan niya ako . Umiling ako bilang sagot na wala dito si hera,

Napamura naman siya, tumalikod sa akin at naglakad palayo. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya pero napahinto nalang kami nang marami na nagsisigaw na mga batang gryffins sa malayo. tatakbo na sana ulit si clarissa pero hinawakan ko ang kamay niya at ginamit ulit ang speed ability ko.

Pagkarating namin, nakita namin ang mga gryffindors na nilalabanan ang mga destroyer. walang ano-ano'y tumulong kami sa kanila at nagsimula na ding lumaban.

Third Person's Pov

Nagsimula maglaban ang gryffindors kasama sina Fatima at clarissa. Ginamit ni clarissa ang kanyang Air Blades at inubos ang mga destroyer na paparating sa kanya. Tinawag niya ang kapangyarihan ng hangin para gawing barrier sa mga bata. kahit alam niyang madali mauubos ang kanyang stamina sa ginawa hindi niya inisip ang sarili masyado na kasing napamahal sa kanya ang gryffindor kahit ngayon yalang ito nakasalamuha.

Si fatima ay tinawag ang kapangyarihan ng thunder at ginamit niya din ang kanyang speed ability para mabilis ang kanyang pagkilos kasama ang light protector niya . hindi naman nakaluwas ang mga destroyer at naglaho naman agad ito.

Kahanga-hanga din kung pano lumaban ang mga gryffindor gamit ang kanilang kapangyarihan , pati na din ang tinatawag na pinuno napakabilis ito umiwas , hindi siya gumagamit ng kapangayarihan kaya ya lang patumbahin ito gamit ang kanyang kamay at paa.

Sa likod ng mga nagdidiliman na parte ng bayan hindi alam ng mga gryffindor , fatima at clarissa na may mga destroyer pa na naghihintay para sulungin sila gamit ang kanilang itim na apoy.

Nakaramdam ng pagod si clarissa at fatima pero hindi nila ito inisip , ang sa kanila ay tulungan ang mga gryffindor pero sa sobrang dami nanlambot ang mga tuhod ni Fatima at may pupuntang itim na apoy sa direksyon ni fatima pero hindi niya nakita kasi nakayuko siya, naalerto naman agad si clarissa sa paparating na sa kaibigan ginawan niya agad nang shield ang kaibigan gamit ang kanyang huling lakas at napanatag naman siya ng biglang naglaho ang apoy .

Pero hindi inaasahan ni clarissa na may papuntang matalim na metal sa kanyang likod, Hindi na niya nagawang labanan at sumigaw siya sa sakit na naramdaman . Nanghihina na siya. napatakbo agad sa kanya si fatima at nagsimulang umiyak.

"R-risa kumapit ka gagamutin kita." Sabi ni fatima sa kaibigan na naiiyak na din. gustuhin mang pigilan ni clarissa ang kaibigan na wag nalang, wala na siyang magawa kasi pagdating sa ganito hindi na niya mapagusapan si fatima. Kahit napakacold ang pakikitungo niya dito hindi paring nagbago ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Sinimulang gamutin ni fatima ang likod ng kaibigan pero ramdam na niya ang pagod pero hindi niya ito inantala. Sa isip-isip niya kaya niya pa pero nakaramdam siya nang hilo sa binibigay na lakas na kapangyarihan para gamutin lang si clarissa. nawalan siya nang malay at hinawakan naman siya ni clarissa na umiiyak.

nakita ng pinuno ng gryffindor na nahihirapan ang kanyang mga kaibigan na tao ginamit niya ang kapangyarihan para gamutin ang kanilang sugat at naging okay naman ang tinatawag na clarissa pero walang malay padin ang isang kasama niya na si fatima. Pagkatapos niyang gamutin ang dalawa . sinenyasan niya ang kanyang tatay isko na ipadala sa itaas ang kanilang mensahe na kailangan nila ng tulong .sinimulan ni tatay isko ang pagputok ng isang liwanag. Tapos na ang laban pero alam niyang may nakakapaligid parin na mga destroyer sa kanilang bayan. At alam din niyang ilang minuto babalik ang tinatawag nilang kamahalan na si Hera

Enchanted forest (Hera and Hema)

nakaramdam ng kaba si hera, hindi niya alam kung ano pero may panganib na dadating. napatigil sila sa kakalakad ni hema at napatingin sa itaas ng kalangitan , nakita nilang may lumitaw na ilaw kaya't isang segundo palang tinakbo niya ang palabas ng kagubatan. Hindi niya na inisip na may kasama siya . Kailangan siya ng kanyang mga kaibigan.

Ngayon alam na niyang wag mag padalos-dalos sa desisyon, maaaring may panganib na darating kung hindi siya makinig sa kaibigan.

natigilan siya sa kakatakbo ng may humawak sa kanyang kamay , at nagsimula silang lumipad sa Ere. napasigaw siya sa taas ng lipad nila.

"P-paanong?" Tanong ni Hera sa Babae.

"Mamaya magpapaliwanag ako kamahalan." Oo so hema ang taong kumapit sa kanya at lumipad sa ere kasama siya . nakita niya ang pakpak ni hera maputi at napakalaki ang kanyang pakpak.

Mabilis silang nakarating sa bayan ng Gryffindor, naluha nalang siya nang makita ang sitwasyon ng kanyang dalawang kaibigan pati na din sa mga gryffin's.

Tahimik siya nilapag ni Hema sa Lupa at tahimik din sila papunta sa direksyon kung nasaan may isang babae na nakatayo na nakautim at nakita niya naman na nakaluhod ang pinuno ng Gryffindor. Lokina at sa kaibigan ko pasensya na kung ang bagal ko.

Lokina's Pov

Nang maiputok ni tatay ang ilaw sa kalangitan. Doon din lumabas ang mga nagtatagong destroyer sa dilim. Hindi na ako nagulat sa dami nila. Sa sobrang dame hindi namin sila makakaya kasi puro na sugatan at marami ang nawalan ng malay na mga kasamahan ko .

tahimik akong nagmamasid kung ano ang gagawin nila. pero nahati sa gitna ang mga destroyer at iniluwa ang babaeng kinamumuhian ko sa tanang buhay ko.

"Divine" Malamig kong tawag sa pangalan niya. ngumisi naman siya sakin.

"Long time no see....

Sister." Ngising demonyo na sabi niya. Nagtataka namang tumingin ang mga gryffindor sakin kung bakit tinawag ako ng taong tu na sister. Sana pagkatapos tu hindi nila ako lalayuan.

yes, she's my sister pero ginusto niyang sumama sa mga demonyo. hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit sumama siya sa kadiliman.

"D-divine anak" napatingin ako sa nagsalita. Tatay isko.... hahawakan niya na sana si divine pero tinabig ni divine ang kanyang kamay . natulala naman si tatay sa ginawa ng kapatid ko. "B-bakit?" naluluhang tanong ni tatay. Pero nanatiling walang emosyon ang mukha ni divine.

Hindi ko na kinaya ang nangyayari. Hinawakan ko ang kamay ni tatay at itinago ko siya sa likuran ko.

"Oh the same Lokina as always palaging kuntrabida!" sabi niya at matalim tinignan ako.

"Kung ano man gusto mong mangyari divine umalis ka nalang kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya natinag . ngunit tumawa pa siya ng malakas . hindi ito ang kilala kong divine na kapatid ko.

" ano kamo? Masasaktan ako?! ni hindi mo nga kaya na daplisan man lang ang mukha ko." ngising sabi niya. Oo tama ang sabi niya kahit nakakapanggigil na ang ugali niya hindi ko pa siya nagawang saktan pero kami ng tatay nagawang niyang saktan na parang hindi kami magkapamilya.

"Kaya kitang saktan kung pati bayan ko sasakupin mo ng kasamaan!" diin kong sabi .

"Wag ka nang magmaangan pa sister, at nagtago ka pa talaga sa anyong unano ha, okay lang yan bagay naman sayo eh." sabi ng demonyo kong kapatid. Kumuyom ang mga kamao ko at handa nang sanang saktan si divine nang pagilan ako ni tatay at sinenyasan na huwag.

Napabuntong-hinga ako sa gusto ni tatay. Pinikit ko ang mga mata ko at ginamit ang kapangyarihan ko upang bumalik sa anyong tao ganun na din si tatay isko .

Marami ang natulalang gryffindor sa nakita nila hindi nila inasahang tao pala ang namumuno sa kanila. pero hindi ko nalang muna inisip yun.

"Ano na ang kailangan mo?" Malamig kong tanong kay divine.

"Obviously, gusto ko kunin ang mga kasamahan mo." natigilan ako sa gusto niya , tinignan ko siya ng matalim . Bakit pati kasamahan ko?!

"Kunin mo na ang lahat wag lang ang mga kasamahan at kaibigan ko." Matigas kong sabi.

"Hmm okay." pagkasabi niyang yun pumitik siya sa ere at nakita ko naman na gumawa na ng apoy ang mga destroyer papunta sa mga kasamahan ko.

"W-wag." tigil ko sa aking kapatid. "A-ano ba dapat kung g-gawin para m-manahimik ka?" nauutal kong tanong. ngumisi naman siya sa sinabi ko. kunwari pa siyang nagiisip at tinignan ako.

"Hmm.. gusto kong lumuhod ka sa harapan ko." Kahit labag sa loob dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya, pinigilan pa sana ako ni tatay isko pero sinenyasan ko siyang okay lang. nang nakaluhod na ako sa harapan ng demonyo kung kapatid. tumawa naman siyang malakas.

"Whahahahahaha Uto-uto ka talaga kahit kailan. Well! Hahahaha ito ang gusto ko eh. patayin sila!!!." Sigaw niya sa mga kasama niyang destroyer at tinapat samin ang mga bolang apoy. ngumisi naman ako na ikinatigil niya .

"Kayo ang patay ngayon" sabi ko.

Hera's Pov

narinig at nakita ko kung pano magsagutan ang magkakapatid at kung pano naging tao si Lokina.

"Whahahahahaha Uto-uto ka talaga kahit kailan. Well! Hahahaha ito ang gusto ko eh. patayin sila!!!." Sigaw ni divine sa mga destroyer. Tinapat naman ng destroyer ang mga bolang apoy sa mga gryffins. Tinignan ko si lokina na parang may sinasabi siya sakin na ako lang ang makakapagpigil sa kanila. tumango ako kay lokina at ngumisi naman siya sa kapatid niya.

"Kayo ang patay ngayon" sabi niya sabay sa pagpikit ng mga mata ko at kahit hindi ko alam ang ginagawa , Inisip ko na itigil ang bolang apoy na papunta sa mga gryffindor. may dumaloy na kakaibang kapangyarihan sa kamay ko napamulat ako ng mata hindi ko alam kung sino ang sumapi sakin kasi tumaas sa ere ang kamay ko at kumumpas ng hindi ko maintindihan at nakita ko naman kung pano tumigil ang mga bolang apoy ngumiti ako sa nagawa ko . bigla namang naglaho ang mga destroyer pero hindi kasama ang kapatid ni Lokina. Napapikit ako sa hilong naramdaman.

"A-anong?! Sinong may gumawa nun?!" Narinig kong sigaw ni divine.

"Sino pa ba sa tingin mo ang may kayang gawin yun?" Malamig na tanong ni lokina. naimulat ko ang mata ko nang naramdaman kung dahan-dahan tumingin si divine sa direksyon ko.

"S-sino ka?" takang tanong ni divine sakin. kahit nahihilo ako pinigilan kong matumba at binigyan ko ng nakakalokong ngisi si divine.

"Ako? Ako ang dapat na katakutan mo!" Sigaw ko kanya at kasabay nun ang pagwalan ko ng malay, naramdaman ko naman na may sumalo sakin.

次の章へ