"Oh My God!!! Twins?" Ang pa gulat at masayang masaya na sambit ng lahat at niyakap pa nila si Kelly na pinangungunahan ng mama Keilla at mga kuya nito.
"Kaya naman pala may pa surprise ka babysis congratulations sa inyo ni bayaw." Ang sabi naman ni Faith at nakiyakap rin nya si KelRick.
"Salamat ate." Ang sagot ni Kelly at ngumiti naman si Patrick na katatapos lang umiyak dahil sa ka galakan.
"Alam nyo na ba ang gender ng twins?" Ang sabi naman ni Jules.
"Hindi pa kuya pag ka 6months pa ata yun."
"Ohhh… I see sana gaya namin ni Julian parehas lalaki di ba Bro?"
"Hmm? Ah… Ako kahit ano basta healthy."
"Well, of course dapat lang talaga healthy kaya Kelly eat healthy foods from now on."
"Yes kuya."
"I'm happy na twins rin ang magiging anak mo iha. Pag may katanungan ka wag kang mahihiya okay?" Ang sabi naman ng tita Jenny nya.
"Salamat po tita."
Napansin naman ni Vince na nanahimik sila Kian "oh? Anyare sainyo? Bakit tila natahimik kayo mga kawsin."
"Hayaan mo na yang mga pinsan mo hindi nila matago ang kanilang ka galakan. Tignan mo na luluha na." Ang sabi naman ni Keilla.
"Ma!!!" Anila.
"Pffft… hahaha…daddy, mga uncle normal lang po na umiyak kaya sige na bagsak nyo na yan." Ang panunuksong sambit ni Jacob.
"HEH!" Anila.
Natatawa rin naman si Dave pero palihim "ano naman ang tinatawa tawa mo dyan?" Ang mahinang sambit naman ni Vince.
"Ah… wala naman inisip ko lang na kambal ang magiging anak nila Patrick natatawa na ko."
"Oh? Tapos?"
"Eh… naiimagine ko na kasi kung ano ang magiging sitwasyon ni Patrick. Hahahaha…"
"Bakit ano bang iniimagine mo?"
"Tignan mo kung si Kelly nga sakit na ng ulo ni Patrick tapos kambal pa magiging anak nila? Pre, riot sa bahay nila pag nagkataon."
Binatukan naman sya ni Vince "sira ulo! Baka nakakalimutan mong pinsan ako ni Kelly baka gusto mong isumbong kita sa kaniya ng mawalan ka ng trabaho."
"Ah… Ha… Ha… Ha… ikaw naman di na mabiro."
"Heh!"
Bumulong naman si Julian kay Wendy na nanahimik lang sa isang tabi "here, uminom ka muna." Binigyan nya ng bote na may tubig si Wendy.
"Ah… salamat."
"You okay?"
"Um. I'm good why you ask?"
"Out of curiosity lang para kasing wala ka sa mood simula nung dumating tayo dito."
"Ah… no, it's nothing I… I… to be honest nahihiya kasi ako."
"Hmm? Bakit naman?"
"Ehhh… kasi ang saya ng pamilya nyo then me… I was like I'm the newbie here."
"Don't say that… after all kinakapatid mo si Patrick right?"
"Um."
"Then friend ka ni Kelly and namin ni Jules kaya wag mong isipin na para naa-outplace ka samin."
"Sorry."
"It's okay basta wag mong isipin na mag isa ka lang dito hindi naman kami na ngangagat."
"Pffft… Silly."
Napalingon naman sa kanila si Jules at nakita nyang naka ngiti si Wendy habang kausap si Julian at ganoon rin ito dito.
"Bakit kasi hindi ka makisali." Ang bungad naman ni Faith at nagulat naman sa kaniya si Jules.
"Gosh! Ginulat mo ko."
"Hehe… sorry napansin ko kasing parang ang lalim ng iniisip mo."
"It's nothing."
"Sus… ganyan rin si Julian nung una syang dumating sa Dela Cruz Residence."
"What do you mean?"
"Siguro dahil kambal kayo kaya parang parehas kayo ng attitude sometimes."
"Well, were twins?"
"Sira! Sino ba namang hindi nakakaalam nun? Ang akin lang bakit ganyan kayo mag kapatid? Well, kahit yung mga kuya mo ganyan din minsan."
"Hmmm? I didn't get yah."
"Ganito nalang para hindi mahaba kayo kasing mag kakapatid may iba't ibang katangian pero may isang bagay kayo na pagkakatulad."
"What is it?"
"So close yet so far."
"Nani?"
"Ang ibig sabihin ko pare-pareho kayong torpe."
"What? No way!"
"Sus… don't me bro. Dahil ganyan rin ang kuya Keith mo well, not literally speaking but for some reason ganun kasi kayong mag kakapatid and that includes Kelly."
"Really? How did you know?"
"Alam ko lang kasi matagal na kong nasa mag Dela Cruz. Napansin kong kapag may isang bagay o tao silang gusto hindi nila sinasabi kinikimkim muna nila it's like kapag gusto mo yung pagkain na yon yung pakwan eh nauna ng kinuha ng kuya Kim mo ipauubaya mo nalang kasi nahihiya ka. Yun isa pa yon bukod sa mga torpe kayo mahiyain rin kayo at parang mag kaparehas lang naman di yun di ba? Mahiyain kayo sa isang bagay tapos torpe kayo sa tao."
"Ohhh… daebak."
"Daebak?"
"Means amazing like that..."
"Ohhh… Korean word."
"Yeah… recently kasi nahihilig ako sa kdrama nahawa na ko kay Wendy."
"So, you like her?"
"Maybe? But I think she like Julian."
"So… susuko ka na?"
"Hindi ko alam pero kasi ngayon ko nalang ulit nakitang masayang masaya si Julian kasama ang ibang tao bukod saming pamilya nya."
"Well, in that case wala na ko maipapayo sayo kung hindi ang sumuko ka na kung lalaban ka at ipagpatuloy mo kung aayaw ka na."
"Ha? Parang baliktad ata."
"Ganun talaga yon kapag sumuko ka na sa taong mahal mo lalaban ka parin sa buhay kasi masasaktan ka eh. Kaya laban lang! At kung aayaw ka naman ipagpatuloy mo lang ang buhay dahil hindi lang naman sya ang babae sa mundo."
"Ohhh… are you love guru?"
"Hahaha… hindi no! Experience lang bilang nakaka tatanda ako sayo at asawa ako ng kuya Keith mo kaya kailangan rin kitang bigyan ng payo."
"Hmm? You sounds like parang nag bigay ka na rin ng payo sa iba ah. Kasama ba dyan si Julian?"
"Nah really. But sabi ko sa kaniya kapag kailangan nya ko wag syang mahihiyang mag tanong o mag kwento sakin dahil I'm a good listener kahit hindi halata. Hehe…"
"Pwede bang ako rin?"
Inakbayan naman sya ni Faith at sinabing "oo naman were family here."
Ngumiti naman si Jules kay Faith at nakita yon ni Keith at medyo na bad mood sya kaya yung iniinom nyang softdrink na nasa can na lukot nya na parang papel at na pansin naman yon ni Kevin "ku—kuya? A—Ayos ka lang ba?"
Itinapon ni Keith sa basurahan yung can na kinupi nya "oo!" then he walked at nilagpasan nya lang si Faith na busy makipag usap kay Jules.
"O—Okay lang kaya talaga sya?"
"Sino ang okay lang?" Ang sabi naman ni Kim.
"Ah… wa—wala naman kuya…" Napansin naman nyang papaalis ng cottage sila Kelly at Patrick "oh, san sila pupunta?"
"Mag lalakad lakad lang daw na busog kasi si Kelly."
"Ahhh… oo nga baka ma impatso sya sa kabusugan sabi ko naman kasi mag hinay-hinay lang sa pagkain eh."
"Ayos lang after all tatlo silang nakain."
"Sabagay… pero hindi ko talaga akalain na magiging twins ang magiging anak nila."
"Hindi ba nya na banggit sayo?"
"Nope. Ni hindi ko nga alam na may result na pala yung ultra sound nya alam ko kasi parang bukas pa yon sigurado kinuntsaba nya si Dr. Jinzel."
"Alam mo naman yang si Kelly parating gusto eh may surpresa."
"Yeah…"
Habang nag lalakad lakad naman sila Kelly at Patrick sa may dalampasigan mag kahawak pa ang kanilang kamay "hindi mo alam kung gaano ako kasaya honey."
"Yah… namamawis nga ang kamay mo."
"Eii… kinikilig kasi ako."
"Hahaha… baliw ka. Pero ngayon ko lang nalaman na kapag kinikilig ka namamawis pala ang kamay mo?"
"Um. Ganun kasi ako pag sobrang saya o minsan naman kapag kinakabahan."
"Ah… pero yun naman eh namumula ang tenga mo kasi may kasamang pag sisinungaling."
Napakamot naman sa ulo nya itong si Patick na para bang nahihiya kasi hindi nya inaasahan na alam pala ni Kelly ang mga ganung bagay pa tungkol sa kaniya "yan, ganyan ka naman kapag nahihiya ka napapakamot ka sa ulo at hindi ka maka diretso ng tingin sa kausap mo."
"Ehe… hindi ko alam na observant ka pala. Pero ako rin may alam sayo."
"Sige nga ano naman?"
"Kapag napapakamot ka naman sa ilong mo ibig sabihin nun nag sisinungaling ka."
"Hahaha… sinong may sabi nyan sila kuya ba?"
"Hindi ah. Napansin ko yon sayo."
"Wow, so parati ko bang kinakamot ang ilong ko kapag kausap ka?"
"Ah… hindi naman siguro minsan pero madalas nung tayo eh college."
"Ohhh… I see."
"Pero, honey masaya talaga ko na magiging twins pala ang anak natin. Pero okay lang din naman sakin na kahit ilan basta healthy kayo ng magiging anak natin."
"Yah… pipilitin kong mag paka healthy para sayo at sa magiging anak natin. Pero may request sana ko sayo."
"Hmm? Sige kahit ano."
"Gusto ko sana kapag na nganganak ako wag kang sumama sa loob ng delivery room."
"Ha? Bakit naman? Pwede naman daw yun honey."
Binatukan naman sya ni Kelly "eh ayoko nga!"
"Ha? Bakit nga?!"
"Basta ayoko!"
"Ano? Para ka namang ano eh."
"Ah, basta kapag manganganak na ko ayokong nasa loob ka. Gusto ko mag intay ka lang sa magiging room namin ng mga anak natin."
"Pero bakit nga?"
"Basta!" at iniwan nya si Patrick.
"Honey!!!"
"Wag mo kong sundan! Nauuma ko sayo."
"Pero honey…"
***
Lumipas ang mga araw, buwan at hindi parin tinatantanan ni Patrick si Kelly dahil hindi parin sya sinasagot nito kung bakit ayaw nitong makasama sya sa delivery room.
"Ha? Bakit naman?" Ang sabi ni Aliyah at Mimay kay Kelly na bumisita sa bahay nila.
"Shhh… wag kayong maingay baka marinig kayo ng tukmol na yon."
"Pero dalawang buwan nalang at malapit na ang due date mo." Ang sabi naman ni Mimay.
"Oo nga kailangan mo talaga si Patrick sa tabi mo kapag manganganak ka na." Ang sabi naman ni Aliyah.
"Oo girl ako nga kahit anong uma ko nun kay Dave gusto ko paring nasa tabi ko sya nung na nganganak na ko."
"Si Vince naman napag usap na namin yun na mag kasama kami sa delivery room kaya wala namang naging problema samin."
"Bakit ba kasi ayaw mong isama si Patrick sa delivery room?"
"Don't tell me nahihiya ka?"
"No! Bakit naman ako mahihiya eh mag asawa naman na kami… ayoko lang na atakihin sya sa puso."
"What?" Ang pagulat na sambit nung dalawa.
"May hika sya at may maintenance medicine na kaya natatakot akong sa sobrang kaba nya baka antakihin sya sa puso may lahi pa naman ang pamilya nila ng ganun."
"Ohhh… yun pala ang dahilan." Anila.
"Um. Kaya nag mamatigas talaga ako sa kaniya na hindi sya sasama sakin kapag na nganganak na ko."
"Sa tingin mo ba kapag hindi mo sya sinama hindi sya aatakihin sa sobrang kaba kasi hindi ka nya nakikita habang na nganganak ka?" Ang bungad naman ni Kevin kaya na gulat sa kaniya si Kelly.
"Ku—Kuya…"