"Were leaving na.." ani kuya Ryle sakin. Yakap ako. Nasa labas na kami ng gate. Yung iba, abala nang magpapaala kila tita.
"Ingat sa pagdadrive po.."
"Yes po.. ikaw din.. mag-iingat dito, okay.."
"Ligtas naman po ako dito kuya eh.." mataman nya akong tinignan. Wala akong ideya kung bakit nasabi nyang dapat akong mag-ingat dito.
Maingay syang nagbuga ng buntong hininga saka ginulo ang buhay ko. "I mean, sa jowa mo.. ikaw talaga, ang slow mo.." gigil nya pang pinisil ang pisngi ko.
"Aww.." reklamo ko.
"Di lang mag-iingat ha.. doble ingat bruh.. hmm?.." dagdag pa ni kuya Rozen. Tinanguan ko na lamang sila bago sila tuluyang nagpaalam.
Kahit na nila sabihin iyon. Alam ko naman ang ginagawa ko. Tsaka, di naman siguro ganun si Lance pag kaming dalawa lang.
Pero ang isiping iyon ay bigla nalang nagbago ng dumating nga ang isang gabi.
Kagagaling namin ng school. At dahil wala sya sa mood. Di kami nagpapansinan. May babae kasing lumapit kanina sa may kotse nya. Di ko alam ang year na nya basta, maputi, matangkad, maganda at magaling magdala ng sarili. Lahat ng pwedeng sabihin ay lalabas na maganda nga ang kabuuan ng babae. Kinausap nya ito at pinapasok pa sa loob ng kanyang sasakyan. Tumitig pa lalo ako doon mula sa malayo. Papalapit na sana ako kanina nang unahan ako nung babae. Pinauna kasi ako ni Bamby dito, dahil kakausapin raw sya ni Jaden, at ayaw nyang ipasabi iyon sa kuya nya. Kasama nya rin sina Karen at Winly kaya mag-isa ako ngayon.
Nagtago pa ako sa isang malaking sasakyan. Likod noon. Tanaw ko sa gilid ko ang kotse ni Lance. Nga lang di ko makita ang ginagawa nila sa loob dahil tinted ang bintana nun.
Tinignan ko ang orasan. Maglilimang minuto na sila sa loob. Nakakunot na ang noo ko sa kakatitig doon. Namamalat na rin lalamunan ko sa tumatakbo saking isipan. May nabubuo roong senaryo na ayaw kong paniwalaan. Possible bang lokohin nya ako?. Possible bang may relasyon silang nung babaeng iyon?. Possible bang ginagamit nya lang ako para pagtakpan silang dalawa?. Umiiling ako dahil ayaw ko talagang maniwala. Ang sabi nya sakin. Mahal nya ako at ako lang! E ano itong nakikita ko?. Kung nag-uusap lang sila, bakit kailangan sa loob pa at ng ganitong katagal?.
Nakakabaliw naman mag-isip!
Eksaktong kinse minutos nang bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa sila pareho sa magkabilang pintuan.
I don't what to do!. Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa nakikita ko. Dapat ba akong magalit at mainis o hinde?. Heto na naman ako't nalilito.
Ngunit sa kabila ng malalim kong pag-iisip ay nasulyapan ko ang paghalik ng babae sa gilid ng kanyang labi. Malapit na iyon sa mismong labi nya. Huamwak pa ito sa batok nya't idinikit ang katawan. Doon ko natanto na kanina pa pala ako galit at naiinis!
"Dinner is ready!.." nagulat ako ng bigla syang sumulpot sa nakaawang na pintuan. Nakaupo ako sa kama habang nagbabasa. Kunot ang noo dahil walang pumapasok saking utak. Lumilipad sa lalaking aking kaharap.
Di na ako nagsalita pa. Naglakad na ako't nilampasan sya. Hindi nya iyon pinansin. Tinawag pa si Bamby!. Sabay silang sumunod sakin!.
Parehong nasa hapag na sina tita at kuya Mark. Matapos naming umupo ay sabay sabay na rin kaming kumain.
"Hija, bat ang liit ng pagkain mo??." si tita.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka sya nginitian. "Hehe.. nagmeryenda po kasi ako sa school.." pagsisinungaling ko kahit di naman.
"Ganun ba.. naku, pareho kayo nitong Bamblebie.. ang hihina kumain.." sita nya rin sa anak. Sila sila ang nag-usap. Dinig kong malapit na talaga ang alis nila.
"Hija, ako na dyan.. umakyat ka na.." pinigilan na naman ako ni tita na maghugas ng pinagkainan. "Umakyat ka na at magbasa.. ang sabi ni Bamblebie, may exam daw kayo bukas.."
Sa math nga naman iyon. "Salamat po tita. Pasensya na.."
"Ano ka ba?. sige na.. aral mabuti.." tinulak pa ako paakyat ng hagdanan.
Unti unti akong umakyat roon at di ko inaasahan ang taong sasalubong sakin. Si Lance, nakasandal sya doon sa
pinakadulo ng hagdan habang nakapamulsa.
Kabado akong nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa makarating sa pwesto nya. At... nilampasan sya na parang wala sya doon.
"Bakit mo ako iniiwasan?.." iyon ang tanong nya ng tumalikod na ako sa kanya. Natigilan ako ng bahagya. Tumitig sa pader bago umiling.
Nagpatuloy ako sa guest room nila. Isasarado ko na sana ang pintuan ng iharang nito ang kanyang katawan. "You're avoiding me?. Bakit?.."
"I'm not.." tanggi ko pa. Nagbaba ako ng tingin sa makintab nilang sahig.
"You are baby.. why?.." lalo pa akong umiling. "Tinatakot mo naman ako eh.. bakit nga?.." lumapit sya sakin. Saka tinulak ang pintuan upang magsara ito ng mag-isa. Dumoble tuloy ang aking kaba.
"Wala nga.."
"Look at me, then.." utos nya sakin pero di ko ginawa. Mabilis akong umatras nang maramdaman ang paghakbang nya.
Inilingan ko pa rin sya.
Duon sya nagpakawala ng isang mahina ngunit malutong na mura.
Humakbang sya ng mabilis at sinigurong mahahawakan na ako sa balikat. Noon ko lang natanto na, pader na pala ang huling aatrasan ko.
Bumuntong hininga ako. Takot tumingin sa mata nya.
"Baby, why are you mad?.." malambing nyang tinig. Hinawakan ang baba ko saka dahan dahang inangat upang magpantay ang aming mga mata. "You're saying you are not, but baby, your beautiful eyes told me that you are so damn mad at me.. hmm.."
Di ako makapagsalita. Pinagdikit ko ang aking labi sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
At sa puntong iyon. Unti unti nya ring pinagdikit ang aming noo. Amoy na amoy ko ang mint na hininga nya. "Hahalikan kita kung di mo sasabihin sakin.." banta nya.
"Kasi--.." di ko alam paano iyon sasabihin nalang basta. Imbes ipagpatuloy ang sasabihin ay mas pinili ko na lamang ang itikom ang aking bibig.
Sa pagtikom kong iyon ay marahan na nya akong hinalikan sa labi. I don't know how to kiss kaya para akong estatwa na nakatayo ngayon. Bumitaw sya kalaunan. "Your lips like sugar.." ngisi nya saka humalik muli. Nahihiya ako dahil di talaga ako marunong humalik. Pero habang tumatagal ang paghalik nya sakin. Natutunan ko ang bawat galaw nya. Kalaunan. Di ko namamalayan. Gumaganti na pala ako ng halik sa kanya.
Isang impit na ungol ang kumawala sakin ng kagatin nya ang ibabang labi ko. Umawang pa ang aking labi ng kumawala na sya. Nginisihan nya ako. Ngisi na bibihira kong makita sa kanya.
Ang akala ko. Matatapos na doon. Nagkamali pala ako dahil humalik muli sya. Kung kanina ay marahan lang. Ngayon na ay, malalim na para bang lumilikha sya ng nagbabagang apoy sa aking katawan. Niyakap nya ako ng mahigpit. Idinikit sa kanyang katawan. Hawak ng isang kamay nya ang likuran ko habang ang isa ay sa aking batok.
Ramdam kong naglakbay ang kamay nya sa kung saan. Ang kamay ko naman ay di ko alam na nasa buhok na pala nya. Marahang minamasahe. At ang isa naman ay nasa kanyang dibdib.
Bumaba ang palad nya sa likuran ko. Mainit na talaga ang katawan ko. Umungol ako ng biglang may marinig na kumatok. Shit!
"Bes, pahiram naman ng notes mo sa math. May titignan lang ako.." si Bamby. Mabilis ko syang tinulak palayo. Pareho kaming hinihingal. Damn! Muntik na!! Joyce! Grrr!!
Nagbuga ako ng malakas na hangin para pakawalan ang di ko mapangalanan na pakiramdam. Tumayo lamang si Lance habang ako'y pinapanood na kinakabahan. Hawak ang sariling labi habang nakangisi.
"Ah.. sige bes.. wait lang.." mabuti nalang at di pa ako nautal. Muntik pa akong madapa ng takbuhin ko ang lamesa.
"Damn! careful please.." dinig kong hinaing nitong si Lance. Napaayos pa ng tayo.
Nilingon ko sya't sinenyasan na wag maingay. Tumaas lamang ang isang sulok ng kanyang labi.
Binuksan ko ang pintuan saka iniabot ang notes ko. "Ayos ka lang?.." takang tanong nito nang pasadahan ako ng tingin. Balisa akong tumango.
"Yeah.. ayos lang ako.. galing kasi akong banyo.."
Kagat labi syang tumango. "Okay then.. balik ko mamaya.." paalam na nya. "You sure you're okay ha?.." balik tanong pa nya. Nakangiti ko nalang syang tinaguan.
Hinintay ko syang makapasok sa kanyang silid bago ako pumasok din. Nilapitan ko si Lance at pinalo sa balikat. "Aray!.." reklamo nya.
"Umalis ka na nga!.."
"Why?.." hawak ang pinalo ko kanina.
"Ayan na naman yang why mo?. Alis na.." hila ko sa braso nya.
"Bakit nga kasi?."
"Muntik na tayong makita ni Bamby, ano nalang sasabihin nya satin?.."
"Hindi nya tayo mahuhuli.." paniniguro pa nya. Kainis! Pinalo ko pa sya ng minsan. Pero hinuli na nya ang kamay ko saka hinila. Subsob ako sa katawan nya. "Okay then.. yakap nalang.. lalabas na ako.."
"Okay na yan.." kontra ko sa higpit ng yakap nya.
"Wait lang.. 5 minutes pa.."
"What!?…"
"Hahahaha.. joke.." mabilis nya akong hinalikan muli sa labi saka nagsabi ng, "Mahal kita baby ko.." at doon na sya lumabas.
Tulala ako habang sinarado ang pinto. What the hell baby! You are making me crazy here too!!!