webnovel

Chapter 10: Symptoms

Justin Klyde's POV

Mabilis na kung sa mabilis ang mga pangyayari and yes after 1 month eh sinagot na din ni Mira tong bespren ko. Hindi man lang pinahirapan ni ate girl!

"Ngiting aso ka na naman dyan." Sita ko kay Dylan. May kachat kase siya and obviously si Mira yun. Andito kame ngayon sa soccer field. Tumatambay. Nakahiga pa ang unggoy sa mga paa ko akala mo naman ang gaan gaan ng ulo.

"Inggit ka lang. Wala ka kaseng lablayp." At matapos niyang sabihin yun ay sinakal ko siya gamit yung strap ng sling bag ko. Napabangon siya agad. Halos maiyak pa siya dahil sa ginawa ko.

"Hayup ka talagang bansot ka! Eh kung malagutan ako ng hininga eh di nagluluksa na ngayon sina Mama saka yung syota ko!" Inis niyang sabi habang hawak hawak pa din ang leeg at humihinga ng malalim.

"Kung inaayos mo kase yung mga salitang lumalabas dyan sa bunganga mo eh hindi ka magkakaganyan." Saka ko binaling ang sarili ko sa phone ko.

"Ano na ba kaseng score dun sa crush mo? Antagal mo kase. Dapat nililigawan mo na." Agad ko namang hinawakan ulit yung strap ng bag ko.

"Gusto mo ng part 2?" Pagbabanta ko. Agad naman siyang umiling.

"So ano na nga?" Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"May girlfriend bes!!!" Ang naiiyak kong reklamo!

"Hahahahahahahahahaha! Ang malas mo naman Tin. May balat ka ata sa pwet eh!" Halos mapahiga pa siya katatawa. Diba? Ang supportive. Nakakagaan talaga ng loob ang tawa niya. In fact gusto ko na siyang sakalin ulit.

"Umalis ka na ngang bwisit ka! Nagawa mo pa akong tawanan!" Irita kong saad sa kanya.

"Hahaha hindi na. Pipigilan ko ng tumawa." Pero tumawa pa din ulit. Pakyung to. Maya maya pa nakalma niya na yung sarili niya dahil kapag di niya kinalma sarili niya ako magpapakalma sa kanya gamit ulit tong bag ko.

"Eh kelan mo pa nalaman na may syota pala yang si Migs?"

"Last week. Bat kase sinundan sundan ko pa papuntang canteen eh ayan tuloy nakita ko ang kasweetan ng unggoy sa girlfriend. Kung di ko sana sinundan hindi ko sana nakita ang ganun eksena!"

"Okay na ding nakita mo kesa naman wala kang kaalam alam diba?" Tumango tango nalang ako. "Eh teka nga sure ka ba talaga na syota niya yun? Malay mo pinsan."

"Pinsan??! Tinuka sa pisngi at noo tapos pinsan?!!!" Natawa naman siya sa reaction ko.

"Saka tinanong ko na din sina Ben at Paul kung may girlfriend nga si Migs. Oo daw. Ngiting ngiti pa nga si Paul nung sinabi niya yun. Abnormal ata yung hayop na yun eh." Ang dugtong ko pang sabi.

"Eh baka ngiting ngiti eh kase sa wakas wala na siyang kaagawa sayo."

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Hay boplaks. May gusto yun sayo."

"Ako nga tigil tigilan mo ha. Ba't naman ako magugustuhan nun? Puro asar lang yun kaya ganun yung hayop na yun. Wala namang kagusto gusto sa akin." Sagot ko.

"Everybody will surely love you." Sabi niya na ikinalingon ko. "Masaya kang kasama, mabait, kalog and every bit of you is enough for everyone to like you."

Dug. Bakit biglang seryoso naman tong lalakeng to?

Dylan wag ka ngang nagsasalita ng ganyan! Nag aabnormal na naman tong puso ko. Ano bang nangyayare sa akin?

"B-bolero ka talaga." Ang tangi ko nalang nasabi sa mga minutawi niya.

"Hindi ah. Totoo naman yun. Kaya nga alam kong yung mokong na yun eh may gusto sayo."

"Hindi yun. Mahirap mag assume."

"Mahirap din maging manhid. Lika na. Ikain nalang natin yang pagkabroken mo sa crush mo." Saka niya inabot yung kamay niya para tulungan akong makatayo.

Pagkahawak ko sa kamay niya ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkakuryente. Ewan kung ano mang tawag dun.

This is so not right. Tsk tsk.

Paul Adrian's POV

"Malusaw naman pre yang tinititigan mo." Nangiti lang ako sa pagpasin sa akin ni Ben.

"Sira. Hindi ko naman yan hahayaang malusaw. Mahulog sa akin pwede pa."

"Eh paano mahuhulog kung di ka dumidiskarte?"

"Oy kahit papano naman binibigyan ko siya ng signs na gusto ko siya." Depensa ko.

"Paano? Sa asar? Sa pagpapacute? Pre hindi dapat ganyan. Dapat ginagaya mo ako." Pagyayabang ng unggoy.

"Ah oo nga. Dinaan mo sa mabilisan?" Asar ko na ikinatawa niya.

"Tignan mo naman ngayon diba? Masaya kame ni Bry." Napailing nalang ako at tumitig muli kay Justin.

He is so adorable in this view. Alam mo yung naiiyak siya kase nga nalaman niyang may girlfriend si Migs. Well, that's a good thing for me since wala na akong kakompitensya sa atensyon niya.

Or maybe not.

Bumungad sa pinto ang bestfriend niyang si Dylan. It's lunch time na rin kase and as you all know sabay silang kumakain.

"Next time dapat kayo naman sabay maglunch."

"Ayoko naman sirain yung routine nila ng bestfriend niya." Ang naisagot ko kay Ben.

"Ikaw ba ayaw mo siyang makasabay kahit minsan?"

"Ofcourse I'm dying to join him for lunch but for now hindi muna. Hindi pa pwede." Ang dismayado kong sagot.

"Hay nako pre. Kailangan mo ng i-step up ang laro. Migs is out. Sino pa ba sa tingin mo ang kakompitensya mo?"

Tama. Time is ticking. Baka makahanap na naman ng bago yung babe ko eh di panibagong problema na naman.

***

"Bye bes." Ang paalam ni Bry kay Justin na nakasimangot pa din. Tumango tango lang si Justin bago lumabas.

I called his name before he even get himself out of the room.

"Oh?" Ang bored niyang sagot.

"Wag ka ng malungkot. Smile!" And for no reason I put my fingers on both sides of my mouth and stretched. Trying to make a funny face.

"Pfft. Mukha kang timang. Haha. Ge bye." See? It works. Another pogi points. Tinignan lang ako ng bespren niya so I did the same. Hanggang sa parehas na nilang nilisan ang room namin.

"Oh halika na. Napangiti mo na yung jojowain mo. Nagugutom na ako." Paanyaya ni Ben sa akin. Mas masarap pakinggan siguro kung jowa na hindi lang jojowain. Napangiti nalang ako saka siya tinanguhan.

Accompanied by Bry and Ben, we had our lunch as near as possible on their table. Dylan and my Justin. Enough to hear their convo.

"Huy tulala ka pa dyan yung pagkain mo mas malamig pa kesa sa nararamdaman mo ngayon." Ang pagsita sa kanya ni Dylan.

"Hindi ako nagugutom." Saka niya pinatong yung baba niya sa lamesa. Aww cute.

"Medyo OA ka oh nganga kain!" Tinitigan muna siya ni Justin bago niya isinubo ang punong punog kutsara ng kanin. "Arte arte gusto sinusubuan pa."

"Hindi ko naman-" naputol ang sasabihin ni Justin ng ilapat ni Dylan yung daliri niya sa labi ni Justin. Tsk.

"Wag kang nagsasalita ng puno ang bunganga mo. Wala ka talagang manners." Inirapan lang siya ni Justin.

"Ang sweet nila no?" Ang biglang pagpansin ni Bry sa dalawa.

"Baby wag mong binibigyan ng malisya. Magkaibigan lang yan." Ang naisagot naman ni Benedict saka ako tinignan.

"Ang cute kase nila panuorin. Saka hindi naman masama kung magkacrush si Justin kay Dylan. It's normal." Nilingon ko naman ang dalawa at sa di malamang dahilan bigla akong tinamaan ng kaba.

"Ikaw talaga baby andami mong alam no? Kain ka nalang din kaya? Hindi pwede na magkagusto si Justin kay Dylan kase may girlfriend na siya. Eh di magiging one sided lang sila. Kawawa naman si Justin diba?" Ang mahabang litanya ni Benedicto.

"Sabagay." Ang tanging naisagot ni Bry.

Natapos na kameng kumain at halos di ko nagalaw ang pagkain ko. Bigla naman akong nabother. Paano nga kaya?

"Huy Paul lika na. Nakatanga ka pa dyan. Kanina pa nakaakyat yung babe mo sa room." Basag ni Ben sa aking pagmumuni.

"Oo pre andyan na."

Mukhang kailangan ko na talagang gumalaw. Ayoko mang isipin pero posible. Posible ngang mangyari ang sinabi ni Bryan.

Justin Klyde's POV

Thanks to Dylan. Kasabay kong pauwi ngayon si Paul. (-____-)

Sinundo kase niya si Mira sa room nila. Actually isang buwan na din niyang ginagawa yan magmula ng maging sila. Nagkikita na nga lang kame ng kurimaw kapag lunch. Hindi kase tugma ang vacant nila ni Mira kaya hindi sila sabay kumain kaya bumabawi nalang siya sa pagsundo.

"Ano sa tingin mo Tin?"

"Ha?" Ang taka kong tanong.

"Walayya naman yan. Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka pala nakikinig." Ang reklamo ni Paul.

"Sorry. Kinakausap mo pala ako."

"Kanina ko pa nga napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo dyan. Ako ba yan?" Literal naman akong napairap.

"Hindi no." Depensa ko.

"Hinay hinay naman sa pagtanggi. Masakit eh." Drama dramahan niyang komento na ikinatawa ko.

"Tignan mo. Itinanggi na nga tinawanan pa. Double kill." Dugtong pa niya.

"Hahaha. Ewan ko sayo Paul."

"Maari ko bang malaman kung anong bumabagabag sa isipan ng aking mahal?"

"Grabe lalim ng tagalog mo. Hahaha."

"So ano nga?" Pangungulit niya.

"Wala lang. Hindi lang ako sanay na hindi kame sabay ni Dylan umuwi." Sagot ko.

"Hmmm. Well, hindi natin siya masisisi. You see, he has a girlfriend. And as much as possible he will maximize all his time with her. Lalo pa ngayon at bago pa lang sila." Tumango tango lang ako. "Ayaw mo ba ako kasabay?"

Agad naman akong napalingon sa kanya. At kita kong nakasimangot ang loko.

"Uy hindi ah. It's not like that. Naninibago lang ako."

"Masasanay ka din. At least sabay pa din naman kayo during lunch time. Saka magkapitbahay naman kayo. Magkakasawaan pa din kayo ng mukha. Haha." Natawa nalang din ako saka tumango.

"Yan. Mas bagay sayo."

"Ang alin?"

"Yung nakangiti ka. Yung masaya ka lang. Kase yun ang nakilala kong Justin." Seryoso siyang tumitig sa akin matapos niyang bitawan ang mga salitang yun. Binigyan ko lang siya ng ngiti na tinugunan niya rin ng ngiti.

"I know! I'll treat you to an ice cream parlor. Lika!" Saka niya ako kinaladkad.

Paul is not that bad kind of a guy. Makulit lang talaga. Nakatitig lang ako sa kanya habang hila hila ako.

"Paul."

"Hmm?"

"Maswerte magiging girlfriend mo kahit loko loko ka." Ang nakangiti kong sabi.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong niya saka binagalang ang pagtakbo.

"I think you are one of a kind. You have a great sense of humor. That's a plus. I guess?" Saglit niya pa akong tinitigan. "Huy? Anyare sayo? Tulala ka dyan?" Taka kong tanong.

"Ha? Ah wala wala. Lika na nga. Baka magsara na yun." Saka siya naunang maglakad. Problema nun?

"Huy antay naman!"

***

"Paano ba to kunin?" Kanina pa ako paikot ikot sa problem na ito pero hindi ko pa din makuha. Math kase you know. Kahit kase Fine Arts may math pa din. Halos lahat naman ng course may math. Hindi na nga ata ako nilulubayan ng math na to. Kahit saan ako magpunta andun siya. Wala naman akong atraso sa kanya.

Nakuha ko naman ang atensyon ni Dylan sa kakareklamo ko.

"Ano ba yan? Math?" Nakanguso akong tumango. "Patingin nga ako." Saka ko nilahad ang notes ko sa kanya.

Patango tango pa siya habang pinagmamasdan ang mga problems.

"Peram ballpen." Inabot ko naman agad agad yung ballpen. Pagkaabot ko ay siya namang bilis niyang magsulat. Wala pa atang 5 minutes ay nasagutan niya na ang halos kalahating araw kong sinasagutan na problem.

"Oh ayan tapos na."

"Grabe! Tapos na?" Ang manghang mangha kong tanong.

"Ano ba sabi ko?"

"Ang galing galing mo naman!"

"Syempre ikaw na ako akala mo madali?"

"So paano mo nakuha to? Paturo naman!"

"Kaya mo na yan may kachat ako eh." Sagot niya. Binato ko naman siya agad ng unan.

"Ganyan ka na magpasalamat ha Justin Klyde?"

"Eh kung tinuturo mo kase sa akin to eh di hindi ka nakakatanggap ng lumilipad na unan." Irita kong sagot.

"Kailangan pa ba nun? Assignment lang naman yan. Ipapasa lang."

"Ipapasa nga. Eh kung tanungin ako bigla kung paano ko to nakuha eh di nganga ako!" Saka naman niya nilapag saglit yung phone niya at lumapit sa akin.

"Nung naghulog siguro ng katalinuhan sa math tulog ka."

Natural sa talas ng pandinig ko ay di nakalusot ang bulong ng kumag na to. Isang mabilis na pingot ang inabot niya.

"AHHH!!! Aray! Aray! Masakit!!! Tama na!!!"

"Bulong ka kase ng bulong eh alam mo namang hindi uubra sa akin yan." Saka ko binitawan yung tenga niya.

"Yaan mo sa susunog lantaran kong sasabihin." Saka niya hinaplos haplos yung tenga niya.

"Oh so paano nakuha yan?"

"Tss. Ganito kase yan." Saka niya inexplain kung paano niya na solve yung tatlong problem. Amaze na amaze naman ako sa pagkakaexplain niya. Alam niyo yung feeling na biglang tumaba utak ko tungkol sa math?

"Alam mo pwede kang magturo ng mga subjects sa Engineering sa school natin pagkagraduate mo." Suhestyon ko.

"Yoko. Tuturuan nalang kita na mabawasan pagiging sadista mo." Ang nasabi nalang niya habang hawak hawak pa din tenga. Nangongonsensya pa.

"Hahaha sorry na bespren." Saka ko sinukbit yung kamay ko sa kamay niya at sumandal sa balikat niya.

"Sus. Ganyan ka lagi sa akin. Mapanakit ka masyado." At nagdrama pa siya.

"To naman sensitive. Ang gaan gaan ng kamay ko eh." Depensa ko pa.

"Magaan daw. Kaya pala puro ako pasa." Hindi ko na siya sinagot. Nakasandal lang ako sa kanya. "Oh nag enjoy ka naman kakasandal dyan. Baka naman may gusto kang sabihin sa akin ha Justin?"

Agad naman akong bumitaw saka tinignan siya. Kung dati mapapairap ka nalang sa kakaulit niyang tanong ng ganyan. Ngayon iba. Agad nadadivert yung nararamdaman ko. From nothing to strange. Can someone explain this?

"Feeling mo. Wag nga ako Dylan Rafael." Ang isinagot ko na lamang.

"Naninigurado lang. Hahaha." Saka siya tumalon pabalik sa higaan ko. Oo, higaan ko. Andito na naman siya. Nakikigulo.

"Hindi ka naman tuwang tuwa sa higaan ko no at palagi ka ng nakikitulog dito ? Wala ka bang sariling kwarto?"

"Ba't bawal ba? Ang bango kase parang babae may ari. Bakit nagdadamot ka na?"

"Oo pinagdadamot ko! Wala na akong private time."

"Private time daw. Baka naman kase nanunuod ka lang ng porn."

"Hoy excuse me hindi ako nanunuod nun no! Wag mong pinapasa sa akin ang gawain mong impakto ka." My gosh ako manunuod nun? Gawain ba yun ng mga matitinong babae? Oo babae. Kumontra ka paghihiwa-hiwalayin ko parts ng katawan mo.

Humagalpak naman sa tawa si Dylan. Sinasapian na naman to. Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko?

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nandito ngayon?" Ang sabi niya in his husky voice. He's also trying to be seductive. What's wrong with this guy? He's making the atmosphere a little akward.

"Ano na namang masamang espiritu ang sumanib sayo ha Dylan? Lumayo ka nga!" Paano pagapang siyang lumalapit sa akin. Ahas ata to.

"Hmm, hindi ko din alam kung anong espiritu Justin eh. Gusto mo alamin natin?" Saka kumagat sa labi niya. Jusko po!

"Umayos ka tatadyakan talaga kita!" Saka ako pumikit.

Maya maya pa nakarinig na naman ako ng umaalingawngaw na tawa.

"Nakita mo sana reaksyon mo hahahahaha." Saka ko naman unti unting idinilat ang mga mata ko. At ang loko nagpipigil pa din ng tawa.

"Bwisit ka di ka pa namatay." Sagot ko saka humarap na sa study table ko at nagpractice nalang magpaint.

"Hahaha seryoso na eto na talaga sasabihin ko na."

"Ewan ko sayo. Humanap ka ng kausap mong bwisit ka." Nagawa pa talaga niyang mabiro. Halos maihi na ako kanina sa pinagagagawa niya. Wait, ano nga ba dapat gagawin niya? Wala naman kase ata. Ilsyunada ka lang Tin.

"Patulong ulit ako." Saka niya pinatong baba niya sa balikat ko. Whenever we have this contact lately may tendency na para akong nakukuryente. My body feels weird.

Nilingon ko naman siya. Only for me to find out how close his face to mine. Agad naman akong umatras ng konti.

"Tulong saan?"

"Mag se-second monthsary na naman kame ni Mira sa 18. Patulong ako magprepare. You're the only one that I can trust this kind of date. Please?" Right there I can barely see how beautiful his eyes. How his stare pierces through my eyes.

And with that, I dumbfounded myself nodding showing me his sweetest smile.

次の章へ