"Wow! Ang ganda po dito." Ang sambit ni Jacob pagdating nila ng beach ng mga Santos.
"Baby, hindi ba at nakarating ka na dine?" Ang sabi ni Kian.
"Daddy, syempre nung nakaraan pa yon na miss ko po ang beach."
Kian sighed "hayaan mo na ang anak mo langoy na langoy na yan kahapon pa hindi na nga yan natulog."
"Mommy, ako po ba ang hindi nakatulog o ikaw? Outfit na outfit po ah."
Dahil naka bathing suit na nga itong si Rica na naka floral dress lang na manipis ang tela.
"Tsss! Ikaw naman pala ang excited at hindi ang anak mo."
"Heh! Tigilan nyo nga akong mag ama hala sige dalhin nyo na yang mga gamit sa room natin at mag su-sun bathing na ko."
Nagkatinginan naman yung mag ama habang papunta na ng dalampasigan si Rica "tignan mo yang nanay mo hindi raw excited pero hindi na tayo tinulungan man lang sa mga bitbitin."
"Daddy, alam kong kayo rin kung kayo eh hindi ganyan na bagong opera sure akong ready na rin yang beach body nyo."
"Itong batang re. Sige na bilisan na natin para makasunod na tayo sa nanay mong daig pa ang dalaga kung kumilos."
At sabay pa nga ang mag ama na napatingin kay Rica na nag su-sunbathing na at nakahiga pa sa sand at nakasalubong naman nila sila Keith at Faith na kasama ang dalawa nilang anak at kalalabas lang ng kanilang room.
"Oh? Ngayon palang kayo pupunta sa room nyo?" Ang sabi naman ni Keith na buhat-buhat si baby Tum- Tum.
"Ah… nag sightseeing pa kasi kami ni Jacob."
"Ohh… eh nasan si ate Rica?" Ang tanong naman ni Faith na kasama ang bunso nilang anak na buhat nya rin.
"Ahhh… andun po nag papatan na si Mommy."
Nag katinginan naman sila Faith at Keith "ohhh…"
"Sige at kami ni Jacob eh pupunta na muna sa room namin."
"Sige kuya sunod kayo ni Siopao sa cottage."
"Oo sige."
At habang nag lalakad naman yung mag asawa…
"Alam mo yang si kuya Kian ang laki ng pinagbago simula nung nag donate sya kay Jules." Ang sabi naman ni Faith kay Keith.
"Hmm? Anong ibig mong sabihin?
"Ehh… kasi parang hindi na sya mabilis magalit ngayon."
"Eh?"
"Tignan mo nung last tayong pumunta sa beach na ito bantay sarado nya si ate Rica kasi syadong revealing ang suot pero ngayon hinayaan nya lang?"
"Ahhh… sabagay, ngayong sinabi mo yan naisip ko nga na hindi na sya madalas bugnutin hindi na rin nya ko kinagagalitan kapag inaaway ko si Kevin."
"Oo napansin ko rin na parang lumuluwag na sya sating lahat hindi na sya yung strict na Kian na kilala natin noon."
"Oo nga sana ganyan nalang sya parati."
May bigla namang kumaway at tumawag sa kanila sa may cottage.
"Kuya!!! Ate!!! Dito kayo." Ang pa sigaw ng sambit ni Kevin kasama na rin yung iba pa.
"Oo andiyan na!" Ang tugon naman nung mag asawa.
"Sandali lang sino yung babae na kasama nila Jules at Julian?" Ang sabi ni Faith.
"Ahhh… Si Wendy hindi mo pa ba sya kilala?"
"Hmm? Parang narinig ko na sya kay babysis nalimutan ko lang siguro."
"Tange, pumunta na sya satin hindi ba sya nga ang nag hatid pa kay Jacob nung na hospital sila kuya Kian at Jules? Nung foundation day."
"Ahhhh… sya ba yon? Hindi ko sya na mukhaan grabe ang sexy nya pala bagay sakaniya yung one piece nyang white na may bulaklak? At ang laki ha?"
"Yayamanin eh kaya mukhang elegante."
"Ohhh… pero close pala siya sa kambal?"
"Ahhh… yan ang hindi ko alam pero bakit parang interesado ka naman dyan?" and he rise his left eyebrow.
"Sira! Syempre baka mamaya magiging part na yang babae na yan ng family natin kaya dapat nating kilatisin."
"Ohhh… yun lang? Wala ng ibang meaning?"
"Ano pa? Ano gang pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga! May dalawa na tayong anak tumigil ka!"
"Wa—Wala naman akong sinasabing kung ano ah."
"Ewan, dyan ka na nga!"
At iniwan nga ni Faith si Keith "babe intayin mo naman kami ni Tum-Tum."
"Bahala ka diyan!"
"Tignan mo yang nanay mo sya naman ang mabilis uminit ang ulo palibhasa hindi makakalangoy at may buwanang dalaw."
"Narinig ko yon Keithaniel!"
"Kahit kailan talaga ang lakas ng pandinig nya."
"KEITHANIEL!!!"
Samantala sa may cottage nandoon naman sila Keilla at busy mag gayat sila Kim at Kevin ay ang nag iihaw ng barbeque habang si Jenny naman ay nag papaturo kay Keilla na mag cut ng mga fruits.
"Hoy! Kayong kambal tumulong nga kayo dito kayo naman mag ihaw palitan nyo ang kuya Kim at kuya Kevin nyo." Ang sabi naman ni Jenny dahil busy sila na pormahan si Wendy.
"Hindi okay lang po auntie sanay naman kami ni kuya dine. Hayaan nyo lang sila mukhang may pinagkaka abalahan eh."
"Nga naman auntie ayos lang kami ni Kevin dine."
"But you guys need substitute."
"Ah, ayos lang gusto talaga ng dalawang yan na mag iihaw sila masyado kasi silang strict pagdating sa pag iihaw ayaw kasi nila yung hilaw pa. Lam mo naman yang si Kevin nurse kaya medyo maselan at yang si Kim naman ayaw nya lang talaga ng raw meat gusto nya parati well done ang luto sa mga karne at kahit sa isda rin."
"Mama naman wag nyo naman kaming masyadong ibuking ni kuya kay auntie."
"Hehe… no it's okay actually ganyan rin si Jules maarte sa pagkain ayaw nya ng gulay parati lang syang karne o madalas salad ayaw nyang nataba kasi sya."
"Ohhh… kaya pala ganyan nalang syang ka fit." Sambit naman ni Keilla.
Napatingin naman sila Kim at Kevin sa katawan nila at tapos nun nagkatinginan silang dalawa at ibinaba ang damit "wala na, talo na tayo mabuti pang mag ihaw na nga lang tayo." Ang pabulong na sambit ni Kim at sumangayon naman sa kaniya si Kevin.
"Eh… yang si Julian? Pansin ko hindi naman sya pihikan kung kumain lahat kasi ng niluluto ko sa bahay kinakain nya at wala syang reklamo. Pero mag ka ugali pala sila Jules at Kelly yun eh ayaw rin ng gulay nakain sya pero pili lang."
"Really? I didn't know na may pagkakatulad pala sila ni Jules pero yang si Julian masigla talaga yang kumain palibhasa lumaki kay ate Wilma ayaw niya kasing may nasasayang kaya yun ang tumatak sa isipan ni Julian at tamang tama lang naman bilang isa syang sundalo na kailangan kumain sya ng mga gulay para sa kaniyang malakas na pangangatawan."
Napatingin naman sila Kim at Kevin kay Julian at naging hopeless na naman sila dahil wala silang binatbat sa katawan ng kambal na puro muscles.
"Tol, eh kung umuwi nalang kaya tayo?" Ang sabi ni Kevin kay Kim at binatukan naman sya nito.
"Sira ulo! Ano naman kung wala tayong abs ganun talaga busy tayo sa buhay tsaka wag ka nalang mag tanggal ng shirt wag kang gumaya sa kambal mapapahiya ka lang."
"Kasi naman hindi natin napag handaan ang ganireng okasyon hindi tuloy tayo beach body."
"Ungas! Tumigil ka nga. Hala sige, paypay para makatapos na tayo dine."
Sa magkaparehong oras naman…
"Hindi mo ba talaga kaya tumayo honey?" Ang sabi ni Patrick sa nakahigang si Kelly dahil na hilo ito sa biyahe.
"Oo parang nagkaroon kasi ako ng motion sickness nireng mga nakaraang araw."
"Sabagay maselan nga kasi ang pag bubuntis mo honey. Sige dito nalang din ako para may kasama ka alam naman nila Mama na masama ang pakiramdam mo."
"Pero hindi ka makakapag enjoy."
"Ayos lang hindi rin naman ako mag e-enjoy sa labas kung hindi ka naman kasama."
"Sus… ang arte mo. Sige na lumakad ka na doon at ikuha mo ko ng pagkain."
"Ha?"
"Aba'y oo alam mo namang dalawa kami ng anak mo na kakakain kaya madali akong magutom."
"Ahhh…O—Oo naman sige intayin mo ko dito ha?"
"Oo naman san pa ba ako pupunta eh nahihilo nga ako."
"Ah…Oo nga sige alis muna ko ha?"
"Adios."
"Wag kang tatayo intayin mo kong dumating dito."
"Oo na sige na umalis ka na!"
"O—Oo na ere na nga."
At pag labas naman ng kwarto ni Patrick syang bangon naman ni Kelly at kinuha ang cellphone nya "hello Pis Vince? Ano ready na yung surprise?"
Vince: Oo inaantay na namin sya dine sa may cottage kararating nga lang namin ni Dave dine.
Kelly: Nice papunta na sya dyan mag tago na muna kayo.
Vince: Oo kaya sumunod ka na rin dine para lalo syang masurpresa.
Kelly: Oo sige.
Vince: Okay then kita kits nalang dine.
Kelly: Oo.
Binalak ni Kelly na surpresahin si Patrick para mag pa salamat dahil parati sya nitong inaalala at gusto ring mag pasalamat nila Kian at Jules para sa pag alalaga sa kanila nung nasa DLRH sila kung saan ang pamilya ng Santos ang nag mamayari.
"Hmm?" Bakit parang walang tao sa cottage?" Ang nag tatakang sambit ni Patrick at nung malapit na sya tsaka lumabas sila Vince na may dalang cake at si Dave naman ang may hawak ng bouquet of blue roses at kasama ang pamilya ni Kelly na nag surprise with confetti pa.
"Bayaw surprise…" Ang masayang sambit ni Keith at pinupulot ng mga bata yung confetti at itinatapon kay Patrick.
"Ba---Bakit may ganito? At Vince, Dave anong ginagawa nyo dito? Sinong nasa office ngayon?"
"Don't worry alam ni Ma'am May na nandine kami." Ang sagot naman ni Vince.
"Oo nga dude kaya mag enjoy ka lang dito." Ang sabi naman ni Dave at iniabot nya ang mga bulaklak kay Patrick.
"Pe—Pero…bakit may ganito kayo?"
Niyakap naman sya ni Jules at nag pa salamat "wa—walang anuman kuya pero hindi nyo naman na kailangang gawin ito."
"No, kulang pa nga ang mga ito para mag pa salamat sa pamilya mo."
"Nako, hindi po ayos lang hindi naman kayo iba."
"Pero si Kelly ang may sabi samin na ikaw raw mismo ang nag bayad ng mga naging bills namin ni Jules kaya maraming salamat talaga bro." Ang sabi naman ni Kian at sabay sila ni Jules na nag bigay ng gift kay Patrick.
"Hala! Bakit may ganito pa po? Hindi naman po kailangan nakakahiya."
"Wala yan tanggapin mo na kulang pa nga yan sa mga naitulong mo samin." Ang sabi naman ni Kevin.
Niyakap rin naman ni Jenny si Patrick at nag pa salamat "thankyou very much dear."
"Ah…he…he… welcome po."
"Mommy, tama na baka mamaya nasasakal niyo na si Patrick." Ang sabi ni Julian.
"Ah…sorry."
"Hi—Hindi naman po ayos lang ako."
Hinawakan naman ni Keilla ang mga kamay ni Patrick "wag mo sanang pag sasawaan na alagaan at intindihin si Kelly ako ng humihingi ng tawad kapag inaaway ka nya."
"Nako, hindi po Ma ayos lang sanay naman na po ako sa kaniya."
"Opo tita yun nga ang na gustuhan ni Patrick kay Kelly eh. Di ba no pre?" Ang sabi naman ni Dave kay Vince na siniko lang sya at di na umimik.
"Ha… Ha… Ha… tama po sya Ma kaya wag nyo pong alalahanin si Kelly dahil hindi ko po sya pag sasawaan na mahalin at alagaan tsaka…" napatingin naman sya sa mga kuya ni Kelly "cough… hindi rin naman po ako mapapatawad nila kuya kung may gawin akong mali o kasalanan kay Kelly."
"Aba dapat lang, hindi na apat ang kukuyog sayo ngayon dahil pito na kami." Ang sabi naman ni Keith.
"Tigilan mo nga yan anim lang tayo alam mo namang wala si kuya Flin." Ang sabi naman ni Kim.
"May way naman yun kaya included pa rin sya. Hehe…"
"Hey! Wag nyo nga syang takutin surprise nga natin ito sa kaniya tapos tinatakot nyo?" Ang bungad naman ni Kelly na may dalang hindi kalakihang blue na paper bag.
"Ho—Honey!" Ang pa gulat na sambit ni Patrick at inalalayan nya si Kelly "bakit nandito ka? Sabi ko sayo wag kang tatayo hindi ba masama ang pakiramdam mo?"
"It's a PRANK!" Anila.
"Prank?"
"Yep, kilala mo ko kailan naman ako nagkaroon ng motion sickness?"
"Ha? Pero… kanina nag suka ka pa."
"Normal lang naman yun sa mga buntis." Ang sabi ni Rica at sumangayon naman sa kaniya si Faith.
"Ahhh… iiyak na yan si tito Patrick." Ang sambit naman ni Jacob.
"Son!" Ang sabi naman sakaniya ng parents nya at inilabas ng cottage.
Nag sunod-sunod naman ang mga ito sa pag labas ng cottage para maka pag solo ang KelRick.
"Halika na!!!" Ang sabi ni Faith habang hawak-hawak ang tenga ni Keith dahil gusto pa nireng mag pa iwan.
"Sa—Sandali lang baka may kailangan pa si Kelly."
"Wala na pumarine ka na."
"A… Aray naman babe."
At natatawa naman ang KelRick sa pag alis nila Keith.
"So, ikaw ang may kagagawan ng mga ito? At hindi totoo na masama ang pakiramdam mo?" Ang tanong ni Patrick kay Kelly at na upo.
"Sus! Ito naman pero kaninang umaga oo masama talaga pakiramdam ko kasi nga may morning sickness pa rin ako. Pero wala akong motion sickness. Hehe.."
"Tsss…"
"Oh, sorry na hindi ko naman sinasadya na i-prank ka." At hinalikan nya si Patrick sa pisnge.
"Eiii… honey naman eh alam mo namang yan ang weakness ko eh."
"Tsss… baliw anyways, buksan mo na yang gift ko."
"Hmm? Ano ba kasi yan?"
"Buksan mo nalang kasi."
At pag bukas ni Patrick ng paper bag may nakita syang dalawang shoes na pang baby na kulay white.
"Hmm? Anong meron? Bakit dalawa?"
"Ewan ko."
"Honey naman… bakit nga? May…" napatigil naman sya at naisip nyang "wait, honey… are we having twins?"