Bumalik kami ng Australia after the hard roller coaster journey. Imbes next week pa ang scheduled flight namin. Pinaaga ko na ito para mas madali kong makalimutan ang lahat. At para pilitin ko ring ipagpatuloy ang buhay na meron ako.
Mas pinagbutihan ko pa ang pag-aaral. Dean lister. Third year. Second sem. Top notch in every clinical practice. Naging lungga ko rin ang gym at library. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa sarili ko. I just realized it na, matagal pala akong di nagawi sa gym. Kahit nga ang magbakasyon ay di ko na maisip pa. Tuloy sila Daddy ang pumapasyal sa apartment ko. Syempre. Kasama ang Bamby at ang mga alipores nya. At dun ko din nararamdaman ang saya and completeness na wala sa akin. Napapatawa nila ako kahit konting hakbang lang nila. Napapasigaw ako kahit hindi sadya ang pagkadapa nila. Ako pa nga yata ang pinakamaingay imbes na ang Mommy nila.
"One year nalang Kuya.. Kaya pa ba?.. hahaha.." ewan ko ba kung anong hindi ko na alam sa taong to. She look a bit stressed and lost. I wonder why. Almost two years na din kasi akong di tumatambay sa bahay nila. Gaya nga ng sabi ko. Nagfocus ako sa sarili ko lang ng mga oras na yun.
"Kayang kaya.. ikaw ba?. Kamusta na?. Nawala lang ako ng saglit. Nagdagdag ka na naman ng alipores mo?. Wala na bang katapusan yan?." biro ko dito. Malaki na kasi si Knoa. Naguilty nga ako ng mayakap sya kanina. Binata na. It feels like a decade nang di kami nagkita. Ang mga kambal nya rin ay tatlong taong gulang na. And now?. Meron na namang bago?. Susme! Di ba sya nagsasawa?.
"Gaya mo. Kaya ko rin to.." Tas lumingon sya sa gawi ni Daddy. He's talking to someone outside.
"What's the matter?. Si boy Jaden?. Bat di na rin nagpaparamdam?." nagtaka ako dito. Di nila kasama ang Daddy nila. Gayong ang dami nyang bitbit na mga anak.
"Pinalayas ko." simple nyang saad. Nagulat ako pero di ko pinahalata.
"Ano!?." bigla akong nai-stress sa kanya. "Don't tell me Bamblebiee na nagdesisyon ka ng pabigla-bigla?." sa likod pa din sya ni Dad nakatingin. Wait?. May kinalaman ba si Daddy dito?. No way!. Impossible naman.
"You know me Kuya. Hindi ko ugaling itali ang isang tao. Kung saan sya masaya. Willing akong hayaan sya.."
"Baliw ka na ba?. Paano na yang mga anak mo?." napatayo na ako sa kinauupuan ko dahil ako na talaga ang bumibigat ang dibdib dito.
"Sinabi ko naman na sa'yo noon pa diba Kuya na may tinatago sya?. Hindi ka naniniwala. Ayaw mong maniwala. Kasi ang sabi mo pa nga. Impossible kasi si boy Jaden sya. Napapailing ka pa nga eh. But yes.. totoo sya. It's not an illusion." napaupo ako ng hawakan nya ang braso ko upang igiya paupo. Actually. Nanghina rin ako ng marinig na di pala ilusyon nya lang ang lahat. "And please. Don't tell Dad. Wala syang alam tungkol dito.." mahina nyang sambit. Nangapa ako. What the heck!. Ang dami ng nangyari sa kanya tapos ayaw nya pang ipaalam kila Daddy?. Manhid ba sila Mommy o sadyang busy lang?. Bakit di man lang nila alam ang problema nitong isa?.
Umayos ako ng upo saka humarap sa kanya. "What about Mom?. Alam nya ba to?." nakayuko syang umiling lang sakin. Wala sa oras kong nakagat ang ilalim ng labi sa inis. Naku naman!. Anyare sa lahat?. Nung nagbago ba ang ikot ng mundo ko?. Ganun din sila?. Jaden, really huh?. But Mom?. Kuya?. Ano ba!?.
Gusto ko tuloy sugurin bigla si Dad at paulanan ng suntok. Wala ba talaga silang alam?. Nakakainis huh! Nakakaasar!
"Where's my phone. I'll call Mom.." hinanap ko ang phone ko. Natanaw kong hawak ito ni Knoa. "Big boy, can I have my phone?." agaran namang tumayo ang bata para iabot ang phone ko. He walk back to where his twin sibling is. Nanonood ng cartoons.
"Kuya, please. Don't.." matindi nya akong pinigilan. "Hindi ko kakayanin kapag pati sila na-involve pa.." para namang kinurot ang puso ko. Bakit?. Gusto nya bang solohin ulit ang lahat?. Bamby naman!.
"Malamang, kahit anong gawin mo rito. Involved na sila o kami Bamby. Ano na naman ba ang ikinakatakot mo huh?."
"Kuya, mahal ko si Jaden.." tahimik na sya ngayong umiiyak sa bisig ko.
"Mahal mo pala e. Bat mo sya hinayaang umalis?."
"Hindi ko din alam, Kuya.. ang sakit sa dibdib e. malapit na akong sumuko.. ayoko na." niyugypg ko sya. Preventing her to not to do what's on her mind.
"Teka nga. Umayos ka. Nanonood ang mga anak mo. Si Daddy, napapalingon na rin sa gawi natin." mabilis rin syang sumunod kahit pulang-pula at puno pa rin luha ang kanyang mga mata. "Ganito. Pumunta ka na muna sa banyo. Maghilamos ka. Calm yourself. After that. Punta tayo ng school. Duon tayo mag-usap." pinakalma ko sya't inayos maging ang magulo nyang buhok. Susme! Pati buhok nya. Buhaghag na rin!. Kailan pa to nagpabaya sa sarili?. Hay...
Pumasok nga si Bamby ng banyo nang makita na patapos na rin si Daddy sa kausap nya. Pagtataka ang mababakas sa mukha ni Dad nang tignan nya ako. Kaya nagpanggap akong may inaayos sa mga papel na nakalapag lang sa center table. "Anong nangyari sa kapatid mo?." gaya nga ng naisip ko. Wala akong takas dito.
"Ah.. nagpapagoods lang Daddy.. Alam mo na. Miss nya ako ng sobra.." buti nalang naisip ko agad to. Inilapit ko din ang kamay sa gilid ng dulo ng labi ko at kunwaring bumulong sa kanya ng, "May kailangan kasi.. Alam mo na yun Dad.." ngunit mukhang hindi pa rin naniniwala sa rason ko.
"Hmm.. ikaw na den ang bahala sa gusto nya.." mabilis akong sumaludo dito. With matching smile. From ear to ear pa.
Kaso. Kakaiba sya kung tumingin sakin ngayon. Ang awkward kaya naman nagtanong na ako. "May sasabihin ka pa po ba?."
"I heard something." he started of.
Nangunot naman agad ang noo ko.
Kinakabahan ako na baka tungkol na ito kila Bamby at Jaden. Grrr!. Wag naman muna sana.
"About what?." tanong ko na. Hindi na mapakali. Bigla akong nagpawis. Habang sya?. Di man lang ito natinag. Iba pa rin kung tumitig sakin. Para bang may iniisip syang malalim. Kung itutuloy nya pa bang sabihin sakin ang nalaman nya o wag nalang.
Then suddenly,
"She got pregnant.. and gave birth.."
Wala man syang banggitin na pangalan. I have someone on my mind. At parang ganun din sya.
Wait... what!!!?
Literal na napamaang ako't nalaglag ang panga na nakatikom kanina.
What the heck!!!!......