Zia hated Xander so much sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil feeling nya isa itong mayabang, masungit at ungentleman na lalaki. Pero nabago ang lahat ng dumating si baby Ziggy. Ang angel ng kanilang buhay.
Nagising ako sa tunog ng aking alarm. Agad ko iyong pinatay at muling nahiga. "five more minutes!" anas ko habang nakatitig sa kisame. Makaraan ang ilang minuto na pakikipagtitigan sa kisame ay bumangon na ako. Naligo na at nagbihis. Inayos ko ang aking mga gamit, deretsong naglakad papunta sa kotse kong nakahanda na sa may gate.
Ganoon na lang palagi ang aking routine sa araw araw. Pagdating ko sa company ay dumiretso na ako sa aking opisina at ng makita ako ng aking secretarya ay sumunod na din ito.
Nakabili na rin sya ng aking agahan kaya naman isa isa na nya iyong nilalabas sa plastic at hinahanda sa mesa na nasa loob din ng office ko.
Malawak ang office ko, may sariling banyo, may sariling tulugan na sa tuwing ako ay gagabihin at ayaw ng umuwi ay doon na rin nagpapahinga. May sarili din akong closet na sa tuwing may biglaang meeting ay nakakapagbihis na agad, hindi na kailangan pang umuwi ng bahay.
"Ma'am, handa na po ang almusal nyo." aniya ng matapos na nitong ihanda ang almusal ko. may binigay syang kapiraso ng papel. Doon na nakasulat ang schedule ko sa maghapon.
"Thank you Mia, pwede ka ng bumalik sa desk mo." sagot ko ng makuha ko ang papel na inaabot nya.
Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang pangalan ng isang companya. 'Villanueva's corp.' Isang tao lang ang naiisip ko sa tuwing nababasa ko ang pangalan ng kompanyang ito. si Alexander Villanueva, ang antipatikong masungit at ungentleman.
Napasimangot ako ng mabasa ko iyon. Pinindot ko ang intercom at tinawag ang aking secretarya. Agad naman itong pumasok.
"Ma'am, may kailangan po kayo?" tanong niya.
"Paki cancel ang meeting ko sa villanueva's corp." agad kong sagot dito.
"Pero Ma'am, ang inyong Daddy ho ang nagutos sa akin na makipagkita kayo sa villanueva's corp. Ngaung araw."
"What?!" agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Kahit matagal nang nagretiro si Daddy ay palagi parin nyang pinapakealaman ang aking schedule. Naiinis ako dahil alam kong fixed na iyon at wala na akong magagawa pa. Ayaw kong suwayin ang utos ni Daddy kahit na ako na ang bagong CEO ng kumpanya. Hindi ko na tuloy magawang kumain ng umagahan dahil pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana.
Iniisip ko palang na makikita ko c Xander ay kumukulo na ang dugo ko. Of all the people in the world ay si Xander pa talaga ang nagustuhan ni Daddy para ipakasal sakin.
"okay, pakiligpit na yung breakfast ko. Hindi na ako kakain, make me a coffee instead." napabuntong hininga na lang ako.
Makalipas ang ilang oras, napatingin ako sa aking relo. 11:00am na pala. Kailangan ko ng maghanda dahil ang appointment ko sa villanueva's corp. ay 12nn, it was a lunch meeting, sa isang restaurant na malapit lang din dito sa kumpanya.
Inayos ko na lahat ng papeles at gamit ko. naglakad na ako papuntang parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ko. Dumeretso na ako sa restaurant.
Pagkarating ko roon ay pinark ko munang sasakyan ko. Pumasok na ako sa loob ng restaurant at palinga linga, ng mahagip ng mata ko ang hinahanap ko agad naman akong naglakad papalapit dito.
Nang makalapit na ako ay pinapakiramdaman ko kung magiging gentleman sya, pero bago pa ako manigas sa kinatatayuan ko ay umupo na ako. 'Bakit ka ba kasi nageexpect Patricia' bulong ng isip ko.
"So? Anong kailangan mo sakin at nagset ka pa ng meeting? Sa pagkakaalam ko, inaprobahan ko na lahat ng projects at proposals nyo samin." mataray kong sagot.
Hindi sya kumibo bagkus tinitigan na lamang ako. Makalipas ang ilang segundo, tinawag nya ang waiter at umorder ng pagkain. Binalingan ko sya at tinignan ng parang nagtatanong.
"What now?" tanong ko ng hindi pa rin ito sumagot sa tanong ko.
"Lets eat first before we talk." sagot nito ng wala man lang emosyong pinapakita.
Napatitig ako sakanya habang kami ay kumakain. Gwapo din pala ang lokong ito. Matangkad, makapal ang kilay, may mala tigreng mata na akala moy lalapain ka sa ano mang oras. Ang kanyang ilong na matangos, ang kanyang labi na mapupula, na parang ang sarap halikan.
Napatigil ako ng maramdaman kong parang naginit ang dalawa kong pisngi. Ano ba itong naiisip ko. 'erase erase' sabi ng utak ko.
Tumikhim naman ang nasa harapan ko, pakiramdam ko nababasa nito ang nasa utak ko. Nang matapos kaming kumain nagpapakiramdaman parin kami.
'Naiinis na ako, kapag hindi pa ito nagsalita ay aalis na ako.' Sambit ko sa utak ko.