We tried our best to be as quick as we and my wife before but nah. Wynona is goal oriented. Her focus is herself. Only. No space for new begining. Especially me. I didn't tell her what's going on about me but she knew. I didn't bother to ask already kasi nga, kapatid nya pala si Dennis. Surely. He will inform her this for her to know how to act around me. And I'm grateful for that. Wynona is a kind.girl. Ang sabi pa nya. Bat ko ipupush ang isang bagay na pareho nating hindi gusto diba?. That's her exact line when we sat beside each other. Tama nga naman sya. Atleast. Hindi sya yung klase ng babae na madaling kumagat sa mga tukso lang. Her classiness. Kind heart and low key character will definitely lead her to where she wish to be.
"Tama yan bro. Don't rush things.." maging si Dennis ay sang-ayon rin sa gusto ng kapatid. Naikwento ko dito na same lang din kami ni Wynona na ayaw pang pumasok sa isang relasyon.
Para sa akin din kasi. For now. I don't want to rush anything anymore. I want it slowly but surely. And. I still, not yet moved on.
Ang bilis naman pag sinabi kong ayos na ako. O di kaya'y, okay na ang lahat sakin. Napakalaking sinungaling ko na rin pag ganun. Dahil ang totoo. Hindi pa. At hindi na ata magiging maayos kailanman.
"Tsk.. ano Kuya?. You're just slowly killing yourself sa ginagawa mo.." here's my sister again. Reminding me to not give up my goals and focus in life.
"Sa totoo lang Bamby. Nawalan na ako ng gana bigla. Alam mo yung pakiramdam na, may ilaw ka ngang sinusundan kaso napundi?. Kaya ako nalilito ngayon kung saan ang tamang daan para sakin.."
Kumuha sya ng kapiraso ng chips na nasa kandungan ko at nginuya iyon na parang walang narinig. We are currently sitting on the floor. Magkakatabi. I'm on the middle. Si Bamby sa kaliwa ko. Si Kuya naman sa kanan. Knoa is roaming around. Kung anu-anong kinukutkot. Bahala na muna si Manang. Jaden also is behind Bamby. Nakapatong ang mga kamay sa balikat nito. Nilalaro ang buhok ng kapatid ko.
Cheesey!. Grrr!..
"But you have still life to live on Lance. Bat mo iisipin na nawala ang daan just because something went wrong?. Di dapat ganun. Isipin mo nalang na nawala nga ang isang ilaw na hawak mo. Still. You have yours. Think about it. While you were still breathing, learn to fight for your life. Wag mong hayaan na masayang ang buhay na binigay sa'yo ng ganun nalang. Life is precious my dear lil bro. Be happy."
"Paano na ba maging masaya Kuya?.Di ko na kasi alam kung anong kahulugan ng pagiging masaya.."
"Happiness has many meanings. It's up to you if what's your definition of what happiness is Lance the great. Kami ba, hindi kahulugan ng masaya para sa'yo?." Kuya look at me. Pakiramdam ko. Nasampal ako sa naging tanong nya.
"Of course, you guys do. " walang bakas ng pagdadalawang-isip ko itong sinabi. "But.." parang iritable sya ng marinig ang pag-alinlangan ko.
"You see?. You have buts?. Are we not enough?.." giit nya pa sakin. Naitikom ko ng mariin ang labi dahil ayokong maramdaman nila na ganun nga ako sa kanila. A big no!. They're my family. Ano pa man. Sino pa yan. Hinding hindi ko sila ipagpapalit kaninuman.
"You guys are fully enough for me Kuya.. wag mo naman isipin na hindi kayo sapat para sakin.." I reason out. He scratched his head. Meaning his patience is getting smaller.
"Then, gawin mong inspirasyon ang pagiging sapat namin para punuan ang puwang na meron sa'yo Lance. We can't help you out of that darkness when you can't choose yourself to be out of that."
"Ang hirap kasi Kuya. Gustuhin ko man. Di ko pa kaya." yumuko ako sa sariling kahihiyan. Ramdam ko ang pagtapik ni Jaden sa balikat ko.
"Alin ba ang hindi mo pa kaya?. Ang mabuhay ba o ang magpatuloy sa buhay?. Kasi magkaiba ang dalawa bro.."
"To go on.." mahina kong sambit. Bulong ito na dahil sa katahimikan sa mga kasama ko. Hindi na bulong ang dating nito. Kundi naging maingay pa sa pandinig ko. Parang tunog trumpeta. Nakakabingi ito.
"If that's the matter. Wag kang mag-alala. Andito lang kami para sa'yo. Di ka namin iiwan." ilang ulit nya pang tinapik ang ulo ko.
"At tandaan mo lagi. Buo ka man o kulang. Mahal ka namin lahat dahil ikaw ang nag-iisang the great pogi Lance Eugenio ng pamilya. Diba boy?." singit din ng bunso namin. Humingi pa ng suhestyon sa asawa. "Just tell us if you want to go anywhere. sasamahan ka namin." Jaden said this. Mabilis naman umangal ang isa. "Talaga boy?. Switzerland na tayo kung ganun?. Ano Kuya?.." niyugypg pa ako nito.
"Saka na lil sis. Ikaw lang naman mag-eenjoy. Hindi ako.."
"Of course. Kasalanan mo na yun pag di mo sinulit ang trip.."
"Bamby?." sita sa kanya ni Kuya at Jaden.
"Kaya nga. Give me sometime. Malalagpasan ko rin ito. After that. I'll give you my cue brother.." saad ko sa aking bayaw. "We'll go there. Anytime soon." marami pang daldal ni Bamby habang itong asawa nya ay tahimik lang na sumang-ayon sakin.
Tama nga si Kuya. Mabigat man ang pinagdadaanan ko. I should know how to move on. Magpatuloy sa buhay at mamuhay. And I wish that, sana ganun din ang gawin nya. Kahit masakit. Kahit kayhirap. Kahit tagos sa puso ang pangungulila. Kailangan naming kayanin ang pinili naming pareho na desisyon. This is the hardest consequences of them all. To live and move on, without her. At di dapat ako magreklamo tungkol dito.