webnovel

First Kiss

First Kiss

Nag punta naman agad si Steaven sa bar na binigay ni Jerome na address. Nang makarating ito, Nakita niya si Jerome na may tama na ng alak..umupo nalang ito sa tabi niya at..

-Anong meron,? napapadalas ata ang pag iinom natin ahh.. ''ang wika niya kay Jerome,''

-''nagulat naman ang binata dahil sa pag kakasalita niya.'' Ohh ikaw pala.. halikat samahan mo ako.. iinom tayo hanggat gusto ko tapos ako na ang bahala sa bill naten.. ''ang muling tugon ni Jerome sa kanya.

-Ano bang problema mo??..''tanong nito sa binata''

Hindi naman niya na makausap ng maayos ang binata dahil sa lasing na nga ito. Inisip nalang niya na ihatid nalang ito sa kanyang bahay ngunit hindi niya alam ang address ng bahay nito kaya tinawagan niya ang sekretarya nito. Kinuha niya sa bulsa nito ang cellphone nito pag katapos ay idinial ang number ng kanyang sekretarya.

-Hello, ako nga pala si Steaven..'' ang sagot ni Steaven kay Justine''

Nagulat naman si Justine dahil iba ang boses na kanyang nadinig mula sa kabilang linya.

-Ahhh..'' gulat nito'' bakit ikaw ang sumagot.. ano naman ang nangyari sa kanya??,, ''tanong ni Justine kay Steaven''

-Ahh, yan din nga ang itatanong ko sa iyo sana, bakit na naman siya nag iinom.. anong problem niya, mukang napapadalas ang kanyang pag labas ahh!!.. ''tanong ni Steaven kay Justine''

-Hindi ko din alam, ang alam ko lang kase, kausap niya kanina ang Chairwoman at pag katapos non ay hindi ko na siya nakita na umuwi kanina.. ''paliwanag nito''

-Ahh ganun ba?. pwede kabang pumunta dito.. lasing na siya hindi ko alam kung san ang kanyang bahay eh!.'' paliwanag ni Steaven kay Justine''

-Hindi pa ako pwede andito ako ngayon sa Laguna, may ka meeting ako.. ikaw nalang muna ang bahala sa kanya.. itetext ko nalang ang address niya..''paliwanag nito''

-Ahh sige,''tugon naman nito.''

Madali namang agad na bnigay ni Justine ang address ng kanyang boss dahil nga hindi niya ito masasamahan pauwi ay, tiwala na ito kay Steaven dahilan nga na buissness partner naman ang dalawa lalo nat alam nito n malapit ang kanyang boss dito. Nang makuha ni Steaven ang address ay agad na tinawag nito ang waitress at saka hiningi ang bill ni Jerome para sa kanyang nainom.

-Waitress.. ''sigaw nito''

Agad naman na lumapit ang babae dala ang bill na nainom na alak ng binata matapos itong senyasan ni Steaven ng bill. Iniabot ng babae ang isang papel na nag lalaman ng presyo ng alak. Nagulat ang binata sa bill ni Jerome dahil sa laki ng bill nito.

-Aha.. ang lakas mo palang uminom.. ''bulong nitong biro sa sarili habang umi iling iling pa.

Nang makapag bayad ang binata ay agad na niyang inalalayan si Jerome na lumabas ng bar at akayin papunta sa kanyang kotse. Pag kasakay nito sa kotse aabutin na sana niya ang seatbelt para lagyan si Jerome ng mapatitig ito sa muka ng binata ng malapitan, Nakita niya ang muka nito na kahit namumula ng dahil sa alak ay napansin niyang gwapo parin ito, gwapo na cute pa. Maputi at mapula ang mga labi, matangos ang ilong.. Nang gigigil na si Steaven sa muka nito na tila gusto niyang lapatan ng kanyang labi ang mapupulang labi ni Jerome. Nakatitig parin ito sa muka nito.. Kitang kita niya talaga niya ang kagwapuhan nito. Halos isang inchess nalang ang lapit niya sa muka nito. Kung titingnan mo sa pelikula ay kikiligin ka sa ekxena ng dalawa dahil sa makikita mong posisyon nila. Habang malapit ang muka ng binata sa muka ni Jerome ay gumalaw ito dahil sa naiipit na ni Steaven ang katawan nito at sa hindi inaasahan ay nabinyagan ang kanyang birheng labi ng dahil sa hindi inaasahan pag galaw ni Jerome ay Lumapat ang kanilang labi sa isat isa. Napadilat ng malaki ang mata ni Steaven Dahil hindi niya inaasahan ang nangyaring iyon. Samantalang wala namang alam si Jerome sa nangyari dahil sa nakapikit parin ito ng gumalaw ng dahil sa kalasingan nito. Nananatili paring nakadikit ang kanilang mga labi. ng sandaling iyon ay may kumakatok na pala sa bintana ng kanyang sasakyan dahilan para maawat sila sa ganoong eksena. Madilim ang kulay ng bintana kaya naman hindi halata kung may tao man sa loob ng sasakyan.. Hagya namang bumalikwas si Steaven dahil sa kumakatok sa labas ng kanyang sasakyan..

-Sir, maari na po kayong umabante,.. ''aang wika ng isang security guard sa kanya''

-ahh, sige po.. ang tugon naman ni Steaven sa lalaking kausap niya sa labas ng kanyang kotse.

Agad namang nag maneho na si Steaven patungo sa bahay ni Jerome paraa ihatid ito, Iniwanan nalang niya ng sticker note ang sasakyan ni Jerome para walang gumalaw nito habang wala ang taong may ari nito na si Jerome. nang makarating na sila sa bahay ni Jerome ay pumasok na ito at inihiga muna niya si Jerome sa soffa nito at saka kumuha ng maligamgam na tubig para linisan ang katawan ng lalaking nakahiga at nakaratay ang katawan na nakahaya sa kanya. Muli na namang bumalik sa ala ala niya ang nangyari sa kanila kanina na napalunok siya ng laway dahil sa nakita nitong nakabulantang na katawaan ni Jerome sa kanyang harapan matapos niya itong hubaran para linisan dahil sa amoy alak sa katawan nito. Makikita ang katawan ni Jerome na may malamonay na abbs, malaking pangagatawan at sakto lamang sa isang lalaking kagaya ni Jerome,maputi at may mangilan ngilang buhok sa may ibabang bahagi ng tiyan nito papunta sa bahagi na natatakpan ng kanyang pantalon. Lalong napalunok ng laway si Steaven sa kanyang napansin dahil sa bandang ibaba ay nakabukol ang tinatago nitong pag kalalake na alam niyang may ipag mamalaki dahil sa pag kakabakat nito. Nag iinit ang eksena ng sandaling iyon kaya naman bago pa siya makagawa ng hindi maganda ay tumalikod ito at lumabas para mag pahangin. Sa labas naman nag pa kalma ang binata dahil sa kanyang nakikita.

-Steaven.. Staeven.. kumalma ka.. hindi pa ito ang tamang panahon.. kailangan mo munang kumalma at kunin ang kanyang tiwala.. wag mong sirain ang pag kakataong binigay sa iyo ng pag kakataon. '' ang bulong nito sa kanyang sarili na tila balisa''

Matapos mag pahinga at mag pahulas ng init ng nararamdaman ay saka ito bumalik sa loob at saka nilinisan ang katawang nakahaya sa kanya. Para mapag tagumpayan niya ang eksenang ito ay tinakpan niya ng kumot ang binata at saka ginawa ang pag lilinis sa katawan nito. Matagumpay naman niyang nagawa ang pag lilinis sa katawaan nito. Matapos iyon ay iniayos nalang niya ng higa ang binata at saka ng iwan ng note para paalalahanan ang binata na siya ang nag hatid dito at umalis na.

NOTE:

Umalis na ako.. nag iwan ako ng maiinom mo, lasing kana at tulog na tulog kaya hindi na kita ginising para mag paalam.

=Steaven=

次の章へ