webnovel

OneSoul11

Tinabihan nga ako sa higaan ng aking ina hindi naman pumayag ang aking ama at mga kapatid na kami lamang ang magkatabing matulog kaya lahat sila ay dito matutulog sa aking silid.

"anak alam mo naman siguro tayo'y may kapangyarihan? may pagkakataon bang naipalabas mo ito gamit ang dati mong katawan sa lugar ng mga mortal?" tanong ni ama, kapangyarihan? Ang alam ko lamang ay napakahilig ko sa tubig at kayang kaya kong huminga sa ilalim ng tubig kahit gaano pako katagal na sumisid.

"hindi po ama ngunit nung nasa mundo ng mortal pa ako nagtataka ako kung bakit kaya kong huminga sa ilalim ng tubig" marahil ay may kinalaman sa tubig ang kapangyarihan ko kaya't napaka payapa ng pakiramdam ko pag napapaligiran ako nito.

"Kung sa ganon kahit papano'y nagamit mo ang iyong kapangyarihan kahit nasa ibang katawan ka, unang lumabas na kapangyarihan mo ay ang tubig" Sabi ng aking kapatid na si paxton

"at dahil dalawang buwan mag mula ngayon ay mag sisimula na ang pasukan dito sa ating mundo kailangan na nating sanayin ang iyong kapangyarihan sa lalong madaling panahon para malaman natin ang lakas at hangganan nito" seryosong sabi ni ama, ibig sabihin kailangan kong mag aral dito sa white kingdom? at mag sasanay kami? nung narinig ko ang mga salitang iyon parang nabuhayan ako ng aking dugo siguro dahil matagal natulog ang aking kapangyarihan sa aking katawan Kaya ganito na lamang ang reaksyon nito.

"Anak may gusto lamang akong hihilingin pag nag simula na ang iyong pag aaral, gusto kong isikreto mo na ikaw ay aming anak at sila ay iyong kapatid, kahit kanino man gusto kong wag kang agad agad mag titiwala bukod sa amin" pangaral ni Ina habang nakayakap sa akin

"ngunit bakit ho hindi pwedeng sabihin Ina?" nagtatakang tanong ko

"ayokong mawala ka ulit sa amin. pag nalaman nilang buhay ka paniguradong gagawa sila ng paraan para mapatay kang muli" naiintindihan kona kailangan ko nga talagang itago ang tunay kong pagkatao

"wag kang mag alala princess proprotektahan ka na namin sa abot ng aming makakaya ano pa't naging makapangyarihang prinsipe kami Ng white kingdom ni Paxton Kung sarili naming kapatid di namin kayang protektahan" nakangiting sabi ng aking kuya Pierce. napaka gwapo talaga ng isang ito bagay sa kanya ang kulay brown na buhok na minana niya sa aming ina.

"Salamat mga kuya, Salamat Ina at ama" nakangiting sabi ko at unti unti ng pinikit ang aking mga mata.

kinaumagahan nagising akong wala na ang aking mga magulang at kapatid, maaga siguro silang nagising kaya nag si alisan na sa aking tabi.

panibagong araw, ano na naman kaya ang aking matutuklasan ang sabi ni ama mag sisimula daw kami ng pag sasanay ng aking kapangyarihan sa lalong madaling panahon. sana ngayon na ang araw na iyon gusto ko ng matutunan ang aking kapangyarihan. ito ang tutulong sa akin upang makita ang aking nobyo gustong gusto ko na siyang makita.

pag katapos kong mag munimuni pagkagising ko agad na akong kumuha ng aking susuotin sa napakalaking kwarto na nag lalaman ng aking mga damit at sapatos at ako'y naligo na.

pagkatapos maligo humarap ako sa salamin upang mag ayos ng aking mukha, hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ng aking mata sa salamin. napaka gandang babae talaga ng nakikita ko ngayon hindi na kailangan ng kahit anong kolorete sa mukha dahil natural na natural ang kagandang taglay. nag lagay na lamang ako ng pulbo sa mukha at nag suklay.

Nagulat ako habang nag aayos ng aking buhoy ay biglang may humawak sa aking balikat. napatingin ako sa salamin upang makita kung sino ang nasa aking likuran.

"anak pasensya na at hindi na kami gumamit ng pinto upang makapasok sa iyong kwarto sa kadahilanang kailangan ka naming itago. sa basement tayo mag lalagi sa loob ng dalawang buwan bago mag simula ang klase" pag papaliwanag ni Ina, marahil ay pinabalik na nila lahat ng tagapag silbi at mga gwardiya ng palasyong ito.

"naiintindihan ko po Ina" nakangiting sabi ko dito

"patawad aking anak, Hindi ko man lang magawang maipakilala ka sa buong white kingdom, wag kang mag alala dadating ang araw na mangyayari iyon at kikilalanin ka nila bilang ang napakagandang prinsesa ng Elemental White kingdom" nauunawaan ko naman ang sitwasyon di na nila kailangan humingi ng pasensya sa akin. at mas gusto kona din na Hindi makilala ng lahat mas gusto kong manatiling simple at tahimik lalo na't kailangan ko palang mag aral sa mundong ito.

pinahawak ako ng aking ina sa kanyang kamay at nagulat na lamang ako na nasa ibang lugar na kami, ito na siguro ang basement ng palasyo. napakalamig ng klima dito ang sarap sa pakiramdam.

"mag almusal muna tayo, ako ang nag luto niyan anak para sayo" paglalambing sa akin ng Mahal na Reyna sinuklian ko naman ito ng halik sa pisngi.

"Salamat ina"

Nag simula na kaming kumain napakasarap ng mga pagkaing nakahanda sa hapagkainan, halatang niluto ng may kasamang pag mamahal. pag nawawalan ng pagkain sa aking plato nilalagyan ito agad ng aking mga kuya pinagitnaan nila akong dalawa salitan sila sa paglagay sa akin ng pagkain.

natutuwa na lang ako sa kanila. Ang sarap pala sa pakiramdam ng maging bunso at nag iisang babae sobrang asikaso ng mga kapatid. siguro'y ganito din kami sa aking bunsong kapatid sa mundo ng mga mortal, lahat ng gustong bagay nun ibinibigay namin.

matapos ang pagkain ay nag pahinga muna kami sa sala ng basement na iyon, mamaya daw ay magsisimula na kaming mag ensayo upang sa ganun ay mapalabas ko paunti unti ang aking kapangyarihan.

"Ama ano ho ba ang inyong mga kapangyarihan?" mukhang napakalakas kasi ng aking ama kitang kita ito sa kanyang awra at tindig, marahil ay punong puno siya ng kapangyarihan sa kanyang katawan.

"Anak ang mga lahing Devereaux lamang ang nag iisang lahi sa buong white kingdom ang may dalawa o tatlong kapangyarihan, kalimitan ay hanggang tatlong kapangyarihan lamang ang ating namamana sa ating mga ninuno at ganun ang nangyari sa akin mayroon akong tatlong kapangyarihang elemental bukod pa ang mga pangkaraniwang kapangyarihan, hawak ko ang Apoy Tubig at ang Hangin ang iyong Ina ay may isang kapangyarihang elemental dahil anak siya ng isang maharlika sa water kingdom kaya ang kapangyarihan hawak niya ay tubig samantalang ang iyong kuya paxton ay may hawak ng apoy at tubig at ang iyong kuya pierce ay may na Hangin at lupa.

nakakamangha ibig sabihin ang iba pang sakop ng white kingdom ay isang elemental lamang ang hawak ngunit ang aming lahi ay may hawak ng dalawa o higit pang elemental napaka makapangyarihan naman pala ng aking pamilya.

"puro elemental lang po ba ang kapangyarihan ng mga tao dito?" kyuryosong tanong ko.

"hindi anak, ang mga namumuno lamang sa bawat kaharian ang may kapangyarihang elemental at may sub power. Lahat ng taong makikilala mo na may elemental na kapangyarihan ay isang dugong maharlika Ang mga pang karaniwang mamayan ay subpower lamang ang kanilang gamit" napatango na lamang ako ibig sabihin madami pang iba't ibang kapangyarihan sa mundong ito.

"ngunit paano kung elemental din ang aking kapangyarihan, may tyansang malaman nila Ang tunay kong pagkatao?" pagtatanong kong muli.

"wag kang mag alala anak, Hindi bat Ang sabi ko sayo ay Isa kang napaka makapangyarihan nilalang? lahat ng elemental na kapangyarihan ay nasa iyo at gayundin lahat ng subpowers sa mundong ito ay taglay mo, natutulog lamang ang lahat ng ito sa iyong katawan ngunit wala kang dapat ipag alala aayusin natin ang lahat" nakangiting sabi nito napatango na lamang ako may tiwala naman ako sa aking sarili sa aking mga agulang at sa mga kapatid ko.

次の章へ