webnovel

chapter 4: third eye

ng mawala ang lalake sa abot ng kanyang tanaw, minabuti ni Arnie na ituloy na ang pangangape, marami rami na rin syang napitas ng kape lalupat kapeng manipis ang uri ng kanilang tanim kaya di mahirap pitasin, ganun pa man may ilang puno din sila ng kapeng barako para sa pansariling pag konsumo.

Arnieeee....

maya maya pa ay narinig ni Arnie ang tawag ng kanyang kapatid, marahil ay nagyayaya ng umuwi ang kanyang tatay

.

.

.

nagsasaing ng kanin para sa hapunan ang nanay ni Arnie ang natirang ginataan manok at piritong sapateros ang uulamin nila.

si Arnie ay abala sa paglilinis sa bunsong kapatid na si Rosanne upang mapatulog na ito pagkatapos pakainin ng hapunan na natirang kanin kaninang tanghali at gatang manok.

Rosanne : ate Arnie, may natira pa bang hinog na mangga? gusto ko kasi iulam yon sa kanin

Arnie : oo, marami akong nakuhang mangga at papaya kanina hindi ko lang nadala lahat dahil mabigat kaya iniwan ko na lang sa kanluran kasama ng mga kahoy at uyo, binalikan kong kinuha kaninang bago tayo umuwi. tinulungan ako ni Jr magbuhat ng sako at bayong.

.

.

.

oras ng hapunan nauna ng kumain ang tatay ni Arnie at gumayak papunta sa kanyang kuya kiko na taga ibaba sa bungad ng baryo ang bahay

Arnie : inay, kanina pong nangangape ako sa may tabing patay na daan ng kariton, may dumaan pong mestizong lalake na may hila hilang lubid,.;

nakapagtataka po dahil mukhang dayuhan sya dito, maganda at mukhang pang mayaman ang damit at naka boots pa? wala po sya kasamang taga rito hinala ko po ay naliligaw ang mamang yon!?!

Betty : Arnie anak, kung may dayo dito sa baryo natin ay di maaring di natin malaman, sa liit ng lugar natin imposibleng may dayong maligaw!

Arnie : eh sino po kaya yung mamang yon? dayo po siguro sa kayquit? baka naligaw o nakatuwaan ng tikbalang dahil dayo at makisig

Betty : hindi natin alam anak, baka nga ang mamang yon mismo ay isang tikbalang na gusto kang iligaw! alam mo anak may third eye ka, kaya paminsan minsan maari mo makita ang mga kakaibanh nilalang kaya sana mag iingat ka

Loida: inay bakit po ba nagkaron ng third eye si ate Arnie?

Betty : namana yata nya sa lolo kong kastila yon! ang mabuti pa bilisan nyo ng kumain at gumagabi na, isa pa bata pa kayo kaya wag nyo na muna pag usapan ang tungkol sa mga lalake kahit pa ba gwapo!!!

Arnie, Loida : ay si nanay!!! ganon agad sinisingit sa usapan? para nagtatanong lang ay!!! ; magkapanabay na sabi ng magkapatid

Betty: oh sya sya, bilisan nyo na dyan! pagtulungan nyo na ng ate mo ang mga hugasing pinggan bago kayo maligo! Jr magsara kana ng mga bintana dito sa baba at taas pagkakain mo, at ako'y maagang matutulog. Maaga pa akong bababa sa bayan bukas para magkalakal at mamaraka

opo inay, sabay na tugon ng magkakapatid

.

.

.

ate sasama kaba kay inay bukas sa baraka? tanong ni Loida..susunod na lang ako bukas, magkalakal pa si inay kaya maaga sila ni itay papa bayan bukas sagot ni Arnie

pwede ba ako sumama? umaasang tanong muli ni loida.

Arnie: pwede, pero kailangan nating isama si Rosanne, walang magbabantay sa kanya dito

Loida : eh di si kuya Jr!! sya na lang muna magbantay kay Rosanne!!! di pwede makakagalitan tayo ni nanay sagot ni Arnie

.

.

.

sa palengke habang naglalakad si Arnie may nakita syang lalake na familiar

Arnie : Loida!!! tingnan mo yung lalaking yon oh! siya ang nakita ko kahapon sa pulo! iba na ang disenyo ng damit nya pero puti pa rin, sigurado ako. Siya yon!!!

Loida : huh??? nasaan???

Arnie : ayun oh!!! ay ayan!!! nakalayo na tuloy ang bilis nawala!?!

hmmmp tara na nga, ang bata mo pa malabo na mata mo, sabi ni Arnie sa kapatid habang akay sa kamay si Rosanne

Loida : ate Arnie!!! di malabo mata ko! di ko talaga makita tinuturo mo, saka wala naman nakaputing kulay sa mga taong yon?!?

baka naman namamalik mata ka lang o minamaligno!?!

次の章へ