webnovel

At The Moment

Kinabukasan ay nagkita-kita sina Alice, Benjie, Ricky at Glory sa opisina ni Raul sa TGH. Si Raul ang tumayong tagapamagitan sa kanilang apat. Siya na rin ang unang nagsalita sa kanilang lima.

"I guess this is something that nobody among us thought could happen; but, we're all here now to settle things na matagal na nating dapat na ginawa. Well, at least we're doing it now. Para sa mga bata. At para na rin sa ating lahat."

"Siguro, ako na ang unang magsasalita," ani Alice. "Tutal naman, ako ang nagsimula ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Ricky noon, at ako rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakaka-move on. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nagmu-move on."

Hinawakan naman ni Benjie ang kamay ng asawa. Tinignan ito ni Alice. Ngumiti si Benjie na ginantihan din ng ngiti ni Alice.

"I guess I'm just really that person who never forgets that easily. Lalo na kasi sobra akong nasaktan noon. Buong pamilya ng Quinto kinamuhian ko. Pati iyong mga Gonzalez na noong una naman ay kalapit ng pamilya namin, nang malaman ko na asawa pala ni Miguel si Minerva, iniwasan ko na rin sila. I guess, masyado na talaga akong OA. Kaya pati mga anak ko nadamay na rin sa pagiging OA ko."

"Hindi ka rin naman namin masisisi," ani Ricky kay Alice. "I understand why you felt that way kina Mama at sa mga kapatid ko. Alam kong hindi talaga naging madali ang relasyon natin noon dahil sa hindi magandang pagtrato nila sa iyo. And I'm sorry for that."

"Hayaan mo na. Ganoon naman siguro talaga. Hindi nila ako gusto kaya wala na tayong magagawa doon. Ang mali ko, nagtanim ako ng galit. Pati iyong mga walang malay, nadamay. At iyon ang pinaka-pinagsisihan ko."

May mga luhang namuo sa mga mata ni Alice. "I'm very sorry... I'm very sorry because I held onto the past for more than twenty years. Kahit na wala akong ginawa sa inyo directly, sa puso ko napopoot pa rin ako sa inyo. At mali iyon. Maling-mali, kasi ang Diyos nga kaya niyang magpatawad. Sino ba naman ako para hindi gawin iyon, 'di ba?"

Tumingin si Alice kay Glory. "Gloria, I'm sorry. I know wala ka namang kasalanan. Pinagselosan kita kahit na wala ka naman talagang ginawa. Malinis ang pagkakaibigan ninyo ni Ricky pero hindi ako naniwala."

"Naiintindihan ko. Mahal mo si Ricky noon kaya nagselos ka," ang sabi naman ni Glory. "But I swear, Alice, we fell in love when you were not together anymore. Noong kayong dalawa pa, magkaibigan lang talaga kami."

"I know, and I'm sorry." Tsaka naman tumingin si Alice kay Ricky. "Ricardo... I'm sorry..." Tuluyan na itong umiyak. "Hindi ako naging mabuting girlfriend. Nahirapan ka sa panliligaw sa akin, tapos noong naging tayo sobra akong naging possessive at selosa. Siguro nga tama ang pamilya mo na kamuhian ako."

"Don't say that," ang sabi naman ni Ricky. "Lahat naman tayo at one time nagiging possessive at selosa sa mga mahal natin. I guess, the relationship never ran smoothly because from the beginning until the end, si Benjie talaga ang gusto mo. Siya talaga ang mahal mo."

"But I swear, I loved you back then. Hindi naman kita sasagutin kung hindi."

"But your love for Benjie is stronger."

"I guess so." Napayuko si Alice.

"Naiintindihan ko naman iyon," ani Ricky. "I believe that we really have that one great love in our life. You found yours, si Benjie. And I found mine." Hinawakan ni Ricky ang kamay ng asawa at saka hinalikan iyon.

Ngumiti naman si Glory sa asawa. Maging si Alice ay napangiti rin sa ginawa ni Ricky.

"Sana, mapatawad ninyo ako," ang sabi ulit ni Alice. "Kung ano man ang namagitan sa atin noon, sana ibaon na natin sa nakaraan. Alam ko wala akong karapatan na sabihin iyon, dahil ako mismo nahirapang maka-move on. But finally, I learned to let go and I'm moving on right now. Kaya sana talaga, mapatawad n'yo na ako."

"Napatawad ka na namin," ani Glory. "Matagal na, Alice. Hindi lang kami makalapit sa iyo at nahihiya kaming mag-initiate na makipag-ayos sa iyo."

"But now, we know na ayos na talaga tayo," ani Ricky.

"Oo, sure na iyon," ani Alice. "Wala na talaga, promise!"

Napangiti na si Ricky. Gumaan na rin ang tono nito. "Mabuti naman kasi malapit na ang reunion natin sa high school."

Natawa si Alice sa narinig. "Oo nga. At least ngayon wala na akong dahilan para hindi magustuhang pumunta doon."

"We can go there together," ani Ricky. "Kasama sina Glory at Benjie."

"Of course." Nakangiti na rin si Alice.

"Kayo na lang ang magpunta doon," ang sabi naman ni Benjie. "Makikita ko na naman iyong mga may crush sa akin noon."

"Pare, ang yabang mo pa rin talaga, ano?" ang sabi naman ni Raul.

"Totoo naman, eh. Ako kaya ang crush ng bayan noon. Tignan mo nga itong si Alice. Ako ang crush niya mula noon hanggang ngayon."

"Correction, hindi na kita crush," ani Alice sa asawa.

"Hindi raw..." ani Benjie sa katabi.

"Hindi na kita crush kasi love na kita." Tsaka nito niyakap ang asawa.

"Pare, hindi ko talaga alam kung anong gayuma ang ginamit mo dito kay Alice at mahal na mahal ka," ang sabi ni Raul kay Benjie.

"Pare, charm at sex appeal lang iyan."

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ni Benjie.

"Ang yabang-yabang!" biro ni Alice sa asawa. "Buti na lang love kita. Huwag ka nang magdududa sa akin, ha? Huwag mo nang pagdudahan ang pagmamahal ko sa'yo."

"I know. And I'm sorry," seryosong wika ni Benjie. "Hinding-hindi ko na pagdududahan ang pagmamahal mo para sa akin."

"Salamat."

Muling nagyakap ang mag-asawang Martinez.

"So, paano? Okay na tayong lahat?" muling tanong ni Raul.

"Oo naman," ani Ricky na nakaakbay na sa sariling asawa.

Lumapit si Alice kay Glory at saka niyakap ito. "Salamat, Glory."

"Salamat din," nakangiti ring wika ni Glory.

Maging si Ricky ay niyakap ni Alice. "Salamat. Salamat sa lahat, Ricky."

"Salamat din," ani Ricky. "Natutuwa ako na nagkaayos na tayo. At least alam kong mababait ang mga future balae ko."

"Teka! Bata pa si Alex ko, ha?" ani Benjie. "Hindi pa pwedeng mag-asawa iyon."

"Huwag kang mag-alala, Pare," ani Ricky kay Benjie. "Magdo-doktor pa iyong si Richard ko. Matagal-tagal pang mag-aasawa iyon."

"Good! Gusto ko iyon," ani Benjie.

Kinamayan ni Ricky si Benjie. "Benjie." Ngumiti ito.

Nginitian din ito ni Benjie. "Maraming salamat, Ricky." Tsaka nito hinarap si Gloria. "Glory."

"Salamat din," ani Gloria.

Si Raul naman ang hinarap ni Benjie. "Pati si Angel. Hindi pa pwedeng mag-asawa."

"Huwag kang mag-alala," ang sabi naman ni Raul. "Takot sa'yo si Bryan. Hindi noon itatanan ang anak mo."

"Good!" ang sabi ulit ni Benjie.

Tawanan ulit ang lahat.

"Ano ka ba! Nakakahiya!" ani Alice sa asawa.

"Eh, mabuti na iyong malinaw, 'di ba?" ang sabi na lamang ni Benjie.

"Sigurista talaga iyang asawa mo," ani Raul kay Alice. "Masyadong wais."

"Dapat lang, ano? Dalawang babae ang anak ko, Pare. Mahirap na."

"Speaking of which. Siguro naman pwede nang makita ni Richard si Alex?" tanong ni Ricky sa mag-asawang Martinez.

"Oo naman," ani Alice. "Tingin ko nga, iyon ang kailangan ni Alex para tuluyan siyang maka-recover."

"Iyon kasing anak mo, nagmana sa'yo," ani Benjie kay Alice. "Masyadong selosa."

"Oo nga, eh. Sa dinami-dami ng mamamana, iyon pa."

"Eh kasi sa akin na niya namana ang good looks niya, kaya sa iyo na iyong internal."

"Pare, tapusin na natin ito," ang sabi ni Raul. "Hindi ko na kinakaya iyong mga hirit mo, eh."

"Bakit, totoo naman, ah! Sa akin nagmana ng itsura si Alex kaya hindi naiwasang ma-in love ni Richard sa kanya."

"Alice, bilib na talaga ako sa pasensiya mo," ani Raul. "Gusto na kitang patayuan ng monumento sa may plaza sa pagiging dakila mo."

"Aba, isama na rin natin si Helen," ang sabi naman ni Benjie.

Natawa sina Alice, Glory at Ricky sa pagbibiruan ng dalawang magkaibigan.

"Pero Kuya, I'm glad that you and Benjie are okay now," ani Glory.

Raul grinned. "I'm glad, too."

Nagpasya ang lima na puntahan na si Alex sa kwarto nito at sabihin dito ang magandang balita.

𝑇ℎ𝑒 𝑓𝑖𝑟𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑎𝑝𝑜𝑙𝑜𝑔𝑖𝑧𝑒 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑏𝑟𝑎𝑣𝑒𝑠𝑡. 𝑇ℎ𝑒 𝑓𝑖𝑟𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑓𝑜𝑟𝑔𝑖𝑣𝑒 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑠𝑡𝑟𝑜𝑛𝑔𝑒𝑠𝑡. 𝐴𝑛𝑑 𝑡ℎ𝑒 𝑓𝑖𝑟𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑓𝑜𝑟𝑔𝑒𝑡 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 ℎ𝑎𝑝𝑝𝑖𝑒𝑠𝑡...

Hi everyone! Thanks for visiting MVS 1: Secret Lovers. The story is about to end, so I’ll be posting daily updates and the final chapter will be on Friday.

The next story, MVS 2: Maybe This Time will be launched on Sunday. Please also support it. Hope you also check it out.

Happy reading! ;)

joanfriascreators' thoughts
次の章へ