"Bes, dito!.." isang tili agad ang sumalubong sakin pagkalabas palang namin ng bahay. Sa loob palang kanina. Sinabihan ko na si Lance na maghinay muna sa mga galaw. Alam mo na. Di lahat ay alam ang tungkol sa amin. Maliban lang sa iilan. Ang sabi nya rin kanina, after the party na namin kausapin si Bamby. Kahit kabado ako. Sobra pa sa sobra! Tumango ako't nginitian sya.
"Kaya natin to mahal.." he said pa muna bago ako hinalikan sa noo. Di ko mapigilan ang pumikit sa rahan ng kanyang halik.
Di ko na sya tinignan pa pagkalabas namin. Diretso na akong lakad patungong gawi nina Bamby.
"Kanina pa Kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?.." nagtatakang ani Bamby. Hinila nya ako't pinaupo sa bakanteng silya sa kanyang tabi.
"Ah, galing akong cr. Taz tumawag si kuya Rozen. Kinausap ko lang saglit.."
"Hmmm.." she said humming na para bang di pa rin sya kumbinsido.
"Bakit ka den namumula?.." dinungaw nya pa talaga ako. Lihim kong kinagat ang labi sa loob upang ibsan ang kabang nadarama.
"Nagalit kasi ako.." ang babaw ng dahilan mo te! Ano ba!!?
"Nagalit?. Kanino naman?.." is she investigating me?. May alam na ba sya tulad ng nasa isip ko?. The way she look at me?. Para bang, ang daming sinasabi ng mata nya pero di masabi ng pino nitong labi.
"Kay kuya Rozen.. Ang sabi nya kasi. Bukas daw isasama nya akong pabalik ng Cagayan. E sabi ko. Ayoko dahil gusto ko rito.."
"Tapos?.."
"Pinipilit pa rin nya. Hanggang sa nag-away na kami.."
"Tsk! Para pala talaga syang sina kuya Lance. Laging pinipilit ang ayaw.."
Para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig narinig. Kailan ba ako masasanay neto?.
Siguro kapag nasabi nyo na sa kanya o di kaya ay alam na ng lahat ang lihim nyo.
Yung bagsak kong balikat at nanlalamig na mga palad ay agad napalitan ng init nang dahil sa naisip. Siguro nga. Baka nga sa paraang iyon lang din kami makakalayang gumalaw at magsabi ng mga bagay na gusto namin. Di yung ganito na bawat titik na sinasabi ng ibang tao ay apekto na ako kahit ang totoo ay wala namang ibang ibig ipahiwatig sa kanila.
"Normal lang yan sa mga kapatid na lalaki gurls.." si Winly na kadarating galing sa kabilang table. Di ko napansin kung saan mismo sya galing e. Kay Bamby ako nakatutok!
"Bakit, ganun ka rin ba sa mga kapatid mo?." Singit ni Karen. Sinasapawan si Winly.
"Minsan.. kung pwede nga lang itali ko sila sa bewang ko para di sya habulin ng mga babae e..tsk! Kairita pa naman minsan mga tili nila! Ang tinis.."
"O weh?. Nairita ka sa kanila tas sa boses mo hinde?. hahahaha.."
"Ay wow! E di ikaw na maganda.. ehem! Porket may ano lang sya eh.."
"Tumahimik ka nga!!.." agad tinakpan ni Karen ang labi nya saka na sila nagbulungan. Silang dalawa nalang ang nag-usap sa kung anong bagay na di ko alam.
Maya maya. Tumayo muli si Bamby upang lumipat sa kabilang mesa kung saan duon nakaupo ang toang bukambibig nya noon.
Agad ring lumipat si Winly ng upuan. Tumabi sya sakin habang so Karen naman ay umalis para raw kumuha ng pagkain.
"Bat ang tagal mo ha?. Naku gurl! Alam mo bang kanina ka pa hinahanap nyan?. Kung di pa namin pinigilan na huwag nang bumalik sa loob ng bahay nila dahil sinabi na naming baka matagal na lang sa cr. Baka nahuli na kayo.." bulong bulong sakin nito habang ang aming paningin ay sa dalawang taong nag-uusap na ngayon. Base sa paraan ng paggalaw ng mukha ni Jaden. Mukhang di sya nasisiyahan sa taong kaharap nya.
Like! Anong nangyayari?. Bakit ganyan mga mukha nila?.
"Nakita ako ni Lance sa loob kanina.." rason ko nung una.
"Nakita ko nga. Hinila ka pa nga eh.. hihi.."
"Tsk.. hindi ganun.."
"Anong hinde?. Wala naman akong sinasabi ah.. ahahahaha.." pang-aasar pa nya.
Sinamaan ko sya ng tingin at hayun, tinawanan lang ako. "Kinausap namin papa nila.."
Bigla syang natahimik pero may ngiti pa rin sa labi. "At ang sabi, kung pwede raw. Kailangan na naming sabihin ang lahat kay Bamblebie.." diretso kong paliwanag. Di kasi sya nagtanong at alam ko na kung anong ibig sabihin nun. Paliwanag na!
"Sinabi nya yun?.." tinanguan ko lang sya. "E anong sabi ni pogi?.." he's pertaining to Lance.
"Susubukan nya raw.." nguso ko.
"E ikaw. Anong sinagot mo?.." para naman akong na-hot seat nito eh. Tsk! Pero okay na rin. Atleast mababawasan isipin ko. Makakahingi pa ako ng abiso.
"Hindi ako sumagot. Sya lang. Pero sabi ko sa kanya.. oo.."
Biglang natahimik ang paligid. Di rin nagsalita si Winly. Nang sikuin ko sya. Inginuso nya lang sina Jaden, Bamby at Lance na nakatayo sa di kalayuan. Para bang di na simpleng usap ang nangyayari sa pagitan nila.
Tas isang iglap. Patakbo nang pumasok so Bamby sa loob ng bahay nila. "Hala! Anong nangyari dun?.." nag-aalalang ani Winly pa. Kinailangan pa nyang tumayo upang matanaw ang aming kaibigan na nakapasok na. Nakakabingi ang katahimikan nang pati si Lance ay pumasok sa loob. Pinaupo nya muna si Jaden sa mesa kung saan andun ang tropa nito. Saka na nya sinundan ang kapatid.
"Anyare kay Bamby?. Umiiyak sa loob.." dumating itong Karen na ganun ang tanong. Walang nangahas na sumagot. Ako?. Di ko alam dahil di ko naman talaga alam. Nag-uusap kami ni Winly ng biglang ganun.
"Sa tingin mo gurl, di pa nya alam ang lahat?.." out of the world itong tinanong ni Winly. All I thought yung kanina ang tinatanong nya. Samin pala. Yung issue ko!
Nagkibit balikat ako dahil di ko naman alam. Maybe. Maybe not!
"Ang sakin ha. Feeling ko. May instinct na sya. Knowing her. Magaling syang observer.." Ani Winly. Napaisip na naman ako. Oo nga noh!
"Ako sa'yo te. Amin na kayo. Walang mangyayari kung tagu-taguan nalang ang peg nyo."
"Is this--.." di natapos ni Karen ang gustong itanong dahil mabilis ko syang tinanguan.
"Gawa kayong ng way para masabi sa kanya in person."
"Pero natatakot ako Win.." Taos puso kong sambit.
"Wag kang matakot. Normal lang naman nag pakiramdam na yan. Do not fear to lose what needs to be lost. Kung magalit man sya. Hayaan mo lang. Normal din naman iyon lalo na't involved ang dalawang taong mahal nya. At ang kailangan nya rin pag oras na nangyari iyon ay pag-iintindi. Pasensya at oras para sa lahat."
"Oo nga. Alam mo. Gustong gusto ko na nga ring sabihin sa kanya ang lahat pero hindi ko alam paano. Ayokong pangunahan kayo pero naaawa na talaga ako sa kaibigan natin gurl.."
"Hmm.. ganyan din pakiramdam ko. Kaya kung ako sa inyo. Let the world know about you but don't let the world ruin inside you. Magtiwala ka at maniwala na lilipas din ang lahat.."
Naaawa narin naman ako kay Bamby. Actually noon pa. Dahil mas pinili ko ang maglihim kaysa kilalanin ang katotohanan. Nagalit pa nga ako sa sarili ko dahil sa desisyong iyon. Ngayon at may pagkakataon na ako. Di ko na susubukan. Gagawin ko na talaga.