webnovel

Chapter 18

Xander POV

Narinig ko ang usapan ng tatlong empleyado ko pero hindi ko na ito pinansin. Nagulat na lang ako nang biglang huminto si Zia sa paglalakad at pinuntahan ang tatlong empleyadong nagbubulungan.

Pagbalik nito nakapissed off na naman ang mukha. Natawa ako at nanggigil kaya kinurot ko ang pisngi nito. "Dont touch my face!" sabi nito. Hindi ko sya pinansin at inakbayan ko naman sya papasok sa opisina.

Pagpasok sa opisina agad naman nyang tinanggal ang kamay kong nakaakbay sa kanya. "sungit!" sabi ko pero nakangiti parin.

"Stay there" utos ko sakanya, sabay nguso sa sofa "i'll just check the documents then hatid na kita" sabi ko at dumeretso na sa mesa ko at inumpisahan na ang pagbuklat ng mga folders.

"okay" anas nito, pero naglibot libot lang ito sa office ko. Hinayaan ko na lang sya, siguro nag-aaliw lang para hindi sya mabored.

Masyadong natuon ang pansin ko sa mga files na nasa table ko, hindi ko na namalayang last folder na pala ang hawak ko. Tinapos ko na agad iyon at pinirmahan.

Inilibot ko ang mata ko, pero laking gulat ko ng hindi ko sya makita sa loob ng opisina ko.

"Zia?" tawag ko rito pero walang tugon akong narinig. Tinawagan ko ang secretarya ko sa intercom at tinanong kung lumabas ba si Zia pero hindi raw ito lumabas ng opisina ko. Chineck ko ang banyo pero wala sya doon.

Pagbukas ko sa kwartong nasa office ko ay nagulat ako ng makita si Zia na naroon sa kama nakahiga at tulog. Lumapit ako roon at umupo sa tabi nya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at parang naalimpungatan naman ito. Bumangon sya na pupungas pungas pa.

"Sarap ng tulog? Tulo laway ka na oh" sabi ko, binigyan ko din sya ng parang nandidiri looks sabay tawa.

Nataranta naman ito at agad na hinaplos ang gilid ng labi. Napagtanto naman nito na wala naman talagang tumulong laway kaya hinampas ako sa braso. Natawa naman ako at napangiti naman sya

"Are you done? Sorry nakatulog na ako dito" anas nito.

"It's okay, yeah i'm done. Let's go?" aya ko at tumango naman ito. Bahagya pang sinuklay ang buhok nitong mahaba at inayos ng kaunti ang dress nitong bahagyang nagusot mula sa pagkakahiga. Nauna na syang lumabas ng pinto.

Paglabas ng pinto ng office ay nakatingin na naman ang mga empleyado ko samin. Iniraan naman ang tingin ni Zia ang mga ito kaya bahagyang napayuko ang ibang empleyado lalo na ang tatlong babaeng nagbulungan kanina. Mukhang hindi pa ito nakakaget over sa nangyari kanina.

Pagkahatid ko sa kanya ay hindi ko na inabala pang ipasok sa parking lot ng loob ng bahay ang kotse ko. Balak kong ihahatid lang sana sa loob ng bahay si Zia at aalis na ako pero napansin agad ako ng daddy ni Zia na bagong dating din dahil kakababa lang nito mula sa sasakyan.

"Xander! let's go inside and let's have a cup of tea before you go. Kwentuhan muna tayo, matagal tagal na din tayong hindi naguusap iho" anas nito dahil nasa tapat lamang kami ng pinto ng kanilang bahay. Tumango ako bilang sagot.

"Hi dad!" bati ni Zia at humalik sa pisngi. Nauna ng pumasok si Zia, sumunod naman ang daddy nya, pagkapasok nila ay sumunod na din ako. Kabuntot naman ako ni Mr. Sandoval.

Nagpaalam naman si Zia para magpalit ng damit.

Nagtungo kami sa garden sa may likod, may isang set ng mesa at upuan. Doon kami pumwesto. Nakakarelax ang view dahil puro bulaklak at halaman ang nasa paligid.

Makalipas ang ilang sandaling katahimikan ay bumuntong hininga si Mr. Sandoval. "I just want you to take good care of my daughter Xander" sumimsim muna ng tea bago nagsalita ulit ito. "Nalulungkot akong iiwan ako ng anak ko para sumama sayo pero ito talaga ang realidad. Xander I want you to promise one thing" anas nito

"Say it Mr. Sandoval" anas ko

"Daddy na lang iho, since malapit na ang kasal nyo." bumuntong hininga muna ito bago pinagpatuloy ang pagsasalita "Patricia is a spoiled one but she manage to be more matured when her mom died. Pero kahit ganun hindi parin nawawala ang katigasan ng ulo nya. I want you to promise me na hindi mo iiwan ang anak ko kahit anong mangyari." at sumimsim ulit ito.

Ilang sandali pa akong nagisip bago ito sinagot. "Yes dad, i promise to take care of her. " napangiti naman ito saakin.

"Learn how to love her and give her time to love you. I know mamahalin nyo din ang isa't isa balang araw." seryosong nakatingin lamang ito sa kawalan.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "I really don't know my feelings for her right now. All i can tell you dad is were already okay and i hope this must be the beginning of our relationship. Hindi naman po siguro lingid sa kaalaman nyo na sa tuwing kami ay nagkikita ay lagi kaming nagaaway na parang aso at pusa. Laging nagbabangayan at parang hindi komportable sa isa't isa. But when i saw her last night laughing and having fun with my cousin oliver, i felt jealous kasi dapat ako yung dahilan ng pagtawa nya, dapat ako yung nagbibigay saya sakanya dahil ako ang mapapangasawa nya. Pero hindi eh, hindi ko yon magawa. Then i did something crazy last night even my own parents got so worried, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. I'm so damn stupid! Nagpadala ako sa selos ko so i dragged her out of the party and went to my room. I locker her up there and kiss her so harshly" kwento ko dito. Napayuko ako kasi nahihiya ako sa nagawa ko

"asside from kiss, did you--" pinutol ko ang sasabihin ni daddy.

"No! When i heard her crying, parang natauhan ako so i stop doing it. And im so thankful dahil sa pagiyak nya ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig kaya napigilan ko ang sarili ko at hanggang doon lang ang nagawa ko sakanya"

"it's okay iho. Sometimes nakakagawa talaga tayo ng hindi inaasahan dahil sa selos. I admit it, dahil naexperience ko na rin yan noon. But before you make actions dapat mong isipin ang mararamdaman ng partner mo." Napangiti ito at tinapik ako sa balikat.

Tumango tango naman ako bilang tugon sa sinabi nya at pilit na ngumiti. Mabait talaga si Mr. Sandoval.

"hey! Mukhang seryoso ang pinaguusapan nyo ah?" anas ng dalaga na bagong dating at umupo sa bakanteng upuan sa side ko. Napalingon naman kami sa kanya.

"not that much iha" sagot ni daddy.

"Kumain ka na ba dad?" tanong ni Zia. Past twelve na kasi ako natapos sa opisina. Nakalimutan ko nga pala syang yayaing kumain sa labas bago sya hinatid dito sa bahay nila.

"oo iha, tapos na ako maglunch. Ayain mo na yang si Xander baka gutom na din yan" anas ni daddy

"okay dad, lets go" sabay baling sakin. Tumayo naman ako agad at tumango kay dad bilang pag paalam ko sakanya. Tumango din ito bilang sagot sa akin.

"hindi mo man lang ako tinanong" bulong ko sakanya

"what for? alam kong gutom ka na, hwag ka na ngang maarte dyan" anas nito.

Nagtungo kami sa dining table nakaserve na ang pagkain, kaming dalawa lang ang kumain. Tahimik lang kami dalawa. Pagkatapos namin kumain niyaya nya ako sa sala.

"May advance wedding gift nga pala sina mommy satin" anas ko ng maalala ko.

"ano yun?" tanong nito

"trip to maldives, dun daw ang..." tumikhim muna ako.

"Ang ano?" tanonh nito ng hindi larin ako nagsalita.

"honeymoon" sabay yuko, nahiya naman ako.

Nanlaki ang mata nya na parang nagulat. "Really?" hindi makapaniwalang sambit nya.

"yeah. But if you dont want--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang pinutol.

"no! Ahm, i like it" anas nito, bakas sakanya ang excitement.

Napangiti naman ako ng makita kong nagustuhan nya ito.

"how many days?" tanong nito

"one week" sagot ko

"hmm. okay" anas nito

"by the way i have to go, thanks for the lunch" pagkasabi ko nun ay tumayo na ako.

Tumango sya "hatid na kita" sabi nito at naglakad na kami palabas ng bahay. Pagdating namin sa kotse ay pumihit naman ako paharap sakanya at ninakawan sya ng halik sa pisngi.

"Thank you, for being nice to me, kahit may ginawa akong hindi maganda sayo kagabi" anas ko. "and again i'm sorry " sabay yuko na parang inaamin kong kasalanan ko. Well kasalanan ko naman talaga, naging rude ako sakanya at nagpadala sa galit ko.

"its okay, forget about that." ngumiti ito "By the way if you need anything help for our wedding preparation don't hesitate to call me. Hmm?" nakangiting sabi niya.

Nagulat naman ako dahil sa akala ko ayaw nyang mainvolve doon. "Good to hear that you are now cooperating. But thanks anyway everything is settled and I can handle it, you don't have to worry. We only need your presence in our photoshoot that be held by next week. I'll just send you the details later " ibang Zia na nga siguro ang nakikita ko. Natutuwa ako sa pagbabago nito.

"okay, see you then. Drive safely!" sabay kaway nito sakin.

"okay gotta go" kumaway na din ako sakanya.

次の章へ