webnovel

Chapter 9: Dylan's move

Justin Klyde's POV

Three weeks na din na bukang bibig ni Dylan si Mira magmula ng makita namin siya sa may coffee shop malapit sa village namin. Oo yung tourism student na kinahuhumalingan netong bespren ko. And today, balak niya ng manligaw. As usual damay ako sa pakulo niya. Ako lang naman ang nag ayos ng venue kung saan sila magdedate. Inuto pa ako na kesyo daw magaling ako pagdating sa ganitong bagay. Duh? As if naman nagkajowa na ako para maging bihasa sa pagseset up ng ganito.

Nagulat nalang ako ng may tumabig sa akin.

"Ano na? Galaw galaw."

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko ha?" saka ako umirap sa kanya.

"Basta bilisan mo. Oh maiwan na kita susunduin ko pa yung babaeng pinakamamahal ko." 

"Pinakmamahal daw. Kala mo naman sasagutin na." bulong ko.

"Ano? Anong sabi mo? Gusto mong magkwento ako dun sa crush mo na crush mo siya?" 

"To naman niloloko ka lang eh." Hays sa di malamang kadahilanan ay medyo nagiging close na tong mokong na to kay Miggy. Paano? Naalala niyo pa nung una akong tumuntong sa bahay nila Miggy? Aba'y itong butihin kong bespren eh sinundo ako dun with the help of Paul ofcourse since hindi alam ni Dylan ang way. Malay ko bang mabilis silang naging komportable sa isa't isa at twing makakasalubong namin si Miggy eh may fist bump pa silang nalalaman. Imba.

"Madali ka naman palang kausap eh."

"Oh sige na lumayas ka na. Ingat sa byahe. Tanga ka pa naman." Pagpapaala ko. Sinuklian lang niya ako ng masamang tingin.

Ilang minuto ng makaalis si Dylan ay pinagpapatuloy ko pa din ang pagdedecorate ng tree house nila. Oo may pinatayong tree house si Tito Dennis sa bakuran nila. Dito rin kame halos tumambay ni Dylan nung highschool kame lalo na kapag walang pasok.

"Oy Justin bumaba ka muna dito at magmerienda. Aba'y kanina ka pa dyan nag aayos. Mag aalasingko na." Ang biglang pagtawag sa akin ni Tita Margie.

Tumingin ako sa orasan at napansin ko nga rin na mag aalasingko na. Ilang oras na din pala talaga akong nagdedecorate dito.

"Salamat po Tita." saka ko tinungga yung juice pagkababa ko.

"Mukhang may nakabighani na naman sa puso ng anak ko." 

"Hehe oo nga po Tita. Kaya nga po di magkanda ugaga sa pagpeprepare netong date nila." sagot ko saka ko naman nilantakan yung turon.

"Mabuti nga kamo at nandyan ka. Eh kung si Dylan lang ang mag aasikaso niyan ay baka mapraning na yun dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula." natawa nalang ako sa nasabi ni Tita.

"Oh siya tapusin mo na yun at baka hanapin ka na rin sa inyo."

"Nako Tita hindi yan at saka kapag hinanap naman ako sisigaw lang si Mother Earth dyan sa bakuran namin." sagot ko na ikinatawa ni Tita.  

"Oh siya siya ipapasok ko na to." Nginitian ko nalang si Tita saka tumango at umakyat na ulit sa tree house para ituloy ang ginagawa ko.

***

"Oh Tin ano okay na ba lahat?" ang bungad ni Dylan sa akin over the phone.

"Opo boss ayus na. Umuwi na pala ako kase magseseven na nung natapos ako. Sumisigaw na si Inang Reyna kanina."

"Sige sige salamat Justin. Labyu! Mwah." Napairap nalang ako saka ko inend yung call.

"Nak kakain na!" tawag ni Mama sa akin mula sa baba.

"Opo Ma andyan na po."  sagot ko.

Matapos kumain at maghugas ng pinagkainan ay naisipan ko na ring bumalik agad sa kwarto since hindi ko trip manuod ng tv ngayon. Busy akong nag-iscroll sa phone ko ng marinig ko ang mga tawanan sa kabilang bahay. Bahay nila Dylan.

Saglit akong sumulyap sa may terrace at dun ko nakita ang kasweetan ng dalawang tao. If I were to describe Mira, she is really pretty. Hindi ko pa man siya namimeet at nakakausap ay masasabi kong isa siyang mabuting babae. I'm not saying na yung ibang babae ay masama talaga ha? I mean belong siya sa mga babae na simple, walang arte sa katawan at yung mga busilak ang puso. Ganern. Haha. And besides, mula sa mga kwentong binabahagi sa akin ni Dylan ay masasabi ko na pasado siya sa akin.

I remember the time Dylan got dumped by a girl. Iyak siya ng iyak nun sa akin kase mahal na mahal niya talaga tapos iiwanan lang siya. And looking at him now makes me happy. Iba yung ngiti niya ngayon. Alam mo yung ngiting nakakahawa? Yung kapag nginititan ka niya pati problema mo mawawala? He really is having fun right now. And I'm thanking this girl for making Dylan smile once again.

Sana naman siya na talaga ang ibigay ni Lord sa kanya. Kase nagsasawa na akong makinig sa madrama niyang kwento kapag nahaheartbroken siya eh. Hahaha echos lang.

Habang busy akong nanunuod sa dalawang lovebirds na ito ay siya namang paglingon ni Dylan sa direksyon ko. Natunugan atang may nanunuod sa kanila. Talk about animal instict. Pag narinig niya na naman yang animal instict na yan nako patay na naman ako. Hindi naman daw siya hayop. Hahaha. So ayun nga sa paglingon ng lolo mo ay siya namang bitaw niya ng matamis na ngiti. Hindi ito ang typical na ngiti ng unggoy na to. Hindi siya yung ngiting nakakaloko. Kung baga ito yung ngiting genuine.

Nginitian ko lang din siya. Then he mouthed 'thank you.'

I don't know how to describe it pero I thought there is something struck my chest after he said that. Weird.

I just gave him a thumbs up to divert the situation and entered my room. Gosh. What the pak is happening?

Dylan Rafael's POV

Problema ng bansot na yun. Bigla biglang natulala nagthank you lang naman ako.

"Oh okay ka lang?" Sita ng magandang binibi sa aking harapan.

"Ah oo. Yung bespren kong bansot kase eh nakikinuod sa atin tapos nahuli ko. Nag thank you ako tapos biglang akala mo nakakita ng multo. Ako lang naman to. Nakakabigla na ba yung kagwapuhan ko?"

"Hahahaha ewan ko sayo. Baka nagulat lang kase nagte-thank you ka."

"Lagi naman akong nagpapasalamat. Sadyang weird lang yun o kaya napogian sa akin ngayong gabi." Sabi ko na ikinatawa niya ulit.

"Hahaha ang hangin pala dito no?" Pabirong sabi niya. Natawa nalang din ako.

"Salamat nga pala."

"Para saan naman?" Ang takang tanong niya saka ininom yung strawberry shake niya.

"Sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon dito sa bahay."

"Well, wala naman akong nakikitang dahilan para di pumayag. Di mo naman siguro ako gagawan ng masama diba? Kase alam mo na ang mangyayari sayo pag nagkataon." Pagbabanta niya na ikinatawa ko na naman. One time kase nakwento niya na nag aaral siya ng martial arts. Kaya  nga isang maling galaw mo alam mo na. And besides wala naman akong balak na gawin sa kanyang masama. Kase ang tulad niya ay dapat minamahal at pinagsisilbihan. Ang cheesy putek haha.

"Close talaga kayo ng bestfriend mo no?" Ang pag iiba niya sa usapan.

"Hmm. Oo. Since highschool eh magkaibigan na talaga kame. Well, kung mapapansin mo hindi nga lang kame yung typical na magkaibigan."

"Nu ka ba, astig nga ng ganun eh. Saka wala namang issue sa ganyan ako nga may kaibigan ding tibo." Sagot niya.

"Talaga? Eh kung iset din natin ng date yung dalawa?" Suhestyon ko.

"Ay gusto ko yan. Single din naman yung kaibigan ko." Saka kame sabay na natawa.

"Kapag free time mo papakilala ko sayo yung bespren ko. You'll surely like him. Kalog kalog din yun. Masungit lang minsan. Hahahaha."

"Sure. Mukha naman talagang mabait yung kaibigan mo. Hindi naman yung mag aaksaya ng panahon at oras na pagandahin pa lalo itong tree house niyo diba?" Sagot niya.

"Sinabi mo pa. Maasahan talaga lagi yun."

"Pero no offense ha, hindi man lang ba nagkagusto sayo si Justin?" Tanong niya.

"Hmm? ba't mo naman nasabi?"

"Well, sabi nga nila sa magbestfriend the other one is secretly inlove dun sa isa."

"Oh? Ngayon ko lang nalaman yun ah."

"Haha. Basa basa din kase at tanong tanong kay google." Sabi niya. Hindi naman kase ako curious na tao so hindi ko iniisip yung ganung bagay.

"Mukhang wala naman. Tinatanong ko din naman siya minsan about dun, more on inaasar pala. Wala naman daw. So chill lang kame. Hahahaha." Sabi ko.

"What if one day malaman mong may gusto sayo ang kaibigan mo? Ako kase ganun dati sa kaibigan kong lalake kaso ayun hopia. Haha." Natawa din ako saka nag isip ng isasagot sa kanya.  What if nga?

"Siguro aantayin ko nalang muna siyang magsabi. Ayoko din kase masyadong nagtatanong. Baka isipin niyang feelingero ako. Kung umamin man siya, kakausapin ko siya. Pag uusapan namin ng maayos. Dederetsuhin ko siya na hindi ko masusuklian yung nararamdaman niya sa akin."

"Kaya mong sabihin sa kanya ng deretsahan na wala kang nararamdaman sa kanya?"

"Oo. Kase mas okay na yun kesa lokohin namin ang isa't isa. Paniwalaan siya na gusto ko rin siya kahit hindi naman talaga. Mas masasaktan lang siya. Saka I just really see him as a friend. Bestfriend exactly."

"Sabagay. Sabagay." Sagot niya saka tumango tango.

"Ano ba tong pinag uusapan natin hahaha masyadong malalim." Sabi ko.

"Hahaha sorry sorry. Curious lang."

"Dapat pinag uusapan natin tayo. Tayong dalawa." Sabi ko saka seryoso siyang tinignan.

"Tayo?"

"Oo." Sagot ko saka humingang malalim. "Mira."

"Oh?"

"Pwede ba akong manligaw?" Ang kabado kong tanong. Lord please sana po OO. Sana po OO ang sagot niya. Nakafingers crossed pa ako sa ilalim ng lamesa.

Saglit siyang tumitig sa akin bago nagsalita.

"Okay Dylan Gonzales, mukha namang matino kang lalake so..."

"So???" Putek na yan para akong majejebs kakaantay sa sagot niya.

"Yes. Pwede kang manligaw." Nakangiti niyang sagot. Literal na nanlaki yung mata ko saka nagtatalon.

"Yes!!! Thank you Mira!"

"Oh kalma baka namang bumigay tong tree house kakatalon mo!" Sabay kapit niya sa mga maliliit na sangang nakapalibot sa amin.

"Ay sorry. Sobrang saya ko lang."

"OA ka. Ligaw palang naman." Sagot niya.

"Aba syempre next goal ko is to make you mine." Saka ako kumindat na ikinatawa niya sabay iling.

"Oh siya siya uuwi na ako at baka gabihin ako sa daan." Ang pagpapaalam niya.

"Ay oo nga pala. Hatid na kita." Tumango naman siya bilang pagsang ayon saka ko siya inalalayan pababa ng hagdan.

***

"Salamat sa dinner date? Haha." Sabi niya ng marating namin ang bahay nila.

"Wala yun. Kahit ano. Para sayo." Ang nakangiti kong tugon.

"Haha oh sige mag iingat ka sa pag uwi. Salamat ulit."

"Sige na pasok ka na."

"Hindi sige na alis ka na."

"Hinde pasok ka na muna. Dapat binabantayan ng prinsipe ang prinsesa na makapasok ng ligtas sa palasyo." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oh siya siya papasok na ako puro ka kalokohan. Bye."

"Bye. Goodnight." At pumasok na nga siya sa bahay nila. Pagkapasok niya ay saka ako umalis.

Nandito ako ngayon sa may tree house at inaalala pa rin ang naging dinner date namin ni Mira. Kabaklaan na kung maituturing pero kinikilig pa din ako. Hahaha. Iba talaga tama ko. Hayyyy.

Papasok na ako ng kwarto ng mamataan ko ang mahimbing na pagtulog ni Justin na nakanganga pa. Syempre dahil napakabuti kong kaibigan eh kinuhaan ko ulit ng litrato yung itsura niya saka pumasok sa kwarto. May pambablackmail na naman ako. Hahaha.

Saglit ko pang tinitigan ang kuha kong picture ng bigla kong naalala yung sinabi ni Mira.

"What if one day malaman mong may gusto sayo ang kaibigan mo?"

Paano nga kaya? Ewan ko din. Hindi naman siguro yun. Ipinagsawalangbahala ko nalang yung  katanungang yun at natulog na lamang.

Justin Klyde's POV

Tong Dylan na to talaga gusto talagang masaktan!!! Ang aga aga binibwisit ako!!! Kinuhaan na naman ako ng picture. Tinag pa ako! Okay sana kung prepared ako eh hinde! Nakanganga na naman ako!!!

As usual sandamakmak na nakakatawang reaction at comment ang nakuha ko!

---

Abby Molina: Ganda mo talaga bess. Wala kang katulad.

Nicoli Atienza: Lagot ka na naman pre. Tago tago ka na. Hahahaha.

Dylan Rafael replied: Haha mukha nga. Haha peace Justin!

---

Wag niya akong mapeace peace dyan! Dahil ngayon palang yari na siya sa akin!

Agad agad kong tinungo ang room nila since vacant namin. Ako naman ang bibisista sa butihin kong bespren. Hawak hawak ko yung meter stick na nakuha ko sa classroom namin.

Papalapit na ako sa room ng unggoy. Konti nalang talaga.

"Jusko Dylan tago tago na youuuuuuu coz I'm gonna hurt you really really bad." Ang nasambit ko habang naglalakad sa hallway.

Malapit na ako sa pintuan ng may sumalubong sa mukha ko na chuckie. Dalawang chuckie. Agad namang napalitan yung mood ko.

"Epektib. As always." Inirapan ko lang si Dylan saka hinablot yung dalawang chuckie sa kamay niya.

"Ikaw naman lagi ka nalang galit. Ayaw mo ba nun dadami likers at followers mo sa facebook? Sisikat ka." Ang proud na proud na sabi ng bespren ko saka umakbay sa akin.

"Parang gusto mo talagang bumalik yung galit ko sayo no?" Inis kong sagot.

"Hahaha to naman di ko na uulitin pramis." Saka niya tinaas yung kanang kamay niya.

"Hindi na talaga. Kase lulumpuhin kita!" Saka ko siya hinampas hampas ng hawak kong stick.

"Aww! Tang ina aray! Aww aww! Yoko na!!!" Saka ko siya hinabol sa room nila. Pinagkukuhaan naman kame ng picture at video ng mga kaklase niya na tawang tawa sa amin.

"Dylan post namin to ha? Hahaha." Sigaw ng isa sa mga kaklase niya.

"Gago ka subukan mo. Aray! Justin tama na! Aww king ina yoko na nga di ko na uulitin!" Sabi niya. Tinigilan ko na din kase pinagpapawisan na ako kakahabol sa kanya. Lumabas na din akong room nila at dun nagpahangin.

"Napakasadista mo talaga! Hindi ka magkakaboypren pag ganyan ka!" Inis niyang sabi.

"Ulul. Dami mong alam." Sagot ko saka sumipsip sa hawak kong chuckie.

"Buti nalang hindi ako ang boypren mo pag nataon nako maghihiwalay tayo agad." Saka siya lumapit sa akin.

"Malabo din naman chong."

"Kung di ko pa alam Justin Klyde. Ako ideal boyfriend mo." Saka ulit siya umakbay at pinagdikit noo namin.

Halos malula naman ako sa lapit namin sa isa't isa at heto na naman ako. Nakakaramdaman ng kakaiba. Abnormal na ba ako?

"H-hindi rin no. Asa ka. Dyan ka na nga!"

"Uyyy si Justin affected. Patay tayo dyan!" Pang aasar pa ng gago.

"Mukha mo!"

"Gwapo. As in sobra sobra." Iba din talaga tong isang to. Inirapan ko lang saka ako naglakad pabalik ng room.

"Tin!" Bahagya naman akong tumigil saka siya nilingon.

"Wag mo na palang bayaran yang chuckie."

"Malamang! Binigay bigay mo tapos may bayad pala!"

"Kaya nga sabi ko hindi di ba? Salamat." Ang nakangiti niyang sagot. "Salamat kahapon. The best ka talaga."

Dug. Dug. Dug.

Tumango lang ako saka tinuloy ang paglalakad.

What is this feeling? It can't be. Hindi naman siguro.

次の章へ