"First time mo?" tanong ni Ken nang makaupo na sila sa loob at maramdaman na nagsimula nang mabuhay ang makina ng eroplanong sinasakyan.
Kunwa'y hindi niya narinig ang tanong ni Ken. Halata ba talagang first time niyang sumakay ng eroplano?.
"Don't worry, Yesha."
Napalunok siya at hindi kaagad nakakilos nang hawakan ni Ken ang kamay niya.
"Sabi ko naman, 'di ba, ako ng bahala sa'yo," sabi ni Ken. Ikinulong nito ang mukha niya sa sariling mga palad.
Para naman siyang robot na nahipnotismong nakipagtitigan sa gwapong beking kausap.
"Kung hindi ka komportable sa mga ginagawa ko ngayon, isipin mo na lang, na ako si Kalix. Para kahit paano ay maging komportable kang kasama ako," mahina pero malinaw na sabi ni Ken na may ngiti sa mga labi.
Hindi naman sa hindi siya komportable sa tabi ni Ken o sa ginagawa nito. May mga oras lang talaga na dahil sa sweetness na ipinapakita nito ay may kung anong kakaibang tibok ang nangyayari sa puso niya na hindi niya maintindihan. Kabang kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa tabi ni Kalix.
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya bago sumandal at umayos ng upo. Maya-maya, naramdaman niya ang kamay ni Ken na humawak sa kamay niya bago niya nagawang ipikit ang mga mata. At kasabay ng tuluyang pag-andar ng eroplanong sinasakyan nila ay ang pagtatanim niya sa isipan na ngayon lang naman ito mangyayari habang nagpapanggap sila ni Ken na magkasintahan. Kaya sasakyan na lamang niya ang mga ginagawa nito at babalewalain ang kung ano mang nagpapagulo sa isip at damdamin niya mula ng araw na magkadikit ang mga labi nilang dalawa.
Kung paanong namangha si Yesha sa hotel kung saan idinaos ang 80th birthday ni Mamita sa Tagaytay ay triple yata ang pagkamanghang naramdaman niya ngayon nang makarating sa bahay nina Ken sa Cebu. Hindi na 'yon bahay, actually, kung hindi isang mansion.
"Yesha! Ken!" masayang salubong ni Mamita sa pagpasok nila. Kaagad silang niyakap at hinalikan sa pisngi ng ginang. "Papsy, nandito na ang magdadala ng apelyido mo. Si Yesha."
"Good evening po," nakangiting bati niya sa pinakilalang matanda na halos kaedaran lang ni Mamita. Halata rin sa mukha nito ang pagiging masayahing matanda.
"Ikaw pala ang napili ng apo ko. Magaling…" nakangiting sabi ni Papsy. Kahit marami itong wrinkles sa mukha ay bakas pa rin ang pagiging magandang lalaki noong kabataan nito.
"Po?"
"Magaling pumili ang apo ko ng babaeng mapapangasawa niya'" sagot ni Papsy bago tumingin kay Ken. "Talagang sinigurado mo, Ken, na gwapo ang magiging Ken Refariz IV, ha?"
"Syempre, Papsy. Alam mo anmang nagmana ako sa 'yo'" natatawang sagot naman ni Ken.
Nagtataka na siya sa ikinikilos ni Ken. Para bang napakanatural lamang nito kung umarte. Marahil, nag-teatro din ito kagayani Mamita.
"Papsy, naman. Halos lumuhod na nga ako sa parents ni Yesha para maisama ko siya rito. Saka bago ako umalis do'n, tinutukan ako ng baril ng Papa niya at pinagbilinan na iuwi nang buo ang unica hija nila. Alam mo naming monster ako kapag may kasama sa kwarto,"pabirong sagot ni Ken.
"Nagbibiro lang din naman ako" natatawang sagot ni Papsy. "Sige na, Ken. Ihatid mo na si Yesha sa kwarto niya at nang makapagpahinga na kayo. Malalim na ang gabi. Kung bakit naman kasi ganitong oras sa ninyo naisipang umuwi.
"Para masarap ang tulog sa byahe, Papsy," sagot ni Ken bago hinawakan ang kamay ni Yesha. "Let's go."
"Sige po, Mamita, Papsy…" paalam naman ni Yesha sa dalawang matanda.
"Pasensya ka na sa lolo ko. Palabiro lang talaga 'yon, parang ako," sabi ni Ken.
"Halata nga na may pinagmanahan ka," nakangiting sagot niya.
Ngayon, nagsisismula nang manghinayang si Yesha sa lahi ni Ken. Para din pala itong si Kalix na pinaghihinayangan ng maraming babae. Pero hindi, iba si Kalix kay Ken. Magkaiba silang dalawa kaya dapat ay hindi niya pinagkukumpara ang dalawa.
"Here's your room, baby. As far as I know, kumpleto na rin ang mga damit d'yan sa loob ng CR. Ay wait lang, kulang pa ata ang unan sa bed mo. Kukuha lang ako," sabi ni Ken bago lumabas.
Iniliboyt naman niya ang tingin sa buong kwarto na may sariling CR. Malaki rin naman ang kwarto niya sa bahay nila pero dinoble yata ang laki n'on sa magiging kwarto niya sa gabing ito.
"Lylia, ako na'ng maghahatid ng mga 'yan," narinig ni Yesha ang sinabi ni Ken sa labas ng kwarto.
Kung hindi siya nagkakamali, si Lylia ang pinakamatagal nilang katulong dito sa mansyon. Naikwento 'yon ni Ken sa kanya kanina.
Lumayo siya sa may pinto at nagkunwaring may inaayos sa isa sa mga bag na dala. Ilang saglit lang, narinig na niya ang marahang katok sa pinto ni Ken. At bago pa niya 'yon nabuksan, sumilip na ito dala-dala ang malaking unan at isa pang kumot.
"Nabanggit kasi ni Kalix na grabe ka raw mang-agaw ng unan kapag tulog na kayo, kaya heto ang mga extra na unan."
Napangiti siya nang mapansing hirap na hirap si Ken sa pagdala ng malaking unan bago 'yon tuluyang ibinaba sa malambot na kama. Hindi niya maiwasang matuwa na kahit ang maliit na bagay na 'yon ay natatandaan pa ng gwapong beki.
"Sobrang dami naman n'yan, baka mahulog na ako sa kama sa sobrang laki ng mga unan."
"Hindi mo naman kailangan gamit lahat. 'Yong iba, kahit ilagay mo na lang sa may dalawang gilid ng kama mo. Para if ever na mahulog ka, hindi ka masaktan."
"Hugot, ah?!" banat ni Yesha sabay tawa. Unti-unti na rin nawawala ang inis niya sa beking ito. Marahil ay dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya ngayon. Hindi kasi siya sanay na siya ang inaasikaso. Sa kanilang dalawa ni Kalix, mas sanay siya na siya ang nag-aasikaso. "Thank you, Ken."
"You're welcome, baby-- I mean, Yesha. Basta kapag may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako. Katok ka lang or text mo na lang ako para hindi ka na lumabas. Hindi pa naman ako matutulog agad," sabi nito.
"Sure, I will"
"Okay, so I'm leaving. Good night, baby--I-I mean, Yesha."
Saglit niyang kinagat ang pang-ibababang labi upang mapigilan ang malaking ngiting nais mamutawi. Kung kilig ang naramdaman niya ngayon, hindi siya sigurado. Pero sobrang napapagaan na ni Ken ang pakiramdam niya sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.
"Good night, baby," muling sabi ni Ken na nakalabas na ang katawan at ulo na lang ang nakalitaw sa may pinto. "Practice lang."
"Good night…Baby."
Nakita niya ang pagguhit ng malaking ngiti sa mga labi ni Ken dahil sa huling salita.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)