webnovel

Chapter 8

Umattend pa rin ako ng klase para makabawi naman sa mga absentees ko ng dalawang araw.

Natapos na rin ang huling subject namin makakauwi na rin ako sobrang lutang ng isip ko ngayon na halos wala akong naisagot na tama sa klase kanina.

Hindi ko rin maiwasan isipin ang nangyari kanina sa pag uusap namin ni Jv masyado ata ako nagmatigas sa kanya ayoko lang naman masira kung anong meron kami.

Simula mag start ang klase hindi kami nagpapansinan ni Jv I know nasaktan ko sya pero hindi ko lang alam ang gagawin ko ayoko sumagal.

"Ivy Ok ka lang ba? Pansin namin kanina lutang ka" sabi ni Mikko

"Oo nga hindi ka naman ganyan dati. Tapos tulala ka pa kanina may problema ba?" sabat naman ni Alvin

"Tapos kapag sasagot sa prof mali-mali pa sagot mo eh dati naman ikaw lagi nag sta-stand out sa klase" sumabat na rin si Alvin

"A-ah may iniisip lang ako hayaan nyo bawi ako next time" sagot ko sa kanila

"Parehas kayo ni Jv wala sa sarili kung may problema kayong dalawa pag usapan nyo para maayos agad mag bestfriend pa naman kayo. Pano una na kami" payo ni Allan saka sila umalis na tatlo.

Nagpaalam na rin ako sa kanila at napansin pala nila ang pagiging lutang namin. Pati rin pala si Jv hindi rin concentrated sa klase.

Sino ba naman gaganahan sa klase kung bago pa mag start ang klase nagkasagutan kayo worst mag bestfriend pa kayo hays hindi ko na alam ang gagawin ko.

Minessage ko si Mikko na hindi ako makakasabay sa kanila kumain sa labas hindi sa ayaw ko sila kausap pero ayoko lang maging awkward ang saamin ni Jv. Nag dahilan na lang ako sa kanya na marami akong gagawin dahil rin sa pagka absent ko nung dalawang araw.

Labasan na rin kaya napag desisyunan kong umuwi na lang kailangan ko ayusin ang sarili ko at ang isip ko.

Andito na ako sa parking lot ng makarinig ako ng sigaw na tinatawag ang pangalan ko nilingon ko iyon.

"Ate Ivy!" sigaw ni Gaile huminga muna sya ng malalim saka nya ako hinarap "Ate magka away ba kayo ni kuya? Kasi hindi sya ok eh"

Tingnan ko sya sa mga mata nya at kitang kita sa mga iyon ang pag aalala. Sobrang gusto nya maging masaya kaming dalawa ng kuya nya pero pano mang yayari yun kung parehas kami hindi sigurado?

"Gaile hindi ko na alam ang gagawin ko importante sa akin ang pagkakaibigan namin ni Jv pero hindi ko na alam gagawin sa kanya" pag amin ko sa kanya.

"Ate kung ano man nasabi sayo ni kuya kanina lahat yon totoo kilala mo naman si kuya diba?

"Oo naniniwala naman ako kaso Gaile sa tagal namin magkaibigan mas napanatag ako don. Oo aminin ko gusto ko na sya noon pa pero mas importante sa akin friendship namin" naramdaman kong basa na ang mga mata ko.

"A-ate Ivy naiintindihan kita pero sana mas magkalinawagan pa kayo ni Kuya ang alam ko pupunta sila sa bar mamaya nila kuya Allan hindi na ako sumama sa kanila pero pinabantayan ko sila kung sakaling may gawin si kuya Jv sabi ko kay Mikko ikaw ang tawagan"

"A-ah ganon ba? Pero Gaile salamat kasi naiintindihan mo ako" saka ko sya niyakap at niyakap nya naman ako pabalik.

"Ah basta ate support ko kayo ni Kuya Jv mas gusto kita para sa kuya ko kesa sa mga nagiging ex niya"

"Baliw ka talaga"

Napangiti ako sa mga sinasabi nya hindi ko akalain na ganito sya kasupportive sa amin.

Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Gaile nauna na syang umalis kasi may pupuntahan pa daw sya at nagsimula na rin ako magmaneho pauwi sa amin.

Nakarating rin ako dito sa bahay at dumeretsyo ako sa kwarto ko pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa sa school.

Nakaramdam ako ng matinding antok kanina at hindi ko na malayan ang oras. Tumingin ako sa wall clock ko at 7pm na wala pa rin akong kain simula nang umuwi ako kanina. Nakauniform pa rin ako.

Chineck ko agad ang phone ko kung may tawag or text si Mikko pero wala ni isa. Siguro wala naman masamang nangyari sa kanila sa Bar lalo na kay Jv.

Nagpalit na rin ako ng damit ko ng pantulog at bumaba na ako para kumain nakaramdam ako ng gutom bigla. Napahaba ang tulog ko kaya hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako ulit.

Hindi maalis sa isipan ko si Jv masyado na syang magulo sa isipan ko hindi ko alam kung dahil sa Guilt ito o dahil sa konsensyang nasaktan ko sya na pati pagiging mag bestfriend namin nadamay.

Tulog na ata si Manang Gine kasi patay na ang ilaw sa salas sabagay gabi na rin at buti na lang pinagtabi ako ni Manang Gine ng kakainin ngayong gabi. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dumeretsyo na ulit sa kwarto ko.

Hindi ako mapakali maya't - maya ang check ko sa phone ko kasi iniintay ko ang message ni Mikko kung may nangyari na ba sa kanila doon gusto kong unahan si mikko sa pag message pero tila may pumipigil sa akin na wag ko gawin iyon.

In the first place hindi nila alam na alam kong pupunta sila sa Bar. Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip ang mangyayari at maaring mangyari pa sa amin ni Jv.

Humiga na ako ulit sa kama ko at nag simula na mag muni-muni gusto kong kausapin si Jv at i-clear sa kanya ang lahat na hindi ko intensyon na masaktan ko sya through words pero hindi ko alam paano ko gagawin iyon. Ayoko maging marupok sa harap nya lalo na at naamin ko kay Gaile na matagal ko nang gusto ang kuya nya. Ayokong itake as advantage iyon para lang mas mangibabaw ang pagkagusto namin sa isa't isa kesa sa pagiging mag bestfriend namin.

Mukhang wala na talagang mag me-message o tatawag sa akin kasi kung meron man handa ako sumugod agad-agad sa bar na yon at iiuwi ko dito si Jv kahit papaano naman may pake pa rin ako sa kanya.

次の章へ