webnovel

Move on Day

Ang napag-usapan ng lahat, pagkatapos mag-usap ng mga magulang nila ay saka pa lang mag-uusap sina Alex at Richard. Gusto muna kasi nilang ayusin ang lahat sa pagitan nilang apat, tapusin na ang alitan na nag-ugat more than twenty-years ago. Para pagkatapos noon, wala nang kailangan pang alalahaning ancient grudge ang dalawang bata at mapag-uusapan na nila ng mabuti ang tungkol sa kanilang dalawa.

Pero kaaalis pa lamang ng mga magulang ni Richard ay hindi na siya mapakali. Gusto na niyang makita si Alex. Actually, kahapon nang malaman niya ang nangyari, gusto na niyang puntahan kaagad ito sa ospital. Hindi nga siya nakatulog ng magdamag kakaisip dito.

Kaya pinuntahan niya si Bryan sa kabilang bahay para magpasama sa pagpunta kay Alex. Tamang-tama naman kasi kasalukuyang naghahanda ang pinsan niya sa pagpunta sa ospital.

"'Di ba ang usapan, kakausapin muna nina Tito Benjie iyong mga parents mo?"

"Cuz, hindi ko na kayang maghintay! Gusto ko nang makita si Alex. Gusto ko nang malaman kung ano talaga ang kalagayan niya. Please, Bryan. Tulungan mo naman ako."

Mataman siyang tinitigan ni Bryan. Para bang inaarok nito kung totoo ba ang sinasabi niya. Kalaunan ay ngumiti na rin ang kanyang pinsan.

"Let's go then."

Siya rin ay napangiti na rin. Gumaan na ng kaunti ang pakiramdam niya lalo na noong bumabiyahe na sila papunta sa ospital. Pero nang makarating na sila sa may TGH, bigla naman siyang kinabahan.

Napansin naman iyon ni Bryan. "Nervous?"

"Yeah..."

Tinapik ni Bryan ang balikat niya. "Kaya mo iyan. Kung si Alex naman ang inaalala mo, okay na daw siya sabi ni Angel. Kailangan lang daw niyang kumain ng madami."

Dumiretso kaagad sila sa hospital room ni Alex. Nagulat pa si Angel nang mapagbuksan sila nito ng pintuan.

"Richard?" anito.

"Hi..." nahihiyang bati ni Richard.

"Gusto daw niyang makita na si Alex." Nagkibit-balikat si Bryan.

"Please, Angel? Payagan mo na ako," pagmamakaawa niya.

Narinig nila ang boses ni Alex mula sa loob ng kwarto. "Sino iyan, Ate?"

Parang lumundag ang puso niya pagkarinig sa boses ni Alex. Parang lalo siyang kinabahan.

"Pasok kayo," sa halip ay wika ni Angel.

Pagpasok pa lamang ni Richard ay kaagad na niyang nakita si Alex. Parang piniga ang puso niya pagkakita sa babaeng minamahal. She looks so weak. She's pale and her hair's disheveled. Meron din itong IV na nakakabit sa kamay nito.

Nagulat din si Alex pagkakita sa kanya. Siguro ay hindi nito inaasahan na pupunta ito doon kaagad-agad. Malamang na nasabi na rin dito ang balak ng kanilang mga magulang.

"Hi, Alex!" bati ni Bryan dito. "Kumusta na?"

Hindi sumagot si Alex. Nanatili lamang itong nakatingin kay Richard.

Si Angel na ang sumagot kay Bryan. "Ang mabuti pa, doon na muna tayo sa labas."

Lumabas na nga ang dalawa. Naiwan na lamang sina Alex at Richard sa loob ng kwarto.

"How are you?" tanong ni Richard dito.

"Heto..." Tsaka nito itinaas ang kamay nito.

Even her voice sounded weak. Tapos noong itinaas nito ang kamay, halatang nanghihina talaga ito. Kaiba ito sa jolly at energetic na babaeng nakilala niya noon.

Lumapit siya dito at umupo sa may single chair sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay nito at saka hinimas-himas iyong parteng may IV. Alam kasi niyang ayaw nito sa tusok ng karayom.

"Masakit ba?"

"It feels better now." She smiled weakly.

Hindi siya nakatiis na hindi hawakan ang pisngi nito. "I'm sorry..."

"Ako nga ang dapat na mag-sorry. Hindi ako nakapunta doon sa tagpuan natin."

"Hayaan mo na iyon. Actually, sumama nga ang loob ko. Sumama ang loob ko without even knowing bakit hindi ka nakapunta. Kaya nga sobrang guilty ko ngayon."

"Ako naman ang dahilan kung bakit tayo nagkaganito, hindi ba? Ako ang nag-inarte. Ako ang nagselos. Pero sana maintindihan mo na naramdaman ko lang naman iyon kasi parang walang kasiguraduhan iyong relasyon natin. Iyong alam nating gustong-gusto natin ang isa't isa pero hindi naman natin magawa ang mga ginagawa ng mga normal na magkarelasyon. At naiinggit lang din ako kasi iyong mga bagay na gusto kong gawin nating dalawa, kayo ni Kim ang gumagawa."

"And I'm very insensitive for not knowing about your feelings," ani Richard. "I just wanted to have a lot of friends. Ganoon kasi ako sa Manila. Mapa-lalaki o babae man, marami akong kaibigan. I guess I miss that. Bago pa lang ako dito sa Tarlac kaya iyong mga nagiging malapit sa akin, tinuturing ko nang kaibigan ko."

"At hindi ko naman inintindi iyon. Hindi ko sinubukang i-analyze ang sitwasyon mo. Basta na lang ako nag-conclude... At sumuko... I gave up on us that easily."

"Siguro nga bata pa talaga tayo kaya sobrang dami pa nating kailangang matutunan when it comes to having a relationship."

"Tama ka. First time ko rin lang kasi magkaroon ng boyfriend..."

Napatingin siya dito. "Boyfriend? Sinasagot mo na ako?"

Tumango si Alex. "Noon pang magkikita sana tayo, sasabihin ko na sana sa iyo. Kaya lang hindi nga nangyari... Iyon ay kung gusto mo lang. Kung gusto mo pa."

"Oo naman," aniyang sobrang natuwa sa nalaman. "Gustong-gusto!"

Napangiti ulit si Alex. "Salamat naman kung ganoon."

"I promise na kung anuman ang magiging resulta ng usapan ng mga parents natin, ipaglalaban ko pa rin tayong dalawa, kasi hindi ko kaya na mapunta lang ito sa wala. Konti na nga lang ako na ang maospital dahil sa stress at hindi rin ako makakain ng maayos dahil nga sa nangyari sa atin. Ayoko nang mangyari iyon."

"Thank you." Ngumiti na si Alex.

Ngumiti na rin si Richard. "Palakas ka na. Para naman makapag-date na talaga tayo. Iyong legal na date."

"Kailangan kasama sina Ate at Bryan."

"Okay lang. Basta ang mahalaga kasama kita."

Hinalikan ni Richard ang kamay ni Alex, at kung ano mang sakit ang nararamdaman nito – mula sa tusok ng mga karayom hanggang sa sakit sa puso nito – ay nawala nang lahat. Totoo pala na kapag may dinaramdam ka, isang halik lang mula sa taong mahal mo ay malulunasan na iyong lahat.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Ang bawat floor sa Tarlac General Hospital ay may maliit na lobby na parang garden dahil sa mga halamang nakapagitna sa mga benches at gang chairs. Doon tumatambay ang mga bantay pati na rin ang mga pasyente na naiinip na sa kanilang mga hospital room. Well maintained ang mini garden sa lobby at talagang nakakaengganyong tignan ang mga naggagandahang mga bulaklak at halaman.

Nasa second floor ang kwarto ni Alex. Nang iwanan siya ni Angel pagdating ni Richard, sa may second floor mini-garden ito nagpunta kasama si Bryan. Walang tao noon sa lobby maliban sa isang babae na kalong-kalong ang isang two-year old boy na naka-dextrose. May kasama din silang isang babae na parang yaya ng batang pasyente.

"Kawawa naman iyong baby," ani Angel na nakatingin doon sa batang naka-dextrose.

Nakaupo sila noon ni Bryan sa isa sa mga gang chairs doon sa lobby. Ang baby naman na pasyente ay kasalukuyang inililibot ng ina nito at nililibang sa tulong ng mga halaman doon.

"Masakit siguro iyong IV niya," ang sabi naman ni Bryan.

Mula sa isang silid ay may lumabas na isang batang babae naman kasama ang mommy nito. Naka-dextrose din ang batang babae, pero hindi tulad nung unang bata ay naglalakad na ito. Siguro nasa apat hanggang limang taon na ang batang pasyente.

"Puro mga bata ba ang nandito?" tanong ni Angel sa katabi.

"Pediatrics kasi itong buong floor na ito. May pedia ward tsaka iyong mga private rooms pang-pedia rin. Kaya puro bata ang nandito."

Biglang may naalala si Angel. "Kaya pala yung room ni Alex parang ang gaan ng dating... Ah, dahil wala pa siyang eighteen! Ganoon ba iyon?"

"Oo," sagot ni Bryan. "Pedia pa rin ang classification niya kahit na may boyfriend na iyang kapatid mo."

Napangiti si Angel. "Oo nga. Buti pala ako, eighteen na. At least, hindi na ako dadalhin pa dito kapag nagkataon." Tumingin siyang muli sa mga batang pasyente. "Baka mamaya, dalawin ako ng boyfriend ko tapos may pang-batang mural sa hospital room ko."

"Okay lang. Understanding naman akong boyfriend."

"Siyempre, sa inyo kaya itong ospital!" ani Angel. "Honestly, gusto ko nga itong hospital ninyo. Bukod sa maganda ang lugar at ambience, mababait at maalaga pa iyong mga staff ninyo. Iyong mga nurses tiwala ka na aalagaan talaga nila ang pasyente ninyo. Tapos may mini-garden pa sa bawat floor."

Na-proud naman si Bryan sa narinig. Inakbayan niya tuloy si Angel.

"Sa totoo lang, this hospital has gone a long way since Lolo Baste put it up. Mabuti nga at nagawang sundan ni Daddy ang lahat ng ginawa ni Lolo. Sana kapag time na namin ni Richard, magawa rin naming pantayan ang efforts ng mga nauna sa amin."

"Kaya n'yo yan! Magaling naman kayo, eh. Isa pa, your parents are there to guide you naman. Kaya dapat maaga pa lang ay pag-aralan n'yo na ang pagpapatakbo nitong hospital."

"Sana nga..."

Seryosong nakatingin si Bryan sa mga batang pasyente, kaya malayang napagmasdan ni Angel ang katabi. For the first time, she was able to look at him intently. Yes, Bryan de Vera is one of the most good-looking person she has ever met, pero ang mas nagpapagwapo dito ay ang maganda nitong personality at ang kabaitan nito. Alam niyang confident ito sa lahat ng ginagawa, pero hindi pa rin ito mayabang. Cautious pa rin ito sa mga maaaring mangyari kaya hindi pa rin ito nagpapaka-kampante sa sariling kakayahan.

At higit sa lahat, sino ba ang hindi mababaitan sa lalaking laging nakaalalay sa iyo? Sa totoo lang, she feels relieved na nasa tabi niya si Bryan. Natutuwa siya na inaalalayan siya nito sa lahat ng nangyayari sa pamilya niya. At dahil doon, lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito.

Before he can even catch her staring ay umiwas na siya ng tingin. Tsaka niya naisipang biruin ito.

"Bakit parang nawalan ng self confidence si Bryan de Vera?"

Sumimangot si Bryan. "Eh kasi, katabi kita."

Napangiti na lang si Angel.

"Kawawa iyong mga baby, ano?" aniya pagkatapos. "Ang bata pa nila para ma-dextrose. Si Alex nga hanggang ngayon takot sa karayom. Hindi nga mapakali doon sa swero niya. Gusto nang tanggalin."

"Sabi naman ni Mommy, kapag hindi na dehydrated at normal na ulit kumain si Alex ay pwede nang tanggaling iyong IV niya. Pwede na rin siyang makauwi."

"Kakain na ng marami iyon. Bati na sila ni Richard, eh."

"Ang tanong, nagkabati ba?"

Napatingin si Angel kay Bryan, ngunit bago pa siya makasagot ay nakita niyang parating na ang mga parents niya kasama ang mag-asawang Ricky at Glory Quinto.

I hope this update granted everyone’s wishes - Alex and Richard’s reconciliation.

By the way, the sneek peak to the next MVS story is out. MVS 2: Maybe This Time. Please take your time to visit it and add it to your collection so when the actual story comes out, you will be notified.

Also, I have posted a story that I’m doing for a friend. It’s called Moonville Universe: The Blockbuster Cupid. Hope you also check that one out.

joanfriascreators' thoughts
次の章へ