webnovel

Chapter 33

Crissa Harris' POV

Sinipa ko ng mabilis yung kamay nya kaya nalaglag sa sahig yung hawak-hawak nya.

"May dala kang baril pero hindi mo ginamit na pang-depensa sa sarili mo?" tanong ko habang deretsong nakatingin sa mata nya.

"W-walang bala yan.. Kaya h-hindi ko na nagamit.." napalunok sya at napaatras habang nakataas ang dalawang kamay.

Sinenyasan ko si Tyron para pulutin at tignan yung baril nung lalaki. Kinuha nya naman yun at nang matapos nyang tignan, umiling lang sya. Ibinaba ko na yung pagkakatukot ko ng baril dun sa lalaki.

"Sumama ka samin." sabi ko at nauna na akong maglakad pabalik ng mansyon.

**

"Sino sya?" salubong samin ni Alex na nakatayo sa may entrance ng mansyon. Nakatingin din sya dun sa lalaking kasunod ko at katabi ni Tyron.

"Nasan si Christian?" I said ignoring his question.

"Nasa may family living room sa 3rd floor." singit ni Elvis na biglang sumulpot. At katulad din ni Alex, nakatingin lang din sya sa nasa likod ko.

I gave them the mamaya-na-tayo-mag-usap-look tapos umakyat na kami sa 3rd floor. Dere-deretso akong pumasok doon sa living room at nadatnan namin si Christian na seryosong-seryosong nakatingin sa hawak nyang papel. Mapa ata. Nagulat pa sya nang makita nya kami, particularly nung makita nya na may iba pa kaming kasama.

"Muntik na syang makuyog ng mga undead. Buti nakita namin." sabi ko. Tumango si Christian at lumipat yung tingin nya dun sa nakasukbit sa balikat ko. Ngumiti at nag-peace sign agad ako sa kanya.

"Nakita ko sa may guardhouse. Akin na to ah? Hehehe." ginulo nya yung buhok ko tapos bumalik na uli yung tingin nya dun sa lalaki.

"Upo ka oh. Kwentuhan tayo dito." sabi nya habang naglalakad papunta sa may couch. Sumunod naman ako at hinaltak ko rin yung lalaki papunta doon. Tapos si Tyron, nagpaalam na aalis na muna sya.

Naramdaman ko bigla na parang nagka-tension dahil sumeryoso yung itsura ni Christian. Tumikhim sya ng madiin at saka tinitigan yung lalaking nasa harapan namin.

Nako, mukhang mapapalaban tong lalaki na to ah? Matinik pa man din si Christian pagdating sa ganito. Tsk tsk.

"So..

.. welcome to the group." nakangising sabi nya sabay lahad ng kamay. Yung lalaki naman e halatang nagulat at nagtaka sa inasal ni Christian. Ang seryoso ng atmosphere tapos, toinks.

"Teka muna, Christian. Mainam kung tatanungin muna natin sya ng ilang mahahalagang katanungan." hinaltak ko pabalik yung kamay nya tapos saka ko tinignan ng seryoso yung lalaki. "Okay lang naman sayo diba? Na magpapakilala ka muna bago ka namin tanggapin dito sa grupo namin?"

Tumango lang sya kaya umayos ako ng upo.

"Okay. Edi simulan na natin. Just answer these 5 questions I'm going to ask you. And just make sure that you'll answer me honestly..

.. Who is your favorite cartoon character? What is your most embarrassing moment? Would your rather eat a spider or a booger? If you had your human body, but the head of an animal, what animal would you pick? Christian, ikaw na mag-isip nung huling tanong.."

"Would you rather lick an old man's stinky armpit or chew on a rotten yellow toenail? Pffftt.."

Trinay kong magpigil ng tawa dahil sa sinabi ni Christian pero sa huli, parehas pa din kaming napahagalpak na parang mga baliw. Bakit pagdating sa mga kalokohan, ang galing galing namin? Halos hindi na kami makahinga kakatawa. Sinasabunutan ko na tong kakambal ko pero ayaw pa ring tumigil.

Napatingin naman kami parehas dun sa lalaking nakaupo sa harapan namin dahil parang mukha na syang matatae na ewan. Naweirdohan na ata samin ni Christian e.

"Ehem. Pffftt. Game, seryoso na uli." kinurot ko si Christian para umayos na rin. Tumigil naman sya tapos umayos na nang upo.

"Sige, isang tanong, isang sagot. Anong pangalan mo, ilang taon ka na, saan ka galing, at anong nangyari sayo?" seryoso nang tanong ni Christian.

Tumikhim yung lalaki at huminga ng malalim bago nagsalita.

"I'm Lennon. 20 pa lang ako at nag-o-ojt ako sa isang TV network. Malapit lang din doon yung tinitirahan kong condo. Nung gabi na nangyari yung outbreak na yon, nasa ojt ako dahil kailangan kong mag-overtime non. Isang linggo akong nagkulong sa loob ng building ng TV network na yun dahil natatakot pa akong lumabas. At nung Sabado nga, napagdesisyunan ko nang lumabas. Pinilit kong buhayin yung sarili ko na itong baril lang na to ang gamit ko. Ilang araw akong nagpagala-gala. Hanggang kanina, napadpad ako sa village na to. Hindi ko naman talaga planong pumasok dito pero nung makita kong may malaking horde ng mga zombies sa di kalayuan dito, napilitan akong pumasok. May ilan akong nakasalubong na mga zombies kaya dun nako naubusan ng bala. Buti nalang talaga, nakita nila ako."

Napaisip naman ako sa sinabi nya.

"Pano mo na-manage na makasurvive kung isang baril lang ang dala mo tapos kanina lang naubusan ng bala samantalang sabi mo, ilang araw kang nagpagala-gala? Ang layo nung sinasabi mong TV network dito. Konti lang ba nakasalubong mong mga zombies kaya hindi madaling naubos ang ammo mo? O nakasakay ka sa kotse kaya mabilis kang nakarating dito?" I know I might sound really rude to him at masyado ko syang kini-kwestyon. Pero gusto ko lang talagang makasiguro na mapagkakatiwalaan sya.

Imbes na sumagot, ipinakita nya sakin yung sapatos na suot nya. Yung makapal na swelas ng nike air max, halos hindi na makita.

"Hindi pa ko nangangalahati, bigla akong naubusan ng gas. Kaya ayun, pinangatawanan ko na yung pagiging athletic ko. Tumakbo ako nang tumakbo. Tulog at kain lang ang pahinga ko halos. At para safe ako, sa itaas ako ng puno nagsstay pag gabi."

Tumango-tango ako. Satisfied naman ako sa sagot nya. At hindi lang basta satisfied. Amazed pa. I guess he is really strong para makayanang maka-survive sa sitwasyon na naranasan nya. And maybe he's not just physically strong, mentally and emotionally strong too.

"Ilang undead na ang napatay mo?" biglang tanong ni Christian.

"Hindi ko matandaan. Nung time kasi na may gasolina pa ako at dina-drive ko yung kotse ko, hindi nako nag-aabala pang iwasan yung mga zombie na nakakasalubong ko. Sinasagasaan ko lahat yun. Muntik pa nga akong sumalpok dahil medyo natakpan na ng dugo ng zombie yung windshield ko."

Mas lalo lang akong napapabilib nito ni Lennon. Pero syempre, hindi naman sapat na magaling at malakas sya.

"Huling tanong bago ka officially maging member ng grupo namin. Mapagkakatiwalaan ka ba talaga?" seryosong tanong ko.

"You helped me. Ang kapal naman ng mukha ko kung traydurin ko pa kayo. Saka hindi ako ganun no. Trustworthy ako. Ang tagal ko rin kayang umasa na may makikita pa akong buhay." sabi nya sabay ngiti. Wow. Ngayon ko lang napansin na ang cute nya pala ha? Pero don't get me wrong. Solid Sedrick pa rin ako. Hihihi.

And speaking of, parang nakikita ko si Sed sa kanya ah? Parang may pagkakaparehas silang dalawa.

"Basta wag mo lang sisirain yung tiwala na ibibigay namin sayo." sabi ni Christian sabay sapak sa balikat ni Lennon. "Dyan muna kayo ah? Sasabihan ko lang yung iba na sabay-sabay tayong magdi-dinner. Para na rin ma-introduce natin yung bago nating member sa kanila."

Pinanood nalang namin si Christian na pasipol-sipol pa habang lumalabas. Parang good mood na good mood dahil may bago kaming member. Pero nakakainis! Pito na silang lalaki samantalang apat pa rin kaming mga babae. Huhuhu.

Humarap naman ako kay Lennon dahil nakita kong hinihimas-himas pa nya yung balikat nya na sinapak ni Christian.

"Masakit ba? Masanay ka na. Ganyan talaga kami dito. At mami-meet mo na mamaya yung iba pa. Pero sa ngayon, sumama ka muna sakin." nakangiting sabi ko tapos hinaltak ko na sya sa may kwarto ni Marion.

**Afterwards..

Napatingin ako kay Lennon na kalalabas lang sa walk in closet ni Marion. Hindi ko maiwasang mapapalakpak habang pinagmamasdan sya. Bagong ligo at bagong bihis kasi sya e. At hinayaan ko lang sya na pumili ng susuotin nya dun sa mga damit ni Marion.

Plain black shirt, fitted jeans, tapos combat boots. Pak na pak! Ang pogi! Lakas maka Sedrick Hilton.

"Ganda mong pumorma Lennon! Pogi ah?"

"Eh, salamat sa pagpapahiram sakin ng mga damit ng kuya mo Crissa." sabi nya na nagkakamot ng batok tapos namumula pa yung mukha.

"No problem! Ano, tara na?" tanong ko. Napansin ko naman na parang natahimik pa sya ng konti kaya nilapitan ko sya at tinapik sa balikat.

"Don't worry, Lennon. Mababait kaming lahat dito. Pwera lang kay Tyron. Pinaglihi kasi sa sama ng loob yun e. Saka wag ka ring didikit kay Renzo. Medyo may pagkabastos kasi yun. Hehe. Sa akin ka lang didikit. At saka kay Sedrick. Parehas kaming mabait."

"Sedrick?"

"Oo. Tara na kasi para maipakilala na kita sa kanila. Hehe." sabi ko at hinaltak ko na sya.

Pagkadating namin sa may dining room, andun na agad sila at kumakain. At nung mapatingin sila samin, samut sari na ang reaksyon nila.

Sila Harriette, Renzy at Alessandra, nabitin sa kalagitnaan nang pagsubo nila sa kutsara at kapansin-pansin din ang biglaang pagpula ng pisngi nila. Si Alexander at Elvis, neutral lang. Si Christian nakangisi at si Tyron, as usual naka poker face. Si Renzo naman napatulala at nalaglag pa sa sahig yung hawak nyang kutsara at tinidor. Habang si Sedrick naman, sya yung may pinaka hindi makapaniwalang itsura. Gulat lang syang nakatingin kay Lennon.

At ganun din naman si Lennon. Deretso lang ding nakatingin kay Sed.

Oh my! Are they something? Like having a bromance!? Omg! This is ridiculously awful! Huhuhuhu!!

"Lennon? Paano ka napunta dito? Diba nasa States ka?" di makapaniwalang tanong ni Sed.

"Actually Sedrick, 4 years nakong nandito dahil dito ako nag-aral ng college. Hehe." bulong ni Lennon habang nagkakamot nanaman ng batok.

"Four years? Palagi tayong nagkikita sa States tuwing bakasyon pero di mo man lang sinabi sakin? Parehas lang pala tayo ditong nag-aaral."

"Hehe. Di ka naman kasi nagtatanong e."

Okay. Pati ako napakamot na ring ng ulo. Anong pinag-uusapan nilang dalawa? At magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?" nice. Gumana na uli ang twinepathy namin ni Christian. Sya na nagtanong nung nasa isip ko.

"Oo. Pinsan ko yan si Lennon Hilton. He's 2 years older than us."

Magpinsan silang dalawa? Oh my! Walang kaduda-duda! Parehas silang pretty boy at mabait pa. Hmmm.. Mukhang may makakasundo nanaman ako nito ah? Hihihi.

Umupo si Christian dun sa dulo ng dining table tapos kinuha nya ang atensyon naming lahat. Hinaltak ko naman si Lennon para umupo na rin sa tabi ko.

"What a coincidence. Magpinsan pala kayo. Crissa and Tyron saw Lennon sa labas. Na-corner sya nung mga undead kaya umakyat sya sa puno. They helped him and yun nga, dinala nila sya dito. And as I can see, mukhang katulad din natin si Lennon. Lumalaban para mabuhay. Right, Lennon?"

Tumango si Lennon at nahihiyang ngumiti samin. Kinurot ko nga. Ang cute e. Hehehe.

"He's a fighter too. He can use guns and he can drive too. Bagay na bagay talaga syang mapabilang satin. He's now part of the group."

Ngumiti kaming lahat dahil sa sinabi ni Christian and winelcome nga sya nung iba. Lennon is now part of the group. Yieee.. Sounds really good. Sobrang nakakakilig pakinggan. Hihihi. Sana lang madagdagan pa kami para mas masaya.

次の章へ