webnovel

Chapter 27:Sleep over

"Hala besh kilig na kilig ako don ah! Pero besh seryosong usapan. Kahit pa sabihin ko sayo ngayon na huwag munang ipagpatuloy ang nararamdaman mo sa Sir Jethro na yan, eh kung gusto mo naman ,eh wala na akong magagawa don. Kasi kahit ano pang sabihin ng mga tao,nasa sayo parin ang desisyon. Basta payong kapatid lang besh, Ingatan mo ang sarili mo, huwag mong hayaan na mahulog ka sa maling tao. At kung ano man ang desisyon mo, nandito lang akong sumuporta at sasabunot sayo. "Patawa na sabi ni Nathalie kay Jeanlie. Sinabi kasi ni Jeanlie sa kaibigan ang lahat na nangyari,at lalong lalo na ang nararamdaman niya sa Boss niya.Ito lang kasing taong to ang masusumbungan niya sa lahat.Kung kaya ay bestfriend sila"Oo nga besh, pinilit ko talagang pigilan ang nararmdaman ko para sa kanya, pero parang nilalaro ako ng tadhana. Kagaya nalang bukas susunduin daw niya tayo para sabay na tayong pupunta sa event. "Tugon naman ni Jeanlie sa kaibigan habang nag-aayos na ito sa kanilang higaan"What?!!! bakit ngayon mulang sinabi? Hala matulog na tayo para pareho tayong fresh bukas. "Pabulalas na yaya ni Nathalie sa kanya para matulog. Nakangiti naman siya sa naging reaksyon ng kaibigan. Hanggang sa tahimik na silang dalawa na nakahiga sa kama. At biglang naalala ni Jeanlie ang kuya niya, at ang taong nagchat sa kanya tungkol dito. Napansin ni Nathalie na ang lalim ng iniisip ng kaibigan, tulala kasi itong nakahiga. "Hoy! besh anong iniisip mo? Huwag mong sabihin na hindi ka makakatulog sa kaiisip ni Sir Jethro. "Pasiko na tanung ni Nathalie kay Jeanlie. "Loka loka! Hindi oi. Nakita ko kasi si Kuya kanina, nung sumakay ako ng jeep pauwi dito. Para kasing mga adik yung kasamahan niya besh, puno ng tattoo ang mga katawan nito, at makakapal ang mga begote.At kanina din kasi may nagchat sa akin ,na nagloloko daw si Kuya sa pag-aaral nito. Ayokong maniwala besh.,pero kinukutuban ako. Wala akong pakialam kung ano ang pinag gagawa niya, basta lang tuparin niya ang pangako niya sa amin na makapagtapos siya next year, para may engineer na kami. Yan kasi ang inaasahan ni Papa eh. "Palungkot na tugon ni Jeanlie sa kaibigan."Besh, madami kaya ngayong nagloloko sa social media din baka yung nagchat sayo eh kaaway ng kuya mo sa team nila sa basketball, alam mo naman sikat ang team nila sa buong syudad ng skwelahan nila dba.? Huwag muna yang masyadong isipin besh, maniwala nalang tayo sa mga salita na binibitawan ni Kuya at sa mga pangako niya para sa inyo. Kaya matulog na tayo ha, kasi mag alas nyebe na ng gabi, ayokong haggard bukas, kasi ang gwapo pa naman ng susundo sa atin. "Madamdaming payo ni Nathalie hanggang sa naging pabiro na ito. Kung kaya ay nag-ngisihan nalang sila dalawa at agad ng pinatay ni Jeanlie ang ilaw ng kanyang kwarto, para matulog.

****

Maagang nagising ang dalawa, at naghanda na ito para sa event na pupuntahan nila.Hindi na naglagay ng pampaganda si Jeanlie sa mukha niya dahil pagdating niya sa location ay nandoon naman si Pula para ayusan siya. Pero yung kaibigan niya ay subrang abala sa pagpaganda, parang siya ang ambassadress ng mga Montenegro. Kaya nakatawa nalang si Jeanlie na nakaupo sa kanyang kama ,habang pinanuod ang kaibigan niya na panay sukat at hubad ng damit na susuotin niya ngayon,."Hoi babae ka, huwag mo akong tawanan nuh! baka naman kasi nandoon din ang the one ko. Ayey. "Pabirong sambit ni Nathalie habang nagsusukat ng damit sa harap ng salamin. Ngumisi nalang si Jeanlie. "Dali na kasi at mag aalmusal muna tayo, nakakahiya kung pagdating ni Sir Jethro ay maghihintay pa siya sa atin."Yaya niya sa kaibigan

"Hindi ako magbe- breakfast ngayon kasi fitting ang susuotin ko, baka subrang lolobo ang tiyan ko kung kakain pa ako. Ikaw nalang, kasi kahit anong lamon mo eh flat parin ang tummy mo. "Sagot ni Nathalie sa kanya. "Hoi! kumain ka, baka matagalan pa ang pananghalian doon, dahil madami daw program, baka himatayin ka don. "Pakunot na noo na sambit ni Jeanlie sa maarteng kaibigan. "Hay nako, may baon akong chokolate, yun nalang kakainin ko pag nakaramdam ako ng gutom. Alis na kasi kumain kana, para matapos na ako dito. "Pahila ni Nathalie kay Jeanlie papunta sa may pintuan. Kaya walang nagawa si Jeanlie, kundi umalis nalang at nagtungo sa kusina para kumain. Natutuwa talaga siya sa kanyang kaibigan.

Kaya subrang pasasalamat niya na si Nathalie ang naging bestfriend niya,kasi full package na ito. Pagkababa niya sa kusina ay agad niyang naabutan ang Papa niya na kumakain na ng umagahan, kung kaya ay tinawag siya nito. "Nak, halika na ,sabayan mo ako sa pagkain. Saan na si Nathalie? "Tanung ng Papa niya habang sumusubo na ito ng pagkain. "Hi Pa! ayaw niya daw kumain, baka daw lumaki ang tiyan niya.Umiiral na naman kasi ang kaartehan niya. Banggit ni Jeanlie na nakaupo na sa lamesa para kumain. Kung kaya ay napailing na lang ang kanyang Papa at tumatawa ito.Habang kumakain ay napansin ni Jeanlie na subrang tahimik ng Ama. "Pa, nasaan pala si Mama? Ay nandoon kina Sherlie, nanghiram muna ng pera para ipadala sa kuya mo, para daw kasi sa exam niya. Hindi kasi ako nakabali sa pinagtatrabahuan ko kagabi, dahil daw subra-subra na daw ang advance ko sa sahod ko. "Sagot naman ni Mang Ben, habang abala sa pagkain niya. "Ba't di po niyo ako sinabihan Pa? Huwag na kayong manghiram, may pera naman ako, subra na ito sa enrollment ko, at mag sasahod naman ako every 15 at 30."Tugon ni Jeanlie sa ama. "Huwag na anak, ipunin mo na lang yang sahod mo, para sayo yan. "Giit ni Mang Ben sa anak. Maya maya ay humahangos ang Mama niya papasok ng bahay nila, dahil medyo may kalayuan kasi ang bahay nila Sherlie na pagpahiraman nila ng pera. Kaya agad itong tinanung ng Papa niya kung nakahiram ba ito, pero malungkot itong umiiling. "Di bali, pakiusap ko ulit ang amo ko ngayon na babali ako".Sambit ng Papa niya na halatang nag-alala. Kung kaya ay walang imik na tumayo si Jeanlie papunta sa kwarto niya at kumuha ng Walong libo sa kanyang alkansya.

次の章へ