webnovel

Chapter 2: Favor

Tito just stared at me kahit ilang minuto na ang lumipas. Nakatuko ang kamay nya sa kanyang baba at ang siko nya ay nakatuko rin sa kanyang mesa kung saan duon rin nakalagay ang kanan nitong kamay na para bang nagtatype sa sunod sunod na pagtambol nito sa malinis na mesa. Gustuhin ko mang lumunok o huminga ng normal ay di ko magawa dahil sa takot.

Ano kayang tumatakbo sa kanyang isip at ganyan sya makatingin sakin?. Ayaw nya ba sakin o pangit ba ako?. O baka naman, galit sya sakin dahil sa nalaman tungkol samin ng anak nya?. Gosh! Ano ba!? Natatakot na ako!

Napabuntong hininga ako ng wala sa oras nang biglang higpitan ni Lance ang hawak sa kamay ko.

"Pa.." he said like he's just requesting a thing na mabilis lang pagdisisyunan. Napalingon ako kay Lance nang sambitin nya ito. Para syang bata habang tinitignan ko ngayon. Dinig ko ang buntong hininga ni tito kaya nalipat sa kanya ang paningin ko. He's fixing his hair like some teenager. Di ko alam. Baka traits nya ito pag nafrufrustrate.

After fixing his hair. Sumandal sya sa upuan nya't isinayaw ito.

"Matanong ko lang. Para saan pa't andito kayong dalawa?.."

What?. I don't get kung anong ibig nyang sabihin.

Umiling si Lance. "I don't get your point Pa.." si Lance na ang nagsabi ng nasa isip ko.

Mahinang humalakhak ito habang sa malayo nakatingin. "I mean diba. You know?." tinuro nya pa kami. Still! I don't get it!

Tulala akong naghihintay lang sa kasunod ng sinabi nya. "Ah! Forget it!. I mean. Why do you have to ask me for my permission for you guys to be together again kung sa una naman ay kayo lang dalawa ang involved dito.." he explained.

Di ko alam bat biglang nag-init pisngi ko. Ngayon ko lang natanto yung gusto nyang sabihin kanina. Kasi naman! Ang slow rin nung taong katabi ko. Kainis! Or, baka naman ayaw nyang magsalita dahil baka nahihiya syang pag-usapan ito?. Grrr!! Di ko na alam!

Lance scratched his back. Lihim na natawa. "I am here to formally inform you po.."

"From what?. Matagal ko naman nang alam ang sa inyo.."

"Kahit na po. Gusto ko lang din po gawin to dahil noong una, di ko nagawa kasi natatakot ako.."

"Hahahaha.." tawa ni Tito.

"Pa naman. Why are you laughing?.."

"So gay Lance ha? hahahaha.." pati ako ay natawa sa binansag nya.

"Psh! Ito na nga ba sinasabi ko e.." nguso pa nya sa tatay nya. Sarap kagatin ng labi nya! Grrrr! Focus!

Magtigil ka nga Joyce! Ayan ka na naman!

"Bakit ka naman takot noon, at ngayon ay hindi na?.. what took you so long to be a man hmmm?."

"Nakakatawa man aminin to. Pero kailangan." he said. Natawa na naman si Tito. "Wala po talaga akong lakas ng loob noon. Baka po kasi husgahan nyo ako lalo na't, sya si Joyce. Sila ni Bamblebie.." he just whispered the last part where he said his sister's name. Di rin sya nakatingin sa mata ng papa nya. "Baka sabihan nyo po akong naglalaro lang.. o mas malala pa duon.."

"Ganun ba kami sa tingin mo?.." tito asked. Umiling si Lance habang nakayuko.

"Never namin kayong hinusgahan anak. Kami ng mama nyo, gusto lang namin ay ang maganda para sa inyo, para sa future nyo. Maiintindihan naman kita kung sakin ka unang nagsabi. Walang problema kasi napagdaanan ko na rin yang proseso na pinagdadaanan mo. I know how you feel. Alam ko yan at base sa nakikita ko ngayon. Pareho naman kayong gusto na magkabalikan kaya walang problema sakin." he smiled at me. Nginitian ko rin sya pabalik. "May isa lang akong favor.." he continued.

Tinanguan sya ni Lance. "Ano po yun?.."

"Can you please tell it to my Bamblebie."

Natigilan ako!

Tell it to my Bamblebie!

Tell it to my Bamblebie!

Tell it to my Bamblebie!

Nagpaulit ulit pa ito saking pandinig bago ko ito naintindihan. Bigla akong nanlamig nang wala sa oras. Yung preskong pakiramdam kanina dahil sa aircon sa kwarto. Napalitan ng lapot ng pawis dahil sa narinig. That made me crashed! Para akong tinapunan ng bomba tapos biglang sumabog kahit ang totoo naman ay hinde.

"You know what guys. Ilang ulit na nyang nabanggit sakin kayong dalawa. Lagi nya kayong tinatanong. Kung kailan daw kayo magkakasundo na dalawa. Little does she know. Higit pa sa iniisip nya ang nangyari na. Kawawa sya sa totoo lang. Kapatid ka nya Lance at best friend ka naman nya. She needs to know about you. Di ko pinupwersa na gawin nyo ang gusto ko. It's just that. Diba mas masarap mabuhay kapag lahat ay kasama?." tumango ako sa kanya dahil tinuro nya ako. "Masarap magmahal kapag kumpleto pa diba?.." he turn naman kay Lance. "Pag-isipan nyo ang sinabi ko. It's not too late. Kausapin nyo na sya habang maaga. Hindi yung saka nalang nya malalaman kapag huli na.."

"I'll try Pa.." Lance answered it.

"You should Lance. I know her. Maiintindihan ka nun. Kahit aso't pusa kayo lagi, maiintindihan ka pa rin nun.."

"Paano pag hindi Pa?.." sumimangot si tito sa kanya.

"E di problema mo na yun.."

"What the--!?.."

"Ahahaahaha.. kidding aside.. kung di ka man nya maintindihan sa ngayon. E di just go with the flow nalang. Hintayin mong maintindihan nya ang lahat.."

"Maghihintay pa kami?.." reklamo pa nito sa ama.

"Of course! It all takes time hijo. If you want her to accept you two. Then, wait! Time will come. She'll come to you with open arms.."

Di nakapagsalita si Lance. "Tsk! Kayo nang bahala. Basta pag-isipan nyo yung favor ko. Sige na. Labas na kayo. Baka hinahanap ka na hija.." tumayo sya't dumaan sa mismong gilid ko. Ginulo ang buhok naming dalawa ng anak nya na parang mga bata. Lance gripped tightly my hand while standing. Napasabay na din ako sa kanya.

"We're going na po.."

"Hmmm..." Ani tito. Lumabas na kami pero yung favor nya pa rin ang bukambibig nya. Nakalimutan na nga rin yata ni Lance ang totoong dahilan bat kami napunta duon. Gusto nya raw akong ipakilala nang pormal sa papa nya. At yun. Ibang usapan ang napag-usapan. Saka nalang siguro. May next time pa naman.

Tsaka. Ramdam ko kung gaano nya kagustong gawin namin yung favor ng papa nya. Naisip ko rin na tama sya. May parte sa isip ko na nagsasabing, gawin na sa ngayon para maliwanagan na rin Bamby pero lamang pa rin sa akin ang wag muna. Ewan ko ba bakit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang bagay na to. Dahil ba dun sa nakaraan?. O dahil sa kapatid nya ang minahal ko?. Either of the two. I don't know. O baka may iba pa akong dahilan na di ko matukoy kung ano dahil sa tibok ng puso kong iisa ang isinisigaw ngayon. Ang taong katabi ko. Hawak pa ang kamay ko!

次の章へ