webnovel

Lie, Rylie.

作者: flowerink09
都市
連載中 · 85.2K ビュー
  • 26 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • NO.200+
    応援
概要

As Akio continues to reach his dreams, Rylie's life is at an end. ******* A young woman who had experienced an accidental life-changing perspective on her. This accident decided to keep the secret until the last breath of her. The young woman became elusive in all things, her heart became gloomy. On the other hand was Akio, to give his family a beautiful future. Medicine has entered the young man's path even though the state of his family is poor, he still wants to be a licensed doctor. But as they have to meet Rylie it is difficult to accomplish them. Nang magtagpo ang kanilang magkabilang mundo. Iba't-ibang emosyon ang kanilang mararamdaman at mga karanasan na mararanasan. Will Akio be able to keep his dreams or become completely stranded and at Rylie's problem?

タグ
6 タグ
Chapter 1Lie, Rylie 01

Akio's P.O.V

"Tol may tanong ako sayo seryoso," tiningnan ko lang siya nang masama at pinagpatuloy ang aking pagbabasa. Wala akong oras ngayon sa kalokohan.

"Hindi ang sagot ko," may bahid ng pagkagulat ang mukha dahil nahulaan ko agad ang kanyang itatanong. Hindi ako bakla.

"Sus hindi, bakit ayaw mong sumama sa amin mamaya pagkatapos ng class?" Itinigil ko ang aking pagbabasa at tinitigan siya ng ilang segundo.

"Ciro, kung may plano kayong mag club o bar mamaya labas ako jan tsaka hindi pa sira ang ulo para magloko." Tinuon ko na lang ulit ang aking sarili sa pagbabasa.

Kinuha niya librong hawak ko at pinaglaruan ang mga ito. Pinaikot-ikot pa niya ito kanyang kanang kamay.

"Bakla ka nga." Ibinalik niya sa akin ang libro at bumalik na sa kanyang upuan.

"Seryoso ako tol, umamin ka na sa akin tatanggapin naman kita tol," nagulat ako dahil bumalik pa ang mokong para mang-asar.

"Hindi ako bakla, sadyang ayoko lang magpariwala at magpabaya. Scholar ko ang nakataya kapag may isang mali ako nagawa alam mo naman yun tol."

Hindi kayamanan ang pamilya namin kumpara sa pamilya ni Ciro. Ang apelyedong Alfonso ay sikat na sikat dahil sa brand nilang alak na Alfonso. May iba't-ibang club at kompanya dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na sila mismo ang supplier. Kaya madalas sa Bar at Events ang mokong para pakipagnegosyo. Hindi ko nga alam kung ano naisipin ng mokong kung bakit siya pumasok sa medical school.

"Dali na tol, isasama ko naman sina Ryan at Drei," kinuha niya ang wallet niya at may iniabot sa aking Atm card "Pag sumama ka ililibre kita ng lahat ng librong gusto mo," nanunukso pa ang mokong. Alam nila ang gusto ko libro dito ko na binuhos lahat ng oras ko. Kaya nagliwanag ng kaunti ang aking mga mata ng sinabi niyang ililibre niya ako ng sandamakmak na libro. Pero nililiwanag ko hindi ako matakaw sa pera hindi lang ako tumatanggi sa grasya.

"Dali tol, ibalato muna sa Birthday Boy." nakalimutan kong birthday pala ngayon ni Drei ang gamer ng tropa. Madalas kase kaming hindi nag-uusap kapag magkakasama kami kase palagi siyang naglalaro ng mobile legeneds kapag magkakasama kami. Pati kahit hindi niyan hawak ang cellphone hindi din yan umiimik bihira na kung makabuo yan ng isang phrase.

Paano kaya niyan lalaruin ang medical school?

"Sige sasama ako, basta kinabukasan din bibili tayo ng mga libro wala na kase akong mabasa," at dahil hindi kaya ng konsensya ko napapayag ako ng mga mokong. Mokong din ako pero mas mokong sila.

"Nice bro! Matutuwa ka sa club na pupuntahan natin madaming sexy chicks may irereto ako sayo," kahit kelan talaga hindi mawawala kanyang ang salitang babae, chicks, at sexy. Dugo ng babaero.

"Mga tol, nakikita nyo ba ito?" Nilabas niya ang kanyang cellphone at may pinakita siya sa amin na picture isang lalake nakahandusay sa sahig. Duguan ang mukha nito at bugbog ang pangangatawan.

"Itong lalakeng ito binugbog ko dahil nilalandi niya ang girlfriend ko," hinding mokong ang lalakeng yan si kingkong yan. Walang habas kung umatake pero may puso yan.

"Ryan! Talagang pinakalandakan mo pa sa amin na nambugbog paano kapag na-guidance ka?" Parantang ni Ciro sa kanya.

"Rehas nga natakasakan ko, guidance pa kaya? Chicken..."

Pinapanood lang namin sila ni Drei maya-maya pa ay transform na ang mga mokong dahil may dumaang isang anghel. Dumating na ang aming professor.

"Nasa 4'th na kayo sa inyong pre-medicine school o ang collge life at maswerte kayo dahil umabot kayo dito. Sabi nila ang medicine school daw ay para lang sa mayayaman, medicine school is not just for the rich but it seems like it, lalo na dito sa Pilipinas." Mahinahon paliwanag ng aming prof.

"Ser after we graduate this year ano na ang sunod?" Ciro asked curiously.

"Good question it's up to you kung ipu-pursue mo madaming studyante ang nagbabago ng isip pagka-graduate ng college dahil sa pagkainip at isa ako doon, kaya nandito ako sa inyo nagtuturo, sana man lang kalahati sa inyo ay aasahan kong ituloy ang pagdo-doktor," paliwanag niya.

Hindi talaga madali ang kursong pinasok namin mahigit 15 years ang gugugulin namin sa propesyon na ito. 4 years medicine school, 2-3 years intership, at 2-3 months of intensive review for Bar Exam. Hindi pa kasama dito ang tatlo hanggang limang taong residency at 3 tatlong fellowship.

Pagkatapos ng klase namin dumeretso na kami sa isang Bar na malapit lang sa school na pinapasukan namin.

Sobrang ingay ng paligid lahat ng tao may kanya-kanyang mundo. May mga naninigarilyo sa tabi, mga naghahalikan, at may nagsasayaw habang may dala-dalang alak. Maya-maya pa ay may apat na babaeng lumapit sa amin.

"Ciro ikaw pala yan, ang tagal kong hindi nakita ang gwapo mong mukha." Sabi ng babaeng short hair na medyo mestisa ang kulay ng balat.

"Pasensya na busy lang Natasha sa school pero ngayong gabi walwal muna tayo tsaka birthday din ni Drei gusto namin mag-celebrate." Hinawakan niya ang pisngi ng babae tsaka hinalikan ito sa labi.

"Wag dito, tara sa paborito mong table." Agad naman niya kaming dinala sa paborito daw ni Ciro na table.

Kasalukuyan kaming nag-iinom pero di ako masyadong iinom dahil hindi naman ako matakaw sa alak at ang mga tarantado lasing na pati na din ang mga babaeng kasama namin. Tatlo lang ang kasama naming babae tinanggihan ko yung nirereto sa akin kanina.

"Congrats Ciro to your business you deserve a good sex with me." Sabi ni Natasha Kay Ciro habang hinuhubad ang butones ng polo nito.

"Paano ba yan mga tol, iwan ko muna kayo tara babe sa kotse ko tayo." Nagmadali silang lumabas ng bar. Sanay na kami sa biglaang paglayas ni Ciro sa amin.

Mabilis lumipas ang oras hindi ko napansin na wala na pala ang mga kasama ko sa tingin ko nag-motel na ang mga yun kasama ang mga babaeng kasama namin kanina. At dahil medyo wala na din ako sa katinuan hindi na malinaw ang nakikita ng aking mga mata, gusto ko ng umalis sa lugar na ito, kaya naisipan ko ng umuwi na. Aalis na sana ako sa kinauupuan ko pero may humawak ng kamay ko. Isang babaeng lasing ang humahatak sa akin pabalik.

"Huwag ka munang u-umalis pakiusap." Saad ng babaeng hawak pa din ang kamay ko.

"Sandali miss, hindi ata ako ang kasama mo kanina," sagot ko habang inaalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

Hindi pa siya nakuntento sa kanyang ginawa umiyak siya na parang bata sa harapan ko na naging dahilan para tingnan kami ng mga tao. Nakakahiya ang ginagawa ng babaeng ito bakit ba kase ang malas ko ngayong gabi lagot talaga sa akin ang mga mokong na yun.

"Miss, tahan na nakakahiya na ang ginagawa mo pingtitinginan na tayo ng mga tao sige na miss wala akong balak makipaglaro sayo." Pakiusap ko sa kanya pero wala yata siyang naiintindihan. Patuloy pa din siya sa paghagulgol tapos maya-maya lang ay nawalan ng malay ang babae. Lintek anong gagawin ko? Dahil sa panic ko dali-dali ko na lang siyang binuhat para ialis sa Bar.

"Okay lang siya, girlfriend ko siya wag kayong magalala safe siya sa akin," pasintabi ko sa kanilang lahat.

Buti naman napaniwala ko silang lahat, kaya napadali ang paglabas namin ng Bar. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin itong babaeng buhat-buhat ko, pero may alam akong lugar kung saan ligtas siya.

Dali-dali akong nag-book ng grab upang makapunta sa pinamalapit na hotel dito. Hindi naman ako nahirapan kumuha ng sasakyan dahil 5 minutes before ko tumawag may nagpasakay na sa amin.

Habang nandito kami sa sasakyan hindi pa rin ako mapanatag, ilang sandali pa nagtanong sa akin si Manong driver.

"Hijo, nobya mo?" Tanong sa akin ni manong habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

"Hind- opo nobya ko po." Maikli kong sagot. Wala akong oras magpaliwanag sa kanya pero sadyang makulit si Manong inusisa niya pa ako tungkol sa babaeng ito.

"Hijo, bakit sa hotel kayo nagpapahatid hindi mo ba siya kayang ihatid sa kanila, o sa iyong bahay mismo?" Nagulat ako sa tanong niya hindi ko naisip yun ang talas naman ng isip ni Manong.

"Ahm, vacation lang kami dito Manong, first anniversary namin ngayon, kaya naisipan namin mag out of town sobrang nalasing at nag-enjoy yung girlfriend ko kaya nakatulog siya." Sana makalusot.

"Ah siya hijo pasensya ka na masyado akong matanong naaawa lang ako sa nobya mo, mukhang pagod na pagod siya kakaiyak." Tiningnan kong mabuti ang mukha ng babaeng hawak ko.

Halata ngang mugto ang mata niya kakaiyak siguro nakipag-break sa kanya ang boyfriend niya ngayong gabi o kaya naman nasisante sa kanyang trabaho o baka namatayan ng mahal sa buhay.

Mahigit kalahating oras din ang biniyahe namin bago kami nakarating sa hotel na pagtutuluyan ko ng babaeng ito. Binaba ko muna siya sa waiting area at nagpunta agad ako sa staff ng hotel para magtanong kung may available pang kwarto.

"Hi sir, room for two po?" Bungad sa akin ng isang babae habang papalapit ako sa kanya.

"Hindi for one lang sana meron pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Magtatabi na lang po kayo ng girlfriend na kasama mo?" Usisa niya.

"Hindi ko siya girlfriend, miss bigyan mo na lang ako ng kwarto para mapagpahinga na siya okay?"

"Okay ser ito po yung susi Room 369 sa may 14'th floor po." Inabot niya sa akin yung susi at kinuha ko ito kaagad.

"Wala ba kayong elevator dito?"

"Sir pasensya na po under maintenance po ang elevator namin pero after one hour po maaayos din agad." Isang oras pa hihintayin ko, hindi ko na kayang tumagal sa sitwasyon na ito kaya ginamit ko na lang ang hagdan para makapunta sa room 369.

Mahigit sampung minuto din ang lumipas bago kami makarating dito. Dahil sa sobrang pagod inihiga ko na pang basta ang babae ligtas na siya dito buti na lang ako nilapitan niya kung ibang lalake ang nakakuha sa kanya malamang napagsamantalahan na siya.

Problema sa mga tao ngayon, hindi ko nilalahat pero karamihan sa kanila kapag nasasaktan o naiiwan inom agad ang ginagawa para makalimot ganun ba kahalaga ang alak sa mga pusong wasak?

Inaayos kong mabuti ang pagkakahiga ng babae kinumutan ko na din siya para hindi lamigin iniwan ko number ko para paggising niya matawagan niya ako. Umalis na ako ng hotel para umuwi sa bahay. Pinagmasdan ko ang mukha ng babae.

Cute.

#

あなたも好きかも

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · 若者
レビュー数が足りません
127 Chs