webnovel

Chapter 26: Celebrating her First Salary with Nathalie

Pagkatapos ng trabaho ay nagmamadaling umuwi si Jeanlie para makasama at makausap na ang matagal na hindi niya nakikita na kaibigan.Natawagan na din niya ang Mama niya na doon sila maghahapunan ng kaibigan niyang si Nathalie. At nagrequest siya sa kanyang Ina na magluto ito sa paborito niyang butter crabs at butter shrimps at paborito din ng kaibigan niya, dahil sa ngayon lang ulit sila magkasama na mag-kaibigan ay gusto niyang lumamon lang sila ng lomamon, pareho kasi silang matakaw. Ang napakaganda lang kasi, kahit anong kain ni Jeanlie ay hindi ito tumataba, hindi din lumalaki ang tiyan niya pagbusog.

****

Nagmamadali ng sumakay si Jeanlie ng jeep, sumaglit kasi siya sa malapitang bilihan ng cake, dahil gusto niyang magcelebrate kasama ang kaibigan niya sa unang sahod na natanggap niya kamakailan lang, dahil sa naging abala to sa buhay niya sa Manila, kaya ngayon,na nabigyan sila ng pagkakataon na magkasamang muling magkaibigan ay susulitin niya ito,pero sa pagkakataon nato ay siya ang manglilibre sa kaibigan, sa kauna unahang pagkakataon. Napangisi nalang si Jeanlie sa kanyang iniisip, habang nakasakay , ay nasa labas ng bintana ng jeep siya nakatingin at sinisimhot ang preskong hangin na sumasalubong sa kanyang mukha. Nahagilap sa kanyang paningin ang kanyang kuya na naglalakad na may mga kasamang lalaki na puro tatoo ang nasa mga katawan nito. Masaya pa itong naglalakad kasama ang mga kaibigan. Kaya minamadali niyang tinawagan ang numero ng kuya niya, para alamin kung nasaan ito, pero hindi ito sumagot, at nagpadala lang ito ng mensahi na di daw niya masagot ang tawag nito ,dahil sa nakacharge ang cellphone at nag-aaral daw ito para sa exam nito bukas. Nang makita ang text ng kuya niya ay agad dumilim ang kanyang paningin ,dahil sa kaba. Halatang nagsisinungaling ang kuya niya, dahil nakita lang niya ito ngayon na naglalakad ito kasama ang mga barkada. Kinakabahan na si Jeanlie, baka totoo yung nagchat sa kanya tungkol sa kuya niya na nagloloko lang ito sa pag-aaral. Biglang napatulo ang luha niya, kung saka- sakaling totoo ang kanyang duda ay nababahala siya sa Papa nila na subrang proud sa kuya niya at kahit ngayon ay pinagmamalaki na ng Papa niya sa mga kakilala nito na may Engineer na siya nextyear, dahil yun ang expected nila na mag graduate ang kuya niya. Wala siyang pakialam kung magbabarkada ang kuya niya dahil lalaki naman ito, basta ang importante sa kanya ay makapagtapos ito, dahil gusto lang niya na mapasaya ang Papa nila. At yun din ang tanging hiling ng mga magulang nila.

****

"Besh! natagalan ka ata, traffic ba? "Tinig ni Nathalie na nasa loob na ng kanilang bahay, na halatang kanina pa naghihitay sa kanya.

"Hindi naman besh, sumaglit lang kasi ako sa may bilihan ng cake, dahil ipagdiwang natin ang trabaho ko, at naglaan talaga ako ng pera galing sa una kong sahod para e libre kita for the first time. "Pakilig na sabi ni Jeanlie habang nilapag na niya ang dalang cake sa kanilang mesa, at napawow nalang siya ng makita ang paborito niyang pagkain na nakahain na sa kanilang mesa. "My God bigla akong nagutom, besh halika na at kakain na tayo ,gutom na gutom na ako eh. "Yaya ni Jeanlie sa kaibigan na abala sa pagbukas ng kahon sa dala niyang cake. "Talaga!Kanina pa nga ako takam na takam sa pagkain na hinahanda ni Tita eh, kung di ka pa nakauwi ngayon, malamang nauna na naman ako sa pagkain sayo, diko na talaga mapigilan ang nakakatakam na amoy sa luto ni Tita. "Paupo na sabi ni Nathalie at sabay sandok na nito ng kanin. "Anak nandyan kana pala. Sige na kumain na kayo jan, at antayin ko lang ang Papa mo, parating na din yun, kumuha pa kasi siya ng pera sa pinagtatrabahuan niya kasi nanghingi naman ang kuya mo para sa exam daw nila. "Sambit ni Aling Nina na nasa kusina. Natigilan si Jeanlie sa sinabi ng Ina, dahil naalala niya ang kanyang nakita kanina. Pero hindi nagpahalata si Jeanlie. "Ganun po ba ma?Pasenya na po di na ako makatayo dito sa mesa dahil sa nakakagutom ang niluto mo Mama, salamat po pala sa pagluto ng paborito kung ulam, at sigiraduhin mo lang Ma na madami kang sinaing na kanin ha. "Patawa na tugon sa ina habang papunta siya dito para mag mano. Tumawa lang ang kanya mama at sinabi na ,kahit daw ubusin nila ang sinaing niya eh. Kaya nagtatawanan nalang silang tatlo. At maya-maya ay dumating na ang kanilang Papa, kaya ay tumayo sila Jeanlie at Nathalie para salubungin ito at magmano, at agad namang sumunod ang Papa niya sa lamesa para ito ay kakain na din. Masaya silang kumakaing apat, dahil paborito din ng Papa niya ang kanilang ulam ngayon. Nag-uusap sila habang nakaupo pa sa hapag, na kakatapos lang nilang kumain. Naawa si Jeanlie sa Ama, kahit nakatawa ito ay kitang kita niya na may iniinda na sakit ang ama, kung kaya ay tinanung niya ito, pero tumanggi ang ama at okey lang daw siya, siguro ay pagod lang ito at inaantok na daw ito dahil sa busog, kung kaya ay nagtatawanan na naman sila. Tinulungan na nilang magkaibigan ang kanyang Ina sa pagligpit ng kanilang pinagkainan. At nagbulontaryo na si Nathalie na sila na lang daw ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila. Sinabi nalang nila na magpahinga na ang kanyang Ina, at sila na ang bahala sa pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan nila. Habang masaya silang naghuhugas ng pinggan ni Nathalie ay nasulyapan ni Jeanlie na seryosong nag-uusap ang kanyang mga magulang sa may sala. Naawa talaga siya sa mga magulang niya, kung sakaling hindi makapagtapos ang kuya niya sa susunod na taon. Dahil subrang subsuob sa trabaho ang ama niya. At alam niya na may iniinda na din itong sakit. Pero binabaliwala nalang muna niya ang iniisip at nagkukwentuhan nalang sila ni Nathalie, at kinukumusta niya ito sa mga lakad nito nung nakaraang araw na hindi sila nagkasama magkaibigan. Habang ang mga magulang niya ay masaya na nanunuod ng telebisyon. Kaya napatawa nalang si Jeanlie, dahil kasiyahan niya ang makitang masaya ang dalawang importanteng tao sa buhay niya, ang kanyang mga magulang.

次の章へ