mabilis na nakapamili si Arnie ar Loida ng mga gusto nilang bilhin, kumain na rin sila at nagpabalot ng goto at palabok kay yeye
.
.
inay andito na pala kayo sa bahay? bati ni Arnie sa nanay ng madatnan ito sa kusina na naglilinis ng mga isdang pinamili ar karneng baboy.
oo, kani kanina pa kami ng tatay nyo, ano ano ba yang pinamili nyo? tanong ni Betty sa mga anak
Si loida bumili ng hikaw nya at bagong pitaka, ako bumili ako ulit ng isang kilong sapateros at kalahating kilong dilis na ikikilawin ko. bumili rin ako ng bagoong isda para pag magluto ng diningding at may hiko din (bagoong paste)
Betty : ikaw talagang bata ka! napakahilig mo sa isdang sapateros at kilawing dilis! halos araw araw yang sapateros ang ulam mo kung hindi tuyong sapsap
Arnie : eh!!! Masarap po kasi inay!!! pangangatwiran ni Arnie
naku ang sabihin mo, mahilig sa sabaw ng dagat at inakay ng pating ang anak mo! pag magluto laging maalat? parang dagat? sa isda naman ang pinipili maliliit? tinik lang makukuha mo! sabat ni itay peter sa usapan ng mag ina.
oo nga naman anak, iwasan mo ang sobrang maalat. masama sa katawan yan! sang ayon ni Betty sa asawa.
Arnie : opo nay, sige po ibabad ko na muna itong dilis sa suka para pagkatapos ko mag gayat ng sibuyas luya at sili lilinisan ko na at aalisan ng tinik
oh sige anak, ako ng bahalang maglinis ng isdang sapateros mo, bago ko iluto ang sinigang na baboy sa santol. paki ayos mo na lang ang ibang pinamili, yung asin at asukal ilagay mo na sa lalagyan at i ref mo na rin ang ibang ulam na para sa almusal, malapit ba rin maluto ang pangat na tamban, paki awatan mo ng apoy
Arnie : sige po
inay marami po ba kayong biniling baboy? tanong ni Arnie sa ina
Betty : isang kilo at kalahati, bakit ba? Arnie : magtitira po ako ng pang rebosado para bukas pambaon sa pulo, dipo ba bukas tayo mag iirok sa kanluran? tanong na paalala ni Arnie
Betty : ah oo, meron pa naman, diko naman niluto lahat. halos sakto lang pang tanghalian, isabay mo na rin itabi sa freezer ang baboy.
itatabi ko na rin po muna ang hiko sa ref, ilalagay ko na lang sa tupper ware na maliit sagot ni Arnie
.
.
.
makapanghalian natulog sa taas si Arnie, hindi sila pupunta ng pulo, si jr lang ang pumunta ng pulo kasama si kamukamo ang kanilang aso, para magpatuka ng manok kaninang umaga.
pagkagising nila ininit ni Arnie ang biniling palabok at goto para meryenda, kasabay ng kapeng barako at kalamay buna na binili ng kanilang nanay.
Maaga kang matulog mamaya Arnie ,maaga tayong papailaya sa pulo bukas para maipababa ang irok, nilagyan na ng kapatid mo ang mga container ng tubig, isasakay nya na mamaya pailaya sa kariton para maisalin sa drum at tapayan at ng malagyan ulit para dalhin bukas.
kailangan maaga tayo makapag luto ng almusal bukas para bago tumirik ang araw nasa kubo na tayo ,wag kana makinig ng radyo mamaya Para agad kang makatulog, ibinabad ko na ang munggo, maaga mong ilaga bukas at ng agad lumambot, si Loida na ang maggigisa bukas sa kubo
Arnie : opo nay
.
.
.
maagang pumailaya ang pamilya nila arnie sa pulo sakay ng kariton, naibaba na ni Goryo ang irok at titilarin na lang nila para mailaga at masungkit.
tulong tulong ang pamilya nila upang mabilis matapos ang irokin, dalwang puso lang ng irok ang naibaba ni Goryo ang iba ay sa ikalawang linggo pa maaaring ibaba.
Arnie : inay, kakaunti na lang naman ang sungkiting irok, kukuha muna ako ng panggatong para agad ng maluto ang huling dalwang balde na yan, kukuha na rin ako ng tubig sa kubo na maiinom. paalam ni Arnie
oh sige anak, sangayon ni Betty
nakakuha na ng ilang sanga ng kakawati kayakas at uyo si Arnie, naglalakad sya pabalik sa kanluran kilik ang dalwang bote ng tubig ng may marinig syang tumatawag.
Arnieeee Arnieeee tawag sa kanya, (boses ni inay yon ah? ano kayang ginagawa nya sa lupa ng kakang orya? bakit nya kaya ako tinatawag?)
binitawan ni Arnie ang mga hilang sanga ng kakawati, kayakas at uyo at tinalunton ang boses pailaya kung saan nagmumula ang pagtawag sa kanya
inayyyy tawag ni Arnie sa ina ( bakit kaya wala sya dito? dito ko lang narinig ang boses nyang tumatawag sakin). Arnieeee.....
maya maya'y muli nyang narinig ang boses ng ina na tumatawag sa dakong ilaya pa kung saan sya naroroon, muling sinundan ni Arnie ang tawag ng inay nya at di nya namalayang nakalayo na sya sa sakop ng kanilang lupa.
patuloy syang sumunod sa boses na tumatawag hanggang makarandam sya ng uhaw at pagod, napagpasyahan ni arnie na umupo sa ugat ng isang puno para magpahinga at uminom ng tubig.
palinga linga si Arnie pilit iniisip kung nasaan at kaninong lupa na ang kanyang kinaroroonan habang pinakikinggan nya kung muling tatawagin sya ng kanyang nanay, ng may matanaw sya sa di kalayuan....