webnovel

Chapter 60: Papa

May parang kabute na tumubong inis sa akin nang ako'y lapitan nya. Nagkanya kanya na ang lahat ng sakay. Si Bamby, kanina pa sa loob dahil sinita nya ito nang mag-usap sila ni Jaden. Gusto ko sana syang pagalitan kaso ang daming tao. Di rin ako makatyempo. Baka pagkamalan nga kami.

"Tara na?.." aloo nya sakin. Hahawakan sana ang braso ko subalit mabilis ko iyong inilayo.

"Kila kuya na muna ako sasabay.." naiwan sa ere ang kamay nyang hahawak sana sakin. Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang nakakabaliw nyang titig. "Tutal, pupunta rin naman sila doon sa inyo.." pagdadahilan ko nalang. Kung sakali kasing sumabay pa ako sa kanila ni Bamby. Baka di na nya makontrol pa ang sarili na sabihin ang lahat sa harapan ng kanyang kapatid. Di pa ako handa para doon.

Nagtiim ang kanyang bagang. Luminya din ng isa ang manipis at mapula nitong labi. Damn lips! Inaakit lagi ako!

"Lil bruh, come on!.." dumungaw si kuya Ryle sa bintana ng sasakyan. Andun na sya. Ganun rin yata si kuya Rozen.

"Bro, samin muna ha.." paalam ni kuya Rozen. Noon ko lang napansin na nasa labas pa pala sya. Sinikop ni kuya ang buhok kong lumilipad saka ako inakbayan. "Magkita nalang tayo sa bahay nyo.." pinal na ani kuya. Wala syang nagawa kundi ang tumango nalang kahit halata sa mukha nyang ayaw nya sana.

"Bye. sunod nalang kami sa inyo.." hinila na nya ako palayo sa kanya.

"Alam mo, malapit nang mahalata ng iba nyong kasama na may namamagitan talaga sa inyo.."

Natawa ako. "Paano naman?."

"Tsk.. he's so damn possessive bruh.. hahaha.." umawang ang aking labi sa narinig. Yun nga rin ang kanina ko pang iniisip kaya minsan nagugulat ako sa mga hiyaw at reklamo ni Bamby, kakaisip sa mga kinikilos nya.

"Buti na nga lang at abala yang bunso nila sa crush nya eh.. tsk.. tsk.. naku, kung hindi, baka matagal na nya kayong nabasa.. hahaha.." huling hirit pa nya bago ako inalalayan na pumasok sa tabi ni kuya Ryle.

I'm damn speechless!! I don't know what should I say! Ang daming tumatakbo saking isipan kaso nakabusal ata ang labi ko. Pinipigilan ng nagrereklamo kong puso.

"Wag mo na ngang asarin bro, baka umiyak yan, lalo tayong mawalan ng sasakyan.. haha..."

"I'm not.." angal din ng isa.

"Stop na.. iba pa naman magalit ang mababait --- lalo na ng mga taong Inlove.."

"Psh!.." angil ko. Sabay lang silang humagalpak ng tawa. At sa puntong iyon, pinaandar na nya ang sasakyan. Gaya ng sabi kanina. Nakabuntot lang kami sa likuran nila Lance.

Ang dami pa nilang sinatsat. Itatanong ko sana kung kamusta na si Denise sa bahay pero naunahan ako ng hiya at takot. Di ko saan nanggaling iyon. Basta ko nalang naramdaman.

Kalaunan. Nakarating na rin kami. Sabay sabay na pumarada ang mga sasakyan sa labas ng malaki nilang bahay. Yung sasakyan lang yata ni Lance ang nasa garage ngayon.

Gaya ng napapansin ko kay tita tuwing umuuwi ang mga anak nya galing sa kung saan, ay sinasalubong nya ito sa may garahe.

"Oh, visitors.." nagugulat at natatawang nyang sambit sa anak na kinakausap si Kian. Bumati ang kaibigan nya sa kanya, pero sina kuya, kailangan pang ipakilala ng pormal.

"Ma, sina Ryle at Rozen po... brothers of Joyce.." tahimik lang ako sa gilid ng magsalita sila. Si Bamby, nagmadaling pumasok ng bahay. Na sinundan naman ng tingin ni Jaden. Hay naku! Kailan kaya magtatagpo tadhana nila?.

"Brothers?.." di makapaniwalang ani tita. Tutop pa ang labi. Marahan akong tumango sa kanya.

"Kaya pala ang gagwapo rin.. naku, it's so nice to see you mga kuya.. come in.." pinapasok nya ang mga ito. Agad inakay sa tig-isa nilang braso. Ganyan sya pagdating sa mga kaibigan ng kanyang mga anak. Supportive mama.

"We'll talk later.." heto na naman ang mga pabulong na habilin nya. Di na ako magtataka isang araw. Mahahotseat na ako ni Bamby.

Dumiretso ako ng guest room kung saan pansamantala akong nakatira. Tinanong ko sina kuya kanina kung anong laman ng paperbag pero di nila sinabi. Imbes, pinagsabihan pa ako na mag-iingat at wag gagawa ng bagay na pwede kong pagsisihan. Ano naman kaya iyon?.

Pagkatapos kong magshower. Kinuha ko yung paperbag saka sinilip ang laman. May laman itong kahon na puti. May kalakihan. Wala talaga akong ideya kung ano ang laman nya. Hinila ko iyon saka nilapag sa kama. Pinatong ko ang mga paa sa higaan. Sinilip o pa ang loob ng paperbag pero wala nang laman. Yung kahon lang.

Dahan dahan ko itong binuksan. At ganun na lamang umawang ang labi ko sa nakita. Isang pares ng bagong sneakers ang laman. Itim ang nasa ilalim nun, at puti naman ang seda. Sa ilalim pa ng sapatos. May nakasupot pa. Isang pares din ng uniform ko. Take note!. Bago sya. Amoy palang eh. Nangilid ang luha sa gilid ng aking mata. Tumulo ang mainit na tubig mula doon na mabilis ko rin namang pinunasan. Grabe sila!. Nasurpresa na naman ako!

Binuklat ko iyon at sinukat. Sakto lamang sa aking katawan. Nang kapain ko ang bulsa ng palda nito. May laman. Agaran ko itong kinuha at tinignan. White envelope. Medyo makapal sya at may nakasulat na, to beautiful Joyce. Walang nakalagay kung kanino galing. Kaya nalilito ako kung kanino sa dalawa iyon. Dahan dahan ko iyong binuksan. At sa rahan noon, nasilip ko ang isang bagay. Makintab na kulay asul. Nang tuluyan kong ilabas ang laman ng envelope. Natulala ako. Isnag card at isang papel na nakatupi ang nakita ko.

"Call me if you see this.." Iyon ang nakasulat kaakibat ang numero. Nang idial ko iyon. Lumabas an number ni papa. O gosh!! My papa!.

"Yes hello?. hahahaha.."

"Pa.." mahina at medyo garalgal kong sambit.

"How are you my beautiful daughter?.. nagustuhan mo ba yung gift ni papa?.."

"I'm fine po... opo papa..." singhot ko.

"Wait.. are you crying?.." umiling ako kahit di nya naman kita.

"I'm not po.." pagsisinungaling ko kahit nabasag pa ang boses ko. Shit!

"I know you're. hija.. why?.. I miss you na.."

"I miss you din po papa.." naiiyak ko na talagang sabi. Parang bata kung magpunas ng luha gamit ang mga braso.

"Hmmm.. kailan ka uuwi sa atin?.." natigilan ako. Bahagya ring nahiya. "Malapit na akong magtampo anak.."

"Sorry po pa.."

"Hmm.. I understand kung bakit ayaw mo dito pero sana pagbigyan mo naman ako na magkakilala pa tayo anak." napipi ako. Walang masabi. "Taon kang nawala sakin kaya gusto ko sanang bumawi sa'yo.." natahimik sya. Ako rin. "But if you need to do that, it's okay for now hija.. pagbibigyan kita.." muli. Huminga sya. "Ayos lang na andyan ka pansamantala.. pero sana pag-isipan mo ring umuwi na sa atin.. may pamilya ka pa anak.. kami ng mama mo, pati ng mga kuya mo.."

"Yes po pa." umiiyak kong tango. "Uuwi rin po ako soon, just give some more time pa po.."

"Hmm.. no problem.. if you need anything, just text me."

"Yes po.."

"Good anak.."

"Pa, ano po tong card?.." di ko na napigilan pa ang itanong ang tungkol duon.

"It's your credit card anak.. it's yours.. use it okay.."

"Pero papa?.." angal ko.

"Bawal yang ibalik.. pag ginawa mo yun, magtatampo na talaga ako sa'yo.."

Sinabi pa nyang pag kailangan ko ng kahit ano tawagan ko lang sina kuya. Umoo nalang ako para di na sya magtampo. Uuwi din ako soon. Not now. Not too soon. But soon.

次の章へ