Crissa Harris' POV
Nung matapos kaming kumain, tinour namin saglit si Lennon sa buong mansion para naman maging familiar na sya. Baka matulad to kay Alex na pffftt.. naligaw at binansagan ni Zinnia na pooper dahil sa iniwan nyang himala. Hahaha.
Last stop namin yung family living room dahil doon din sya matutulog kasama nung lima. Naabutan naman namin doon si Renzo na nakasalampak sa isang couch at mukhang tulog. Si Sedrick kasi at Tyron kasi, sumama rin sa pagtu-tour kay Lennon. Ewan ko lang kung nasan si Alex at Elvis. Baka kasama ni Christian.
"Kyaaaaa!! Nakakapagod na araw! Tara Lennon, upo ka dito." tawag ko sa kanya pagkasalmpak ko sa couch. Siniksik kong pilit si Renzo para makahiga rin ko. Nalaglag tuloy sya sa sahig.
"A-awww.. Sino ba yun?" bulong nya habang nakikipaghalikan sa carpet. Tumayo naman agad ako para tulungan sya.
"Hehe. Sorry Renzo!" niyakap ko sya tapos hinaltak ko na sya patayo. Pangisi-ngisi pa nga e pero di ko nalang pinansin. Hinayaan ko nalang syang sumunod kila Sedrick at Tyron na nakatingin sa amin mula sa table.
Bumalik ako sa couch tapos hinaltak ko si Lennon para umupo na rin. Pano ba naman e, nakatayo pa rin hanggang ngayon.
"Ang tangkad mo na, nagpapatangkad ka pa? Hehehe."
"Naninibago lang ako Crissa.. Di pa rin kasi fully nagsi-sink in sakin na hindi nako mag-iisa uli.. Tapos si Sedrick din, buhay pa pa pala. Kaya, natutuwa talaga ako.."
"Sus naman. Saksak mo na sa isip mo yan, Lennon. Magmula ngayon, kasama ka na namin. At kasama ka na rin namin sa mga adventures pati sa kalokohan.."
"Salamat at tinanggap nyo agad ako sa grupo nyo ah? Saka sa pagtulong nyo ng boyfriend mo sakin kanina. Akala ko e, mahihirapan nanaman akong tumakas. "
"Ay, nako. Walang anuman. Wag mo nang--- TEKA. Anong sabi mo? Boyfriend ko? Hindi ko boyfriend si Tyron .." gulat na sabi ko. What made him think na bf ko ang lalaking sama ng loob na yon? Duh..
Nagkamot ng ulo si Lennon tas tumawa ng pilit.
"Hehehe. Sorry. Akala ko boyfriend mo sya e.."
"Imposibleng mangyari yun, Lennon. Mas gugustuhin ko pang pumatol sa undead kesa sa kanya. Hahahaha! Saka may crush na kaya ako no!" nakangusong sabi ko habang nakahawak sa pisngi ko.
"Talaga, sino?" enthusiastic na sabi nya.
"Secret muna! Hihihi. Dapat ikaw nga magkwento nang magkwento sakin e. Ano, close na close ba kayo ni Sed?" sabi ko sabay dikit pa sa kanya. Baka marinig kami nung mga nasa likod e. Andun pa man din si Sed. Huhuhu.
"Yes. We're really close. Dalawa lang kasing magkapatid yung mga daddy namin tapos parehas pang Filipina yung mommy namin. Kaya ayun, kami lang talaga yung nagkakaintindihan dun sa angkan namin. Hahaha.."
Tumango-tango ako tapos ngumiti ako sa kanya uli.
"Fil-Am ka din pala. Hehehe. Pero alam mo, wala talagang kaduda-duda na magpinsan kayo nyan ni Sedrick."
"Ha? Bakit naman? Magkamukhang-magkamukha ba kami?"
"Sort of. Ang pogi nyo parehas e! At iba yung pagka-gwapo nyo. Pretty boy type kayo. Hehehe.."
"E-eh, gwapo? T-talaga ba?.." sabi nya nang nakayuko at nagkakamot nanaman ng batok.
"Oo naman. Napaka-humble mo naman at hindi ka nagmamayabang kahit na ang pogi-pogi mo. Parehas talaga kayo ni Sedrick. Ang bait-bait nyo parehas.. Huhuhu.." hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na sya.
Yung lalaking sobrang pogi pero hindi mapagmayabang? At hindi rin gwapong-gwapo sa sarili? Konting-konti nalang sila. Huhuhu. At nakakatuwa lang dahil sa kokonti na yun, mayroon akong nakilala at makaka-close na dalawa. Mag pinsan nga talaga to si Sedrick at si Lennon no doubt. Huhuhu..
Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya. Mukhang magiging close kami nito e. Nararamdaman ko. Para kasing si Lennon yung bestfriend material na klase ng lalaki pero kampante kang hindi ka maiinlove sa kanya. Bihira lang yung ganon e. Huhuhu..
"E-eh, Crissa.." bulong ni Lennon.
Bigla naman akong nagulat nang may humawak sa braso ko at hinaltak ako patayo. Napatingin ako kay Lennon dahil lumapit si Sedrick sa kanya tapos hinaltak din sya.
"Lennon, usap muna tayo. Ang dami mong dapat ipaliwanag sakin e. Bakit dito mo rin naisipang mag-college?" inakbayan ni Sedrick si Lennon tapos pumunta sila sa table. Naiwan nalang ako dun na nakatayo kaya hinarap ko yung humaltak sa braso ko.
Anak ng pakialamerong sama ng loob..
"Ano, Tyron? Nag-uusap kami ni Lennon e. Bastos ka." bulong ko sa kanya. Ayaw kong ma-beast mode sa harapan ni Lennon. Baka layuan nya ko pag nalaman nyang nagiging halimaw ako pag galit.
"Napaka-intimate mo namang makipag-usap. May payakap-yakap ka pang nalalaman."
"Aba, pakialam mo ba? Ito yung first time na magkakaron ako ng best friend na lalaki. (Kahit hindi naman talaga first time) Kaya grab na agad. Tsk. Ano ba kasing kailangan mo ah? Bakit kailangan mo pang mang-istorbo.." taas-kilay na tanong ko. At aba ang loko, tinalikuran ako. Hinawakan ko sya sa braso pero nagulantang ako nang makaramdam ako na parang kung anong sting na dumaloy sa braso ko nang gawin ko yun.
Shemay. Ano to?.. Nakakagulat..
Bumalik ako sa katinuan nung humarap sya sakin at nagsalita sya.
"Sasabihin ko lang na yung sniper na nakuha mo, kay Lennon nalang daw muna." sabi nya nang nakatingin ng deretso sakin. Natulala ako saglit sa mata nya pero umiwas din ako.
Ewan ko pero parang hindi ko biglang magawa na sapuhin yung tingin nya. Bigla ring bumilis at lumakas yung tibok ng puso ko. Parang naabnormal.
"A-ah.. Sige. Okay lang." nakayukong sabi ko sabay labas. Dumeretso ako doon sa kwarto ni Christian tapos itinumba ko agad yung katawan ko sa kama.
Ano ba naman tong nangyayari sakin.. Bakit biglang may mga ganong sudden changes sa action ko.. Nakakapanibago. Hinawakan ko lang naman braso ng pakialamero na yun tapos biglang may ganon? Nakakainis.
Mabuti pang sabihin ko to kay Christian para naman maexplain nya sakin kung ano tong alien feeling na to. Huhuhu. Di ko alam talaga kung ano to e. Saka bakit ganito.
"Christian! Yuhuuu? Asan ka pogi?" tumayo ako sa kama at hinanap ko sya sa buong kwarto. Pero wala naman sya. Wala nga rin yung mga weapon nya e.
Hmmm.. Mukhang alam ko na kung nasan yun.
Pumunta uli ako dun sa family living room para siguraduhin kay Renzo. Pagdating ko dun, tapos nang mag-usap si Sedrick at Lennon. Nag-aassemble sila ng baril. Si Tyron naman, nakatitig sakin kaya umiwas agad ako.
"Uy Renzo? Nasan yung magaling kong kakambal?" pagsegway ko.
"Kasama ni Alex at Elvis e. Lumabas ata."
"Hmm. Sabi na e. Loko-loko talaga yun. Di man lang ako sinama." lumapit ako sa kanya. "Peram combat knife dali."
"Bakit, saan ka pupunta?" biglang singit ni Tyron. Muntik pa nga akong mapatalon nung madinig ko yung boses nya e.
"A-ah, malamang s-susunod ako sa kanya!" sigaw ko na nakatalikod pa rin..
"Di pwede. Bawal. 9pm na oh. Delikado sa labas."
"A-anong bawal? Susunod pa rin ako kahit bawal!" inagaw ko kay Renzo yung combat knife nya.
Paglakad ko sa may pinto, naunahan na agad ako ni Tyron. Humarang sya doon at nag-cross arms sakin habang tinatapunan ako ng seryosong tingin.
"Sasamahan kita."
Sasamahan kita.. Yun ang sinabi nya at hindi, sasama ako.. Anong kaibahan nun sa isa't-isa?.. Meron ba?.. Parang meron eh..
Teka nga!? Bakit ko ba iniisip yun!? Tsk!
"E-edi sumama ka!" Sigaw ko pabalik.
"Sasama rin ako. Hahaha. Okay lang, Crissa?" sabat ni Renzo.
"Okay fine. Whatever." inirapan ko sya.
"Sed, maiwan nalang kayo ni Lennon dito." sabi ni Tyron sabay labas. Kaya lumabas na rin kami ni Renzo.
Dinaanan namin sila Harriette para magpaalam na lalabas kami saglit. Sya nalang yung gising dahil si Alessandra at Renzy, tulog na. Bukas na nga kasi yung start nung mission nila na paghanap sa mga family nila? Kaya ayun, nag-iipon na sila ng lakas.
Dumeretso na kami sa baba. Ewan ko dito kay Tyron at kanina lang e, nauuna sya saming maglakad. Pero ngayon, nasa likod ko na sya. Medyo natatapakan nya nga yung likod ng paa ko e.
"Tsk. Bagal kasi e." bulong nya. At nang hindi humaharap sa kanya, sumagot ako.
"Aba, edi mauna ka? Sino ba nagsabi sayong pumwesto ka dyan sa likod ko?" mahinahon na tanong ko. Ewan ko pero hindi ko trip na sigawan sya ngayon. Humarap naman sakin si Renzo dahil nauuna sya sakin.
"Talagang ganon Crissa. Pinauunang maglakad ng lalaki ang babae para maprotektahan sya sa ano mang panganib. Kaya dapat, nakikita talaga yung babae at hindi naalis sa paningin ng lalaki." bulong nya. Biglang bumilis nanaman na parang abnormal yung puso ko.
Edi ibig sabihin, ayaw rin ni Tyron na maalis ako sa paningin nya? Kasi gusto nyang maprotektahan ako? Pero teka..
Hinablot ko si Renzo.
"Eh bakit ikaw, mas nauuna kang maglakad sakin?"
"Malay mo, sa harapan manggaling yung panganib? Mabuti na yung handa diba? Pinoprotektahan lang kita, Crissa." Sabi nya sabay ngiti ng matamis.
Napangiti rin tuloy ako. Natouch ako e. Huhuhu. May itinatago rin palang kabaitan to si Renzo. Akala ko puro kabastusan at kamanyakan lang talaga e. Huhuhu..
"Thanks Renzo. Ganyan ka pala ka-protective sakin. Huhuhuhu.. Friends na tayo from now on." hinawakan ko sya sa braso para sana yakapin pero di ko naituloy dahil nagteleport na si Tyron sa tabi namin at hinila sya paalis. Yung hangin nalang tuloy ang nayakap ko.
Hmp. Bastos talaga ng isang to! Pero pasalamat sya at natutuwa ako ngayon sa kanya dahil nalaman kong prinoprotektahan nya rin pala ako. Kaya hindi ko talaga sya sisigawan.
Binilisan ko yung lakad ko at nang maabutan ko sila, sumingit ako sa gitna nila. Hinawakan ko parehas yung braso nila at niyakap. Naramdaman ko nanaman yung weird na feeling nung hawakan ko si Tyron pero di ko nalang pinansin. Mas nangingibabaw ngayon yung tuwa ko dahil nalaman ko ngang pati sila, pinoprotektahan ako. Kakakilig ano? Ang popogi na nga nila, ang ssweet pa.
Ewan ko kung imagination ko lang ba yun pero parang nakita kong ngumiti rin si Tyron.
Nung natanaw ko na yung labas ng gate. Bumitaw agad ako sa kanila. Kahit madilim nakita ko pa rin sila Christian na lumalaban dun sa mg undead. Kasama din nya si Alex at Elvis.
"Dalian natin." bulong ko kila Tyron at Renzo tapos tumakbo na kami palabas.
Mahigit siguro sa 20 yung mga undead na nakapalibot sa kanila bukod pa dun sa napatumba nila. Dahil na rin siguro sa madilim ay nahihirapan sila. Agad naman kaming tumulong sa kanila. May dalang flashlight si Tyron at inabot nya sakin yun bago pa ko makaatake sa isang undead.
"Dyan ka nalang. Ilawan mo kami." seryosong sabi nya kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod.
Pumwesto ako sa may gilid at inilawan ko sila. Sakto namang may isang undead na lumihis at sa akin tumingin. Bago nya pa ako malapitan, sinugod ko na sya agad at sinaksak sa noo. Pero hindi ko nabunot agad yung kutsilyo.
Napaatras ako nang makita kong may isa pang undead na palapit sa akin. Pero pinilit ko pa rin na mailawan sila habang naghahanap ako ng pwedeng ipanghampas ko dun sa undead. Sa sobrang panic ko naman, nailaglag ko yung flashlight na hawak ko at napaupo pa ako sa lupa. At ang sumunod nalang na nakita ko, magda-dive na sakin yung undead.
Oh my.. Ito nanaman.. Cornered nanaman ako..