webnovel

Kabanata 154

Sa kusina ng mga Santos,

Busy ang lahat ng kasambahay nila Patrick dahil tinutulungan si Mrs. Santos dahil ngayon nalang ulit ito nagluto matapos mawala si Paula "Madam, eto na po ang pinabibili niyo sorry po na late." Ang humahangos na sabi ni Manong Berto.

"Sige ho pakilagay nalang diyan wait, where is Patrick? Hindi ba at kasama mo siya?"

"Ah...eh...opo kanina kaso nag pa iwan po siya sa mall eh babalikan ko nalang po sila after one hour."

"Sila? Who's with Patrick?"

"Ahh...si Ms. Kelly po."

"Really?"

"Opo Madam nakita po kasi namin si Ms. Kelly sa mall."

"Ohhh...I see kaya nag pa iwan ang magaling kong anak doon?"

"Yes po."

"Ohhh...okay, sige sunduin mo sila pagkatapos kong magluto para okay na ang lahat hindi ako mapapahiya kay Kelly."

"Sige po Madam."

"Um...Manang Tina kamusta yung pork humba?"

"Ah...medyo maluluto na po."

"Kailangan maging masarap ang mga iluluto nating lahat dahil may importante tayong bisita. Okay?"

"Yes Madam." Ang tugon ng mga kasamabahay niya.

"Mommy?" Ang bungad naman ni May.

"Oh, dumating ka na pala ang kuya mo?"

"Nasa garahe pa po pero ano pong ginagawa niyo? At nasa kusina kayo? Manang Tina nilipat na ba ang kusina sa office ni mommy?"

"Ho? Ah...eh...hindi po."

"Silly! Kusina talaga natin ito gusto ko lang magluto."

"Oh my!!!" Hinawakan niya ka agad ang noo ng mommy niya at tinignan kung may lagnat "What are you doing?"

"Tinitignan ko lang po kung nilalagnat kayo pero hindi naman."

Napatawa naman yung mga kasambahay nila "Nako, Ma'am May hindi po nilalagnat si Madam may darating po kasing bisita kaya gusto niya siya mismo ang magluluto may iluluto nga po ang mommy niyo na kaniyang specialty na seafood paella." Ang sabi ni Ginggay isa sa mga kasambagay rin nila.

"What the F!?! Mommy sino ba yung bisita niyo? At talagang kayo'y na papunta ng kusina ng di oras?"

"Si Kelly."

"WHAT??? Si---Si Kelly? As in Kelly Ann Marie Dela Cruz? Na kaklase at nililigawan ni Patrick? Oh...shoot!"

"Wait, Patrick is wooing Kelly?"

"Ah...eh...Mom, don't tell that to my baby bro na sinabi ko sa inyo ha? Nadala lang po ako ng emoyson ko."

"Ano nga? Nililigawan niya nga si Kelly?"

"Ah...eh...opo yun ang sabi niya sakin eh matagal naman na rin niyang gusto si Kelly and I like her too."

"What? Are you lesbian?"

"No! Mommy naman! Don't get me wrong I mean I like her for Patrick kasi mabait at ang jolly niyang babae alam niyo ba nung time na kaaway namin ni Patrick si kuya ipinagtanggol niya ako dun."

"Oh? Anong ginawa niya?"

"Sinapak niya...hahahaha...she's really strong girl mom."

"What the!!!? Ginawa talaga yun ni Kelly?"

"Yes, mom I think Kelly knows martial arts nawalan nga ng malay noon si kuya eh.Ahahahaha..."

"Ano na naman ang kinukwento mo May?" Ang bungad na sabi ni Richmond nung dumating siya sa kusina.

"Ahahaha...na kwento ko kasi kay mommy yung ginawa sayo ni Kelly nung nawalan ka ng malay. Ahahahaha..."

"Insane!"

"Mwahahahaha...bakit totoo naman yun ah nahimatay ka sa isang sapak lang sayo ni Kelly. Pffft...ahahahaha..."

"May!!!"

"Ahahahaha...mommy oh."

"Hey, that's enough mamaya kung saan pa mapunta yan tigilan niyo na yan."

"Bleeeh...si kuya kasi."

"Heh! Pero mom, anong ginagawa niyo sa kusina?"

"Ahahaha...see mom kahit si kuya nagulat sa ginagawa niyo."

"Ahhh...kasi may pinagluluto ako."

"Who?"

"Wag niyong sabihin para ma-surprise si kuya mamaya."

"Ha? Bakit sino ba ang dadating?"

"Secret."

"Ano? Mom sino ang dadating?"

"Baka nga tama si May hindi ko muna sasabihin para ma-surprise ka."

"What? Mommy naman! Wag kayong nag papakinig diyan sa lukang si May."

"Pero, kahit ang daddy mo hindi naman alam kaya inatayin mo nalang."

"Nga naman kuya...hahahaha..."

"Tsss...bahala na nga kayo diyan aakyat na po muna ako sa kwarto ko tawagin niyo nalang ako pag andyan na yung sinasabi nyong "bwisetor" goodbye."

"Hey!!! Hindi siya bwisetor tignan natin kung hindi ka matameme pag nakita mo yung bisita ni mommy."

Habang naglalakad palayo "Whatever kahit sino pa yon wala akong pakialam!"

"Tsss...tignan lang natin. Humph..."

"Hayaan mo na ang kuya mo tulungan mo nalang ako dito."

"Sige po pero mommy paano nyo napapayag si Kelly na mag punta dito?"

"Ahhh...syempre I'm good at this."

"Talaga lang po ha? Feeling ko napilitan lang yun kasi nahihiya sa inyo pero ayos lang po sa inyo?"

"Ang alin?"

"Nakita niyo na siya di ba?"

"Oo, pati ng daddy mo nakita na rin si Kelly."

"Eh? Pati po si daddy?"

"Oo nung nag punta dito si Kelly at yung ibang mga kaklase nila ni Patrick."

"Ohhh...I see pero ano pong reaksyon niyo ni daddy?"

"Syempre nagulat."

"Well, ako rin naman po pero hindi ba kayo gagawa ng investigation?"

"Ha? Bakit naman?"

"A---ahm...Don't get me wrong mom but I know you pag may isang tao kayong gustong makilala o may tao kayong gustong pabantayan tatawagan niyo na agad ang mga kapit niyo. I mean yung mga pulis o investigator na kakilala niyo."

"Well, oo ginawa ko nga yun."

"I knew it and then?"

"Pero hindi ko na itinuloy."

"Po?"

"Oo dahil natapos na ng daddy mo."

"Huh! At nauna pa pala si daddy ngayon."

"Oo kasi siya yung na unang nakakita kay Kelly eh at hindi niya yun sinabi sakin nilihim niya nalaman ko lang kay Ben."

"Ahhh...sa assistant ni daddy na mas loyal pa sa inyo."

"Hehe...of course at nalaman kong may apat palang kapatid si Kelly? At patay na rin ang daddy niya na isang pulis."

"Opo at mom hindi siya si Paula natin okay? Siya si Kelly Ann Marie Dela Cruz na isang college student na kaklase ni baby bro kaya sana po...."

"Wag kang mag alala naka move on na ako hindi na ko gaya ng dati alam kong hindi siya ang bunso niyong kapatid na si Paula kaya wag kang mag alala wala akong gagawin kay Kelly."

"Wala naman po akong sinasabing may gagawin kayong masama kay Kelly ang akin lang po eh kilalanin nyo yung tao kung sino siya at hindi porket kamukha lang siya ni Paula."

"Yah...I know kaya nga halika na tumulong ka na magluto."

"Hehe...sige po ano pa po bang maitutulong ko?"

"Tulungan mo sila Manang Tina na mag chop ng mga ingredients."

"Nako, kaya na po namin ito Madam."

"No, manang gusto ko po talagang tumulong para kay future sister in law."

"Future sister in law?"

"Yes mom, ayaw niyo ba sa kaniya para kay baby bro?"

"Well, I like her naman ang sweet niyang bata at mukhang magkakasundo kami."

"Yeah...I think so too mom..."

Makalipas ang isang oras,

"Oh? Ang aga niyo atang umuwi mga tol." Ang sabi ni Kieth kila Kim at Kian.

"Maaga naman na tapos ang seminar eh tapos text si kuya'y pauwi na rin siya kaya sumabay na ko"

"Oo, pero nandiyan na ba sila Kelly at Jacob?"

"Wala pa bro."

"Ano? Maaga pa sila umalis ah."

"Kuya, 10am ang bukas ng mall at umalis naman sila eh 10:30am na hindi mo naman sila hinatid sa mall kanina diba? Sa may waiting shed lagn malay mo hindi sila nakasakay agad."

"Ahhh...kala ko hinatid mo na sa mall yung dalawa bro."

"Ah...hindi na eh sabi din kasi ni Kelly mag bus nalang daw sila eh malelate na din ako sa meeting ko kanina."

"Ohhh..." reaksyon nung dalawa.

"Eh...baka pauwi na rin yun magbihis na kayo at nag bake si Faith ng banana bread."

"Sige..."

"Teka ng at matawagan muna si Kelly."

"Kuya, anong oras lang oh 2pm? Maaga pa mamaya na hayaan mo muna siguradong nagyakag ang anak mo sa kiddie playground sa mall."

"Nga naman bro tama si Keith hayaan mo muna mag bonding yung mag tita."

"Pero kasi..."

"Mag bihis na muna kayo tsaka mo na siya tawagan."

"Tsk...siya sige, sige."

"Si Kevin wala pa?"

"Wala pa nasa DLRH yun baka gabihin na yon ng uwi."

"Ahhh..."

Samantala,

"Tita Kelly, bakit po tayo nandito?" Ang pabulong na sabi ni Jacob habang nakaupo katabi ni Kelly sa may hapagkainan nila Patrick.

"Shhh...wag kang maingay kila kuya ha? Nako, lagot ako dun."

"Pero tita di ba po bawal mag sinungaling?"

"Oo nga pero hindi naman ito bad na pag sisinungaling kakain lang naman tayo dito tapos uuwi na rin."

"Opo nga pero bad pa rin yun kasi hindi po tayo nag paalam kila Daddy ang paalam lang po natin eh mag mo-malling lang po tayo."

"Tsk...oo baby pero kasi kapag nag sabi ako kila kuya na pupunta dine hindi nila ako papayagan."

"Pero mali parin po na hindi tayo nag paalam kila Daddy."

"Baby, ibalato mo na ito kay tita promise last na ito hindi na mauulit hindi na tayo tatakas I mean ako hindi na ako tatakas."

"Sigh...sige na nga po pero dapat umuwi po agad tayo sabi kasi ni daddy sakin mabilis lang daw yung meeting niya eh baka nga po andun na yun satin."

Tumingin sa relo niya si Kelly at 1:16pm na noong mga oras na iyon "Oo nga eh andun na yun sigurado halos kasabay lang natin si kuya na umalis ng bahay eh."

"Opo."

"Kelly?" Ang bungad na sambit ni Richmond at Ricardo pagkarating nila ng dining area.

Napatayo naman si Kelly at bumati "Hello po sa inyo." Nagkatinginan naman yung dalawa at nagtataka.

"Oh? Ano ka ngayon kuya? Edi natameme ka ngayon. Pffft..." Ang sabi ni May na may dala-dalang pagkain kasabay si Mrs. Santos. "Halina kayo at kakain na nakakahiya kay Kelly at kay Jacob wag natin silang pag intayin."

"Ahh...nga pala dad, bro si Jacob nga po pala ang..." Hindi na naituloy ni Patrick ang sasabihin niya dahil he got interrupted by the two "What the?! MAY ANAK NA KAYO NI KELLY?" Anila.

"ANO?" Ang pagulat na sambit naman nila Patrick at Kelly.

次の章へ