"Ring...Ring..." May biglang tumawag kay Patrick.
"Sandali lang sasagutin ko lang ito."
"Whatever."
"Wag ka ng mag selos si Manong Berto lang ito."
"Huh! Asa ka!"
"Ahahaha...ang cute mo talaga pag naasar."
Binato siya ni Kelly ng bola "Umalis ka nga sa harapan ko baliw!"
"Ahahaha...sige na sagutin ko lang ito."
"Heh!"
Pumunta siya sa isang gilid at sinagot "Hello po? Manong?"
"Sir, hinahanap na po tayo ng mommy niyo nasan na daw po tayo."
"Ha?"
"Hindi po ba niya kayo tinawagan? Yung iluluto niya po kasi."
"Ayyy...oo nga pala sorry manong pwede bang balikan nyo nalang kami dine kahit mga isang oras."
"Sir?"
"Iuwi niyo muna yang pinabibili ni mommy tapos sabihin niyo kasama ko na si Kelly kaya hindi yun magagalit pakisundo nalang po kami dine sa may kiddie playground after one hour."
"O---Oo sige susunduin ko nalang kayo Sir."
"Okay po salamat ingat kayo."
"Sige Sir kayo rin ingat."
"Oho."
Pagkatapos niyang makipag usap kay Manong Berto nakita niyang tuwang tuwa sila Kelly at Jacob na mag slide kaya kinuhanan niya ang dalawa ng picture "Ang cute nila." at habang kinukuhanan niya ng picture ang mga ito napatitig siya kay Kelly at sinabing "Ang ganda niya pag naka smile sana balang araw ako na ang magiging rason ng pag ngiti nya." Kinuhanan niya ng candid shot si Kelly at ginawa niyang wallpaper sa cellphone niya.
Samanatla tumigil muna yung dalawa ni Kelly at Jacob "Baby Siopao, nag usap raw kay ni tito Patrick? Ano naman ang napag usapan niyo?"
"Ho? Wala lang po yun usapang lalaki lang."
"Huh! Ano? Usapang lalaki?" pinisil niya ang pisnge ni Jacob "Baby, baka nalilimutan mo 5years old ka palang kaya walang ganyan ha! Nakakaloka ka!"
"Pero tita usapang lalaki nga po yun kahit naman ba 5years old lang ako eh still I'm a boy pa rin."
Pabulong bulong na naman si Kelly "Sigh...jusmiyo isa nga siyang Dela Cruz napaka pilosopo."
"Ano po yun?"
"Ha? Ang sabi ko bakit hindi mo ba pwedeng sabihin sakin ang napag usapan niyo ni tito Patrick?"
"Ahm...tita it's a matter of death situation po."
"Ano? Hahaha....ano gang siasabi mong bata ka?"
"Basta tita pag sinabi ko sainyo baka lalo ka lang ma-fall kay tito Patrick."
Tinakluban naman ka agad ni Kelly ang bibig ni Jacob "Shhh...baby ano ba yang sinasabi mo??? Baka marinig ka ng tukmol na yun."
"Mmm...mmm..."
"Sigh...wag mo kasing babanggitin yung ganun ha?" at tinangggal niya ang kamay niya kay Jacob.
"Opo sorry tita pero sabi ko na eh bet niyo na siya."
"Ha? Baby naman!"
"Hahahaha...don't worry wala naman po akong sinabi sakaniyang ikapapahamak niyo."
"Ano? Hindi na kamo kita maintindihang bata ka ano ba kasi ang napag usapan niyo?"
"Why bother?" Ang bungad naman ni Patrick at naupo sa tabi ni Jacob na kinagulat naman iyon ni Kelly "Ay kalabaw!!! Ano ba?! Ba---bakit ba pa bigla-bigla ka nalang na sulpot?"
"Haha...bakit ba parang tense ka diyan? Kalma ako lang to."
"Heh!"
"Na cu-curious po kasi si tita Kelly sa pinag usapan natin kanina eh sabi ko po usapang lalaki yon right tito Patrick?" Tinitigan niya si Patrick na para bang sinasabing umayon sa kaniyang mga sinabi "Ah? Oo nga usapang lalaki ay usapang lalaki no girls allowed."
"Tsss...bahala kayo hindi naman na ako interesado. Humph..."
"Talaga tita? Bakit parang galit yung tono ng pananalita niyo?"
"Ha? Hi---hindi naman kaya."
"Pero opo tita galit ka ba sakin?"
"No!!! Bakit naman ako magagalit sayo baka sa isa diyan pwede pa. Humph..."
"Luh! Bakit naman?"
"Oh? Bakit ka guilty di ko naman sinabing ikaw yun ah."
"Aba, sino pa? Eh tayo lang naman ang nandito."
"Anong tayo eh may mga staff dine."
"Sigh...ang hirap talagang manalo sa tita mo noh, baby?"
"Hmmm...medyo nga po."
"Baby naman!!!"
"Hehe...ahm...tita Kelly hindi po ba sabi niyo gagawin niyo akong model?"
"Model?"
"Oo yun kasi ang sabi ko sa kaniya kanina kukuhanan ko siya ng picture mahilig kasi siya mag maki IG sakin."
"Oh? Mahilig ka mag social media baby?"
"Um...pero wala po akong account pa dun kay daddy at kay tita Kelly lang ginagamit ko ang gaganda po kasi ng mga picture dun gusto ko din po maging photographer someday."
"Really? May camera ako sa bahay hindi ko na ginagamit gusto mo sayo nalang?"
"Nope, ayoko po."
"Bakit naman?"
"Una po, hindi po ako marunong gumamit nun sa cp lang po ako kumukuha ng pic at pangalawa po magagalit sakin sila daddy kapag may dala akong bagong bagay na hindi naman namin binili. At pangatlo po bakit naman bibigay niyo sakin ang gamit niyong di ginagamit? Hindi naman po tayo magka ano-ano tsaka sabi ko po sa inyo kanina hindi po dapat inaabuso ang mga taong mababait kaya no! At pang-apat si tita Kelly po ang magaling kumuha ng mga pics at hindi ako tinuturuan niya palang po ako at ang panglima at huli I'm not a pro I'm just kid."
Pinalakpakan naman si Jacob ni Kelly at hinalakan sa pisnge "I'm so proud of you baby."
"Hehe...thanks po Dela Cruz po ata ito."
"Yeahh... "
Napangiti nalang si Patrick at sinabing "Sigh...wala na kong masabi."
"Don't under estimate the Dela Cruz got it?"
"Yes Ma'am."
"Tse!"
"Hmmm...bakit di nalang po tayo mag groupfie?"
"Okay lang naman sakin pero pwede bang wag na nating isama yang isang yan baby?"
"Luh! Bakit naman? Baby yung tita Kelly mo binibully ako."
"Huh! Mukha mo!"
"Tita hindi po ba sabi niyo bad ang bully?"
"Pe---pero baby hindi ko naman siya binubully."
"Oo baby binubully niya ako." ang sabi ni Patrick na animo'y nag papaawa kay Jacob.
"Tigilan mo nga yan epal ka'y!"
"Baby oh! Yung tita mo."
"Sigh...ang hirap po talagang intindihin ng mga adults...ako nalang po ang kukuha ng pictures para wala ng away."
"No! Ako na nangako ako na ikaw ang magiging model ko ngayon di ba? Sige na awra ka na."
"Pero gusto ko po muna na mag groupfie tayo."
"Oh, groupfie daw tita."
"Tsss...Heh! Haist...okay, okay fine let's take some groupfie pero wag kang tatabi sakin buset!"
"Luh! Bakit naman ako tatabi sayo? Ayoko nga baka mapagkamalan pa tayong mag jowa." Ang pangiti ngiting sabi ni Patrick.
"Huh! Kapal!"
"Hep...tama na po yan." Hinila niya ang kamay nung dalawa at pumagitna siya "Okay, tito Patrick dahil mahaba naman ang braso niyo ikaw na mag pic."
"Ah? O---oo sige cp ko na rin ba ang gagamitin?"
"Hmmm...mukhang mas maganda naman ata ang cp nyo kay tita Kelly sige po sayo na."
"Hoy! Baby!!! Grabe ka sa cp ko."
"Pero tita latest version na cp yung kay tito Patrick mas magandang ikuha ng picture."
"Tsk...Oo na!"
"Okay, ready na 1...2...3...say baby..."
"Baby..."
"Hindi naman nakangiti si tita Kelly mo baby."
Tinignan ni Jacob yung pic "Tita Kelly naman eh!!!"
"Ah...eh...kasi..."
"Ayaw niya ata na mag groupfie tayo baby."
"Heh! Ang arte mo noh?!"
"Isa pa po...ngumiti ka na tita pag hindi ka ngumiti mag tatampo po ako sayo."
"Ha? O---oo sige baby sorry na."
Sumimple sya ng kurot kay Patrick "Ahhhhh..."
"Ano pong nangyayare sa inyo tito Patrick?"
"Ha? A----ano kasi..." napatingin siya kay Kelly at pinandilatan siya ng mata nito "Ha---ha---ha...ayos lang ako may langgam ata dito kinagat yung braso ko."
"Langgam po? Dito?"
"O---oo baby hayaan mo sasabihin mo sa mga staff dito na maglinis ng ayos para wala ng makagat na langgam."
Natawa naman ng palihim si Kelly "Tsss...ang lalaki kasi ng langgam dito grabe mangagat kala mo walang bukas."Dagdag pa ni Patrick.
"Malaki po? Pero wala naman akong nakikita." Naghanap nga ng langgam si Jacob.
"Pfft...baby, wag ka ng maghanap baka nag tago na yung langgam natakot siguro sayo."
"Eh?"
"Tsss..." Reaksyon naman ni Patrick.
"Lika na picture na tayo."
"Sige po."
At nag kuhanan na nga ng apicture yung tatlo at nag enjoy na si Kelly na mag groupfie sila at kinatuwa naman ito ni Patrick dahil para silang happy family at ganoon rin ang tingin nung dalawang babaeng staff "Ang cute nilang tignan no?"
"Oo nga eh para talaga nilang anak yung bata ang puti rin kasi ang pogi pa ang gandang lahi eh."
"Di nga kaya anak nila yung batang yon?"
"Sa tingin ko hindi naman 5years old na yung bata at si Ms. Kelly mukhang mga 18-20years old lang naman alangan naman 15years old na nganak na siya? Sobrang bata naman mukha namang edukada sya baka pamangkin niya lang yung bata o baka pamangkin ni Sir Patrick."
"Sabagay pero bagay sila noh?"
"Oo nga eh kanina nakita ko si Sir Patrick naka ngiti habang kinukuhanan ng picture si Ms. Kelly ng di nito alam."
"Oh? Mga kabataan talaga ngayon sumisimple eh no? Hehe...ang cute sarap maging teenager uli."
"Kaya nga ako'y hindi man lang nakaranas ng ganyan."
"Iba naman kasi ang generation natin pero ang swerte ni Ms. Kelly kung saka-sakaling siya ang magiging girlfriend o wife in the future ni Sir Patrick."
"Ba'y oo naman hayahay ang buhay ni ate girl."
"Pero sa tingin ko may kaya rin naman sa buhay si Ms. Kelly yung galawan niya ang elegante tapos yung mga suot niya aba mga branded."
"Oh? Nakita mo?"
"Oo kanina nung pag pasok nila dito alam mo naman ako tinitignan ko mula ulo hanggang paa."
"Oo nga pala hobby mo yon pero hindi ba may nabalita noong naging girlfriend na rin si Sir Patrick?"
"Hindi ko ata alam saan mo naman nabalitaan yon?"
"Narinig ko lang din ay parang nabasa ko sa newspaper di ba nga bigla siya nakilala ng madla nung nag take over siya kay Mr. Chairman."
"Ahhh...pero alam ko kaibigan niya lang din yung babae parang kapatid ng bestfriend niyang lalaki."
"Ohhhh...ganun pala pero sabi model raw yun eh."
"Eh, ganun naman talaga pag mayayaman mga nagugustohan eh mga model o kaya naman mga ka level nila sa buhay."
"Sabagay..."