webnovel

Chapter 61: Weak

Bumaba ako nung alam ko nang di na namumgto ang aking mga mata. Baka tanungin ako ng mga kuya ko, o lalo na sya. Di pa naman ako mahilig magsalita kapag ganitong mababa ang tingin ko saking sarili.

"Bes, baba raw tayo.." tawag sakin ni Bamby. Gaya ng dati, maliit na shorts at malaking t-shirt ang suot nya. Nakapalumbon ang makintab nyang buhok na may iilang hibla na naiwan sa gilid ng kanyang mukha.

"Umalis na ba sila kuya?.." tanong ko rin ng nasa hagdanan na kami pababa. Isang itim na pajama at plain pink t-shirt lang din ang suot ko. Di ko hilig ang magsuot ng maiiksing damit. Basta, naiirita ako. Hindi kay Bamby kasi bagay naman sa kanya ang kahit anong klaseng damit. Sadyang di ko lang nakasanayan ang pagsuot ng mga ganun.

"Di ko alam bes-.." may idudugtong pa yata sya ng sumngit na si Lance.

"Bamblebie, pakisabay naman ito sa labas.." nagulat ako ng masalubong namin si Lance sa may sala. Hawak nito ang isang tray ng nachos.

Ngumuso si Bamby at kinuha iyon. "Bakit, ikaw ba?.."

"Mamaya pa ako lalabas.. maghuhugas muna ako ng mga plato.."

"Really?. anong nakain mo?.." tumataas ang labi ni Bamby sa pagpipigil ng tawa.

"Tsk.. labas na.." siring nya rito at pinaharap na sa pintuan saka tinulak palabas.

"What about Joyce?. halika ka na.." alok nya sakin. Nilingon pa ako ah.

Nag-umpisa na akong maglakad ng pigilan ako ng boses ni Lance. "She'll help me wash the dishes.."

"Are you kidding?.. bisita ko sya kuya?.." asik sa kanya ng kapatid.

Nagkamot ng ulo itong si Lance saka nya ako sinulyapan ng palihim. Binasa ko ang labi ko sa kaba. "It's okay Bamby, tulungan ko na muna sya.." matagal nya akong tinitigan kaya bahagya rin akong kinabahan.

"Okay.. kayo bahala.." anya, sabay alis.

"Bamblebie, shorts too short.." sita pa nito sa damit.

Nagpeace sign na lamang itong si Bamby sa ere. Maingay naman itong bumuntong hininga.

"Ang istrikto mo naman.." huli ko na natanto na lumabas na iyon saking labi. Kunot noo nya akong binalingan kasabay ng paglalagay nito ng mga braso sa magkabila nyang baywang.

"Dapat lang.." mahina ngunit pakiramdam ko ay nangilabot ako sa hinhin ng pagkakasabi nya dito. "Sa'yo rin naman, istrikto ako.." binasa nya ang ilalim ng kanyang labi bago ako pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Damn! Sa ginawa nyang iyon. Unti unting nanlabot ang mga tuhod ko. Sumama nalang sana ako kay Bamby para naiwasan ko itong mga sitwasyon na ganito. "Mahirap nang masalisihan.." istrikto nya pa ring tugon.

"Kanino naman?.." pinagkunutan ko rin sya ng noo. Di sya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Kay Jaden?..". dugtong ko talaag. Kailangan matauhan din to minsan.

Tumaas kilay nya. "Tsk.. masyado pang bata kapatid ko eh.."

"Bata pa rin naman ako ah.." ngisi ko. Natigilan sya.

"Atleast, sigurado ako sa'yo, sya ba sa kapatid ko?.." ano raw!?. O my gosh!! Saan ba pwedeng sumuntok ng pader rito?. Kingina! Lance naman eh!

"Di ko sya kayang ipagaktiwala sa iba hanggat walang kasiguraduhan.."

Di na muli ako nakapagsalita. Napipi na ako't nabingi sa tibok nitong aking puso. Kumakalabog, daig pa ang malaking tambol sa lakas nito.

"You're blushing baby.." huli na ng maramdaman ko ang presensya nya sa harapan ko. O gosh! Sana di kami makita ni tita neto! "Lalo kang gumaganda kapag namumula.." marahan nyang sabe saka kinintalan ng malambing na halik ang aking noo. "Sa kusina na tayo.. parating na si Aron.." sabi nya sabay hila saking braso.

Ilang minuto nga ay dumating si Aron. "Para paraan tayo boy gwapo ha... hahahaha.." pang-aasar nito sa kaibigan. Di ko sya binalingan dahil nahihiya ako.

""Wag ka ngang maingay!.." binato nya ata ito ng kutsara o ng sandok. Di ko nakita eh. Basta narinig ko nalang na nagreklamo ito dahil natamaan raw sa tyan.

"Ano ba yan?. Akala ko ba magaling kang magbato?. nakasapul ka lang ng isa, nanghina ka na.. hahahaha.."

"Ulol!.."

"I get so weak in my knees I can't hardly speak I lose all control.." kumanta sya bigla.

"Ano bang kailangan mo dito ha!?." humarap sya sa kaibigan. Nilalapitan. Ramdam kong si Aron na ngayon ang nasa tabi ko. Sumandal pa sa sink at kinindatan ako.

"Lance.." sita ko sa pagtaas ng kanyang boses.

"And something takes over me.." patuloy ni Aron. Tapos humagalpak sya ng tamaan ng tuwalya.

"Ang pikon mo.. ahahahaha.." pinagbabato lang sya nito.

Sinamaan sya nito ng tingin. Nasa center bar na ako. Inaayos ang mga baso.

"Bat ka kasi andito?. Pasira ka eh.." nagpakawala sya ng mabigat na hininga. Tumatawa pa rin si Aron.

"Bat kasi andito si Joyce?.. kanina pa hinahanap ng mga kuya nya eh.. kaya susunduin ko lang sana.. hahahaha.."

"Sabihin mong may ginagawa pa.."

"Paano pag tinanong kung anong ginagawa nya?. Sasabihin ko bang, nakikipagharutan sa jowa nya ganun?.." ngisi nya dito.

"Aron, ang ingay.." reklamo ko na. Baka kasi may makarinig eh. Hindi na pala baka. Sigurado akongmay nakarinig na talaga! Kainis!

"Ang pikon kasi ni boy gwapo eh.. hahaha." bulong nito sakin. Nakita ko naman kung paano tumalim ang mata ni Lance sa kanya. "Oh ho!. chill bro, may binulong lang ako.. hahahaha.."

"Joyce, hinahanap ka na ng mga kuya mo.. magpapaalam na raw sila.." kung di pa dumating si tita ay baka di pa tumigil itong dalawa, kakaasar nila sa isa't isa. "Bat ikaw gumawa nyan?. ikaw na bata ka.."

Ngumiti ako. "Ayos lang po tita.."

"Tinulungan naman po sya ni Lance tita kaya ayos lang.." sabat ni Aron. Tinanguan sya ni tita saka bumaling muli sakin.

"Iwan mo na yan at kanina ka pa hinihintay sa labas.. sinabihan kita na tawagin sya Lance.."

"Ma, kasi--.." di nya madugtungan ang gustong sabihin. Wala yatang mahanap na dahilan. Matunog na ngumisi naman si Aron.

"Ayos na po tita.. sa labas na po muna ako.. kakausapin ko lang sila.."

"Sige na.."

Sabay kaming lumabas ni Aron na may nanunuksong ngiti sakin. "Inlove talaga sa'yo si boy gwapo.. swerte mo.. ayie.." tukso nya sakin bago sya lumayo ng makitang papalapit sina kuya.

Hay naku!! Hihi!

次の章へ