webnovel

Chapter 44: Dreams

Paulit ulit humingi ng tawad si mommy sakin. Ganun din naman ako sa kanya. Kahit ano pang sabihin nyang kasalanan nya't napalayo ako sa tunay kong pamilya ay sinasabi kong it's my fate. Kapalaran ko talagang mapunta sa kanya at maging parte ng maliit nyang pamilya. I never regret it at all. Wala akong pinagsisisihan kahit kaunti. Yes. I have to say na may kaunting tampo ako about sa biological parents ko but when mommy explained it everything. Parang wala na akong karapatan pa na magtanong. Dahil sa tuwing binabalikan nya ang araw na iyon. Alam kong nasasaktan ko sya. Mahirap marinig ang balitang baog ka. Hindi mapasaya ang asawa o kahit ang bumuo ng sarili talagang pamilya. Mahirap iyon kumpara sa sitwasyon ko ngayon. Mahirap ang mahusgahan ng di nalalaman ang totoong dahilan. Ganun pa naman ang ugali kadalasan ng mga tao. Alam mo yun. Numero uno doon ay ang sarili mong pamilya.

Ngayon ko natanto na, kaya pala lagi ako o kami ni Denise, agaw pansin pag may okasyon ang buong angkan ay dahil magkadikit ang aming mga bituka. Lagi kaming natatanong na, uy bat kayo magkamukha?. Bat mas maganda ka eh, magkapareho naman kayo ng hulma ng mukha?. Or worst, magkapatid ba kayo o magpinsan lang?. Alam mo kung anong sagot ko lang noon, ngiti o iling. Yun lang. Ewan ko lang kung ano kay Denise. Sakin kasi hindi ko ugaling magsalita kapag walang ideya. It's better to not to speak cause silence speaks when words can't.

Mas madali ang wag magbigay ng opinyon dahil alam mong wala kang masasaktan, sadya man o hinde.

Then tita approach me. She hugged me so tightly. Kulang nalang di ako makahinga. "I'm sorry anak.." there you go. Yung sinasabi nyang pangarap lang noon na magkaroon ng anak na tulad ko ay natupad na. Ay di pala. Siguro nasabi nya iyon dati kasi she wants me to guess what's going on. Pero mahina ako pagdating sa mga logic. Di ko iyon agad nagets. Ngayon lang. "We're very sorry.." hinagod nya ang likod ko matapos ang buhok ko. Umiiyak na sya. "Gusto ko lang tulungan mommy mo.." tumango ako sa gitna ng mga yakap nya. "I didn't mean to hurt you this way.. and Denise.." kagat ang aking labi naman akong tumango.

"I understand po.." garalgal kong sambit. Lalo nya lamang akong niyakap. "I love you anak." humalakhak sya. Dala siguro ng saya na di maipaliwanag. "Finally, matatawag na kitang anak.. hindi nalang sa panaginip o sa hangin pagtalikod mo. "

Doon palang. Nasaktan na ako. Ang bigat pala ng mga salita kapag di mo inasahan. Tipong di mo talaga madadala.

"Ma.." di ko alam kung paanong basta nalang iyon lumabas sakin. Dala ng sari saring emosyon. Gusto ko rin naman. Biruin mo. Dalawa mga magulang ko.

Humagulgol sya lalo. Kasama na noon si tito. "Anak.." he said. I turned to him. With a smile on my face. Niyakap nya ako sa paraang kaytagal nya akong gustong yakapin ng ganuon. Matagal. Hindi sobrang higpit pero mainit. Sapat para ibsan ang lamig na aking naramdaman kanina lang.

"We're very sorry.. Mahal na mahal ka namin.." bulong nya sakin. Nangilid ang luha ko saka sya niyakap ng mahigpit. Nawala man pansamantala si daddy, pumalit naman sya. Tamang oras lang din ang pagdating nya. So grateful for that.

Tumagal ng ilang minuto bago ako niyakap nina kuya. "Yes dude.." biro sakin ni kuya Ryle. "O ha. May bantay ka na. Dalawa pa.. Haha.." tumawa ako sa biro nya. Nasabi ko rin kasi minsan sa kanya na gusto kong magkaroon ng mga kapatid na lalaki para may bantay at magtatanggol din sakin pag may dumating na unos. An answered prayer! Heto na sila. Totoo na!

"Lil sis.." Ani kuya Rozen naman matapos kumalas ng isa. Mabilis ko syang niyakap. Naluluha. Pangarap ko lang to dati eh. Natupad na. Ang bilis!. Ang lakas ko pala SAKANYA! "You know.. you have your own body guards now huh... hmmm.." natawa na naman ako. I know. He's pertaining again to Lance. And to other boys out there. "Bantay sarado ka na.. hahaha..." pinalo ko sya sa balikat saka nagpasalamat.

Hindi rin matatawaran ang ngiti ni mommy ng masulyapan ko sya.

Abot tainga ang aking ngiti. I turned to my sister, pero mabilis nya akong tinalikuran. Naglakad at umakyat sa itaas. Iisipin ko nalang na, siguro hindi pa sya handa para sakin. O di kaya ay ganun lang talaga sya sakin. Soon. Mababasa ko rin ang ugali nya.

Naisip ko din na hindi pala lahat ng tao ay matutuwa kapag natutuwa ka o masaya. Hindi pala lahat ng tao, tulad mo ng pag-iisip at paniniwala. Lahat ay may pagkakaiba. Hindi pantay at tama. May mali man ang isa pero hindi ibig sabihin nun ay mali na sya. Mali lang siguro ang pag-intindi sa kanya kaya ganun. O mali ang panahon o oras para sa kanya. Time will come. Her time will turn too. And I trust that when time comes, it's still not too late.

"From now on. Mama and Papa na ang tawag mo sa amin ha.. your kuya's as it is..and Denise.." Ani mama. Tumango ako bago ngumiti. Hindi pilit. Isang ngiti na ngayon ko lang yata nagawa. Napakagandang ngiti para sa kanilang lahat. Ali, my little brother hugged my thighs too. Telling and welcoming me, totally into their family. "Ate.." tingala nya. Nagbaba ako ng tingin sa kanya at ginulo ang buhok. "Yes bunso.." naluluha ko na namang sambit. Nagtawanan silang lahat. Kaming lahat. Ang sarap naman talaga sa pakiramdam ang ganito. Ang masaya ang lahat. How I wish, maging masaya rin sya kasama namin dito.

Denise, ate.

次の章へ