Dismisal Warning.
-Late siya!! bakit na naman kaya,''ang tanong ni Justine sa kanyang sarili''
Yabag ng takong ng sandalya ang maririnig sa di kalayuan pag pasok sa pinto ng kanilang gusali. Nakatingin ang lahat sa babaeng napakagganda at tila aakalain mong dyosa kung ikukumpara mo sa mga babaeng di png karaniwan.. Nakasuot ng puting damit at desenteng disente. Nakaayos at may dalawang body gurd na kasama.. Mayaman din ang babae at isa siya sa anak ng isa sa mga buissness partner ni Jerome. Lumapit ito kay Justine at nag tanong.
-Nasaan ang ceo niyo dito?.'' malupit na tanong ng babae''
Kinakabahan si Justine dahil kakaiba ang kilos ng babae at tila hindi gagawa ng maganda.
-Ah,..ano,,, ahh,, ano po kase, ''nauutal na sagot ni Jerome''
-ANO?,,''pagalit na sabi ng babae,''
-Ano wala pa ang boss namin dito..''paliwanag niya dito''
-tawagan mo siya at pumasok ng maaga kung hindi ako mismo ang pupunta sa kanya..''pananakot ng babae''
Nag madali si Justine sa pag tawag sa kanyang kaibigan dahil sa takot nalang nito sa babaeng nasa harapan niya. Kinakabahan at takot na takot si Justine sa babae.. Nangangatog habang dinadial ang number ng kanyang kaibigan. Nang makontak niya ang binata ay agad nitong sinabi na ang chairwoman ay nasa kumpanya at galit na iniintay siya. Nag mamadali ang binata ng malaman niya ang balita na galing sa kanyang sekretarya.
-Ano na naman kaya ang ginagawa doon ni mama..'' bulong nito sa kanyang sarili.''
Si Chairwoman ang ina ni Jerome na matindi pa sa lion kung magalit kaya naman kinatatakutan ito ng lahat dahil isang pag kakamali mo lamang ay wala kanang second chance pa.. Kaya kung gusto mo mag tagal sa ganitong kumpanya ay kailangan pino ang kilos mo at wala kang pag kakamali na gagawin habang nasa puder ka ng kanilang kumpanya. Nang makarating si Jerome sa kanilang kumpanya ay inaabangan siya ng kanyang sekretarya sa pinto pala mang.
-Nasan si mama..''tanong nito kay Justine''
-Bakit ngayon kalang.. Kung hindi pa dadating ang chairwoman ay wala ka yatang balak pang pumasok..''paliwanag sa kanya ni Justine..''
-Oo nga ii,, ansaraap kaya maatulog. ''biro pa nito''
dali dali silang umakyat sa opisina nito at nang makapasok sila sa opisina ay nakita nila na nakaupo ang chairwoman sa kanyang opisina. pag pasok nito ay binato si Jerome ng Chairwoman ng isang Frame...
-MAAAAA...''sigaw nito sa kanyang ia..''
-Bakit ngayon kalang damuho ka..'' galit nitong sabi sa anak sabay bato pa uli ng isang malaking frame..''
Parang bata si Jerome na nag tatakbo sa loob ng kanyang opsina dahil hinahabol siya ng kanyang ina para lang batuhin ng kung ano ang kanyang mahawakan. Samantalang ang tao naman sa labas na kaopisina nila ay nakatingin lamang sa labas ng opis at pinapanood ang kanilang pag babatuhan sa loob.
-Mag sibalik na kayo sa inyong mga trabaho..'' ang sabi ni Justine habang nakikinod din sa kung ano ang nangyayari sa loob..''
Nang kumalma na ang dalawa ay naupo na ang chairwoman sa isang soffa at..
-Jerome kailan kaba matututong pumasok ng maaga.. ''ang tanong sa kanya ng kanyang ina..'' Sinisilip ka ng ibang investor at bordmember. ''dugtong pa nito..''
-Ma, Yung pag hahabulan natin dito yun lang dahilan mo..'' nakangiti nitong tugon sa kanya ina''
-Wala kang alam, hindi mo alam na nag memeeting sila para sa iyong dismisal..'' paliwang ng chairwoman''
Biglang naging seryoso ang muka ng binata ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ina.
-ANO?, dismisal.. dahil lang doon tatanggalin nila ako bilan Ceo ng sarili kong kumpanya.'' paliwanang nito''
-oo, dahil ang iniisip ng lahat ay hindi ka seryoso sa posisyong ibinigay ko sa iyo..'' paliwanag nito..''
-Hindi nila pwedeng gawin yon..
-Wala tayong magagawa kapag sila na ang nag desisyon anak, Kaya kung ayaw mong mawala ang posisyon sayo ay umayos ka at umasta bilang ceo ng ating kumpanya.
Matapos ang pag uusap ng dalawa, bago umalis ang chairwoman ay binigyan niya ang anak ng pangaral para pag isipan ang kanyang ginagawa bago pa mahuli ang lahat.
----------------------------------------------------
Dahil sa laki ng kanilang kumpanya ay hindi maiiwasan ang may umangkin dito lalo na pag dating sa kanilang pamilya at isa na nga dito ay ang kanyang uncle na may anak din naman na kasing edad niya na ganid din pag dating sa angking yaman ng kanilang pamilya.
-Lance nagawa mo ba ang mga pinapagawa ko?'' tanong ng ama ni Lance..''
-Opo, nasa Chairwoman na ang lahat ng warning na ginawa ng mga bord para sa late ng ceo, Warning sign palang naman ang ginawa ko para sa kanyang dismisal dahil masyado namang halata kapag binigla ko ang ganito.. malalaman agad ng chairwoman na pakana natin ang lahat para sa kanyang anak.. mahirap din kalaban ang chairwoman papa..'' mahabang paliwanag sa kanya ng kanyag anak.
Yang ang pag uusap ng uncle ni Jerome na si Bernard at anak nito na si Lance. Si Lance ay may magandang posisyon din pag dating sa kumpanya dahilan sa anak nga din ito ng kanyang tiyuhin. Si Lance ay co-ceo o vpresedent ng kumpanya samantalang si Bernard naman na ama nito ay isa sa mga bordmember ng kumpanya.
-----------------------------------------------------
Umuwing mag isa si Jerome at deretsyong pumunta sa bar, uminom mag isa at...
-Hindi nila pwedeng kunin sa akin ang matagal nang pinaghirapan ng aking papa..'' ang bulong nito sa kanyang sarili habang may kaunt pa lang na naiinom.'
May naalala siya habang tinitingnan ang kanyang cellphone.. Nakita niya ang palitan nila ng mensahe ni Steaven kaya naman tinawagan niya ito para ayaing mag inom kung may oras ito. Tinawagan niya ang lalaki at sinabing...
-Bussy kaba?'' tanong ni Jerome kay Steaven''
-Hindi naman, may Problema ba?? ''tanong nito''
-Andito ako sa bar, umiinom mag isa baka gusto mo akong samahan.'' tanong nito''
Napaisip ang binata kung bakit sa ganitong oras ay nasa inuman si Jerome..
- May problema ba? ''tanong nito''
-Kailangan ba may problema kapag iinom ka? ..''sagot nito na medyo may tama na ng alak..''
-''bumuntong hininga si Steaven bago ito nakasagot sa kanya''.. sige.. text mo ko kung nasaan ka...
-ok ok,,, ang sabi nalang ni Jerome sa kanya..''