webnovel

Chapter 11

"Sige Yesha. Aasikasuhin ko muna ang ibang bisita na dumarating. Kumain ka nang marami, ha?"

"Yes, Mamita," sagot niya.

Hindi niya alam kung magtataka ba siya nang mapansin wala ng kabakas-bakas ng lungkot ang mukha nito na tila isang maskarang bigla na lang natanggal.

"Ken, 'wag mong gugutumin si Yesha. Kung hindi, lagot ka sa Papsy mo!" bilin pa ni Mamita. "Halika na, mga amiga."

"Bakit naman nadamay si Papsy? natatawang sagot ni Ken bago tuluyang makalayo ang tatlong matanda. "Sorry, Yesha. Dumating kasi ang mga pinsan ko galing Amerika. Hindi ko alam kay Mommy kung bakit kailangan pa ako iharap sa mga 'yon. Feeling ko, bilin lang ni Mamita 'yon para masolo ka nila ng mga amiga niya. Okay ka lang ba? Wala naman siyang sinabi na kahit ano sa'yo?

"W-Wala naman. Nagkwento lang siya tungkol kay Papsy?" patanong na sagot niya habang kasabay itong naglakad papunta sa mahabang mesa kung nasaan ang mga pagkain. May kung anong kaba na siyang nararamdaman ngayon dahil sa mga bagay na naglalaro sa isip niya. Lalo na nang sabihin ni Ken na gusto siyang masolo ni Mamita.

"Ah, si Papsy, oo. It's been a year nang huli kaming magkita. Sayang nga at hindi siya nakasama ngayon sa Maynila.

"A year?" nagtatakang ulit niya.

"Oo, last year kami huling nagkita. Why?

"Ang sabi kasi sa Mamita mo, almost five years na kayong hindi nagkikita ni Papsy. Naiyak pa nga siya kanina."

"Si Mamita talaga ang hilig pa rin um-acting. Dati kasi siyang stage actress kaya hanggang sa pagkukuwento nagdadrama pa rin."

"She invited me sa second birthday celebration niya sa probinsya ninyo para makilala na rin si Papsy."

Napahinto si paglalakad si Ken at napaharap sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito na tila naghahalo ang pag-aalala at pagpigil ng tawa.

"And i know tumanggi ka, right?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago sinalubong ang tingin nito. Bakit parang may mali sa sinagot niya kay Mamita kanina. Parang may mangyayari na hindi niya magugustuhan.

"Oh, shoot!"

"Sumunod ka agad, ha? Remember, ang alam nina Papa at Mama, kasama kita sa Cebu!" sabi ni Yesha kay Kalix.

Tuluyan na niyang hindi nabawi ang pangako niya kay Mamita na dadalaw sila ni Ken sa probinsya para sa second birthday celebration nito. Akalain ba naman niya na sa Cebu pala ang probinsiyang tinutukoy ng matanda na nauna at excited nang umuwi para daw maihanda ang kwartong tutuluyan nila ni Ken.

"Promise, once na ma-close ko lang ang deal sa isang client namin susunod na agad ako sa inyo."

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya napasok sa ganoong sitwasyon. Oo, gwapo at hot talaga si Ken pero hindi niya pa rin ipagpapalit si Kalix kahit anong mangyari. NEVER!.

"Ako ng bahala sa kanya, bro. Don't worry. Alam mo naman kung paano ako mag-alaga, 'di ba?"

Bigla niyang tinaasan ng kilay si Ken sa sinabi nito habang iniisip kung ano kayang klaseng pag-aalaga ang ginawa nito kay Kalix noon sa Kuwait.

"Joke lang!" natatawang sabi ni Ken. "Basta, Kalix, I'll take care of her habang wala ka pa. Promise."

"Dapat lang, Ken. Aalis si Yesha rito sa Maynila nang buo at dapat hinding-hindi ko siya makikitaan ni pantal sa braso. Kung hindi, alam mo na," nakangiting bilin ni Kalix bago muling hinarap si Yesha at niyakap. "Thank you Yesha. Ang dami ko nang utang sa'yo. Babawi ako pagkatapos ng lahat ng 'to. Ihahanap na talaga kita ng boylet para hindi ka na lonely. Pero charot lang 'yon, syempre. Mauuna muna dapat ako na magka-boylet sa 'yo. Basta babawi ako kapag natapos na ang lahat ng 'to.

Napangiti na siya nang makulong nang mahigpit sa mga bisig ni Kalix. May nabubuo na namang plano tuloy sa isip niya—kung paano niya ito pipikutin pagkatapos ng lahat ng pagpapanggap na ginagawa nila ni Ken ngayon para wala na talaga itong kawala sa kanya.

Tumikhim si Ken. "I think we should go at baka maiwan na kami ni Yesha sa eroplano."

Napataas ulit ang kilay niya sa sinabing 'yon ni Ken. Kahit kailan talaga ay kontrabida ito. Inilayo na niya ang katawan mula kay Kalix bago inayos ang kwelyo nitong bahagyang nagulo.

"Yong vitamins mo, nasa beside table mo. 'Wag mo kakalimutang inumin 'yon, okay? Pinakialaman ko na rin ang cellphone mo at alarms to make sure na wala kang vitamins na makakalimutan. Masyado ka nang puyat lately dahil sa trabaho mo. Expect for my text message, okay?"

"Yes, Ma'am." sagot ni Kalix kasabay ng pagkurot ng tungki ng ilong niya.

"Bye," nakangiting paalam niya na humalik sa pisngi nito bago sumunod kay Ken. Gustong-gusto niyang ma-excite dahil first time niyang makarating sa Cebu pero tuwing maiisip na hindi niya kasama si Kalix at ang karibal na si Ken ang makakasama niya ay napapalitan ng inis ang nararamdaman niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

次の章へ