webnovel

OneSoul12

Isang buwan na mag mula nung ako ay mag sanay, pumasok naming lahat sa isang pinto na may mabagal na oras upang maging sapat ang aming oras upang mapalabas ko lahat ang aking kapangyarihan sa loob ng dalawang buwan. ang isang buwan sa loob ng pintuang pinasukan namin ay mahigit tatlong buwan dito sa white kingdom. Kaya sapat na siguro iyon na pag sasanay dahil katumbas ito ng anim na buwan sa mahiwang pintuan. nung una ay hindi ko talaga ma palabas ang aking kapangyarihan halos lumuha na ako sa harap ng aking mga magulang at kapatid.

patuloy nila kong sinasabihan na kayang kaya kong gawin yon natutulog lang daw ang aking kapangyarihan dahil matagal na panahon ko itong nagamit, halos sumuko ako dahil baka wala naman talaga akong kapangyarihan at baka nag kakamali lamang sila ngunit matapos ang dalawang linggo sa loob ng mahiwagang pintuan napalabas kona paunti unti ang aking kapangyarihan.

inuna namin pag aralan ang aking mga elemental na kapangyarihan at tama nga sabi ni ama hawak ko ang apat na elemental unang una kong napalabas ang tubig marahil ay kaya napaka hilig ko sa tubig noong nasa lupa pa ako dahil ito ang unang lalabas na kapang yarihan sa akin, sunod ay ang hangin noong napag aralan ko ang kapang yarihan na ito sobrang natuwa ako dahil kayang kaya kong lumipad gamit ang hangin at napakasarap sa pakiramdam, sunod ang lupa napakaganda naman ng kapangyarihan ito pati mga hayop ay nakakausap ko at ang pinaka huli at pinaka masakit sa lahat ang elemental ng apoy parang sinusunog ang buong katawan ko noong napalabas kona ang elemental na ito, halos dalawang araw akong hindi makagalaw sa higaan ko ngunit pinipilit kopa din itong kontrolin kahit na hirap na hirap ako. hanggang sa naging bihasa na ko sa pag gamit ng mga ito na ikinagulat ng aking mga magulang at kapatid dahil sa maikling panahon nagamay kona ang mga elemental mga subpowers na lamang ang aking problema.

katulad nga ng sabi ng aking ama ang mga maharlika sa iba't ibang kaharian ay may mga elemental na kapangyarihan ngunit wala silang subpowers ang mga normal na mamamayan lamang ang may mga ganitong kapangyarihan ngunit isa lamang bawat nilalang, ngunit lahat ng tao dito sa white kingdom ay kayang kayang mag teleport. sa aming kaharian na Elemental White Kingdom kaming mga purong maharlika ay may kapangyarihan na dalawa hanggang tatlong kapangyarihan bukod sa akin katulad ng ibang mamayan sa ibang kaharian iisang subpower lang din ang mayroon bawat nilalang.

wala ang aming amang hari at inang reyna ngayon lagi silang nasa labas nitong mga nakaraang araw lagi ko lamang kasama sa aking pag sasanay ay ang aking mga kapatid ngunit pag sapit ng dilim sa white kingdom andito sila upang samahan ako, nakakagaan ng loob na laging may sumusuporta sa akin.

"little sister nalalapit na ang pasukan, doon na tayo titira sa loob ng paaralan kaya mahihirapan kaming maka bonding ka" malungkot na sabi ng aking kuya Paxton Dorm school pala ang paaralan dito. iniisip kopalang natatakot na ako, kahit na alam kong mas makapangyarihan ako sa kanila ngunit dipa din mawala ang aking pangamba dahil alam kong sila'y bihasa na sa kanilang kapangyarihan.

"okay lang yon kuya may kasabihan nga na pag gusto may paraan, Kaya alam kong gagawa at gagawa kayo ng paraan ni kuya Pierce na magka bonding tayo" nakangiting sabi ko sa kanya ngumiti naman silang dalawa pabalik sa akin. pahinga namin ngayon at bukas ay sasabak na naman ako sa matinding training.

"baby kailangan muna namin lumabas ha baka magtaka na ang mga tao na wala kami sa loob ng kaharian" pagpapaalam ni kuya pierce, natatawa na lamang ako sa tawag niya sa akin. tumango na lamang ako sa kanilang dalawa at sabay na silang nawala sa aking harapan.

ang mahiwagang pintuang pinasukan namin upang mag training ay may isang malaking bahay at garden sa loob. Mayroon din napakalaking training ground kung saan kami nag sasanay ng aking mga magulang at kapatid. prinoprotektahan din nito ang aming mga kapangyarihan upang hindi maramdaman ng kahit sino man ang aming pwersa sa tuwing nag sasanay na kami.

habang tumatagal kapansin pansin na mas lalo kong nararamdaman ang paglakas ko pero alam kong sa ngayon nasa anim napung porsyento pa lamang ang aking lakas ganito pala ang pakiramdam ng may kapangyarihan nakakatakot dahil kahit hindi nila sabihin alam kong malaking responsibilidad ang nakapatong saakin.

次の章へ