AKIO'S POV
"Hello, Rylie Santiago," maikli niyang pakilala. Naka-uniform na siya nung pumasok mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito.
"Short but sweet, you may seat down sa tabi ni Mr. Montenegro is that okay to you?" Hindi na niya sinagot ang prof namin at umupo na sa tabi ko. Akala ko magpapanggap siyang hindi ako kilala pero nagkamali ako mas lumalala siya.
"Kamusta Akio na-miss mo ba ako?"
"Balak mo palang mag-doktor, bakit hindi ko sinabi sa akin sabagay nakita ko nga palang nanonood ka ng Surgery operations nung sumakay tayo ng Ferris Wheel," walang preno niyang kwento. Pinagtitinginan na kami ng aming mga kaklase sa likod. Nakakahiya talaga siya, kailan ba niya ako tatantanan.
Nakita ko na tingin sa akin ni Ciro at Drei dahil nasa unahan ko lang sila tawang-tawa ako sila sa akin panigurado aasarin nila ako. Mabuti na lang malayo kami sa unahan kung hindi rinig kami ng professor namin.
"Can you please shut up your mouth nakakahiya ka," galit kong bulong sa kanya.
"Sorry basta mamaya labas tayo o kaya sabay tayo mag-lunch kung hindi-"
"Papatayin mo ako alam ko na yan," pagtigil ko sa pagsasalita niya.
"Buti naman alam mo."
Wala akong natutunan dahil sa kanya, isa siyang malaking distraction sa buhay ko saan ba kase nanggaling ang babaeng ito?
"Saan tayo kakain?" Sinira na naman niya ang mood ko napapayag nga pala niya akong sabay kami kakain.
"Canteen." Walang gana kong sagot.
Kumain lang kami ng tahimik sa canteen hindi ko siya inimikan baka kung ano pa ang masabi kong masama. Nasa likod namin sina Ciro at mukhang pinaguusapan kami. Binuksan ko ang GC namin para linawan ang nangyayare pero iba ang nakita ko.
Ciro: Bro, galingan mo shoot the ball men!
Drei: Akio have been slave.
Ryan: Ano meron mga tol? Kwentuhan nyo ako ang daya!
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Hindi talaga sila mapagkakatiwalaang kaibigan kahit kailan. Kung alam lang nila na sila ang may dahilan kung bakit ako naiipit dito.
"Bakit ang tahimik mo?" Pagbasag niya sa katahimikan. Kain pa din siya ng kain at wala siyang pake sa mga tao sa paligid niya. Walang class.
"Don't talk when your mouth is full." Minadali niyang ubusin ang kanyang pagkain at tsaka nagsalita.
"Ang sarap palang kumain sa canteen ng school," minamasahe pa niya ang tiyan niya na parang baboy sa sobrang kabusugan.
Free cut namin lahat kami nagulat dahil hindi nakarating ang prof namin hapon na kaya makakapagpahinga pa kami. Kasama ko pa din ang babaeng ito gusto daw niyang ilibot ko siya ng school kung hindi,
"Papatayin kita!" Malakas niyang sabi mabuti na lang kami lang dalawa ang nasa cover court ng school naiinggit ako kina Ciro pustahan nasa Moa na mga yun ako nandito pa din pinagtitiisan ang babaeng ito. O kaya nasa bahay nina Ryan at pinaguusapan sitwasyon ko.
"Gusto kong mag-basketball pwede mo ba akong turuan..." Kinuha niya ang bola at ibinigay sa akin. "Please...?" Pangungulit niya.
"I can't,"
"You can't because...?"
"Basta ayoko!" Napalakas ang boses ko sa kanya.
"Bakla ka nga," inagaw niya sa akin ang bola at binato sa akin pabalik. Tinamaan ako sa ulo at medyo masakit yun.
"What's is your problem? Your so annoying," anas ko sa kanya. Konti na lang papatulan ko na siya kaso parang akong kawawa pag nagkataon.
"Kasalanan ko bang hindi ka maalam sumalo, ang lampa talaga kahit nung una pa lang," hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil binato niya ulit ako ng bola mabuti na lang nasalo ko yun.
"Okay fine hindi ako maalam mag-basketball okay na?" Tantanan mo na din ako.
"Seryoso ka ba," tumawa siya ng pagkalakas-lakas at napahiga sa sahig dahil sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?
"Ikaw hindi maalam mag-basketball nakakatawa ka, kawawa nilalang," tumawa siya nang tumawa. Dahil sa inis inalisan ko siya.
"Teka lang hindi ka na mabiro," hinigit niya ang braso at sobrang napalakas ito. May super strength ba siya ang sakit na ng braso ko sa kanya. Lintek.
"Tuturuan kita mag-basketball, at magpapaturo dahil patay ka sa akin," napayabang talaga.
She took the ball from me and start dribbling by bouncing the ball on the ground. She's quite good and then she run along with bouncing the ball ahead. Napatulala ako sa kanya kakaiba nga siya, mukhang nag-aral nga siya ng basketball. Nabigla ako dahil bigla niyang pinasa ang bola.
"Kailangan marunong kang magpasa ng bola magtiwala sa team nyo, anong ginagawa mo ipasa mo na sa akin!" I passed the ball to her with good form she shoot the ball easily.
"Sabi sayo easy lang mag-basketball," pagmamayabang niya habang pinupunasan ang kanyang mga pawis.
"Di pa din ako interesado." Ayoko talaga pero parang kaya ko naman.
"KJ mo naman ganito na lang pag na-shoot mo yan ikaw magdedecide ng pupuntahan natin at gagawin,"
"Kapag hindi?" Pagputol ko sa kanya. Ngayon pa lang kinakabahan na ako.
"Kapag hindi ako ang magdedesisyon deal na dali pwesto ka na sa 3-points line." Kung may magagawa lang akong tumanggi. Kawawa siguro magiging asawa nito, under na niya sakal na sakal pa.
"Cheers!" Dahil natalo dito niya ako dinala sa Bar para yakaging mag-inom. Kinuha niya ang isang bote ng beer para ibigay sa akin. Kinuha ko iyon para mamaya itatapon ko kapag hindi na siya nakatingin. Lasing na lasing na siya. She is drunk and she is losing control of the surroundings. She looked like a mess.
"Akio let's dance," pangungulit niya sa akin.
"Umuwi na tayo ihahatid na kita." Medyo tipsy na din ako pero kaya ko pang kontrolin kumpara sa kanya na wala na sa kanyang sarili.
"Ayoko pang umuwi, dale na sayaw na tayo kapag hindi mo ako sinayaw iiyak ako dito." She used her ocean eyes again and began to cry like a baby.
"Okay! Okay! I dance with you!" Irita kong sabi. Sa totoo lang hindi ako marunong sumayaw. Sa mga novels may nababasa pero hindi ko nasusubukan ngayon palang. The music slowed down. Fuck I hate this. Ayoko talaga pero no choice.
Nanginginig na mga kamay
Puso ko'y hindi mapalagay
I placed my hands on her hips. My hands started to shakes as I interlaced at the small of her back. It was awkward intimate position.
She placed her hand on my shoulder and interlacing her hands behind my neck.
Pwede ba kitang tabihan
Kahit na may iba ka ng kasama
She placed her hand on my shoulder and interlacing her hands behind my neck. It was awkward intimate position.
Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw
Na parang hindi na tayo bibitaw
Hindi ko alam kung nagsasayaw ba kami basta ang alam ko sumusunod lang kami sa daloy ng musika.
"Sorry, sorry... please forgive me." Humagulgol na siya sa dibdib ko. Hinayaan ko lang siyang umiyak kahit mabasa na ang suot ko hindi ako maalam magpatahan ng babae wala akong alam sa nararamdaman nila. Niyakap ko lang siya.
Hindi ko man siya kilala ng lubusan pero gusto ko siyang tulungan. Pangalawang beses ko siyang makitang umiyak. Ano ba kase ang problema mo? Kapag tino ka ang barako mo tapos ngayon iiyakan mo ako?
Kasabay ng pagtigil ng kanta ay ang pagsuka niya sa damit ko.
"Oops sorry," sabay takbo niya sa cr at ganun din ang ginawa ko. Amoy suka na parang ewan ang amoy ko ngayon.
Fuck, I hate her so much.
#
Featured Song: Atin ang Gabi