webnovel

Chapter 9- My protector and my Dragon

"Hera! Hera! Hera!"

Nagising ako sa pagyugyog ng isang magandang babae, maputi, itim ang buhok hanggang balikat, mapupula ang mga nakangusong labi, mga abong mata at namimilog pa ito. Ang napakaisip bata na Ate ko. Dalawang taon lang naman ang gap namin.

"Ate shine! maaga pa. mamaya nalang tayo mamasyal." sabi ko sabay talukbong ng unan. hinampas niya naman ang pwet ko .

"Anong maaga pa ha? Tanghali na hera! Alas dose na. Aba't tayo na at mamasyal kanina pa kita ginigising sige ka magtatampo ako." Rinig kong sabi ni ate shine . minsan isip bata , pero kung ganyang magtatampo na siya bahala kana sa buhay mo, hindi... bahala nako sa buhay ko. grabeng magtampo ang ate kong yan!

"Oh sige na sige na . Maliligo na muna ako." sabi ko at nagmadaling pumasok sa CR. Nakita ko kasing nakanguso na siya sa tabi ng higaan ko at tinitignan ako ng masama.

"Bilisan mo!" Sigaw niya pa. Napangiti naman ako sa inaasal niya. Bukas kasi kaarawan na niya at ngayon lang kami pinayagan ng aming mga magulang ma mamasyal parang gift nadin daw para sa kanya. Kaya walang nagawa sila daddy't mommy.

Pagkatapos kong maligo umalis nakami sa kaharian at sumakay sa kalisa papunta sa bayan kung saan merong fiesta na gaganapin. gusto niya daw kasing bumili ng mga souvenirs at magsaya muna .

Mababaw lang ang kasiyahan ni ate kaya't pinapayagan nalang nila daddy't mommy , hindi naman sila masyadong strikto sa pakikitungo samin parang normal lang nagkakasiyahan din at naghahabulan sa loob ng kaharian. Napangiti naman ako sa naisip.

Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na hindi ko na pala kasama si ate shine sa paglalakad , nakaramdam ako ng kaba. Wala pana man yung alam sa direksyon . Palingalinga ako sa paligid kahit madame ang tao kaya imposible na makita ko siya sa ganito ko ka liit.

Tatakbo na sana ako sa kanan ng may narinig akong sigaw sa kaliwang daan. Sa patagong parte na daan . Tinakbo ko iyon.

Nakita ko naman agad si ate shine na umiiyak na hawak-hawak ng mga nakaitim na cloak . hindi ko alam pero may namuong galit sa mga mata ko at aawatin na sana ang humahawak kay ate pero hindi pa ako nakakalapit ay nahampas ang aking katawan sa kahoy at nabagok ang ulo ko sa malaking bato. Bago ako mawalan ng malay.

Nakita ko kung pano nila saksakin ang katawan ng ate ko at bigla nalang sila naglaho. I-i'm sorry a-ate.

And everything went black.

****

Hera's Pov

Napabalikwas ako ng bangon sa napanaginipan ko. hinawakan ko ang aking kanang mata at may namumuong luha akong nahawakan.

H-hindi ko alam kung totoo ang napanaginipan ko pero hindi ko nalang pinansin. nilibot ko ang aking mga mata. nandito na ulit ako sa kubo kung nasaan ako nagising din kahapon?

Dali-dali akong lumabas ng kubo at lumuwa naman saking harapan ang nagtatawanan na sina Fatima, Clarissa at Hema . hmmm close na sila agad? babalik na sana ako sa loob ng tinawag ko ni fatima.

"Oh? Hera! Gising kana. Nako napakatagal muna mang gumising." Sabi niya sakin na parang wala lang nangyari. Tumingin naman ako kay hera pero kumakain lang siya sa tabi ni clarissa . Tss.

"Ilang oras ba akong tolog?" Tanong ko.

"Anong ilang oras?! Isang araw kang tolog sis!" Natigilan naman ako .

"Tigilan mo na nga yan si hera at paupuin mo muna at makakain naman. Siguro gutom nayan." sabi ni clarissa . Natigilan naman ako sa inasal niya. Hindi na malamig ang pakikitungo ni clarissa kay Fatima o sakin .

"Oh tignan mo risa! Pati siya natigilan sa pagbago mo nang mood ngayon. Hahaha, nako naman napakahimala talagang naging mabait ka ulit risa" sabi ni fatima na kinaladkad ako papunta sa mesa. Binigyan naman ako ng pinggan ni hema , nagsandok ng kanin at ulam . Nagpasalamat ako nagsimulang kumain.

"Tumahimik ka nga fatima kahit kailan talaga ang ingay ingay mo!" Iritang sigaw ni clarissa . hindi ko lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Eeehh sa nakakapanibago kasi ng ugaling mong yan! ano ba kinain mo at nawala ang pagiging cold mo?!" Dakdak lang ng dakdak si tim, si risa naman iling-iling nalang ang sagot kesa namang patulan niya pa si tim na hindi nawawalan yan nang kwento or ano.

"Pagkatapos mong kumain, aalis na tayo at kukunin ang espada ng ama mo kamahalan." biglang sabi ni hema na ikiubo ko kunwari. Binigyan niya namana ko agad ng tubig.tinignan ko siya.

" anong aalis tayo? Kasama ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Tango naman ang sagot niya. May itatanong pa sana ako nang dumating si tatay isko.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Kamahalan, mabutiy gising na po kayo ako po ay nagpapasalamat sa pagtolong niyo sa bayan namin." Ngiting sabi ni tatay isko.

"Walang anuman tay, ginawa ko lang po ang aking tungkulin bilang reyna ng aleha." Ngiting sabi ko din sakanya. Nakita ko naman kung pano kkumislap ang kanyang mga mata.

natapos akong kumain at nagligpit nakami ng mga gamit namin para magsimula nanamang maglakbay .

"Salamat hera at tinanggap mo ang aking kasamahan kahit hindi ito kapareho sa iyong pagkatao. Salamat din sa pagtolong at pagtiwala samin sa susunod ulit . Kamahalan." Sabi ni Lokina at lumhod siya sa harapan ko sumonod naman ang kanyang mga kasamahan.

Hinawakan ko ang balikat ni lokina at pinatayo . "Masyado kang pormal lokina, alam mo namang kaibigan na ang turi ko sa inyo wag niyong kalimutan ha ang kaarawan ko. Pumunta kayo!" Habilin ko at sumakay na sa kalisa .

"Maaasahan niyo po mahal na reyna." Ngumiti naman ako kay lokina at nagsimulang lumipad ang kalisa na sinasakyan namin.

Nakaramdam ako ng lungkot ng hindi ko na makita ang bayan ng Gryffindor . Naging kaibigan ko sila kaya't ganun nalang ang lungkot ko na sa susunod ko pa sila makikita.

"Wag ka nang malungkot sis, pupunta ulit tayo dito." Sabi ni tim sakin na ikinangiti ko. masyado na akong nagiging emosyunal nitong nakaraang araw. Siguro sa pagiging masaya ko lang ito kaya nagiging emosyunal ako.

Tinignan ko si clarissa at tim natatawang napailing ako sa kakulitan ni tim at sa iritang mukha ni clarissa . bumalik nanaman sa pagiging malamig si clarissa kasi nga isip bata si tim hindi pinalampas ang pagiging makulit kaya nairita siguro yung isa hindi nalang umimik pa. Pero halatang nagpipigil lang ng tawa si clarissa tss. Isa pa to eh! Pretender. -.-

Napatingin naman ako sa katabi kong babae, ewan ko ba kung bakit sumama pa siya samin, sabi daw niya gusto niya tumulong sa misyon namin para mapadali ang gagawin. Sabi niya may pamilya daw siya doon sa aleha at gusto niyang bumalik kasi miss niya na ang pamilya niya. pero wala na daw sila . nakita ko pa kung pano nalungkot ang kanyang mga mata.

"Don't look at me" Natigilan ako sa kaiisip sa kanya nang magsalita siya akala ko tolog tu? "I'm just pretending tolog." Sabi niya na nakapikit pa. Tss. Sinirado ko ang aking isipan at pinatay sa isipan ko si hema pero joke lang yun kala mo naman sakin. Tinignan ko ang kalangitan kahit pala nandito kana sa taas langit padin makikita mo.

dalawang araw nalang ang natirang araw sa misyon ko . papunta nakami sa bulkang liwayway na sabi ng kanang kamay ni dad. Ngayon hindi ko na nakalimutan ang mapa na dapat noon ko pa ginamit . Ilang minuto ang nakalipas nakarating nakami.

"Wow!! Ang ganda" manghang sabi ni fatima sa nakita.

Tumambad samin ang magandang dagat ina nasa harapan namin. napakalinaw ng tubig pero sa gitna ng dagat blue na ang tubig . simbolo na doon ang pinakamalalim. Nilibot ko pa ang paningin tumambad naman sakin ang malinis na buhangin at marami ring mga puno na marami ang mga prutas. napakaganda na tanawin. kung maghahapon na makikita mo ang sunset dito sa gitna. masyado akong humanga sa tanawin pero natatakot na ako sa mangyayari sakin kung kukunin ko na ang espada . Imagine sa ilalim ng napakalalim na dagat aba't eh napakalalim nga kaya ko bayun?! Bahala na.

Maingat na ilapag ng kabayo ang kalisa sa buhangin . Naunang tumakbo si fatima sa dagat at nagsimulang magtampisaw sa tubig. Sumunod naman si clarissa na nakangiti na pinagmasdan ang tanawin. Tahimik na pumunta si hema sa mapunong lugar kasama ang mga bag namin na lumilipad sa ere . Napailing nalang ako .

Sinundan ko siya kung saan siya pupunta , umupo siya sa tabi ng puno na nasa may kaliwa niya kasabay ang paglatag ng mga bag namin sa puno na nasa kanan.

"Magpahinga ka muna mahal na reyna, para may resistensya ka lumangoy bukas." Sabi niya na hindi tumitingin sakin. Tango nalang ang sagot ko sa mga sinabi niya.

Nakita ko naman na papunta si clarissa sa direksyon namin at si fatima na nakangiti padin sa nakitang dagat.

"Magsimula tayong maglatag ng tent para may tutulugan tayo mamaya." Sabi ni hema sa dalawa kong kaibigan. tango din ang sagot nila .ewan ko kung pano niya kami mapasunod sa mga kagustuhan niya.

Nagsimula sila ni clarissa maglatag ng tent, pasalamat nalang kami na panglimahan ang makakatolog sa tent na dala ni fatima. at kami naman ni fatima ay kumukuha ng kahoy para may ipanggatong mamayang gabi para hindi kami lamigin. Ilang minuto nalang at magaalasingko na pero nakita ko sa malayo si hema at fatima na nagdadakip ng isda na makakin namin.

"Tulala ka diyan." napatigil ako sa kakatingin sa kanila ni fatima ng magsalita si risa sa tabi ko. "Kung may problema ka hera nandito kami para tulungan ka." Ngiting sabi ni risa sakin. nahawa naman ako sa ngiti niya . Maganda naman pala kung nakangiti si risa eh.

"Ang ganda mo pala ngumiti risa hahaha" sabi ko sakanya. natigilan naman siya ngumuso. natawa naman ako . nasapian ni fatima to eh.

"Wag ka nga! Minsan na ngalang ako naging ganito aabusuhin mo pa." Ngusong sabi niya. Iiihhh ang kyut.

"Sinong nangaabuso hindi ako nu!." Nagtinginan kami at nagtawanan.

"Hoy! Pasali naman diyan, kayo ha sinasarili niyo yang kasiyahan niyo." Simangot na sabi ni tim. pareho talaga sila ni risa ngayon .

"Hahahahahha" tawa lang yung sagot ko. hindi ko na alam ang sasabihin eh.

Dalawang oras na ang nakalipas pero hindi parin ako makatolog, samantalang si fatima at clarissa ay mahimbing na totolog humihilik pa. lumabas muna ako ng tent para makapagisip ng kung ano-ano ang bumagabag sa isipan ko. kung sino ang babae na tinatawag ko na ate.

Paglabas ko ng tent nakita ko sa di kalayuan si Hema na minamasdan ang dagat. malamig din ang simoy ng hangin. nagsuot muna ako ng jacket at pumunta kay hema.

"Can't sleep?" Tanong ni hema na kakadating ko lang hindi man lang ito tumingin sakin pero ramdam niya ang presensya ko . Pero hindi niya lang ito sinagot ay umupo lang tabi ni hema. "May sasabihin ako sa yo."

ito na siguro ang oras para makilala talaga ang hema na napaka mysteryoso. masyadong maraming alam sa pamilya ko at sa buhay ko.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya ngumiti naman agad siya sakin.

"Naalala mo pa ba na sinabi ko sayo na nakita mo na ang dragon pero hindi mo lang maramdaman?" naalala ko yun pero hindi ko talaga alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Buksan mo ang puso mo at pagkatiwalaan ako." ngumiti siya na parang may ibig pang sabihin ang mga yun. "pumikit ka at isipin na gusto mong makita ang dragon." Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko nalang ito. Una buksan ang puso para pagkatiwalaan si hema at pumikit para isipin na gusto makita ang dragon.

ilang minuto nakaramdam ako ng malakas na enerhiya, Inimulat ko ang aking mga mata at tumambad sakin ang napakagandang puting dragon. hinanap ko si hema upang sabihin na nagawa ko ang sinabi niya pero ni anino ni hema hindi ko makita. Tinignan ko ang dragon na kuway tumtingin sakin. tinignan ko ang suot ma bulaklak sa ulo niya at ang mga mata niya'y mga kulay abo. h-hindi k-kaaayaaa....

"I-kaw?!" turo niya sa dragon, bigla namang yumuko ang dragon sa harapan niya. hindi niya lubos ma isip na ang kaninang kasama niya at ang dragon ay iisa. Napatulala nalang siya.

minuto ang nakalipas pero tulala parin siya sa nasaksihan. biglang umilaw ang dragon at bumalik sa dating anyo na si hema.

"Masaya ako at pinagkatiwalaan moko mahal na reyna" bigay galang na sabi ni hema sakin.

Ngumiti ako sa nasaksihan at hindi mapigilan ang tuwa at niyakap si hema. Natigilan naman si hema sa ginawa ko pero naramdaman ko nalang gumanti din siya sa yakap ko.

"My protector....

my Dragon." Ngiting bulong ko sa kay hema.

次の章へ